Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Masama ay Nararapat Parusahan
Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung ang lahat ng iyong pagkilos ay nasusubaybayan ng Diyos, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Matatawag kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at kasakdalan, ay mga matuwid at kinalulugdan ng Diyos. Habang mas tinatanggap ninyo ang mga Salita ng Diyos ngayon mismo, mas nagagawa ninyo matanggap at maunawaan ang Kanyang kalooban, at kaya mas maisasabuhay ninyo ang mga Salita ng Diyos at masusunod ninyo ang Kanyang mga pamantayan. Ito ang komisyon ng Diyos sa inyo, at kung ano ang dapat ninyong makamtan. Kung gumagamit kayo ng mga pananaw upang sukatin at ilarawan ang Diyos, na parang ang Diyos ay tulad ng isang di-nagbabagong imahen na gawa sa luwad, at kung nililimitahan ninyo ang Diyos sa Biblia, at pinipigilan ninyo Siya sa limitadong saklaw ng paggawa, ito ay nagpapatunay na hinatulan ninyo ang Diyos. Dahil, sa kanilang mga puso, ang mga Hudyo sa panahon ng Lumang Tipan ay ginawang isang hinulmang idolo ang Diyos, na parang ang Diyos ay tatawagin lamang Mesiyas, at tanging Siya lang na tinatawag na Mesiyas ay Diyos, at dahil pinaglingkuran at sinamba nila Siya na parang isang (walang buhay na) imaheng gawa sa luwad, pinako nila si Jesus sa krus sa panahong iyon, na hinatulan nila Siya ng kamatayan—at walang pag-aalinglangang pinarusahan ang inosenteng si Jesus ng kamatayan. Walang ginawang krimen ang Diyos, ngunit hindi pinalampas ng tao ang Diyos at di nagdalawang isip na bigyan Siya ng parusang katamayan. Sa gayon, pinako si Jesus sa krus. Ang tao ay laging naniniwala na hindi nagbabago ang Diyos, at inilalarawan Siya ayon sa Biblia, na parang nakita na ng tao ang pamamahala ng Diyos, na parang ang lahat ng mga ginawa ng Diyos ay nasa kamay ng tao. Ang mga tao ay talaga namang katawa-tawa, taglay nila ang labis na kayabangan, taglay nilang lahat ang talino sa pagsasalita nang maganda. Gaano man kalalim ang kaalaman mo tungkol sa Diyos, sinasabi ko pa rin na hindi mo kilala ang Diyos, at wala ng iba pang mas tumututol sa Diyos, at hinatulan mo ang Diyos, sapagkat lubos kang walang kakayahang sundin ang gawain ng Diyos at ang lumakad sa landas na gawin kang perpekto ng Diyos. Bakit hindi kailanman nasisiyahan ang Diyos sa mga ginagawa ng tao? Dahil hindi kilala ng tao ang Diyos, masyado siyang maraming mga pananaw, sa halip na sundin ang katotohanan, lahat ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay nanggaling mula sa parehong hibla, matibay at hindi nababali. Kaya, sa Kanyang pagdating sa mundo ngayon, ang Diyos ay minsan pang ipinako sa krus ng tao. Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus. Gaano karami ang maaaring tawagin na matuwid dahil talagang kumikilos sila para sa kapakanan ng Diyos?