Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi)
Ang gawain ng Diyos Mismo ay ang pangitain na dapat malaman ng tao, sapagka’t ang gawain ng Diyos ay hindi matatamo ng tao, at hindi tinataglay ng tao. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang kabuuan ng pamamahala ng Diyos, at walang mas dakilang pangitain ang dapat pang malaman ng tao.