Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag (2) | "Pagbubunyag sa Katotohanan ng mga Paliwanag ng mga Pinuno ng Relihiyon sa Biblia"
Madalas ipaliwanag ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Biblia sa mga tao at hinihikayat silang manghawakan sa Biblia. Sa paggawa nito, talaga bang pinupuri at pinatototohanan nila ang Panginoon? Hindi ito maunawaan ng karamihan sa mga tao. Pinupuri ng mga pastor at elder ang mga salita ng tao na nasa Biblia, ginagamit ang mga salita ng tao na nasa Biblia para palitan at suwayin ang mga salita ng Panginoon, at hinihikayat ang mga tao na maniwala sa mga pamahiin at sambahin ang Biblia, kaya kapag ginawa ng Diyos ang bago Niyang gawain, Biblia lang ang alam ng maraming at hindi nila kilala ang Diyos, hanggang sa ipako na nila sa krus ang Diyos na nagkatawang-tao alinsunod sa Biblia. Batay sa katotohanang ito, talaga bang pinupuri ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Panginoon sa pagpapaliwanag sa Biblia? Ibubunyag sa inyo ng maikling videong ito ang katotohanan.