- Ⅰ
- Sa maganda at napakasayang sandaling ito,
- sa langit at sa lupa,
- lahat ay nagpupuri.
- Sino'ng 'di natutuwa?
- Sino'ng 'di nagagalak?
- At sino'ng 'di naluluha?
- Langit ay napanibago,
- langit ng kaharian.
- Lupa ay napanibago,
- lugar ng kabanalan.
- Masamang mundo'y nabago,
- matapos ang malaking unos.
- Ⅱ
- Bundok, tubig, nagbabago.
- Nagbabago pati tao.
- Lahat ng nilalang nagbabago.
- Payapang bundok, sumayaw para sa Diyos!
- Tahimik na tubig, malayang dumaloy!
- Taong nangangarap, bangon at humabol!
- Ang Diyos ay narito na at naghahari.
- Makikita nila ang Diyos ng mukhaan,
- tinig N'ya'y kanilang maririnig,
- at mamumuhay ng buhay sa kaharian.
- Kay inam, kay ganda, hindi malilimutan.
- Ⅲ
- Ang Diyos ay nagngingitngit,
- pulang dragon ay namimilipit.
- Sa paghatol ng Diyos, kademonyoha'y nalalantad.
- Sa ilalim ng salita ng Diyos, tao'y napapahiya,
- walang mataguan.
- Pagka't ang Diyos ay kanyang kinutya,
- sa tuwina'y sarili ay ipinagmamalaki,
- kanyang sinusuway kalooban ng Diyos palagi.
- Masdan mo ngayon sino'ng 'di naluluha?
- Sino'ng 'di nagsisisi?
- Sa buong sansinukob, lahat lumuluha,
- puno ng kagalakan, puno ng tuwa.
- Ang saya'y walang hanggan.
- Ⅳ
- Umaambon, niyebe ay pumapatak.
- Sa langit, lumilipad ang mga ulap.
- Sa dagat, ang alon ay humahampas.
- Ang tao'y nabalot ng lungkot at galak.
- Ang ila'y nagsasaya, ila'y umiiyak,
- ila'y natutuwa.
- Lahat tila nakalimot na.
- Ambon sa tagsibol?
- O mabulaklak na tag-init?
- O magandang ani sa taglagas?
- Maginaw na taglamig?
- Walang makapagsasabi.
- Ⅴ
- Mga anak ng Diyos, sumayaw sa tuwa.
- Bayan ng Diyos, tumalon sa galak.
- Mga anghel ay gumagawa.
- Namamastol ng tupa.
- Mga tao sa lupa ay sadyang abala,
- lahat ng nilalang, nagpaparami na.
- Langit ay napanibago,
- langit ng kaharian.
- Lupa ay napanibago,
- lugar ng kabanalan.
- Masamang mundo'y nabago,
- matapos ang malaking unos.
- mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Malaman ang higit pa:Tagalog praise and worship Songs 2018 | "Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala" | Seeing God's Appearance