Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Movie Clips. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Movie Clips. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 9, 2020

Kumakatok ang Panginoon sa Pinto: Nakikilala Mo ba ang Kanyang Tinig?

 Sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig” (Juan 10:27). Malinaw na nagsasalita ang Panginoon upang hanapin ang Kanyang tupa sa Kanyang pagbabalik. Ang pinakamahirap na gagawin ng mga Kristiyano habang hinihintay nila ang pagdating ng Panginoon ay ang paghahangad na marinig ang tinig ng Panginoon. Paano kaya nila makikilala ang tinig ng Panginoon? Ano nga ba ang pagkakaiba ng tinig ng Diyos at ng tinig ng mga tao?

——————————————

Nais mo bang tanggapin ang pagdating ni Jesus? Narito nais naming magbahagi ng higit pang mga katotohanan at misteryo ng pagbabalik ng Panginoon, kasama na ang mga propesiya ng Bibliya, mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon, ang misteryo ng rapture, paghatol sa mga huling araw, at ang misteryo ng kaharian ng langit, at iba pa. Inaasam naming matulungan kang masalubong ang pagdating ng Panginoon sa lalong madaling panahon at ma-rapture sa kaharian ng Diyos.

Hul 27, 2020

Mga Palatandaan ng Pangalawang Pagbabalik ng Panginoong Jesus


Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ipinangaral Niya ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian sa lahat ng dako sa isang malawakang antas, at ito ay umalingawngaw sa buong relihiyosong mundo at sa bansang Judio. Sa araw na bumalik ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, niyanig nito ang mga tao mula sa bawat sekta at grupo, at nagdulot ito ng pagkabalisa sa buong mundo. Napansin mo ba ang mga palatandaan ng ikalawang pagdating ng Panginoon? Tinatanggap mo ba ang Kanyang pagbabalik?
_____________________________

Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus?


Hul 22, 2020

Lumabas Sa Biblia" | Pagbibigay-kahulugan sa mga Misteryo tungkol sa Biblia


Si Wang Yue ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Buong puso’t kaluluwa siyang nangaral at namuno sa iglesia para sa Panginoon. Pero nang mas lalong nawalan ng mga tao ang kanyang iglesia, lubha siyang nabalisa pero wala siyang nagawa tungkol doon. Habang nagdurusa at nalilito, sinuwerte siyang tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Nang matamasa niya ang saganang salita ng Diyos, lubos niyang nalaman ang lawak ng pagliligtas ng Kanyang pagliligtas. Dahil dito, mas naging totoo para sa kanya ang paghihirap at wala siyang magawa nang mawala ang kasaganaang dulot ng Diyos at nasadlak siya sa kadiliman. Kaya nga, nagpasiya siyang ipangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. … Nang ipangaral ni Wang Yue ang ebanghelyo sa kanyang mga kapatid sa kanyang bayang sinilangan, ginawa ng pastor at elder ng mga relihiyon ang lahat para pigilan at hadlangan siya. Ikinalat nila ang haka-haka sa relihiyon na: "Ang pananalig sa Diyos ay pananalig sa Biblia, at ang pananalig sa Biblia ay pananalig sa Diyos. Ang paglayo sa Biblia ay hindi pananalig sa Diyos!" Gaya ng mga Fariseo noong araw na nilabanan at tinuligsa ang Panginoong Jesus, inilimita nila ang Diyos sa Biblia, at dahil dito ay nalinlang at nahadlangan ang mga mananampalataya sa pagsusuri sa tunay na daan. Nahaharap sa gayong sitwasyon, isang matinding debate ang nagsimula sa pagitan ng dalawang partido. Paano ginamit ni Wang Yue ang salita ng Makapangyarihang Diyos para mawala ang mga haka-haka ng mga relihiyoso? …

—————————————

Bible Study Tagalog: we can learn more mysteries of the Lord's return, for instance, in which way the Lord will come and how we can welcome the Lord so that we can meet the Lord soon.

Hul 19, 2020

Mga Palatandaan ng Pangalawang Pagbabalik ng Panginoong Jesus



Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ipinangaral Niya ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian sa lahat ng dako sa isang malawakang antas, at ito ay umalingawngaw sa buong relihiyosong mundo at sa bansang Judio. Sa araw na bumalik ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, niyanig nito ang mga tao mula sa bawat sekta at grupo, at nagdulot ito ng pagkabalisa sa buong mundo. Napansin mo ba ang mga palatandaan ng ikalawang pagdating ng Panginoon? Tinatanggap mo ba ang Kanyang pagbabalik?

————————————

Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

Hul 10, 2020

Pananalig sa Diyos - Ano ba ang Ibig Sabihin ng Tunay na Pananalig sa Diyos?


 Maraming taong naniniwala na ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, at ang masusing pagsusumikap para sa Panginoon ay ang reyalidad ng paniniwala sa Diyos. Walang sinuman sa relihiyosong mundo ang ganap na nakakaintindi sa kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pananalig sa Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang ‘paniniwala sa Diyos’ ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos”.

__________________________

Maraming tao ang nag-iisip na hangga't kinikilala natin ang Diyos sa ating mga bibig at nagtitiwala sa Kanya sa ating mga puso, kung gayon ay matatawag tayo na naniniwala tayo sa Diyos. Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ay tunay na kasing simple ng iniisip natin? Ano ang pananampalataya sa Diyos? Sa katunayan, ang "Paniniwala sa Diyos" ay nangangahulugang naniniwala tayo na pinanghahawakan ng Diyos ang soberanya sa lahat ng bagay. Batay dito, dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos, mabago ang ating disposisyon at sa huli makilala ang Diyos.

Hul 9, 2020

Ang Pagwasak ng Diyos sa Daigdig sa Isang Baha



Kapag pinanood mo ang kamangha-manghang maikling pelikulang Kristiyano na Ang Pagwasak ng Diyos sa Daigdig sa Isang Baha, matutuklasan mo ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos at ang Kanyang malasakit at habag sa sangkatauhan, at ang landas tungo sa pagliligtas ng Diyos sa gitna ng mga kalamidad.

——————————————

Mas nagiging malala ang mga sakuna, na siyang mga palatandaan ng mga huling araw. Sa ganitong mga araw na madalas na nangyayari ang mga sakuna, paano natin dapat salubungin ang pagbabalik ng Panginoon? 
Inirerekomenda: Lumitaw na ang mga Palatandaan ng mga huling araw: Paano Tayo Madadala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa?

Hul 8, 2020

Paano Makikilala ang Pagkakaiba ng Pagkakaligtas at Totoong Kaligtasan



Naniniwala ang maraming nasa mundo ng relihiyon tayong mga nananalig sa Panginoon ay napatawad na ang mga kasalanan at nailigtas na sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya, at isinasabuhay natin ang kababaang-loob at pagtitiis, pinapasan ang ating mga krus at nagkakaroon ng maraming magandang pag-uugali, kaya hindi pa ba ito nangangahulugan na sumailalim kami sa pagbabago? Naniniwala sila na kung palagi nating itataguyod ang ating pananampalataya sa ganitong paraan, sa bandang huli, maaari tayong madala at makapasok sa kaharian ng langit. Ganito nga ba talaga ang mga katotohanan? Maaari ba na ang pagkakaroon lamang ng magandang pag-uugali sa ating pananalig ang kinatawan ng kaligtasan? Ano ba talaga ang pagkakaiba sa pagitan ng naligtas at totoong Kaligtasan?

——————————————

Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa atin, tinubos tayo mula sa kasalanan, upang makamit natin ang katiyakan ng kaligtasan ng Panginoon, na, gayunpaman, ay hindi nangangahulugang hindi na tayo isang makasalanan. Upang tuluyang makawala sa pagkaalipin sa kasalanan at makapasok sa kaharian ng Diyos, dapat nating maranasan ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw.

Hun 30, 2020

Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?



Sa bawat panahon na nagkakatawang-tao ang Diyos at nagpapakita para gawin ang Kanyang gawain, malupit na sinusuway at binabatikos ng masasamang puwersa ni Satanas ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng digmaan sa loob ng espirituwal na mundo na humahati at naglalantad sa relihiyosong mundo. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak” (Mateo 10: 34). Noong nagpakita ang Panginoong Jesus at nagtrabaho sa Kapanahunan ng Biyaya, nahati sa maraming pangkat ang Judaismo. Sa pagpapakita ngayon at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ang relihiyosong mundo ay sumasailalim sa malaking paglalantad; ang trigo at ang mga damo, ang mga tupa at ang mga kambing, ang matatalinong birhen at ang mga hangal na birhen, at ang mga mabuting lingkod at ang mga masamang lingkod—ay lahat inilantad, ang bawat isa sa kanilang sariling uri. Tunay na hindi maarok ang karunungan at kamanghaan ng Diyos!

Manood ng higit pa:


_________________________________

Maraming tao ang nag-iisip na hangga't kinikilala natin ang Diyos sa ating mga bibig at nagtitiwala sa Kanya sa ating mga puso, kung gayon ay matatawag tayo na naniniwala tayo sa Diyos. Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ay tunay na kasing simple ng iniisip natin? Ano ang pananampalataya sa Diyos? Sa katunayan, ang "Paniniwala sa Diyos" ay nangangahulugang naniniwala tayo na pinanghahawakan ng Diyos ang soberanya sa lahat ng bagay. Batay dito, dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos, mabago ang ating disposisyon at sa huli makilala ang Diyos.

Hun 21, 2020

Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos?




Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!

____________________________

Alam nating lahat ang parabula ng sampung dalaga at nais maging matatalinong dalaga na maaaring sumalubong sa Panginoon. Kung ganoon, alam mo ba kung bakit sila matalino?



Hun 6, 2020

"Paano Maghintay ng Maingat Upang Masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon




Ngayon ay ang huling yugto ng mga huling araw. Ang lahat ng mga uri ng mga sakuna sa buong mundo ay lalong lumala. Ang mga propesiya sa bibliya ng pagbabalik ng Panginoon ay pangunahing natutupad na. Maraming tao ang nakadarama na ang Panginoon ay bumalik na ngunit hindi nila nakita Siya na dumarating sa mga ulap. Ano ang nangyayari? Paano eksaktong darating ang Panginoon?

May 28, 2020

Huwag Magtuon sa Biblia: Dumalo sa Piging ng Kaharian ng Langit sa Piling ng Panginoon



Pakiramdam ng maraming sumasampalataya sa Panginoon ay nasa Biblia ang lahat ng salita at gawain ng Diyos, na ganap na ang pagliligtas ng Diyos ayon sa nakasaad sa Biblia, na kailangang ibatay sa Biblia ang pananampalataya sa Diyos at na kung nakabatay sa Biblia ang ating pananampalataya sa Diyos, siguradong madadala tayo sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito tungkol sa relihiyon ay di-nakikitang mga tali na matatag na gumagapos at nagpapakitid sa ating isip kaya hindi natin hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu at hindi matanggap ang kasalukuyang gawain ng Diyos. Kung gayo’y paano natin mauunawaan ang koneksyon ng Biblia sa Diyos at sa Kanyang gawain? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pagtalikod lang sa Biblia tayo makakaharap sa Diyos at makakatanggap ng Kanyang pagliligtas at makakadalo sa piging ng kaharian ng langit sa piling Niya.

——————————————————————

Alamin natin ang higit pa tungkol sa mga misteryo ng mga Propesiya sa Biblia na magkakasama.

May 25, 2020

Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit



Naniniwala ang ilang tao na matapos mabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, bumaba ang Banal na Espiritu para gumawa sa tao sa araw ng Pentecostes. Sinaway Niya ang mundo ng kasalanan, at ng pagkamatuwid, at ng paghatol. Kapag tinanggap natin ang gawain ng Banal na Espiritu at nagsisi tayo sa Panginoon para sa ating mga kasalanan, dumaranas tayo ng paghatol ng Panginoon. Ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu sa araw ng Pentecostes ay dapat maging gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Tama ba tayo sa paraan ng pagtanggap natin dito? Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Panginoong Jesus at ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?

————————————————————————

Ipinaliliwanag ng bahaging Mga Propesiya sa Biblia ang mga propesiya tungkol sa mga kalamidad sa mga huling araw, ikalawang pagparito ni Jesus, mga pangalan ng Diyos, ang huling paghuhukom, at iba pa.

May 23, 2020

Ang Paghuhukom ng Diyos sa mga Huling Araw ang Kaligtasan para sa Tao



Binabasa ng ilang tao ang mga salita ng Diyos at nakikita na may ilang malulupit na bagay na hatol ng sangkatauhan, at pagtuligsa at sumpa. Iniisip nila na kung hinahatulan at isinusumpa ng Diyos ang mga tao, hindi ba sila huhusgahan at parurusahan? Paano masasabi na ang ganitong klaseng paghatol ay para padalisayin at iligtas ang sangkatauhan? Sabi ng Diyos: "Ang sinusumpa ng Diyos ay ang pagkamasuwayin ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao." "Ang mga matinding paghahayag na ito ng salita ay lahat para sa layuning pamunuan ka sa tamang landas" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ano ang wastong paraan ng pag-unawa sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw?

______________________________________

Ipinaliliwanag ng bahaging Mga Propesiya sa Biblia ang mga propesiya tungkol sa mga kalamidad sa mga huling araw, ikalawang pagparito ni Jesus, mga pangalan ng Diyos, huling paghuhukom, at iba pa.

May 15, 2020

Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kumakatawan sa Paniniwala sa Diyos?



Nanghahawakan ang mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga salita ni Pablo sa Biblia na nagsasabing "Ang lahat ng mga kasulatan [ay] kinasihan ng Dios," na naniniwala na ang Biblia ay puro salita ng Diyos at ginagawa nila ang lahat para purihin at patotohanan ang Biblia, na ipinapantay ang Biblia sa Diyos. Naniniwala sila na ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon at na ang pananalig sa Panginoon ay pananalig sa Biblia. Kaya talaga bang ibinigay ang buong Biblia sa inspirasyon ng Diyos? Ang gawain ba ng Diyos ang nagpasimula sa Biblia, o ang Biblia ang nagpasimula sa gawain ng Diyos? Talaga bang maaaring katawanin ng Biblia ang Panginoon? Gagabayan kayo ng maikling videong ito sa tamang landas.

——————————————————————

Rekomendasyon:Tagalog Bible Study

Abr 11, 2020

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Nagsimula na ang Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw




Tagalog Gospel Movie | "Pagkamulat" - Nagsimula na ang Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw (Clip 2/2)


Winakasan na ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan na ang Kapanahunan ng Kaharian. Inihahayag Niya ang katotohananat sinisimulan ang Kanyang gawain ng paghatol sa pamilya ng Diyos. Paano napadadalisay at naliligtas ang tao ng gawain ng paghatol ng Makapangyrihang Diyos sa mga huling araw? Ano ang ating magiging wakas kung tatanggihan natin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Ibinunyag ang mga kasagutan sa video na ito.

__________________________________

Rekomendasyon:Sa mga huling araw, paano eksaktong isinasagawa ang paghuhukom ng Diyos? Gusto mo bang malaman? Napakahalaga para sa atin na malaman ang aspetong ito ng katotohanan, sapagkat ito ay nauugnay sa kung ang bawat isa sa atin ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit.









Abr 3, 2020

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano ba Dapat Unawain ang Kristiyanismo?



Tagalog Christian Movie "Red Re-Education sa Bahay" Clip 5 - Paano ba Dapat Unawain ang Kristiyanismo?


Ang karaniwang kaalaman na ang Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodox Church ay pawang mga relihiyon na nananalig sa Panginoong Jesucristo. Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Cristo ng mga huling araw. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang iglesia ni Cristo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bahagi rin ng Kristiyanismo. Kaya bakit ikinakaila ng Chinese Communist Party na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang iglesiang Kristiyano? Ano ba talaga ang Kristiyanismo?

Malaman ang higit pa: Alam ng maraming tao na ang Kristiyanismo ay isa sa tatlong pangunahing relihiyon sa mundo, ngunit hindi nila alam ang kahulugan ng Kristiyanismo. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa katotohanan tungkol sa Kristiyanismo, mangyaring panoorin: Ano ang Kristiyanismo?

Mar 24, 2020

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! "



Tagalog Christian Movie "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! " Clip 4 - Kapareho ba ng Mapadalisay ang Maligtas?


Yamang naligtas na yaong mga sumasampalataya sa pangalan ng Panginoong Jesus, bakit kailangang gawin ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan? Ipapakita sa inyo ng videong ito ang sagot.

______________________________________

Malaman ang higit pa: Ang paghihirap ang pinakamalaking biyaya ng Diyos sa atin. Bakit ko sinasabi ito? Ano ang kalooban ng Diyos sa likod ng mga paghihirap na ito?



Mar 23, 2020

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kalooban ng Diyos ang Maaaring




Tagalog Christian Movie| "Paghihintay" - Tanging Yaong Susunod sa Kalooban ng Diyos ang Maaaring Makapasok sa Kaharian ng Langit (Clip 3/7)



Anong uri ng tao ang dadalhin sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Ngunit naniniwala ang ilang mga tao na ang kahulugan lamang ng pagsunod sa kalooban ng makalangit na Ama ay pagiging tapat sa pangalan ng Panginoon, masigasig na pagsisilbi sa Kanya, at pagtitiis sa pagdurusa ng pagpasan sa krus, at kung gagawin natin ang mga bagay na ito, kailangan lamang nating mag-abang at maghintay para sa ikalawang pagbabalik ng Panginoon nang tulad nito upang madadala sa kaharian ng langit. Alinsunod ba ang mga ideyang ito sa mga panuntunan ng Panginoon? Ipapaalam ng clip na ito sa iyo.

Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/videos/gospel-movie-waiting-3.html

—————————————————————

Magrekomenda nang higit pa: Ano ang kalooban ng Diyos



Mar 16, 2020

Saloobin ng mga Kristiyano: Talaga bang Walang Pakialam sa Kanilang Pamilya ang mga Nanalig sa Diyos?


Zheng Weiguo: Ah, Xiaoyi, Xiaorui, may gusto akong sabihin sa inyo. Alam ko na mabuting manalig sa Diyos. Inaakay nito ang mga tao sa tamang landas. Kaya, nang manalig kayo sa Diyos, nakahinga ako nang maluwag at hindi na nag-aalala na maligaw kayo ng landas. Pero nakita ko na sinasabi sa mga dokumento ng gobyerno, gaya ng ilang taong nananalig kay Jesus, iniiwan ng mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang kanilang pamilya para ipangaral ang ebanghelyo. Hindi pa nga nag-aasawa ang ilan habambuhay. Sinasabi rin sa mga dokumento na gusto ng gobyerno na ikulong ang isang grupo ng mga taong nananalig sa Makapangyarihang Diyos at patayin ang isa pang grupo. Balewala sa kanila ang patayin sila. May isa pa gaya ng “Hindi paaatrasin ang mga kawal …” tama, “hangga’t walang pagbabawal.” Maraming nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang inaresto, ibinilanggo, sinugatan at nilumpo ng CCP. Nawalan pa ng trabaho ang ilan at nawasak ang kanilang pamilya. Nag-ani ito ng maraming puna na ang mga taong nananalig sa Diyos ay ayaw sa kanilang pamilya. Xiaoyi, Xiaorui, totoo ba ito? Sasabihin ko sa inyo, hindi maaaring iwanan n’yo ang inyong pamilya o hindi kayo mag-asawa. Kung ganito talaga ang pananalig n’yo sa Diyos, ang payo ko ay huwag kayong maniwala sa Makapangyarihang Diyos, okey?

Mar 15, 2020

Nagsimula na ang Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw



Tagalog Gospel Movie | "Pagkamulat" - Nagsimula na ang Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw (Clip 2/2)


Winakasan na ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan na ang Kapanahunan ng Kaharian. Inihahayag Niya ang katotohanan at sinisimulan ang Kanyang gawain ng paghatol sa pamilya ng Diyos. Paano napadadalisay at naliligtas ang tao ng gawain ng paghatol ng Makapangyrihang Diyos sa mga huling araw? Ano ang ating magiging wakas kung tatanggihan natin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Ibinunyag ang mga kasagutan sa video na ito

————————————————
Ngayon tayo ay nasa mga huling araw na at ang Panginoon ay matagal nang naging laman upang gawin ang gawain ng paghuhukom. Bakit ginagawa ng Panginoon ang gawain ng paghuhukom? Ano ang kahulugan ng paghuhukom? Hangga't nauunawaan natin ang aspetong ito ng katotohanan at tinatanggap ang paghuhukom, magkakaroon tayo ng mga pagkakataon na malinis at makapasok sa kaharian ng langit.