Kidlat ng Silanganan | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV
Ang Kabanalan Ng Diyos (I)
Mayroon tayong ilang karagdagang pagsasama-sama sa awtoridad ng Diyos ngayon, at hindi natin pagsamahan ang tungkol sa pagkamatuwid ng Diyos sa ngayon. Ngayon pag-uusapan natin ang tungkol sa isang buong bagong paksa—ang kabanalan ng Diyos. Ang kabanalan ng Diyos ay iba pang anyo ng natatanging kakanyahan ng Diyos, kung kaya may malaking pangangailangan na pagsamahan ang paksang ito dito. Ang anyong ito ng diwa ng Diyos na aking pagsasamahan, kasama ang dalawang anyo na dati na nating pinag-usapan, ang matuwid na disposisyon ng Diyos at awtoridad ng Diyos—lahat ba iyon ay natatangi? (Oo.) Ang kabanalan ng Diyos ay natatangi rin, sa gayon ang batayan ng kaibahang ito, ang ugat ng kaibahang ito, ay ang tema para sa ating pagsasamahan ngayon. Nauunawaan ninyo ba? Ulitin pagkatapos Ko: ang natatanging diwa ng Diyos—ang kabanalan ng Diyos. (Ang natatanging diwa ng Diyos—ang kabanalan ng Diyos.) Ano ang pakiramdam niyo sa inyong mga puso matapos ulitin ang pariralang ito? Marahil ang ilan sa inyo ay may ilang pagdududa, at nagtatanong, “Bakit pagsasamahan ang kabanalan ng Diyos?” Huwag kayong mag-aalala, dahan-dahan kong ipapaliwanag ito sa inyo. Sa sandaling marinig ninyo ito malalaman ninyo kung bakit lubhang kinakailangan ito para sa Akin na pagsamahan ang paksang ito.
Una bigyan-kahulugan natin ang salitang “banal.” Gamit ang inyong pang-unawa at mula sa lahat ng inyong kaalaman na natutunan, ano ang inyong pagkaunawa sa kahulugan ng “banal”? Ipakahulugan ninyo ito para sa Akin. (Ang “banal” ay nangangahulugang walang dungis, walang katiwalian o mga bahid ng sangkatauhan. Lahat nang sinisinagan nito—pag-iisip man, pananalita o kilos, lahat ng ginagawa nito—ay ganap na positibo.) Napakainam. (Ang “banal” ay maka-Diyos, malinis, di-kayang saktan ng tao. Ito ay natatangi, ito ang likas na sagisag ng Diyos.) (Ang “banal” ay walang mantsa at isang anyo ng maka-Diyos, disposisyong hindi masasaktan ng tao.) Ito ay iyong pakahulugan, hindi ba? Sa puso ng bawat tao, ang salitang ito na “banal” ay may saklaw, isang pakahulugan at isang interpretasyon. Sa pinakamababa, kapag nakita mo ang salitang “banal” ang inyong mga isip ay hindi hungkag. Mayroon kang tiyak na tinukoy na saklaw para sa salitang ito, at ang interpretasyon ng ilang tao sa kahulugang ito ay malapit sa paggamit ng salitang ito na magbibigay kahulugan sa diwa ng disposisyon ng Diyos. Ito ay napakainam. Karamihan sa mga tao ay naniniwala sa salitang “banal” na isang positibo, at ito’y maaaring mapatunayan. Subalit ang kabanalan ng Diyos na nais kong ibahagi ngayon ay hindi man lamang mabibigyang kahulugan, ni maipapaliwanag man lamang. Sa halip, gagamit ako ng ilang mga katunayan para sa pagtitiyak upang hayaan ka na makita kung bakit sinasabi ko na ang Diyos ay banal, at kung bakit ginagamit ko ang salitang “banal” upang isalarawan ang diwa ng Diyos. Sa oras na matapos ang ating pagsasamahan, mararamdaman mo na ang paggamit ng salitang “banal” upang bigyan-kahulugan ang diwa ng Diyos at ang paggamit ng salitang ito upang tukuyin ang Diyos ay parehong karapat-dapat at pinaka-angkop. Sa pinakamababa, at kasing layo ng patutunguhan ng kasalukuyang mga wika ng tao, ang paggamit ng salitang ito upang tukuyin ang Diyos ay lubusang naaangkop—ito lamang ang salita sa wika ng tao na pinaka-angkop upang tumukoy sa Diyos. Hindi ito isang hungkag na salita kapag ginamit upang tukuyin ang Diyos, ni hindi rin ito pagpupuri nang walang dahilan o isang hungkag na papuri. Ang layunin ng ating pagsasamahan ay upang hayaan ang bawat tao na makilala ang katotohanan sa pag-iral ng anyong ito ng kakanyahan ng Diyos. Hindi takot ang Diyos sa pagkaunawa ng mga tao, tanging ang kanilang hindi pagkaunawa lamang. Nais ng Diyos para sa bawat tao na makilala ang Kanyang diwa at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kaya sa bawat oras na binabanggit natin ang anyo ng kakanyahan ng Diyos, maaari tayong makapagsabi ng maraming mga katunayan upang hayaan ang mga tao na makita na ang anyong ito ng diwa ng Diyos ay tunay na umiiral at pareho itong lubhang tunay at napakatotoo.
Ngayon na mayroon na tayong kahulugan ng salitang “banal,” kumuha tayo ng ilang mga halimbawa. Sa mga idea na mayroon ang mga tao, madali para sa kanila ang gunigunihin ang maraming “banal” na mga bagay at mga tao. Halimbawa, ang mga birheng mga lalaki at mga babae ba ay binigyan-katuturan ba bilang banal sa mga diksyonaryo ng sangkatauhan? Sila ba’y talagang banal? (Hindi.) Ito ba ang tinatawag na “banal” at ang “banal” na nais nating pagsamahan ngayon ay iisa at pareho? (Hindi.) Kung titingnan yaong mga taong may matatas na pag-uugali, na may pino at may pinag-aralang pananalita, na kailanma’y hindi nakapanakit kaninuman, silang, kapag sila’y nagsalita, pinapanatag ang loob ng iba at nakalulugod—sila ba’y banal? Ang mga iskolar at mga ginoo na tagasunod ni Confucius na may mataas na mga pag-uugali, pino kapwa sa salita at gawa—sila ba’y banal? Yaong mga palaging gumagawa ng kabutihan, mga mapagkawanggawa at nagbibigay ng malaking tulong sa iba, yaong mga nagdadala ng malaking kasiyahan sa mga buhay ng tao—sila ba’y banal? (Hindi.) Yaon bang hindi nagkikimkim ng mga makasariling pag-iisip tungkol sa ibang tao, na hindi naglalagay nang malulupit na mga hinihingi sa iba, na nagpaparaya kaninuman—sila ba’y banal? Yaon bang kailanma’y hindi nagkaroon ng pakikipagtalo kaninuman ni kailanma’y sinamantala ang sinuman—sila ba’y banal? Sa gayon yaong mga gumagawa para sa kabutihan ng iba, na nagbibigay-pakinabang sa iba at nagdadala ng magandang aral sa iba sa bawat paraan—sila ba’y banal? Yaong mga namimigay sa iba ng lahat ng kanilang pinag-ipunan sa buhay at namumuhay ng isang payak na pamumuhay, na mahigpit sa kanilang mga sarili ngunit maluwag ang pakikitungo sa iba—sila ba’y banal? (Hindi.) Alalahanin ninyo na ang inyong mga ina ay nag-aruga sa inyo at kumalinga sa inyo sa bawat naiisip na paraan—sila ba’y banal? Ang mga idolong minamahal ninyo, maging sila man ay mga tanyag ng mga tao, mga bituin o dakilang mga tao—sila ba’y mga banal? (Hindi.) Ang lahat ng mga ito ay tiyak. Tingnan natin ngayon ang mga propeta sa Biblia na nakapagsabi ng hinaharap na kaila sa mga maraming tao—ang ganitong uri ba ng tao ay banal? Ang mga taong nakapagtala ng mga salita ng Diyos at mga katunayan ng Kanyang gawain sa Biblia—sila ba’y mga banal? (Hindi.) Si Moises ba ay banal? Si Abraham ba ay banal? Si Job ba? (Hindi.) Bakit mo sinasabi ito? (Ang salitang “banal” ay maaari lamang tumukoy sa Diyos.) Si Job ay tinawag ng Diyos na matuwid na tao, sa gayon bakit pati siya ay hindi maaaring masabing banal? Nakakaramdam na kayo ng ilang pangamba dito, hindi ba? Ang mga tao bang may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan tunay na hindi banal? Sila ba o hindi? (Hindi.) Ang inyong sagot ay negatibo, hindi ba? Sa gayon saan nakabatay ang inyong negatibong sagot? (Ang Diyos ay natatangi.) Ito ay isang batayan na magaling ang pagkatatag; isang napakahusay na batayan talaga! Natutuklasan ko na mayroon kayong isang malaking kakayanan na madaling makaunawa at gamitin ang inyong natutunan, at na lahat kayo ay may ganitong natatanging kasanayan. Kayo ay medyo naguguluhan, hindi gaanong nakatitiyak, at hindi kayo nangangahas na magsabi ng “Hindi,” subalit ni hindi rin kayo nangangahas na magsabi ng “Oo,” sa gayon napipilitan kayong magsabi ng “Hindi.” Hayaan ninyo Akong magtanong ng ibang katanungan. Ang mga sugo ng Diyos—ang mga sugo ng Diyos na pinapadala sa lupa—sila ba ay banal? (Hindi.) Maingat ninyong pag-isipan. Ibigay ninyo ang inyong sagot matapos ninyong mapag-isipan ito. Ang mga anghel ba ay banal? (Hindi.) Ang sangkatauhan na hindi nasira ni Satanas—sila ba ay banal? (Hindi.) Ang lahat ng sagot ninyo sa bawat tanong ay “Hindi”. Sa anong batayan? Ang pinaka-parirala ba na kababanggit ko lang ngayon ang dahilan ng inyong pagsabi ng “Hindi”? Nalilito kayo, hindi ba? Sa gayon bakit pati mga anghel ay hindi masasabing banal? Nakakaramdam kayo ng pagkabagabag dito, hindi ba? Samakatwid maaari mo bang matuklasan sa anong batayan ang mga tao, mga bagay o mga di-nilikhang mga nilalang na ating nabanggit ay hindi banal? Nakatitiyak ako na hindi ninyo magagawa, tama? Sa gayon ang inyo bang pagsabi ng “Hindi” samakatwid ay may maliit na pagka-iresponsable? Hindi kaya sumasagot kayo nang walang paghahanda? May ilang mga tao ang nag-iisip: “Ikaw ay nagtatanong sa isang ganoong paraan, sa gayon tiyak na hindi ganoon.” Huwag basta sumagot nang walang paghahanda. Pagisipang mabuti kung ang sagot ay oo o hindi. Malalaman ninyo kapag pinagsamahan natin ang susunod na paksa kung bakit ito ay “Hindi.” Ibibigay ko sa inyo ang sagot maya-maya lang. Magbasa muna tayo ng ilan sa Biblia.
1. Atas ng Diyos na si Jehova sa Tao
(Gen 2:15-17) At kinuha ng Panginoong Dios ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan. At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.
2. Ang Panunulsol ng Ahas sa Babae
(Gen 3:1-5) Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan? At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami: Datapuwa’t sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo’y mamatay. At sinabi ng ahas sa babae, Maaaring hindi ka talaga mamamatay: Sapagka’t talastas ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.
Ang dalawang sipi na ito ay hango sa anong aklat sa Biblia? (Genesis.) Pamilyar ba kayong lahat sa dalawang siping ito? Ito ay naganap sa simula nang ang sangkatauhan ay unang nilikha; ito’y isang tunay na pangyayari. Una tingnan natin kung anong uri ng atas ang ibinigay ng Diyos na si Jehova kina Adan at Eba, pagkat ang laman ng atas na ito ay napakahalaga para sa ating paksa ngayon. “At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi....” Ipagpatuloy ang pagbasa ng sumusunod na sipi. (“Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.”) Ano ang atas ng Diyos sa tao na nilalaman ng siping ito? Una, sinasabi ng Diyos sa tao kung ano ang maaari niyang kainin, mga prutas ng iba’t-ibang mga puno. Walang panganib at walang lason, ang lahat ay maaaring kainin at kainin ayon sa naisin niya, na walang mga pag-aalinlangan. Ito ay isang bahagi. Ang ibang bahagi ay isang babala. Ang babalang ito ay nagsasabi sa tao na hindi niya maaaring kainin ang bunga mula sa anong puno? (Ang puno ng kaalaman ng kabutihan at kasamaan.) Hindi niya dapat kainin ang bunga mula sa puno ng kaalaman ng kabutihan at kasamaan. Ano ang mangyayari kapag ganoon ang ginawa niya? (Tiyak siyang mamamatay.) Sinabi ng Diyos sa tao: Kung kakainin mo tiyak kang mamamatay. Ang mga salita bang ito ay tapat? (Oo.) Kung sinabi sa iyo ito ng Diyos subalit hindi mo nauunawaan kung bakit, ituturing mo ba ito na isang alituntunin o isang utos na dapat sundin? Dapat itong sundin, hindi ba? Subalit makasunod man dito o hindi ang tao, ang mga salita ng Diyos ay maliwanag. Malinaw na sinabi ng Diyos sa tao kung ano ang maaari niyang kainin at ano ang hindi maaari, at kung ano ang mangyayari kung kakainin ang hindi niya dapat kainin. Nakikita mo ba ang anumang disposisyon ng Diyos sa maikling mga salita na winika Niya? Ang mga salita bang ito ng Diyos ay totoo? (Oo.) Mayroon bang anumang panlilinlang? (Wala.) Mayroon bang kasinungalingan? (Wala.) Mayroon bang anumang pananakot? (Wala.) Ang Diyos ay matapat, makatotohanan at taos sa pusong nagsabi sa tao kung ano ang maaari niyang kainin at ano ang hindi niya maaaring kainin, malinaw at payak. May natatago bang kahulugan sa mga salitang ito? Ang mga salita bang ito ay tapat? Ang kanilang kahulugan ay maliwanag sa isang tingin, mauunawaan mo pagkakita mo rito. Mayroon bang pangangailangan para maghaka-haka? (Wala.) Ang paghuhula ay hindi kinakailangan, tama? Ito ay kasing linaw na ng kristal. Sa isip ng Diyos, ang nais Niyang sabihin, ang nais Niyang ipahayag, ay nagmumula sa Kanyang puso. Ang mga bagay na ipinapahayag ng Diyos ay malinis, tapat at malinaw. Walang pailalim na mga layunin ni anumang natatagong mga kahulugan. Nagsalita Siya sa tao ng deretsahan, sinabi sa kanya kung ano ang maaaring kainin at ano ang hindi maaaring kainin. Na ibig sabihin, sa mga salitang ito ng Diyos maaaring makita ng tao na ang puso ng Diyos ay naaaninag, na ang puso ng Diyos ay totoo. Ganap na walang kasinungalingan dito, sinasabi sa iyo na hindi mo maaaring kainin ang nakakain o nagsasabi sa iyo na, “Gawin mo at tingnan mo kung ano ang mangyayari” sa mga bagay na hindi mo maaaring kainin. Ito ba ang pakahulugan Niya? (Hindi.) Hindi. Anuman ang iniisip ng Diyos sa Kanyang puso ang siyang sinasabi Niya. Kung sinasabi ko na ang Diyos ay banal sapagkat ipinapakita at inihahayag Niya ang Kanyang Sarili sa loob ng mga salitang ito sa ganitong paraan, maaari mong katiting na maramdaman na pinapalaki ko ang hindi naman dapat o na binatak ko nang medyo malayo ang Aking pakahulugan. Kung gayon, huwag mag-aalala, hindi pa tayo tapos.
Pag-usapan natin ang tungkol sa “Ang Panunulsol ng ahas sa Babae.” Sino ang ahas? (Si Satanas.) Si Satanas ay gumaganap ng papel na hadlang sa anim-na-libong-taon plano sa pamamahala ng Diyos, at isang papel na hindi natin maaaring makalimutang banggitin kapag pinagsasamahan natin ang kabanalan ng Diyos. Bakit ko sinasabi ito? (Sapagkat si Satanas ang kinatawan at arkitekto ng lahat ng madumi at tiwali.) Kung hindi mo alam ang katiwalian at kabulukan ni Satanas o ang kalikasan ni Satanas, sa gayon wala kang paraan na makilala ito, ni malaman mo kung ano talaga ang kabanalan. Sa pagkalito, naniniwala ang mga tao na ang ginagawa ni Satanas ay tama, sapagkat namumuhay sila sa ganitong uri ng tiwaling disposisyon. Kung walang hadlang, walang mapaghahambingan, hindi mo maaaring malaman kung ano ang kabanalan, kung kaya ang paksang ito ay dapat mabanggit dito. Hindi natin pinitas ang paksang ito mula sa manipis na hangin, subalit sa halip ay sa pamamagitan ng mga salita at mga gawang iyon makikita natin kung paano kumilos si Satanas, kung paano nito sinisira ang sangkatauhan, kung anong uri ng kalikasan mayroon ito at kung ano ang hitsura nito. Sa gayon ano ang sinabi ng babae sa ahas? Inulit ng babae sa ahas kung ano ang sinabi ng Diyos na si Jehova sa kanya. Batay sa kanyang sinabi, pinatunayan ba niya ang katumpakan ng lahat ng sinabi sa kanya ng Diyos? Hindi niya mapatunayan ito, hindi ba? Bilang isang tao na bago pa lang nilikha, wala siyang kakayanan na makita ang kabutihan sa kasamaan, ni wala rin siyang kakayahan na makilala ang anuman sa kanyang paligid. Ang mga salitang binigkas niya sa ahas ay nagsasabi sa atin na hindi niya mapatunayan ang mga salita ng Diyos bilang nagmula sa kanyang puso; siya ay may pagdududang ugali. Kaya nang makita ng ahas na ang babae ay walang tiyak na pag-uugali ukol sa mga salita ng Diyos, Maaaring hindi ka talaga mamamatay: Sapagka’t talastas ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.” May mali ba sa mga salitang ito? (Oo.) Ano ang mali? Basahin ang pangungusap. (“At sinabi ng ahas sa babae, Maaaring hindi ka talaga mamamatay: Sapagka’t talastas ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.”) Matapos ninyong mabasa ito, may nararamdaman ba kayo? Nang matapos ninyong basahin ang pangungusap na ito, nadama ba ninyo ang mga intensyon ng ahas? (Oo.) Anong mga intensyon mayroon ang ahas? (Upang tuksuhin ang tao na magkasala.) Nais nito na tuksuhin ang babae upang pigilan siya na sundin ang mga salita ng Diyos, ngunit sinabi ba niya ito nang tuwiran? (Hindi.) Hindi nito tuwirang sinabi, sa gayon maaari nating sabihin na ito ay napakatuso. Ipinapahayag nito ang kanyang kahulugan sa isang palihim at hindi tuwirang paraan upang makamit ang hinahangad na layuning itinatago nito sa tao na nasa sa loob ng sarili nito—ito ang katusuhan ng ahas. Si Satanas ay palaging nagsasalita at kumikilos sa ganitong paraan. Sinasabi nito na “hindi tiyak,” hindi pinapatunayan sa isa o ibang paraan. Subalit sa pagkarinig nito, ang mangmang na puso ba ng babae ay naantig? (Oo.) Nalugod ang ahas sapagkat ang mga salita niya ay nagkaroon nang hinangad na epekto—ito ang matusong intensyon ng ahas. At saka, sa inaasahang kalalabasan na pinaniwalaan ng tao na mabuti, sinulsulan nito ang babae, na ang sinasabi, “sa araw na kainin mo iyon, gayon ang iyong mga mata ay tiyak na mabubuksan.” Kaya ang babae ay nag-iisip: “Ang mabuksan ang aking mga mata ay isang mabuting bagay!” Ang ahas samakatwid ay nagwika nang mas mainam na mga salita, mga salitang di-kilala ng tao, mga salitang nagtataglay ng isang malaking kapangyarihan ng tukso sa mga nakakarinig ng mga ito: “at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.” Ang mga salita bang ito ay malakas na talagang nakakatukso sa kanya? (Oo.) Ito ay parang isang tao na nagsasabi sa iyo: “Ang iyong mukha ay kamangha-manghang hinubog. Medyo may kaunting kaiksian lang sa balingusan ng ilong, subalit kung maaayos mo iyan, ikaw ay magiging isang pandaigdigang kagandahan!” Para sa sinuman na kailanman ay hindi nagnais na magkaroon ng kosmetikong operasyon, maaantig kaya ang puso nila kapag narinig ang mga salitang ito? (Oo.) Sa gayon ang mga salita bang ito ay mapanulsol? Ang panunulsol bang ito ay nakakatukso sa iyo? Panunubok ba ito? (Oo.) Ang Diyos ba ay nagsasabi ng mga bagay na ganito? (Hindi.) Mayroon bang pahiwatig na ganito sa mga salita ng Diyos na tiningnan natin ngayon lang? (Hindi.) Bakit? Ang Diyos ba ay nagsasabi ng kung ano ang iniisip Niya sa Kanyang puso? Nakikita ba ng tao ang puso ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita? (Oo.) Subalit nang ang ahas ang nangusap ng mga salitang iyon sa babae, nakita ba ninyo ang puso nito? (Hindi.) At dahil sa kamangmangan ng tao, sila ay madaling masulsulan ng mga salita ng ahas, madali silang nabaluktot, madaling natangay. Sa gayon nakita mo ba ang mga intensyon ni Satanas? Nakita mo ba ang layunin sa likod nang sinabi nito? Nakita mo ba ang masamang balak at tusong pakana nito? (Hindi.) Anong uri ng disposisyon ang kinakatawan ng paraan ng pananalita ni Satanas? Anong uri ng diwa ang nakita mo kay Satanas sa pamamagitan ng mga salitang ito? (Kasamaan.) Kasamaan. Ito ba ay lihim na mapanira? Marahil sa ibabaw ito ay nakangiti sa iyo o hindi naghahayag nang kahit ano pa mang pagpapahayag. Subalit sa puso nito kinakalkula nito kung paano makamit ang layunin nito, at ang layuning ito ang hindi mo magawang makita. Ikaw sa gayon ay nasulsulan ng lahat ng mga pangako na ibinibigay nito sa iyo, lahat ng mga kapakinabangan na sinasabi nito. Nakikita mo ang mga iyon bilang mabuti, at nararamdaman mo na ang sinasabi nito ay mas kapaki-pakinabang, mas matibay kaysa sa sinasabi ng Diyos. Kapag nangyayari ito, sa gayon ang tao ba ay hindi nagiging isang masunuring bilanggo? (Oo.) Sa gayon ang mga paraan bang ito na ginagamit ni Satanas ay hindi ubod ng sama? Ikaw ay inilulubog nang mababa. Walang paggalaw ng isang daliri, sa dalawang pangungusap na ito nagawa mong sundin ito, nagawang tuparin ito. Ang layunin nito ay naabot. Hindi nga ba? (Oo.) Hindi ba ang intensyong ito ay masama? Hindi ba ito ang pinaka-pangunahing mukha ni Satanas? (Oo.) Mula sa mga salita ni Satanas, nakita ng tao ang masamang mga layunin nito, nakita ang nakakasindak na mukha at kakanyahan nito. Hindi ba tama iyon? (Oo.) Sa paghahambing sa mga pangungusap na ito, walang pagsusuri marahil mararamdaman mo na bagamat ang mga salita ni Jehova ay malamlam, karaniwan at palasak, na sila’y hindi karapat-dapat gawan ng kaguluhan tungkol sa pagpupuri sa katapatan ng Diyos. Kapag kinuha natin ang mga salita ni Satanas at ang nakakatakot na mukha nito at gamitin ang mga iyon bilang isang hadlang, gayunman, ang mga salita bang ito ng Diyos ay nagdadala ng gaanong bigat para sa mga tao sa kasalukuyan? (Oo.) Sa pamamagitan ng hadlang na ito, madadama ng tao ang dalisay na kawalang-kamalian ng Diyos. Tama ba ako sa pagsabi nito? (Oo.) Bawat salita na winiwika ni Satanas at mga layunin nito, mga intensyon at paraan ng pagsasalita nito—lahat ng mga ito ay nabantuan. Ano ang pangunahing tampok ng paraan nito ng pagsasalita? Gumagamit ito ng mga salita upang iligaw ang nakikinig upang tuksuhin ka nang hindi mo nakikita, ni hindi nito hinahayaan na mapag-isipan mo kung ano ang layunin nito; hinahayaan kang kunin ang pain, nang papurihan mo ito at awitin ang mga katangian nito. Ganoon ba ang kaso? (Oo.) Hindi ba ito ang palagiang plano ni Satanas? (Oo.) Tingnan natin ngayon kung ano pa ang ibang mga salita at pagpapahayag ni Satanas na hinahayaan ang tao na makita ang nakakatakot na mukha nito. Ipagpapatuloy natin ang pagbabasa ng ilan pa sa Biblia.
3. Ang Pag-uusap ni Satanas at ng Diyos na si Jehova
(Job 1:6-11) Isang araw nga nang ang mga anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo’y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan. Nang magkagayo’y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Dios? Hindi mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawa’t dako? iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain. Nguni’t pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon, at galawin mo ang lahat niyang tinatangkilik, at itatakuwil ka niya ng mukhaan.
(Job 2:1-5) Nangyari uli na sa araw nang pagparoon ng mga anak ng Dios upang magsiharap sa Panginoon, na nakiparoon din si Satanas, upang humarap sa Panginoon. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon. At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios, at humihiwalay sa kasamaan: at siya’y namamalagi sa kaniyang pagtatapat, bagaman ako’y kinilos mo laban sa kaniya, upang ilugmok siya ng walang kadahilanan. At si Satanas ay sumagot sa Panginoon, at nagsabi, Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay. Nguni’t pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman, at kaniyang itatakuwil ka ng mukhaan.
Ang dalawang siping ito ay ang pag-uusap ng Diyos at ni Satanas, at itinatala kung ano ang sinabi ng Diyos at kung ano ang sinabi ni Satanas. Marami bang sinabi ang Diyos? (Hindi.) Hindi Siya nagsalita ng marami, at nangusap nang napakasimple. Maaari ba nating makita ang kabanalan ng Diyos sa simpleng mga salita ng Diyos? May ilan na magsasabi “Hindi madali ito.” Sa gayon maaari ba nating makita ang pagkakilabot ni Satanas sa mga tugon nito? (Oo.) Kaya una muna nating tingnan kung anong uri ng tanong ang tinanong ng Diyos na si Jehova kay Satanas. (“Saan ka nanggaling?”) Ito ba’y tapat na tanong? (Oo.) Mayroon bang natatagong kahulugan? (Wala.) Ito ay isang tanong lamang, dalisay, walang ibang layunin. Kung tatanungin ko kayo: “Saan ka nanggaling?” Paano mo samakatwid sasagutin? Ito ba’y isang mahirap na tanong upang sagutin? Sasabihin mo bang: “Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon”? (Hindi.) Hindi ka sasagot ng ganito, sa gayon ano ang mararamdaman mo kapag nakita ninyo si Satanas na sumasagot sa ganitong paraan? (Nararamdaman namin na si Satanas ay walang katotohanan at mapanlinlang.) Ganito ba ang pakiramdam ninyo? Masasabi mo ba kung ano ang nararamdaman ko? Sa bawat oras na nakikita ko ang mga salitang ito naiinis ako. Naiinis ba kayo? (Oo.) Bakit naiinis? Sapagkat nagsasalita ito ng walang anumang sinasabi! Sinagot ba nito ang tanong ng Diyos? (Hindi.) Bakit? Ang mga salitang ito ay hindi isang kasagutan, ang mga iyon ay walang kinalabasan, tama? Ang mga iyon ay hindi kasagutan patungkol sa katanungan ng Diyos. “Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.” Sabihin mo sa Akin, nauunawaan mo ba ang mga salitang ito? Nauunawaan mo? Sa gayon saan sa mundo nanggaling si Satanas? Nakatanggap ka ba ng kasagutan kung saan ito nanggaling? (Hindi.) Ito ang “kaningningan” ng pagkatuso ni Satanas, ang hindi hayaan ang sinuman na matuklasan kung ano talaga ang sinasabi nito. Pagkadinig sa mga salitang ito hindi mo pa rin maaaring mabatid kung ano ang sinabi nito, datapwat natapos na nitong sumagot. Marahil naniniwala ito na nakasagot ito ng perpekto. Paano samakatwid ang iyong mararamdaman? Naiinis? (Oo.) Naiinis, tama? Ngayon magsisimula kang makaramdam ng inis sa mga salitang ito. Si Satanas ay hindi nagsasalita nang deretsahan, upang di-mo mahiwatigan ang isip nito o ang pinagmumulan ng mga salita nito. Nagngungusap ito nang sadya, matuso, at pinangingibabawan ng sariling kakanyahan nito, ng sariling kalikasan nito. Hindi isinaalang-alang ni Satanas ang mga salitang ito sa loob ng mahabang panahon; inihayag nito ang mga iyon nang natural. Sa sandaling tinanong mo ito kung saan ito nanggaling, gumagamit ito ng mga salitang ito upang sagutin ka. “Saan sa lupa nanggaling ito?” Nararamdaman mo ang sobrang pagkalito, kailanma’y hindi mo malalaman kung saan iyon nagmula. Mayroon ba sa inyo na nangungusap ng ganito? (Oo.) Anong uri ng paraan ang ganito magsalita? (Ito ay hindi maliwanag at hindi nagbibigay ng isang tiyak na sagot.) Anong uri ng mga salita ang dapat nating gamitin upang ilarawan ang ganitong paraan ng pananalita? Ito ay mapanlihis at mapanlinlang, hindi ba? May ilang mga tao na ganito ang pananalita. Tanungin mo ang sinuman: “Nakita kita kahapon. Saan ka papunta?” Hindi nila sasagutin nang deretsahan kung saan sila pumunta kahapon. Sinasabi nila, “Anong araw ang kahapon. Nakakapagod!” Sinagot ba nila ang tanong mo? Hindi iyon ang sagot na nais mo, hindi ba? Ito ang “kaningningan” ng lalang ng tao. Hindi mo kailanman matutuklasan kung ano ang kanilang pakahulugan o maiintindihan ang pinagmulan o intensyon sa likod ng kanilang mga salita. Hindi mo alam ang kanilang puso sapagkat sa puso nila may sarili silang kuwento—ito ay lihim na mapanira. Madalas ba kayong magsalita sa ganitong paraan? (Oo.) Ano samakatwid ang inyong layunin? Hindi kaya kung minsan ay upang protektahan ang inyong sariling mga kapakanan, minsan upang panatilihin ang inyong katayuan, inyong sariling imahe, panatilihin ang mga lihim ng inyong pribadong buhay, sagipin ang inyong sariling reputasyon? Anuman ang layunin, hindi ito maihihiwalay mula sa inyong mga kapakanan, nakadugtong sa inyong mga kapakanan, hindi ba? Ito ba ang kalikasan ng tao? (Oo.) Kaya hindi ba ang bawat isa na may ganitong uri ng kalikasan ay katulad ni Satanas? Maaari nating masabi ito, hindi ba? Sa pangkalahatang pananalita, ang paghahayag na ito ay kamuhi-muhi at kasuklam-suklam. Naiinis din kayo ngayon, hindi ba? (Oo.) Ito ang kumakatawan sa katusuhan at kasamaan ni Satanas.
Sa pagtingin muli sa unang sipi, tumugon muli si Satanas kay Jehova, sinasabing: “Takot ba si Job sa Diyos nang walang dahilan?” Nagsisimula itong atakihin ang pagtasa ni Jehova kay Job, at ang pag-atakeng ito ay nakukulayan ng pagkapoot. “Hindi mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawa’t dako?” Ito ang pagkakilala at pagtasa ni Satanas sa gawain ni Jehova kay Job. Tinatasa ito ni Satanas tulad nito, sinasabing: “iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain. Nguni’t pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon, at galawin mo ang lahat niyang tinatangkilik, at itatakuwil ka niya ng mukhaan,” Si Satanas ay palaging nagsasalita nang hindi maliwanag, subalit dito nagsasalita ito nang may katiyakan. Ang mga sinambit na salitang ito na may katiyakan ay isang pag-atake, isang kalapastangan-sa-Diyos at isang pakikipagtunggali sa Diyos na si Jehova, sa Diyos Mismo. Paano ang pakiramdam ninyo kapag nadidinig ninyo ito? Nakakaramdam ba kayo ng pag-ayaw? (Oo.) Nakikita ninyo ba ang mga intensiyon niyon? Una sa lahat, itinatatwa nito ang pagtasa ni Jehova kay Job—isang tao na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Samakatwid itinatatwa nito ang lahat-lahat na sinasabi ni Job at ginagawa dahil sa takot kay Jehova. Ito ba ay nagsasakdal? Si Satanas ay nagpaparatang, nagtatatwa at pinagdududahan ang lahat na ginagawa at sinasabi ni Jehova. Hindi ito naniniwala, sinasabing, “Kung Ikaw ay nagsasabi na ang mga bagay ay tulad ng ganito, bakit hindi ko nakikita ito? Binigyan Mo siya ng napakaraming mga biyaya, paanong hindi siya maaaring matakot sa Iyo?” Hindi ba ito ay pagtatwa sa lahat na ginagawa ng Diyos? Ang pagpaparatang, pagtatatwa, paglapastangan—ang mga salita nito ay hindi ba mapusok? Ang mga ito ba ay tunay na pagpapahayag ng kung ano ang iniisip ni Satanas sa kanyang puso? (Oo.) Ang mga salitang ito ay tiyakang hindi katulad ng mga salitang kababasa lang nating ngayon: “Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.” Sila ay ganap na kakaiba sa mga iyon. Sa pamamagitan ng mga salitang ito, ganap na inilalantad ni Satanas ang ugali ukol sa Diyos at ang pagkamuhi sa takot ni Job sa Diyos na taglay nito sa puso. Kapag ito ang nangyayari, ang pagkamahangarin-ng-masama at masamang kalikasan nito ay ganap na mailalantad. Kinamumuhian nito yaong mga may takot sa Diyos, kinamumuhian yaong mga umiiwas sa masama, at mas higit pa na kinamumuhian si Jehova dahil sa paggawad ng mga biyaya sa tao. Nais nitong gamitin ang pagkakataon upang sirain si Job na iniangat ng Diyos ng sarili Niyang kamay, upang sirain siya, nagsasabing: “Sinasabi Mo na may takot sa Iyo si Job at umiiwas sa masama. Kabaliktaran ang nakikita ko.” Ginagamit nito ang iba’t-ibang paraan upang udyukin at tuksuhin si Jehova, at gumagamit ng iba’t-ibang paraan nang sa gayon ibigay ng Diyos na si Jehova si Job kay Satanas upang walang pakundangan na manipulahin, saktan at hawakan. Nais nitong samantalahin ang pagkakataon na puksain ang taong ito na matuwid at perpekto sa mga mata ng Diyos. Ang pagkakaroon ba ng ganitong uri ng puso ay isang panandaliang bugso? Hindi, hindi ganoon. Matagal na itong isinasagawa. Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, tumitingin sa isang tao, at si Satanas ay sumusunod-sunod sa Kanyang bawat hakbang. Sinuman na pinapaboran ng Diyos, nagbabantay din si Satanas, tumutugaygay sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawin lahat ni Satanas ang nasa kapangyarihan nito upang hadlangan ang Diyos, gagamitin ang iba’t-ibang masasamang mga kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at pinsalain ang gawain ng Diyos upang kamtin ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na magkaroon ang Diyos ng sinuman; nais nito ang lahat ng yaon na nais ng Diyos, ang angkinin sila, kontrolin sila, pangasiwaan sila upang sambahin nila ito, sa gayon ay makakagawa sila ng mga masasamang gawa kasabay nito. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas? Karaniwan, madalas ninyong sabihin na si Satanas ay napakabuktot, napakasama, subalit nakita ninyo ba ito? Nakikita niyo lamang kung gaano kasama ang tao at hindi ninyo pa nakikita sa realidad kung gaano talaga kasama si Satanas. Subalit nakita ninyo ba ito sa usaping ito tungkol kay Job? (Oo.) Ang usaping ito ay ginawang napakaliwanag ang nakakatakot na mukha ni Satanas at ang diwa nito. Si Satanas ay nakikipag digmaan sa Diyos, sumusunod-sunod sa likuran Niya. Ang layunin nito ay buwagin ang lahat ng gawa na nais gawin ng Diyos, angkinin at kontrolin yaong mga nais ng Diyos, ganap na patayin yaong mga nais ng Diyos. Kung hindi sila mapapatay, samakatwid sila ay maaangkin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito. At ano ang gagawin ng Diyos? Ang Diyos ay nagsasabi lamang ng isang simpleng pangungusap sa siping ito; walang talaan ng anumang higit na ginawa ng Diyos, ngunit nakikita natin na may marami pang mga talaan nang kung ano ang ginagawa at sinasabi ni Satanas. Sa sipi ng Biblia sa ibaba, tinanong ni Jehova si Satanas, “Saan ka nagmula?” Ano ang sagot ni Satanas? (“Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.”) Ito pa rin ang pangungusap na iyon. Sabihin mo sa Akin, paano iyon naging kasabihan ni Satanas, obra maestra ni Satanas? Hindi ba nakamumuhi si Satanas? Ang pagsabi ng ganitong nakakainis na pangungusap ng isang beses ay sapat na. Bakit laging binabalikan ni Satanas ang pangungusap na ito? Ito ay nagpapatunay ng isang bagay: Ang kalikasan ni Satanas ay hindi nagbabago. Ang nakakatakot na mukha nito ay isang bagay na hindi maitatago nang matagalan. Tinatanong ito ng Diyos at sumasagot ito sa ganoong paraan, hayaan mo na kung paano nito tratuhin ang mga tao! Hindi ito natatakot sa Diyos, wala itong takot sa Diyos, at hindi ito sumusunod sa Diyos. Kaya nanganahas ito na maging walang-prinsipyong pangahas sa harap ng Diyos, ang gamitin ang mga ganitong parehong mga salita upang pagtakpan ang tanong ng Diyos, ang gamitin itong parehong sagot upang tumugon sa tanong ng Diyos, ang magtangka na gamitin ang sagot na ito upang lituhin ang Diyos—ito ang pangit na mukha ni Satanas. Hindi ito naniniwala sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi naniniwala sa awtoridad ng Diyos, at tiyak na hindi nahahandang sumunod sa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ito ay palaging salungat sa Diyos, palaging inaatake lahat nang ginagawa ng Diyos, sinusubukang gibain ang lahat ng ginagawa ng Diyos—ito ang masamang layunin nito.
Sa anim-na-libong-taon ng planong plano sa pamamahala ng Diyos, lalo na sa Aklat ni Job, ang dalawang siping ito na sinasabi ni Satanas at ang mga bagay na ginagawa ni Satanas ay kumakatawan sa paglaban nito sa Diyos. Maaari ba nating sabihin ito? (Oo.) Ito si Satanas na ipinapakita ang tunay na kulay nito. Nakita mo na ba ang mga gawa ni Satanas sa buhay na isinasabuhay natin ngayon? Kapag nakikita mo ang mga iyon, marahil hindi mo maiisip ang mga iyon na mga bagay na winika ni Satanas, sa halip ay iniisip mo na ang mga iyon ay mga bagay na winika ng tao, tama? Ano ang kinakatawan, kapag ang mga ganoong bagay ay winika ng tao? Si Satanas ay kinakatawan. Kahit na nakikilala mo ito, hindi mo pa rin maaaring maiisip na iyon ay talagang winika ni Satanas. Subalit dito at ngayon maliwanag na nakita mo kung ano ang sinabi mismo ni Satanas. Ikaw ngayon ay mayroong isang malinaw, singlinaw-ng-kristal na pagkaunawa sa nakakatakot na mukha at kasamaan ni Satanas. Kaya ang dalawang sipi bang ito na winika ni Satanas ay mahalaga para sa mga tao ngayon upang makilala ang kalikasan ni Satanas? Ang dalawang sipi bang ito ay mahalagang kolektahin upang ang sangkatauhan ngayon ay makilala ang nakakatakot na mukha ni Satanas, upang makilala ang orihinal, tunay na mukha ni Satanas? Bagaman ang pagsabi nito ay tila hindi napaka-angkop, ang pagpapahayag nito sa ganitong paraan ay maaari pa ring maisaalang-alang na tama. Maaari ko lamang ilagay sa ganitong paraan at kung inyong maaaring maunawaan ito, samakatwid ito ay sapat na. Muli’t-muli inaatake ni Satanas ang mga bagay na ginagawa ni Jehova, bumabato ng mga paratang tungkol sa takot ni Job sa Diyos na si Jehova. Tinatangka nito na udyukin si Jehova sa iba’t-ibang mga paraan upang makuha si Jehova na payagan itong tuksuhin si Job. Ang mga salita nito ay samakatwid lubhang nakakagalit. Kaya sabihin mo sa Akin, sa sandaling masabi ni Satanas ang mga salitang ito, maaari bang malinaw na makita ng Diyos kung ano ang nais na gawin ni Satanas? (Oo.) Nauunawaan ba ng Diyos kung ano ang nais nitong gawin? (Oo.) Sa puso ng Diyos, ang taong ito na si Job na tinutunghayan ng Diyos—ang lingkod na ito ng Diyos, na ipinapalagay ng Diyos na isang matuwid na tao, isang perpektong tao—maaari kayang mapaglabanan ang ganitong uri ng tukso? (Oo.) Bakit sinabi ng Diyos na “Oo” nang may ganoong katiyakan? Ang Diyos ba ay palaging sinusuri ang mga puso ng tao? (Oo.) Sa gayon si Satanas ba ay nakakasuri ng mga puso ng tao? (Hindi.) Si Satanas ay hindi. Kahit na maaaring makita Satanas na ang tao ay may pusong may-takot-sa-Diyos, ang masamang kalikasan nito ay di-maaari kailanman maniwala na ang kabanalan ay kabanalan, o na ang nakaririmarim ay nakaririmarim. Ang masamang si Satanas ay di-maaaring kailanman pahalagahan ang anuman na banal, matuwid o maliwanag. Si Satanas ay hindi maaaring mapigilan na hindi makapanakit na kumilos sa pamamagitan ng kalikasan nito, kasamaan nito, at sa pamamagitan ng mga paraang ito na ginagamit nito. Kahit na maparusahan o mapuksa ng Diyos, hindi ito nag-aatubili na mahigpit na tutulan ang Diyos—ito ay kasamaan, ito ang kalikasan ni Satanas. Kung kaya sa sipi na ito, sinasabi ni Satanas: “Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kaniyang buhay. Nguni’t pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kaniyang buto at ang kaniyang laman, at kaniyang itatakuwil ka ng mukhaan.” Ano ang iniisip nito? Ang takot ng tao sa Diyos ay dahilan sa nakamit ng tao ang napakaraming mga pakinabang mula sa Diyos. Ang tao ay nagkakamit ng mga pakinabang mula sa Diyos, kung kaya sinasabi nila na ang Diyos ay mabuti. Subalit hindi ito dahil sa ang Diyos ay mabuti, ito ay dahil lamang sa ang tao ay nagkakamit ng napakaraming mga pakinabang na maaari niyang katakutan ang Diyos sa ganitong paraan: Sa sandaling alisan mo siya ng mga pakinabang na ito, samakatwid Ikaw ay kanyang lilisanin. Sa masamang kalikasan nito, si Satanas ay hindi naniniwala na ang puso ng tao ay maaaring tunay na matakot sa Diyos. Bakit? Dahilan sa masamang kalikasan nito hindi nito alam kung ano ang kabanalan lalo na ang malaman kung ano ang natatakot na paggalang. Hindi nito alam kung ano ang kahulugan ng pagsunod sa Diyos, kung ano ang matakot sa Diyos. Dahilan sa hindi ito natatakot sa Diyos Mismo, iniisip nito, “Kahit tao ay hindi maaaring matakot sa Diyos. Ito ay imposible.” Hindi ba ganoon nga? (Oo.) Sabihin mo sa Akin, hindi ba masama si Satanas? (Oo!) Si Satanas ay masama. Sa gayon maliban sa ating iglesia, maging ang mga iba’t-ibang mga sekta at mga denominasyon, o relihiyoso at mga pangkat panlipunan, hindi sila naniniwala na umiiral ang Diyos, hindi naniniwala na ang Diyos ay maaaring gumawa at hindi naniniwala na may Diyos, sa gayon iniisip nila, “Ang iyong pinaniiwalaan ay hindi rin Diyos.” Bilang halimbawa, kunin ang isang hindi maselan na tao. Tinitingnan at nakikita niya ang lahat ng iba pa na hindi maselan, tulad niya. Ang isang tao na nagsisinungaling sa lahat ng oras ay tinitingnan at nakikita na walang sinuman ang tapat, nakikita silang lahat na nagsasabi ng kasinungalingan. Ang isang masamang tao ay nakikita ang bawat isa bilang masama at nais na labanan ang bawat isang nakikita niya. Yaong mga taong may kaunting katapatan ay nakikita ang bawat isa bilang matapat, kaya palaging naloloko, palaging nadadaya, at wala silang maaaring gawin tungkol dito. Hindi ba ito tama? Sinasabi ko ang ilang mga halimbawang ito upang gawin kang mas tiyak: Ang masamang kalikasan ni Satanas ay hindi isang pansamantalang pamimilit o bagay na dulot ng kapaligiran nito, ni hindi rin ito isang pansamantalang paghahayag na dulot ng anumang kadahilanan o karanasan. Walang pasubali! Hindi maaaring mapipigilan ngunit ganito ang paraan! Wala itong kabutihan na magagawa. Kahit kapag sinasabi nito ang isang bagay na kaaya-ayang pakinggan, inaakit ka lamang nito. Mas kaaya-aya, mas magaling makitungo, mas banayad ang mga salita nito, nagiging mas malisyoso ang masamang mga intensyon nito sa likod ng mga salitang ito. Anong uri ng mukha, anong uring kalikasan ang nakita mo na mayroon si Satanas sa dalawang mga sipi na ito? (Lihim na mapanira, malisyoso at masama.) Ang pangunahing katangian ay kasamaan, lalo na masama at malisyoso; malisyoso at masama.
Ngayon na natapos na nating pag-usapan ang tungkol kay Satanas, balikan nating pag-usapan ang ating Diyos. Sa panahon ng anim-na-libong-taon ng plano sa pamamahala ng Diyos, napaka-kakaunti ang mga tuwirang pananalita ng Diyos na naitala sa Biblia, at yaong mga naitala ay napakapayak. Kaya simulan natin sa umpisa. Nilikha ng Diyos ang tao at mula noon ay palaging pinangunahan ang buhay ng sangkatauhan. Maging sa pagbibigay sa sangkatauhan ng mga biyaya, pagbibigay sa kanila ng mga kautusan at Kanyang mga utos, o pagtatakda ng iba’t-ibang mga patakaran sa pamumuhay, alam mo ba ang inilaang layunin ng Diyos sa pagsasagawa ng mga bagay na ito? Una, maaari mo bang masabi nang tiyakan na lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kabutihan ng sangkatauhan? (Oo, maaari nating sabihin.) Maaari ninyong isipin na ang pangungusap na ito ay medyo malawak at hungkag, subalit sa partikular na pagsasalita, lahat-lahat nang ginagawa ng Diyos ay upang pangunahan at gabayan ang tao tungo sa pagsasabuhay ng isang normal na pamumuhay. Kahit sa gayon panatilihin man ng tao ang Kanyang mga alituntunin o panatilihin ang Kanyang mga kautusan, ang layunin ng Diyos ay upang hindi sambahin ng tao si Satanas, upang hindi masaktan ni Satanas; ito ang pinakapangunahin, at ito ang ginawa sa pinaka-simula. Mula sa pinaka-umpisa, nang hindi maintindihan ng tao ang kalooban ng Diyos kumuha Siya ng ilang simpleng mga kautusan at mga alintuntunin at naglaan ng mga probisyon na sumaklaw sa bawat nalikhang-isip na aspeto. Ang mga probisyong ito ay napakapayak, datapwat sa loob ng mga iyon ay nandoon ang kalooban ng Diyos. Pinaka iingat-ingatan, kinakalinga at buong giliw na minamahal ng Diyos ang sangkatauhan. Hindi ba ganoon ang kaso? (Oo.) Maaari ba nating masabi na ang Kanyang puso ay banal? Maaari ba nating masabi na ang Kanyang puso ay malinis? (Oo.) Mayroon bang natatagong mga layunin ang Diyos? (Wala.) Sa gayon ang Kanya bang layunin ay tama at positibo? (Oo.) Iyon ay positibo. Anumang mga probisyon ang ginawa ng Diyos, ang epekto ng lahat ng mga iyon sa daloy ng Kanyang paggawa ay positibo para sa tao, at pinangungunahan nila ang daan. Sa gayon may mga makasariling pag-iisip ba sa isipan ng Diyos? Mayroon bang karagdagang mga layunin ang Diyos na patungkol sa tao, o nais ba Niyang gamitin ang tao sa ibang paraan? Hindi kailanman. Ginagawa ng Diyos ang sinasabi Niya, at ganito rin ang paraan nang pag-iisip Niya sa Kanyang puso. Walang magkahalong layunin, walang makasariling mga pag-iisip. Wala Siyang anumang ginagawa para sa Kanyang Sarili, subalit walang pasubali na ginagawa ang lahat-lahat para sa tao, na walang anumang pansariling layunin. Bagaman may mga plano at mga intensiyon Siya para sa tao, wala Siyang anumang ginagawa para sa Kanyang Sarili. Lahat nang ginagawa Niya ay ginagawa pawang para sa sangkatauhan, upang ingatan ang sangkatauhan, upang mapanatili ang sangkatauhan na hindi mailigaw. Kaya hindi ba ang pusong ito ay pinakamamahal? (Oo.) Nakikita mo ba kahit na ang pinaka katiting na pahiwatig nang pinakamamahal na pusong ito kay Satanas? (Hindi.) Nakikita mo ba ito? Maaari ba? Wala tayong makita na isang pahiwatig nito kay Satanas. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay natural na nahahayag. Sa pamamagitan nang pagtingin sa paraan nang paggawa ng Diyos, paano Siya gumagawa? Kinukuha ba ng Diyos ang mga kautusang ito at Kanyang mga salita at mahigpit na itinatali ang mga ito sa mga ulo ng bawat tao tulad ng bulong ng mga ginintuang pagulong, [a] ipinapataw ang mga iyon sa bawat tao? Ganito ba ang paraan ng Kanyang paggawa? (Hindi.) Kaya sa anong paraan ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain? (Ginagabayan Niya tayo.) Bweno, ito ay isang aspeto. Mayroon pang iba? Ang Diyos ay gumagawa sa iyo sa maraming paraan, paanong mangyayari na nawalan na kayo nang isasagot pagkatapos lang ng isa? (Siya ay nagpapayo at nagpapalakas ng loob.) Mayroon ikalawa. May karagdagan pa? Siya ba ay nananakot? Paikot-ikot ba Siyang mangusap sa iyo? (Hindi.) Kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanan, paano ka ginagabayan ng Diyos? (Nagpapaliwanag Siya ng ilaw.) Bweno, nagpapaliwanag Siya ng ilaw sa iyo, malinaw na sinasabi sa iyo na ito ay hindi naaayon sa katotohanan, at ano ang dapat mong gawin. Kaya mula sa mga paraang ito na kung saan gumagawa ang Diyos, anong uri ng ugnayan ang nararamdaman mo na mayroon ka sa Diyos? Pinaparamdam ba ng mga ito sa iyo na ang Diyos ay lampas sa iyong pagkaunawa? (Hindi.) Sa gayon paano nila pinaparamdam sayo? Ang Diyos ay lalo nang malapit sa iyo, walang distansya sa pagitan ninyo. Kapag ginagabayan ka ng Diyos, kapag naglalaan Siya para sa iyo, tinutulungan ka at sinusuportahan ka, nararamdaman mo ang Kanyang pagkamabait, Kanyang pagiging kapita-pitagan, nararamdaman mo kung gaano Siya kaakit-akit, gaano kainit. Subalit kapag sinisi Niya ang iyong katiwalian, o kapag hinusgahan at dinisiplina ka dahilan sa pagrerebelde mo sa Kanya, anong paraan ang ginagamit ng Diyos? Sinisisi ka ba Niya sa pamamagitan ng mga salita? (Oo.) Dinidisiplina ka ba Niya sa pamamagitan ng iyong kapaligiran at sa pamamagitan ng mga tao, mga pangyayari at mga bagay? (Oo.) Sa gayon anong antas nakarating ang disiplinang ito? (Sa antas na maaaring matiis ng tao.) Ang Kanya bang antas ng pagdisiplina ay nakarating na sa parehong punto na kung saan sinasaktan ni Satanas ang tao? (Hindi.) Ang Diyos ay gumagawa sa isang banayad, mapagmahal, maselan at mapangalagang paraan, isang paraan ng lalo nang sukat at tama. Ang Kanyang paraan ay hindi nagdudulot sa iyo nang matinding mga emosyon, nagsasabing, “Hindi papayag ang Diyos na gawin ko ito” o “Ipinapagawa sa akin iyon ng Diyos.” Ang Diyos ay hindi kailanman magbibigay sa iyo ng ganoong uri nang matinding pag-iisip o matinding mga damdamin na ginagawa ang mga bagay na hindi makakayanan. Hindi ba ganito ang kaso? (Oo.) Kahit na tinanggap mo ang mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, ano ang iyong nararamdaman samakatwid? Kapag nararamdaman mo ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, ano ang nararamdaman mo samakatwid? Nararamdaman mo ba ang hindi nakakapanakit na pagka-Diyos ng Diyos? (Oo.) Nararamdaman mo ba ang pagkalayo mo sa Diyos sa ganitong mga pagkakataon? Nakakaramdam ka ba ng takot sa Diyos? (Hindi.) Sa halip, nararamdaman mo ang may-takot na paggalang sa Diyos. Nararamdaman ba ng mga tao ang lahat ng mga ito dahil lamang sa gawa ng Diyos? (Oo.) Sa gayon magkakaroon kaya sila ng ganitong mga damdamin kung si Satanas ang gumawa sa tao? (Hindi.) Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita, Kanyang katotohanan at Kanyang buhay upang tuluy-tuloy na paglaanan ang tao, suportahan ang tao. Kapag ang tao ay mahina, kapag ang tao ay nanlulumo, tiyak na hindi malupit na mangungusap ang Diyos, nagsasabing: “Huwag kang manlumo. Bakit ka nanlulumo? Bakit ka nanghihina? Ano ang mayroon na dapat kang mahina? Napakahina mo, mabuti pang mamatay ka na lang. Palagi kang nanlulumo, Ano ang punto nang mabuhay? Mamatay ka na lang!” Sa ganito bang paraan gumagawa ang Diyos? (Hindi.) Ang Diyos ba ay may awtoridad na kumilos sa ganitong paraan? (Oo.) Subalit kumikilos ba ang Diyos sa ganitong paraan? (Hindi.) Ang dahilan kung bakit hindi kumikilos ang Diyos sa ganitong paraan ay dahilan sa Kanyang diwa, ang diwa ng kabanalan ng Diyos. Ang Kanyang pagmamahal sa tao, ang pagpapahalaga at pagtatangi Niya sa tao ay hindi maaaring ipahayag nang malinaw sa isa o dalawang pangungusap lamang. Ito ay hindi bagay na naging dahilan nang pagyayabang ng tao kundi bagay na isinilang sa aktwal na pagsasagawa; ito ang pagbubunyag ng diwa ng Diyos. Maaari ba ang lahat ng mga paraang ito na kung saan gumagawa ang Diyos ay hayaan ang tao na makita ang kabanalan ng Diyos? Sa lahat ng mga paraang ito na kung saan gumagawa ang Diyos, kasama na ang mabuting mga intensyon ng Diyos, kasama na ang mga epekto na nais ng Diyos makamit sa tao, kasama ang iba-ibang mga paraan na iniaangkop ng Diyos na gumagawa sa tao, ang uri ng gawain na ginagawa Niya, ang nais Niya na maunawaan ng tao—nakita mo na ba ang anumang kasamaan o pagkatuso sa mabuting mga intensyon ng Diyos? (Hindi.) Wala kang maaaring makita na anumang kasamaan, mayroon ba? (Wala.) Kaya sa lahat-lahat na ginagawa ng Diyos, sa lahat-lahat nang sinasabi ng Diyos, sa lahat-lahat na iniisip Niya sa Kanyang puso, ganoon na rin sa diwa ng Diyos na inihahayag Niya—maaari ba nating matawag ang Diyos na banal? (Oo.) May sinumang tao ba kahit minsan ang nakakita sa ganitong kabanalan sa mundo, o sa sarili niya? Maliban sa Diyos, nakita mo na ba ito kahit minsan sa sinumang tao o kay Satanas? (Hindi.) Mula sa kung ano ang napag-usapan natin hanggang ngayon, maaari ba nating tawagin ang Diyos na natatangi, banal na Diyos Mismo? (Oo.) Lahat ng ibinibigay ng Diyos sa tao, kasama ang mga salita ng Diyos, ang iba’t-ibang paraan kungsaan ang Diyos ay gumagawa sa tao, yaong sinasabi ng Diyos sa tao, yaong ipinapaalaala ng Diyos sa tao, yaong Kanyang ipinapayo at ibinibigay na lakas ng loob, lahat ito ay nagmula sa isang diwa: Lahat ito ay nagmula sa kabanalan ng Diyos. Kung walang ganoong isang banal na Diyos, walang tao na makakakuha ng Kanyang lugar upang gawin ang mga ginagawa Niya. Kung kinuha ng Diyos ang mga taong ito at ganap na ibinigay sila kay Satanas, kahit minsan ba’y naisip mo kung anong uri ng kalagayan kayong mga naririto ngayon ay mapapapasok? Kayo bang lahat na nauupo dito, ganap at buo? (Hindi.) Kaya ano ang magiging tulad niyo? Sasabihin ninyo ba rin: “Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon”? Kayo ba ay masyadong magyabang, masyadong walanghiya at hambog na walang kahihiyan sa harap ng Diyos, at mangungusap sa isang paliguy-ligoy na paraan? (Oo.) Oo, gagawin ninyo. Gagawin ninyo nga ng isang daang porsiyento! Walang pasubali na gagawin ninyo! Ang ugali ni Satanas ukol sa tao ay hinahayaan sila na makita na ang kalikasan ni Satanas ay lubos na kakaiba kaysa sa Diyos. Ang kanyang diwa at lubos na kakaiba sa Diyos. Anong diwa ni Satanas ang kabaligtaran ng kabanalan ng Diyos? (Ang kasamaan nito.) Ang masamang kalikasan ni Satanas ay ang kabaligtaran ng kabanalan ng Diyos. Ang dahilan kung bakit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakikilala na ang pagpapahayag na ito ng Diyos ay kumakatawan sa diwa ng kabanalan ng Diyos ay sa kabuuan dahil sa sila’y nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, nasa loob ng katiwalian ni Satanas, nasa loob ng buhay na kulungan ni Satanas. Hindi nila alam kung ano ang kabanalan, o alam kung paano magbigay-kahulugan sa kabanalan. Kahit na iyong nararamdaman ang kabanalan ng Diyos, hindi mo pa rin maaaring mabigyan-kahulugan ang kabanalan ng Diyos na may anumang katiyakan. Ito ay isang pagkakaiba sa pagkilala ng tao sa kabanalan ng Diyos.
Anong uri ng kinatawang tampok ang ipinapakita sa pamamagitan ng gawa ni Satanas sa tao? Dapat ninyong malaman ito mula sa inyong sariling mga karanasan—ang pinaka-kinatawang tampok ni Satanas, ang bagay na ginagawa nitong pinaka, ang bagay na sinusubukan nitong gawin sa bawat isang tao. Mayroon itong isang tampok na marahil hindi ninyo maaaring makita, upang hindi ninyo maisip kung gaano nakakatakot at kamuhi-muhi si Satanas. Mayroon bang nakakaalam kung anong tampok ito? Sabihin ninyo sa Akin. (Lahat nang ginagawa nito ay ginagawa upang saktan ang tao.) Gumagawa ito ng mga bagay upang saktan ang tao. Paano nito sinasaktan ang tao? Maaari mo bang ipakita sa Akin nang mas partikular at sa mas detalyado? (Ito ay nangsusulsol, nanghihikayat at nanunukso sa tao.) Tama iyon, ipinapakita nito ang ilang mga anyo. May karagdagan pa? (Dinadaya nito ang tao.) Ito ay nandadaya, umaatake at nag-aakusa. Oo, lahat ng mga ito. Mayroon bang anumang higit pa? (Nagsasabi ito ng mga kasinungalingan.) Ang pandaraya at pagsisinungaling ay pinaka-natural kay Satanas. Madalas nitong gawin ito na ang kasinungalingan ay dumadaloy mula sa bibig nito na hindi nito kailangang mag-isip. May karagdagan pa? (Naghahasik ito ng pagtatalo.) Ang isang ito ay hindi gaanong mahalaga. May isasalarawan akong bagay sa inyo na sisindak sa inyo, ngunit hindi ko ginagawa ito upang takutin kayo. Ang Diyos ay gumagawa sa tao at ang tao ay itinatangi ang parehong saloobin ng Diyos at sa Kanyang puso. Salungat, itinatangi ba ni Satanas ang tao? Hindi nito itinatangi ang tao. Ano’ng nais nitong gawin sa tao? Nais nitong saktan ang tao, lahat nang iniisip nito ay tungkol sa pananakit sa tao. Hindi ba tama iyon? Kaya kapag pinag-iisipan nito ang pananakit sa tao, ginagawa ba nito ito sa isang minamadaling estado ng pag-iisip? (Oo.) Kaya, pagdating sa gawa ni Satanas sa tao, dito may dalawa akong salita na sapat na magsasalarawan nang malisyoso at masamang kalikasan ni Satanas, na maaaring tunay na hayaan ka na makilala ang pagka-kasuklam-suklam ni Satanas: Sa paglapit ni Satanas sa tao, palagi nitong nais na sapilitang “sakupin” at “ikabit” ang sarili nito sa bawat isa sa kanila upang maaari itong makarating sa punto na kung saan ito ay ganap na may pamamahala sa tao, sinasaktan ang tao, upang makamit nito ang layuning ito at mabangis na ambisyon. Ano ang ibig sabihin ng “sapilitang sakupin”? Nangyayari ba ito na may pagsang-ayon mo, o wala kang pagsang-ayon? Nangyayari ba ito na nalalaman mo, o wala nang hindi mo nalalaman? Ito ay ganap na wala kang alam! Sa mga sitwasyon na wala kang kamalayan, marahil kapag wala itong anumang nasasabi o marahil kapag ito ay walang nagawang anuman, kapag walang saligan, walang kaugnay na kahulugan, naroroon iyon sa paligid mo, pinapalibutan ka. Naghahanap ito ng isang pagkakataon na makapagsamantala, Pagkatapos ito ay sapilitang sasakop sa iyo, ikakabit ang sarili nito sa iyo, makakamit ang layunin nito na ganap na pamahalaan ka at saktan ka. Ito ay isang pinaka-tipikal na intensyon at pag-uugali sa paglaban ni Satanas sa Diyos para sa sangkatauhan. Anong nararamdaman mo kapag naririnig mo ito? (Nasisindak at natatakot sa aming mga puso.) Naiinis ba kayo? (Oo. Nakakaramdaman kami ng pagkainis.) Kaya kapag naiinis kayo, naiisip niyo bang si Satanas ay walanghiya? (Oo.) Kapag iniisip ninyo na si Satanas ay walanghiya, samakatwid naiinis kayo doon sa mga tao sa paligid ninyo na palaging nais na pamahalaan kayo, yaong mga may mababangis na mga ambisyon para sa katayuan at mga pagnanais? (Oo.) Kaya anong mga paraan ang ginagamit ni Satanas upang sapilitang ikabit ang sarili nito at sakupin ang tao? Malinaw ba ito sa inyo? Kapag naririnig ninyo ang dalawang salitang ito na sapilitang “pananakop” at “pagkabit,” nakakaramdam kayo ng kakatwaan at pagkainis, hindi ba? Wala ka bang natitikman na masamang lasa? Kung wala alinman sa iyong pagsang-ayon o iyong kaalaman ikinakabit nito mismo ang sarili nito sa iyo, sinasakop ka at sinisira ka. Ano ang maaari mong malasahan sa iyong puso? Pagkamuhi? (Oo!) Pagkainis? (Oo!) Kaya kapag nakakaramdam ka ng ganitong pagkamuhi at pagkainis sa paraang ito ni Satanas, anong uri ng damdamin mayroon ka para sa Diyos? (Pasasalamat.) Nagpapasalamat sa Diyos sa pagligtas sa iyo. Kaya ngayon, sa sandaling ito, may pagnanais ka ba o kalooban na hayaan ang Diyos na pangasiwaan ang lahat sa iyo, na pamahalaan ang lahat sa iyo? (Oo.) Sa anong konteksto? Sinasabi mo bang oo sapagkat natatakot ka na sapilitang masakop at makabitan ni Satanas? Hindi ka maaaring magkaroon ng ganitong uri ng kaisipan, hindi ito tama. Huwag kang matakot, ang Diyos ay narito. Walang dapat katakutan, tama? Sa sandaling maunawaan mo ang masamang diwa ni Satanas, dapat kang magkaroon nang mas tamang pagkaunawa o isang mas malalim na pagtatangi sa pagmamahal ng Diyos, ang mabuting mga intensyon ng Diyos, ang pagkahabag at kaluwagan ng Diyos para sa tao at Kanyang matuwid na disposisyon. Si Satanas ay lubhang kasuklam-suklam, datapwat kung ito pa rin ay hindi makapagbigay ng inspirasyon sa iyong pagmamahal sa Diyos at ang iyong pananalig at pagtitiwala sa Diyos, samakatwid magiging anong uri ng tao ka? Handa ka ba na masaktan ni Satanas? Matapos makita ang kasamaan at pagkakilabot ni Satanas, baliktarin natin at tingnan samakatwid ang Diyos. Ang iyo bang pagkakilala sa Diyos ngayon ay sumailalim sa anumang pagbabago? (Oo.) Anong uri ng pagbabago? Maaari ba nating sabihin na ang Diyos ay banal? Maaari ba nating sabihin na ang Diyos ay walang kamali-mali? (Oo.) “Ang Diyos ay natatangi ang kabanalan”—maaari bang tumayo ang Diyos sa ilalim ng titulong ito? (Oo.) Kaya sa mundo at sa gitna ng lahat ng mga bagay, tanging ang Diyos Mismo lang ba ang maaaring makapagpalakas ng loob sa ilalim ng pagkakaunawang ito ng tao? Mayroon pa bang iba? (Wala.) Kaya ano ang eksaktong ibinibigay ng Diyos sa tao? Siya ba ay nagbibigay sa iyo ng kaunting pangangalaga, malasakit at pagsasaalang-alang kapag hindi ka nagbibigay-pansin? Ano ang naibigay ng Diyos sa tao? Binigyan ng Diyos ang tao ng buhay, binigyan ang tao ng lahat-lahat, at ginawaran ang tao nang walang kondisyon na walang hinihinging anuman, walang anumang lihim na hangarin. Ginagamit Niya ang katotohanan, ginagamit ang Kanyang mga salita, ginagamit ang Kanyang buhay upang pangunahan at gabayan ang tao, nilalayo ang tao mula sa pananakit ni Satanas, malayo mula sa mga panunukso ni Satanas, malayo mula sa panunulsol ni Satanas at hinahayaan ang tao na malinaw na makita ang masamang kalikasan ni Satanas at ang nakakatakot nitong mukha. Kaya ang pagmamahal at malasakit ba ng Diyos sa sangkatauhan ay tunay? Ito ba ay bagay na maaaring maranasan ng bawat isa sa inyo? (Oo.)
Lingunin ninyo ang inyong mga buhay hanggang sa kasalukuyan sa lahat ng mga bagay na ginawa ng Diyos sa iyo sa lahat ng mga taon ng iyong pananampalataya. Kung malalim mo man na maramdaman ito o hindi, ito ba’y hindi lubos na kinakailangan? Hindi ba ito ang iyong lubos na kailangang makamit? (Oo.) Hindi ba ito katotohanan? Hindi ba ito buhay? (Oo.) Gayon ikaw ba ay naliwanagan ng Diyos na ibalik ang anuman o bayaran ang anuman matapos Niyang bigyan ka ng mga bagay na ito? (Hindi.) Kaya ano ang layunin ng Diyos? Bakit ginagawa ito ng Diyos? Mayroon din bang balak ang Diyos na sakupin ka? (Wala.) Nais ba ng Diyos na umakyat sa Kanyang trono sa mga puso ng tao? (Oo.) Kaya ano ang kaibahan sa pagitan nang pag-akyat ng Diyos sa Kanyang trono at sa sapilitiang pananakop ni Satanas? Nais ng Diyos na matamo ang mga puso ng tao, nais Niyang sakupin ang mga puso ng tao—ano ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ba na nais ng Diyos na ang tao ay maging mga “tau-tauhan” Niya, mga makina Niya? (Hindi.) Kaya ano ang layunin ng Diyos? May kaibahan ba sa pagitan ng pagnanais ng Diyos na masakop ang mga puso ng tao sa sapilitang pananakop ni Satanas, ang pagkabit ng sarili nito sa tao? (Oo.) Ano ang kaibahan? Maaari mo bang sabihin nang malinaw sa Akin? (Ginagawa ito ni Satanas sa pamamagitan ng pamimilit samantalang ang Diyos ay hinahayaan ang tao na magboluntaryo.) Ginagawa ito ni Satanas sa pamamagitan ng pamimilit samantalang ang Diyos ay hinahayaan ang tao na magboluntaryo. Ito ba ang kaibahan? Kaya kung hindi ka magboboluntaryo, ano ngayon? Kung hindi ka mogboboluntaryo, may gagawin ba ang Diyos? (Magbibigay Siya ng ilang gabay at pagliliwanag, subalit kung sa katapusan ang tao ay hindi papayag hindi Niya sila pipilitin.) Para sa ano ang nais ng Diyos sa iyong puso? At bukod dito, para sa ano ang nais ng Diyos na sakupin ka? Ano ang pagkakaunawa ninyo sa inyong puso ng “sinasakop ng Diyos ang mga puso ng tao”? Dapat tayong maging patas sa Diyos dito, kung hindi palaging hindi mauunawaan ng mga tao, nagsasabing: “Palaging nais ng Diyos na sakupin ako. Para sa ano at nais Niya akong sakupin? Ayaw kong masakop ako, nais ko lamang na maging sarili ko. Sinasabi mong si Satanas ay sumasakop sa mga tao, subalit ang Diyos din ay sumasakop sa mga tao: Hindi ba pareho ang mga ito? Ayaw kong masakop ninuman. Ako ay aking sarili.” Ano ang kaibahan dito? Pag-isipan ninyo ito ng isang minuto. (Iniisip ko na nais ng Diyos na makamit ang mga puso ng tao at sakupin ang mga puso ng tao upang iligatas ang tao, upang gawing perpekto ang tao.) Ang sinasabi mo ay ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa tao—upang gawin siyang perpekto. Kaya nauunawaan mo ba kung ano ang kahulugan dito ng “pagsakop”? (Ito’y nangangahulugan na hindi hahayaan si Satanas na sakupin ang tao. Kung ang Diyos ang sumasakop, samakatwid si Satanas ay walang paraan upang sakupin ang tao.) Ang ibig mong sabihin na ang Diyos ang unang nakatira; tulad ng isang bakanteng bahay, ang sinumang naunang pumasok magiging amo ng bahay. Ang sinumang susunod pagkatapos ay hindi maaaring maging amo ng bahay, ngunit sa halip ay nagiging lingkod, o di-kaya sila ay hindi makakapasok nang tuluyan. Ito ba ang iyong ibig sabihin? (Oo, ganoon nga ang ibig kong sabihin.) Mayroon bang may ibang palagay? (Ang sarili kong pagkaunawa sa “sinasakop ng Diyos ang mga puso ng tao” ay inuturing tayo ng Diyos bilang Kanyang sariling pamilya, nangangalaga sa atin at nagmamahal sa atin. Sinasakop ni Satanas ang mga puso ng tao upang pinsalain tayo, upang saktan tayo.) Ito ang iyong pagkaunawa sa “sinasakop ng Diyos ang tao,” hindi ba? Mayroon pa bang kakaibang mga pagkaunawa o mga palagay? (Sinasakop ng Diyos ang tao sa paggamit sa Kanyang salita, sa pag-asa na matatanggap ng tao ang salita ng Diyos sa kanyang buhay, upang ang tao ay maaaring mamuhay ayon sa salita ng Diyos.) Ito ang tunay na kahulugan sa likod ng “sinasakop ng Diyos ang tao,” hindi ba? Mayroon bang anumang kakaibang palagay? (Ang aking palagay ay na ang Diyos ang pinaka diwa ng katotohanan kaya nais ng Diyos na ibigay ang buong katotohanan sa atin, at dahilan sa nakamit natin ang katotohanang ito at tayo ay nadala sa ilalim ng Kanyang pangangalaga at pag-iingat, maaari natin samakatwid maiwasang tumakbo sa mapanlilang na mga pakana ni Satanas at masaktan ang mga ito. Sa praktikal na pananalita, nais ng Diyos na matamo ang mga puso ng tao upang ang tao ay makapamuhay ng isang normal na pamumuhay sa mundong ito at kamtin ang mga biyaya ng Diyos.) Subalit hindi mo pa rin natutukoy ang tunay na kahulugan ng “sinasakop ng Diyos ang mga puso ng tao.” (Ang tao sa simula ay nilikha ng Diyos, kaya dapat sambahin ng tao ang Diyos at bumalik sa Kanya. Ang tao ay para sa Diyos.) Tinatanong ko kayo, ang “sinasakop ng Diyos ang tao” ay isa bang hungkag na parirala? Ang pagsakop ba ng Diyos sa tao ay nangangahulugan na Siya ay nanahan sa iyong puso? Pinangingibabawan ba ng Diyos ang iyong bawat salita at bawat galaw? Kung sinasabi Niya sa iyo na itaas mo ang iyong kaliwang braso, mangangahas ka ba na hindi itaas ang iyong kanan? Kung sinasabi Niya sa iyo na maupo, mangangahas ka ba na hindi tumayo? Kung sinasabi Niya sa iyo na pumunta ka sa silangan, mangangahas ka ba na hindi pumunta sa timog? Ang pananakop bang ito ay nangangahulugan ng ganito? (Hindi.) Sa gayon ano ito? (Nangangahulugan ito para sa tao na isabuhay kung anong mayroon at kung ano ang Diyos.) Pinangasiwaan ng Diyos ang tao sa loob ng lahat ng maraming taon, kaya sa gawain ng Diyos sa tao magpa-hanggang ngayon sa huling yugtong ito, anong epekto sa tao ng lahat ng mga salita na winika ng Diyos? Ito ba’y maisasabuhay ng tao kung anong mayroon at kung ano ang Diyos? Kung titingnan ang literal na kahulugan ng “sinasakop ng Diyos ang mga puso ng tao,” tila ba kinukuha ng Diyos ang mga puso ng tao at sinasakop ang mga ito, namumuhay sa mga iyon at hindi muling lumabas; Siya’y namumuhay sa loob nila at nagiging amo ng mga puso ng tao, upang pangibabawan at isaayos ang mga puso ng tao nang sadya, upang ang tao ay dapat tumungo saanman siya pinapapunta ng Diyos. Sa ganitong antas ng kahulugan, tila bawat tao ay naging Diyos, nagmamay-ari ng kakanyahan ng Diyos, nag-aangkin ng disposisyon ng Diyos. Kaya sa kasong ito, maaari bang makagawa ang tao ng mga kilos at mga gawa ng Diyos? Maaari bang ipaliwanag ang “pagsakop” sa ganitong paraan? (Hindi.) Sa gayon ano ito? (Ang mga taong nais ng Diyos ay hindi yaong mga tau-tauhan, may mga pag-iisip sila at ang kanilang mga puso ay buhay. Sa gayon, ang pagsakop ng Diyos sa tao ay nasa pag-asa na ang tao ay maaaring magkaroon ng mga pag-iisip at maaaring makadama sa mga tuwa at dalamhati ng Diyos; ang tao at ang Diyos ay nakikipag-ugnayan sa isa’t isa.) Tinatanong ko ito sa inyo: Ang lahat ba ng mga salita at katotohanan na ibinibigay ng Diyos sa tao ay isang pagbubunyag sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon Siya at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos? (Oo.) Ito ay tiyakan, hindi ba? Subalit ang lahat ba ng mga salita na ibinibigay ng Diyos sa tao ay para sa Diyos Mismo upang isagawa, para angkinin ng Diyos Mismo? Pag-isipan ninyo ito ng isang minuto. Kapag hinuhusgahan ng Diyos ang tao, dahilan sa ano kaya Niya ginagawa ito? Saan nanggaling ang mga salitang ito? Anong nilalaman ng mga salitang ito na winiwika ng Diyos kapag hinuhusgahan Niya ang tao? Sa ano nababatay ang mga ito? Ang mga ito ba’y nababatay sa tiwaling disposisyon ng tao? (Oo.) Sa gayon ang epekto ba na nakamit sa paghatol ng Diyos sa tao ay nakabatay sa diwa ng Diyos? (Oo.) Sa gayon ang pagsakop ba ng Diyos sa tao ay isang hungkag na parirala? Tiyak na hindi. Kaya bakit sinasabi ng Diyos ang mga salitang ito sa tao? Ano ang layunin Niya sa pagsabi ng ganitong mga salita? Nais ba Niyang gamitin ang mga salitang ito para sa buhay ng tao? (Oo.) Nais ng Diyos na gamitin ang lahat ng katotohanang ito na winika Niya para sa buhay ng tao. Sa gayon kapag kinuha ng tao ang lahat ng katotohanang ito at ang salita ng Diyos ay pinapagbago ang mga ito sa kanyang sariling buhay, samakatwid maaari bang sumunod ang tao sa Diyos? Maaari bang matakot ang tao sa Diyos? Maaari bang iwaksi ng tao ang kasamaan? Kapag narating ng tao ang puntong ito, samakatwid maaari ba siyang makasunod sa dakilang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos? Ang tao ba sa gayon ay nasa posisyon na mapasailalim sa awtoridad ng Diyos? Kapag ang mga tao tulad ni Job, o ni Pedro ay nakarating sa katapusan ng kanilang daanan, kapag ang kanilang buhay ay maituturing na nagka-gulang, kapag mayroon silang tunay na pagkakaunawa sa Diyos—maaari pa ba silang iligaw ni Satanas? Maaari pa ba silang masakop ni Satanas? Maaari pa bang sapilitang ikabit ni Satanas ang sarili nito sa kanila? (Hindi.) Kaya anong uri ng tao ito? Ito ba ay isang tao na ganap na natamo ng Diyos? (Oo.) Sa antas na ito ng kahulugan, paano mo titingnan ang ganitong uri ng tao na ganap na natamo ng Diyos? Para sa Diyos, sa ilalim ng ganitong mga kalagayan nasakop na Niya ang puso ng taong ito. Ngunit ano ang nararamdaman ng taong ito? Ito kaya ay na ang salita ng Diyos, ang awtoridad ng Diyos, at ang paraan ng Diyos ay naging buhay sa loob ng tao, samakatwid ang buhay na ito na sumasaskop sa buong pagkatao niya ang siyang sapat na isinasabuhay niya, ginagawang sapat ang diwa niya upang bigyan-kasiyahan ang Diyos? Sa gayon sa Diyos, ang puso ba ng sangkatauhan sa mga sandaling ito ay nasasakop Niya? (Oo.) Paano ninyo nauunawaan ang antas na ito ng kahulugan ngayon? Ang Espiritu ba ng Diyos ang sumasakop sa iyo? (Hindi.) Kaya ano ang eksaktong sumasakop sa iyo? (Ang salita ng Diyos.) Mabuti, ang salita ng Diyos, ang paraan ng Diyos. Ito ay ang katotohanan at ang salita ng Diyos na naging buhay mo. Sa panahong ito, ang tao samakatwid ay may buhay na nagmula sa Diyos, ngunit hindi natin maaaring sabihin na ang buhay na ito ay buhay ng Diyos. Ito ay buhay na dapat kunin ng tao mula sa salita ng Diyos. Maaari ba nating sabihin na ang buhay na ito ay buhay ng Diyos? (Hindi.) Sa gayon gaano man katagal sundan ng tao ang Diyos, gaano kadami mang mga salita ang matamo ng tao mula sa Diyos, ang tao kailanman ay hindi magiging Diyos. Hindi ba ito wasto? (Oo.) Kahit na isang araw sabihin ng Diyos, “Nasakop Ko ang iyong puso, ngayon nagmamay-ari ka na ng Aking buhay,” mararamdaman mo ba samakatwid na ikaw ay Diyos? (Hindi.) Ano ka samakatwid ang kalalabasan mo? Hindi ka kaya magkaroon ng walang pasubaling pagsunod sa Diyos? Hindi kaya ang iyong katawan at iyong puso ay mapuspos ng buhay na ibinigay sa iyo ng Diyos? Ito ay isang napaka-normal na paghahayag kapag sinasakop ng Diyos ang mga puso ng tao. Ito ang katotohanan. Kaya sa pagtingin dito sa ganitong anyo, ang tao ba ay maaaring maging Diyos? (Hindi.)Kapag ang tao ay nagkaroon ng lahat ng salita ng Diyos, kapag ang tao ay may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, maaari bang nagtataglay ang tao ng pagkakakilanlan ng Diyos? (Hindi.) Maari bang nagtataglay ang tao ng diwa ng Diyos? (Hindi.) Anuman ang mangyari, ang tao ay tao pa rin kapag lahat ay nasabi na at nagawa. Ikaw ay isang nilikha; nang matanggap mo ang salita ng Diyos mula sa Diyos at tinanggap ang paraan ng Diyos, nagtataglay ka lamang ng buhay na nagmula sa salita ng Diyos, at kailanman ay hindi maaaring maging Diyos.
Kung babalikan ang ating paksa ngayon lang, tinanong ko kayo kung si Abraham ba ay banal o hindi. Siya ay hindi, at nauunawaan mo na ito ngayon, hindi ba? Si Job ba ay banal? (Hindi.) Sa loob ng kabanalang ito ay napapaloob ang diwa ng Diyos. Wala sa tao ang diwa ng Diyos o ng disposisyon ng Diyos. Kahit na naranasan ng tao ang lahat ng salita ng Diyos at nagtataglay ng diwa ng salita ng Diyos, ang tao ay hindi pa rin kailanman matatawag na banal; ang tao ay tao. Naiintindihan ninyo, tama? (Oo.) Kaya ano ang pagkakaunawa ninyo sa pariralang ito “sinasakop ng Diyos ang mga puso ng tao” ngayon? (Ito ay salita ng Diyos, ang paraan ng Diyos at Kanyang katotohanan ang nagiging buhay ng tao.) Naisaulo na ninyo ito, tama? Inaasahan ko na kayo ngayon ay may mas malalim ng pagkaunawa. May ilang mga tao ang maaaring magtanong, “Kaya bakit sinasabi na ang mga mensahero at mga anghel ng Diyos ay hindi banal?” Ano ang inyong iniisip tungkol sa tanong na ito? Marahil hindi ninyo ito isinaalang-alang dati. Gagamit ako nang mas simpleng halimbawa: Kapag sinusian mo ang isang robot, maaari itong parehong sumayaw at magsalita, at maiintindihan mo ang sinasabi nito, subalit matatawag mo ba itong kaakit-akit? Maaari mo kaya itong tawaging masigla? Maaaring masabi mo ito, ngunit hindi ka maaaring maunawaan ng robot sapagkat wala itong buhay. Kapag pinatay mo ang pinanggagalingan ng kuryente nito, maaari pa kaya itong makagalaw? (Hindi.) Kapag pinagalaw mo ang robot na ito, maaari mong makita na ito ay masigla at kaakit-akit. Gagawa ka ng pagtatasa nito, maging ito man ay tunay na pagtatasa o mababaw na pagtatasa, subalit anuman ang kaso ang mga mata mo ang maaaring makakakita na ito ay gumagalaw. Ngunit kapag iyong pinatay ang pinanggagalingan ng kuryente, may nakikita ka bang anumang uri ng karakter nito? Nakikita mo ba na ito ay nagtataglay ng anumang uri ng diwa? Nauunawaan mo ba ang kahulugan ng aking sinasabi? (Oo.) Nauunawaan mo, tama? Na ang ibig sabihin, bagaman ang robot na ito ay maaaring makagalaw at makahinto, hindi mo kailanman maisasalarawan ito bilang may “anumang uri ng diwa.” Hindi ba ito isang katotohanan? Hindi na natin pag-uusapan nang higit pa ito. Sapat na para sa inyo na magkaroon ng isang pangkalahatang pagkaunawa sa kahulugan. Tapusin na natin ang ating fellowship dito. Paalam!
Disyembre 17, 2013
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon: Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus