I
Lumakad nang may katapatan,
at manalangin na mawala
ang malalim na panlilinlang sa 'yong puso.
Manalangin, para malinis ang sarili;
manalangin, para maantig ng Diyos.
Kung gayon, ang disposisyon mo'y magbabago.
Ang disposisyon ng tao'y nagbabago habang sila'y nananalangin.
Mas kumikilos ang Espiritu, mas susunod sila,
mas magiging aktibo sila.
At ang puso nila'y dahan-dahang dadalisay
II
Ang tunay na espiritwal na buhay ay buhay ng panalangin,
sang buhay na may pag-antig ng Diyos.
Pag inantig ka ng Diyos,
'yon ang paraan para ka magbago
at maaaring magbago ang 'yong disposisyon.
Ang disposisyon ng tao'y nagbabago habang sila'y nananalangin.
Mas kumikilos ang Espiritu, mas susunod sila,
mas magiging aktibo sila.
At ang puso nila'y dahan-dahang dadalisay
dahil sa dalanging tunay.
III
Kung ang isang buhay ay walang pag-antig ng Espiritu,
ang buhay ay walang iba kundi isang relihiyon lamang.
Ngunit 'pag nabigyan ng liwanag ng Diyos,
laging naaantig Niya,
mamumuhay ka ng isang espiritwal na buhay.
Ang disposisyon ng tao'y nagbabago habang sila'y nananalangin.
Mas kumikilos ang Espiritu, mas susunod sila,
mas magiging aktibo sila.
At ang puso nila'y dahan-dahang dadalisay
dahil sa dalanging tunay,
dadalisay dahil sa dalanging tunay.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
——————————————————————
——————————————————————
Bilang mga mananampalataya sa Panginoon, ang panalangin ay isang kinakailangang paraan sa ating pang-araw-araw na buhay at ang pinaka direktang paraan para tayo ay mapalapit sa Panginoon. Gayunpaman, maraming beses na hindi natin maramdaman ang presensya ng Panginoon kapag nananalangin tayo sa Panginoon, kaya ano ang dapat nating gawin? Sa katunayan, hangga't kinakabisa natin ng mabuti ang mga prinsipyo ng panalangin, nagsasabi ng mabisang panalangin, kung gayon maaari tayong pakinggan ng Diyos.