Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Hymn Videos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Hymn Videos. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 8, 2020

Christian Worship Music Video | "Mga Pagpapahayag ng Pananampalataya sa Diyos"

 Ang pinakapangunahing bahagi ng pananampalataya sa Diyos

ay ang pagbabasa sa mga salita ng Diyos sa bawat araw.

At ang kailangang pagsasanay araw-araw

ay panalangin sa Diyos at pagninilay sa sarili.

Ago 6, 2020

Diyos ang Walang-Hanggang Suporta ng Tao



Kahit si Jesus ay nabuhay mang mag-uli,
puso Niya’t gawai’y ‘di iniwan ang tao.
Sa pagpapakita Niya sa tao ay Kanyang sinabi
naroon Siya, anuman ang Kanyang anyo.
Lalakad Siyang kasama nila,
sa lahat ng oras at lugar, sasamahan sila,
maglalaan, magpapastol, magpapahawak, makikita,
kaya ‘di na madaramang wala silang magawa.
Lahat ng ginawa ni Jesus matapos mabuhay na muli
ay nagpakita ng pag-asa’t malasakit sa tao,
na may malasakit Siya’t pagtatangi sa kanila.
Gan’on pa rin naman, ‘di nagbabago.

Ago 3, 2020

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo


I

Kaninong mga salita ang pinakamatamis,

at pinalakas ang aking espiritu?

Kaninong pag-ibig ang pinakamaganda,

at kinuha ang aking puso?

Hul 26, 2020

Bumababa ang Diyos nang may Paghatol


I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito’y nagsimulang mayanig.
Mayro’n bang lugar na ‘di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa’n man Siya magpunta
kinakalat Niya’y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.

Hul 6, 2020

Tanggapin ang Paghatol ng Cristo ng mga Huling Araw upang Mapadalisay



Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw,
ngunit paano ba talaga Siya bababa?
Ang isang makasalanang tulad mo,
na katutubos pa lang,
at hindi pa nabago, at hindi pa nagawang perpekto ng Diyos,

Hul 1, 2020

Ang Layuning Dapat Taglayin ng Tao sa Kanilang Pananalig sa Diyos



ay pagtanggap na salita Niya’y realidad ng buhay mo
at pagkilala sa Diyos mula sa Kanyang salita
para maging tunay pagsinta sa Kanya.
Para mas malinaw: Pananalig sa Diyos
ay para masunod mo at mahalin mo Siya,
pagganap sa tungkulin ng mga nilalang.
Yan ang layon ng pananalig sa Diyos.

Hun 28, 2020

Nais ng Diyos na Iligtas ang Tao Hangga't Maaari



Sa panahon ng gawain ng pagliligtas ng Diyos,
ililigtas Niya ang lahat ng maaari Niyang iligtas
sa abot ng makakaya,
at wala Siyang itatapon.
Ngunit ang lahat ng di makakayang
baguhin ang kanilang disposisyon,
o lubusang sundin ang Diyos
ay nagiging pakay para sa kaparusahan.
Lahat ng tumatanggap ng panlulupig ng mga salita
ay magkakaroon ng maraming pagkakataon para sa kaligtasan.
Ipakikita sa kanila ng pagliligtas ng Diyos
ang Kanyang sukdulang kaluwagan at pagpaparaya.
Kung tatalikod ang mga tao sa maling landas,
kung sila’y magsisisi, bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon
na makamit ang Kanyang pagliligtas.

Hun 27, 2020

Mga Tahimik Lamang sa Harap ng Diyos ang Nagtutuon sa Buhay



I
Yaong kayang tumahimik sa harap ng Diyos
ay yaong nakakalaya sa mga makamundong relasyon,
at maaaring magpasakop sa Diyos.
Sinumang di kayang tumahimik sa harap ng Diyos
ay mapagpalayaw at di mapigilan.
Oh, at lubos silang mapagpalayaw sa sarili.
Lahat ng kayang tumahimik sa harap ng Diyos
ay mga debotong nananabik sa Diyos.
Yaong kayang tumahimik sa harap ng Diyos
ay yaong may malasakit sa buhay
at nakikibahagi sa espiritu.
Yaong kayang tumahimik sa harap ng Diyos
ay yaong nauuhaw sa mga salita ng Diyos.
Sila ang naghahanap sa katotohanan.

Hun 23, 2020

Umaasa ang Diyos na Hindi Nagbago ang Sangkatauhan



I

Mula nang nilikha Niya ang tao sa simula,
naghangad ang Diyos ng ‘sang grupo,
‘sang grupo ng mga mananagumpay,
‘sang grupo na lalakad kasama Niya at kayang umintindi,
umunawa, makaalam ng Kanyang disposisyon.
‘Di alintana kung gaano pa Siya katagal maghintay,
‘di alintana kung gaano kahirap ang daang haharapin,
gaano man kalayo ang mga hinahangad Niyang layunin,
‘di nagbago o sumuko ang Diyos sa mga inaasahan Niya sa tao.
Itong hiling ng Diyos ay ‘di nagbago kailanman.
Itong hiling ng Diyos ay nananatiling pareho.
Itong hiling ng Diyos ay ‘di nagbago kailanman.
Itong hiling ng Diyos,
itong hiling ng Diyos ay ‘di kukupas kailanman.

Hun 17, 2020

Pinagpapala ng Diyos Yaong Tapat



I
Pag ‘binibigay mo ‘yong puso sa Diyos lang
at ‘di magbulaan sa Kanya,
pag ‘di mo kailanman ginagawa ang panlilinlang
sa mga nasa itaas mo o sa ibaba,
kapag ikaw ay bukas sa Diyos sa lahat ng bagay,
kapag ‘di mo ginagawa ang mga bagay
para lang sarili’y magmagaling sa Diyos,
ito’y pagiging tapat.
Katapata’y pagtakbo mula sa karumihan
sa bawat salita’t gawa,
kapag ‘di mo dinadaya ang Diyos o mga tao.
Katapata’y pagtakbo mula sa karumihan
sa bawat salita’t gawa,
kapag ‘di mo dinadaya ang Diyos o mga tao.
Ito ang katapatan, ito ang katapatan.
Kung ‘yong salita’y puno ng pagdadahilan,
puno ng mga walang kabuluhang paliwanag,
kung gayon ay ‘di mo isinasagawa ang katotohanan,
hindi mo nais na gawin ito.
Pa’no mo makikita ang liwanag at kaligtasan,
kung ‘di mo nilalabas ang iyong mga lihim?
Ngunit kung gusto mong hanapin ang daan sa katotohanan,
ikaw ay mamumuhay sa liwanag.
Katapata’y pagtakbo mula sa karumihan
sa bawat salita’t gawa,
kapag ‘di mo dinadaya ang Diyos o mga tao.
Katapata’y pagtakbo mula sa karumihan
sa bawat salita’t gawa,
kapag ‘di mo dinadaya ang Diyos o mga tao.
Ito ang katapatan, ito ang katapatan.

Hun 11, 2020

Nakaupo na ang Makapangyarihang Diyos sa Maluwalhating Trono

I

Ang matagumpay na Hari

ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono.

Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na

ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian.

Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay

at sa pamamagitan ng Kanyang dibinong karunungan at kapangyarihan

ay itinayo Niya at pinatatag ang Sion.

Hun 7, 2020

Ang Banal na Katawang Espirituwal ng Makapangyarihang Diyos ay Nagpakita

 


Makapangyarihang Diyos

naibunyag mal'walhati N'yang katawan sa publiko.

Banal N'yang katawan nagpakita;

S'ya ay Diyos Mismo: Diyos na lubusang totoo.

Mundo'y nagbagong lahat, gayundin ang katawang-tao.

S'ya'y nagbagong-anyo upang maging persona ng Diyos,

may ginintuang korona sa ulo,

puting balabal sa katawan N'ya,

ginintuang sinturon sa dibdib N'ya.

Lahat ng bagay sa mundo'y tuntungan N'ya,

parang liyab ng apoy ang mga mata N'ya,

magkabilang-talim na tabak tangay N'ya,

pitong bit'win sa kanang kamay N'ya.

Daan ng kaharia'y walang-hanggana't maliwanag,

l'walhati ng Diyos tumataas, sumisikat.

Mga bundok nagsasaya't katubiga'y nagbubunyi;

araw, b'wan, mga bit'win lahat umiikot,

nakapilang maayos sa tanging totoong Diyos,

na tumupad sa anim-na-libong-taong planong pamamahala,

at nagbabalik nang matagumpay!

Hun 2, 2020

Ang Mga Hindi Tumatanggap sa Katotohanan ay Hindi Karapat-dapat sa Kaligtasan Mga Himno ng mga Salita ng Diyos



I
Sa pakikinig ng katotohanan at salita ng buhay,
maaari mong isipin na isang salita lamang
sa libu-libong salita na ‘to
ang tunay na tumutugma
sa ‘yong iniisip at sa Biblia,
hanapin sa ika-10,000 ng mga salita.
Payo ng Diyos na maging mapagpakumbaba,
huwag masyadong magtiwala sa sarili,
at huwag itaas ang sarili.
Di ba’t ika’y ‘di karapat-dapat
sa pagliligtas ng Diyos
kung ‘di mo matanggap
ang katotohanang malinaw na ipinahayag?
Di ba’t ikaw ang di sapat na mapalad
na muling makabalik sa harap ng trono ng Diyos?

Hun 1, 2020

Diyos na Nagkatawang-tao Lamang ang Lubos na Makapagliligtas sa Tao



I

Dumarating ang Diyos upang iligtas ang sangkatauhan

'di sa Espiritu o bilang Espiritu,

na 'di nakikita o nahahawakan ninuman,

na 'di malalapitan ng tao.

Kung nililigtas ng Diyos ang tao bilang Espiritu't

hindi isang tao ng paglikha,

walang makakakuha ng kaligtasan N'ya.

Oo, walang sinumang maliligtas.

Nagiging 'sang nilikhang tao ang Diyos,

nilalagay N'ya salita N'ya sa katawang-tao.

Para Kanyang maibibigay ang Kanyang salita

sa lahat ng sumusunod sa Kanya.

Kaya't makaririnig at makakakita't

makakatanggap ang tao ng salita N'ya.

Sa pamamagitan nito tao'y

tunay na maliligtas sa kasalanan n'ya.

May 19, 2020

Paano Mo Sasalubungin Pagbalik ni Jesus



I

Kapag Diyos naging tao ngayon,

gawa N'ya'y ipahayag disposisyon N'ya,

pangunahin sa pagkastigo't paghatol.

Gamit 'to bilang pundasyon,

dala Nya'y mas maraming katotohanan sa tao,

ipinapakita mas madaming paraan ng pagsasagawa,

kaya nakakamit layunin N'yang paglupig

at pagligtas sa tao mula sa masamang disposisyon n'ya.

Ito ang nasa likod

ng gawain ng Diyos sa Panahon ng Kaharian.

Kung tao'y nanatili sa Panahon ng Biyaya,

sariling disposiyon ng Diyos 'di nila malalaman kaylanman,

o makalaya sa disposisyong masama.

At kung nabubuhay sila sa kasaganaan ng biyaya,

ngunit hindi alam kung paano pasasayahin ang Diyos,

kaya sa Kanya'y kaawa-awang naniniwala sila

pero kaylanma'y 'di matatamo S'ya.

May 18, 2020

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kahulugan ng Dasal


I

Ang panalangin ay isa sa mga paraan

kung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,

upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng Diyos.

Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,

maliliwanagan at magiging matatag.

Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto

sa lalong madaling panahon.

Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,

maliliwanagan at magiging matatag.

Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto

sa lalong madaling panahon.

May 13, 2020

Ang Epektong Makakamit ng Paghatol ng Diyos



I

Ang paghatol ng Diyos ay di lang, sa iilang salita,

sa paglinaw sa katangian ng tao,

bagkus ay pagbunyag, pakikitungo sa paglipas ng panahon.

Tratong di matumbasan ng karaniwang salita,

katotohanang di saklaw ng tao

Tanging gawang tunay na paghatol;

tanging paghatol na gabay ng pagsunod natin sa Diyos

sa puso't salita, sa isip o gawa,

siya'y tunay na makilala.

May 10, 2020

Alamin na ang Pagkastigo't Paghatol ng Diyos ay Pag-ibig



I
Ang paghatol at pagkastigo ay sinadya
upang parusahan ang mga kasalanan ng tao.
Wala sa gawaing ito ang pagsumpa
o pagpatay sa laman ng tao.
Ang malupit na pagsisiwalat ng salita’y
para sa’yo upang makahanap ng tamang landas.
Personal mong nadama ang gawain ng Diyos.
‘Di ka nito inaakay sa masasamang landas.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Dapat makita mo ito ngayon nang malinaw,
tingnan ito ngayon nang malinaw. Whoah …
Alamin ang kahulugan ng paghatol
at hindi na magkaroon ng maraming pananaw.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
II
Ginagawang normal ng gawain ng Diyos ang buhay mo.
Ito’y isang bagay na maaari mong makamit.
Wala nang mabibigat na pasanin.
Ang gawain ay batay sa’yong mga pangangailangan.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Dapat makita mo ito ngayon nang malinaw,
tingnan ito ngayon nang malinaw. Whoah …
Alamin ang kahulugan ng paghatol
at hindi na magkaroon ng maraming pananaw.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
III
Kung ‘di mo maunawaan ang gawaing ‘to,
ay hindi ka makakapagsimula.
Maaliw sa kaligtasan. Dapat ay matauhan ka.
Kahit na ‘di mo ‘to makita ngayon nang malinaw;
pakiramdam mo na malupit ang Diyos sa iyo,
na hinahatulan ka N’ya dahil kinamumuhian ka N’ya,
ito’y pag-ibig ng Diyos, isang bantay sa’yo.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Dapat makita mo ito ngayon nang malinaw,
tingnan ito ngayon nang malinaw. Whoah …
Alamin ang kahulugan ng paghatol
at hindi na magkaroon ng maraming pananaw.
Whoah … Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig,
ang mas malalim na kahulugan ng gawain ng panlulupig.
Alamin ang kahulugan ng gawain ng panlulupig,
ang mas malalim na kahulugan ng gawain ng panlulupig.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


—————————————————————————————


Higit pang pansin:Tagalog Praise Songs

May 4, 2020

Ang Landas ng Pananalig sa Diyos Ay ang Landas ng Pag-ibig sa Kanya



Tagalog Christian Song | "Ang Landas ng Pananalig sa Diyos Ay ang Landas ng Pag-ibig sa Kanya"


ay pagmamahal sa Kanya.

Kung nananalig ka,

dapat mahalin mo Siya.

I

Pag-ibig sa Diyos ay di pagsukli lang,

ni dahil sa konsensiya,

kundi wagas na pag-ibig sa Diyos.

Konsiyensya'y di pupukaw ng pag-ibig.

Pag nadama mong kaibig-ibig Siya,

espiritu mo'y inaantig Niya,

konsiyensya mo'y gagana.

Pag-ibig na totoo nagmumula sa puso.

Diyos ay mamahalin mo

pag Siya ay kilala mo.

May 1, 2020

Purihin ang Diyos Nang Buo ang Puso



Tagalog Christian Music Video | "Purihin ang Diyos Nang Buo ang Puso"



I

Kung nais mong purihin ang Diyos,

kumanta nang malakas hangga't kaya mo.

Kung nais mong sumayaw, tumayo at sumayaw.

Kung nais mong kaini’t inumin ang mga salita ng Diyos,

kaini’t inumin ang mga ito.

Kung nais mong manalangin, manalangin ka.

Isipin ang Diyos, manalangin-magbasa at magbahagi,

magbulay, pagnilayan at hanapin ang Diyos nang higit pa.

Makulay ang buhay ng iglesia,

ang papuri ay maaaring may maraming anyo.

Sa pamumuhay sa mga salita ng Diyos araw-araw,

makikita ang kagandahan ng Diyos.

Ang pagpupuri sa Diyos ay nagpapalaya sa puso,

walang mga tuntunin o pagpipigil.

Sa totoong papuri may kasiyahan,

at kapayapaan at kagalakan.

Ang pamumuhay sa presensiya ng Diyos,

nagdudulot ng kagalakang walang kaparis,

totoong maligaya tayo.