Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Peb 13, 2020

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Talaga Bang Nagsisi Ka Na?"



Tagalog Christian Movies | "Talaga Bang Nagsisi Ka Na?"


Minsan, si Zhang Ming'en ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia. Maraming taon siyang naniwala sa Panginoon, at sa buong panahong iyon, siya ay nangaral, nagtrabaho, nagdusa, at gumugol para sa Panginoon. Kaya naniwala siya na tunay na siyang nagsisi at nagbago. Ngunit, sa isang halalan sa simbahan, nanood si Zhang Ming'en nang piliin ang iba pang mga kapatid na lalaki’t babae bilang mga pinuno ng simbahan at diyakono, samantalang binigyan siya ng tungkuling maging punong-abala sa mga pulong.
Kahit sa tingin ay mukhang tinanggap at sinunod niya ito, ikinalungkot niyang masyado iyon. Nang sabihin ng asawa niya na hindi pa siya taos-pusong nagsisi at nagbago, hindi kumbinsido si Zhang Ming'en, at isang matalinong pagtatalo ang sumunod…. Ano ba talaga ang tunay na pagsisisi at pagbabago? Panoorin ang dula-dulaang Tunay Ka na bang Nagsisi? Para malaman ang mga sagot.

Anong uri ng mga tao ang maaaring madala sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit."(Mateo 7:21). Mula sa salita ng Panginoon, makikita natin na tanging yaong mga pagsunod sa kalooban ng Diyos ay makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya, alam mo ba kung paano sumunod sa kalooban ng Diyos?