Sinasalubong ng Matatalinong Birhen ang Kasintahang Lalaki-Ano ba Talaga ang Matatalinong Birhen?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake. … Datapuwa’t ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan. … Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya. Nang magkagayo’y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at pinagigi ang kanilang mga ilawan. … at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan” (Mateo 25: 1, 4, 6-7, 10).
“Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin” (Juan 10:27).
“At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon” (Pahayag 14:4).
“Sapagka’t ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila, at sila’y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa’t luha ng kanilang mga mata” (Pahayag 7:17).
“Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan” (Mateo 7:7).
Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:
“Nangangahulugan ng bilang ng mga tao ang limang matatalinong dalaga…. Ito ang dahilan kung bakit hiningi sa kanilang maghanda ng langis sa mga huling araw. (Hind nagtataglay ng Aking katangian ang sangnilikha; kung gusto nilang gumawa ng matatalinong tao kung gayon kailangan nilang maghanda ng langis, at sa gayon ay kailangang masangkapan sila ng Aking mga salita.) Kinakatawan ng limang matatalinong dalaga ang Aking mga anak at Aking bayan sa gitna ng mga tao na Aking nilikha. Tinutukoy silang ‘mga dalaga’ dahil bagaman ipinanganganak sila sa daigdig, natatamo Ko pa rin sila; maaaring sabihin ng isa na naging banal sila, kaya tinatawag silang ‘mga dalaga’.”
mula sa “Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula”
“Sa kasalukuyan, lahat niyaong sumusunod sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; … ‘Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu’ ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayroong kakayahan na tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, ngunit makakaya ding malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng Diyos, at makakaya ding malaman ang mga pagkaintindi at pagkamasuwayin ng tao, at kalikasan at katuturan ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong sa tunay na daan. …
Lahat niyaong makakasunod sa totoong mga pagbigkas ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Hindi alintana kung paano sila dati, o kung paano dating gumawa ang Banal na Espiritu sa loob nila—yaong mga nagkamit sa pinakahuling gawain ng Diyos ay ang mga pinakapinagpala, at yaong mga hindi makakasunod sa pinakahuling gawain sa kasalukuyan ay aalisin. Nais ng Diyos yaong makakatanggap sa bagong liwanag, at nais Niya yaong mga tumatanggap at nakakaalam sa Kanyang pinakahuling gawain. Bakit sinabi na dapat kang maging isang dalagang malinis? Nagagawa ng isang dalagang malinis na hangarin ang gawain ng Banal na Espiritu at nauunawaan ang mga bagong bagay, at higit sa rito, nagagawang isantabi ang dating mga pagkaintindi, at sinusunod ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan. Ang grupo ng mga taong ito, na tumatanggap ng pinakabagong gawain sa kasalukuyan, ay mga itinalaga ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan, at ang mga pinakapinagpala sa lahat ng mga tao. Naririnig ninyo nang tuwiran ang tinig ng Diyos, at nakikita ang anyo ng Diyos, at kaya, sa kabuuan ng langit at lupa, at sa kabuuan ng mga kapanahunan, walang sinuman ang naging mas pinagpala kaysa sa inyo, ang grupo ng mga taong ito.”
mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos”
“Yamang naniniwala ang tao sa Diyos, dapat niyang sundan ang mga yapak ng Diyos, isa-isang hakbang; dapat siyang ‘sumunod sa Kordero saan man Siya pumaroon.’ Ang mga ito lamang ang mga taong naghahanap ng totoong daan, sila lamang yaong mga nakakaalam sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga taong labis na sumusunod sa mga liham at mga doktrina ay yaong mga naalis ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawa’t sakop ng panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawa’t panahon, magkakaroon ng bagong simula sa gitna ng mga tao. Kung ang tao ay sumusunod lamang sa mga katotohanan na ‘si Jehova ang Diyos’ at ‘si Jesus ang Cristo,’ na mga katotohanan na nailalapat lamang sa iisang kapanahunan, sa gayon ang tao ay hindi kailanman makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at magpakailanmang walang kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang wala ni katiting na pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang malapitan. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga’t ang tao ay nakatitiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang tugunan ang mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon, paano siya maparurusahan? Hindi nahinto kailanman ang gawain ng Diyos, hindi kailanman natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matapos ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging maraming ginagawa, at hindi tumitigil.”
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao”
“Hinahanap ng Diyos yaong inaasam na Siya’y magpakita. Hinahanap niya ang yaong may-kakayahang makinig sa Kanyang mga salita, yaong hindi nakalimutan ang Kanyang komisyon, at inihandog ang kanilang puso at katawan sa Kanya. Hinahanap Niya yaong masunurin tulad ng mga batang nasa harap Niya, at hindi Siya kinakalaban. Kung ikaw ay di-nahahadlangan ng anumang puwersa sa iyong debosyon sa Diyos, kung gayon titingnan ka ng Diyos na may pabor at ipagkakaloob sa iyo ang Kanyang mga pagpapala. Kung ikaw ay may mataas na katayuan, marangal na reputasyon, nagmamay-ari ng masaganang kaalaman, ang may-ari ng saganang mga ari-arian, at suportado ng maraming tao, gayon man ang mga bagay na ito ay hindi pumipigil sa iyo mula sa pagharap sa Diyos para tanggapin ang Kanyang pagtawag at ang Kanyang komisyon, para gawin kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo, kung gayon ang lahat ng iyong ginagawa ay magiging pinaka-makabuluhan sa lupa at ang pinaka-matuwid sa sangkatauhan.”
mula sa “Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan”
Mahal na mga kapatid, natatandaan nyo pa ba ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus? Nais mo rin bang maging matalinong mga dalaga upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Kaya, ano ang pagpapakita ng mga matatalinong dalaga? Ano eksakto ang tinutukoy na "langis"? Sa pamamagitan lamang ng pag-alam sa mga katanungang ito maaari tayong magkaroon ng mga paraan upang magsanay at makatagpo ang Panginoon.