Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Paano Malaman ang Realidad
Ang Diyos ay Diyos ng realidad: Lahat ng Kanyang mga gawa ay tunay,
at lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay totoo, at lahat ng mga
katotohanan na ipinapahayag Niya ay totoo. Lahat ng bagay na hindi
Kanyang mga salita ay walang laman, hindi umiiral, at hindi batay sa
katotohanan. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay gumagabay sa mga tao tungo
sa mga salita ng Diyos. Kung nais ng mga tao na ituloy ang pagpasok sa
realidad, samakatuwid dapat nilang hanapin ang realidad at alamin ang
realidad, matapos nito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at
isabuhay ang realidad. Mas alam ng mga tao ang realidad, mas maaari
nilang masabi kung ang salita ng iba ay tunay; mas alam ng mga tao ang
reyalidad, mas mababa ang pagkakaroon nila ng mga maling pag-iisip; mas
mararanasan ng mga tao ang realidad, at mas alam nila ang mga gawa ng
Diyos ng realidad, at kung mas madali para sa kanila ang iwanan ang
kanilang tiwaling, mala-satanas na mga disposisyon; mas mayroong
realidad ang mga tao, mas makikilala nila ang Diyos, at mas kamumuhian
nila ang laman at mamahalin ang katotohanan; mas mayroong realidad ang
mga tao, mas malalapit sila sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos. Ang
mga taong natamo ng Diyos ay yaong nagmamay-ari ng realidad, at alam ang
katotohanan; yaong mga natamo ng Diyos ay nalaman ang tunay na mga gawa
ng Diyos sa pamamagitan nang pagdanas ng realidad. Mas aktuwal na
nakikipagtulungan ka sa Diyos at dinidisiplina ang iyong katawan, mas
matatamo mo ang gawa ng Banal na Espiritu, mas matatamo mo ang realidad,
at mas mabibigyang-liwanag ka ng Diyos—at sa gayon, mas higit ang iyong
kaalaman sa tunay na mga gawa ng Diyos. Kapag nakakapamuhay ka sa
aktuwal na liwanag ng Banal na Espiritu, ang kasalukuyang landas nang
pagsasagawa ay magiging mas malinaw sa iyo, at mas maaari mong
maihihiwalay ang iyong sarili mula sa mga relihiyosong maling pag-iisip
at lumang mga gawi ng nakaraan. Ngayon, realidad ang tampulan: Mas
mayroong realidad ang mga tao, mas malinaw ang kanilang kaalaman sa
katotohanan, mas higit ang kanilang pagkaunawa sa kalooban ng Diyos.
Mapapangibabawan ng realidad ang lahat ng mga aral at mga doktrina,
maaari nitong mapangibabawan ang lahat ng teorya at kasanayan, at mas
nakatuon sa realidad ang mga tao, mas tunay nilang maiibig ang Diyos, at
magugutom at mauuhaw sa Kanyang mga salita. Kapag lagi kang nakatuon sa
realidad, ang iyong pilosopiyang pambuhay, mga relihiyosong maling
pag-iisip, at likas na karakter ay natural lamang na mabubura alinsunod
sa gawa ng Diyos. Yaong mga hindi tumutuloy sa realidad, at walang
kaalaman sa realidad, ay malamang na tutuloy sa kung ano ang higit sa
karaniwan, at madali silang malilinlang. Ang Banal na Espiritu ay walang
kaparaanang gumawa sa mga naturang tao, kung kaya’t nararamdaman nila
ang kawalang laman, at ang kanilang mga buhay ay walang kahulugan.
Ang
Banal na Espiritu ay maaari lamang na makagawa sa iyo kapag ikaw ay
aktuwal na nagsasanay, aktuwal na naghahanap, aktuwal na nagdarasal at
nahahandang magpakasakit alang-alang sa paghahanap ng katotohanan. Yaong
mga hindi naghahanap ng katotohanan ay wala ni anuman maliban sa mga
aral at katuruan, mga walang saysay na teorya, at yaong mga walang
katotohanan ay natural na mayroong maraming mga maling pag-iisip tungkol
sa Diyos. Ang mga taong ganito ay naghahangad lamang na palitan ng
Diyos ang kanilang katawang lupa ng espiritwal na katawan, nang sa
ganoon ay maaari silang makabalik sa ikatlong langit. Kayhahangal ng mga
taong ito! Lahat ng mga nagsasabi ng ganito ay walang kaalaman sa
Diyos, o sa reyalidad; ang mga taong ganito ay posibleng di-maaaring
makipagtulungan sa Diyos, at maaari lamang maghintay nang walang-kibo.
Kung nais ng mga tao na maunawaan ang katotohanan, at malinaw na makita
ang katotohanan, at gayon din, saka papasok sila sa katotohanan at
isagawa ito, dapat silang aktuwal na maghanap, at aktuwal na magutom at
mauhaw. Kapag nagutom at nauhaw ka, at kapag aktuwal kang
nakipagtulungan sa Diyos, ang Espiritu ng Diyos ay tiyak na hihipo sa
iyo, gagawa sa loob mo na siyang magdadala sa iyo sa mas maraming
pagliliwanag, at magbibigay sa iyo ng higit na kaalaman, at magiging mas
malaking tulong sa iyong buhay.
Kung nais ng mga tao na makilala
ang Diyos, dapat muna nilang malaman na ang Diyos ay ang tunay na Diyos,
at dapat nilang malaman ang mga salita ng Diyos, ang tunay na hitsura
ng Diyos sa laman, ang tunay na gawa ng Diyos. Tanging pagkatapos lamang
na makilala na ang lahat ng gawa ng Diyos ay tunay maaaring aktuwal
kang makikipagtulungan sa Diyos, at tanging sa pamamagitan lamang ng
daang ito maaari mong matamo ang paglago sa iyong buhay. Lahat ng yaong
mga walang kaalaman sa reyalidad ay walang kaparaanan upang maranasan
ang mga salita ng Diyos, sila ay nabitag ng kanilang maling pag-iisip,
nabubuhay sila sa kanilang guniguni, at sa gayon wala silang kaalaman sa
mga salita ng Diyos. Mas higit ang iyong kaalaman sa realidad, mas
malapit ka sa Diyos, at mas tapat ang loob mo sa Kaniya; mas higit ang
iyong pagnanais na makita ang kalabuan at mga makadiwang lutang, at
katuruan, mas higit kang mawawalay sa Diyos, sa gayon mas mararamdaman
mo na ang pagdanas sa salita ng Diyos ay nakakabawas ng lakas at
mahirap, at wala kang kakayahan sa pagpasok. Kung nais mo na pumasok sa
realidad ng mga salita ng Diyos, patungo sa tamang tahakin ng iyong
pang-espiritwal na buhay, una mo dapat kilalanin ang realidad at
ihiwalay ang iyong sarili mula sa malabo, at higit sa karaniwan na mga
bagay—na ibig sabihin, una mo munang dapat maunawaan kung paanong ang
Banal na Espiritu ay kasalukuyang nagbibigay-liwanag at gumagabay sa iyo
mula sa iyong loob. Sa ganitong paraan, kung maaari mong tunay na
maunawaan ang tunay na gawa ng Banal na Espiritu sa iyong loob,
makakapasok ka sa tamang daan na ginawang perpekto ng Diyos.
Ngayon,
ang lahat ay nagsisimula sa realidad. Ang gawa ng Diyos ang pinakatotoo
at maaaring mahipo ng mga tao; yaon maaaring maranasan ng mga tao, at
makamtan. Sa mga tao kaydami nang malabo at higit sa karaniwan, na
pumipigil sa kanila sa pagkilala sa kasalukuyang gawain ng Diyos. Sa
gayon, sa kanilang mga karanasan palagi silang lumilihis, at palaging
nakakaramdam na nahihirapan, na lahat ay dulot ng kanilang mga maling
pag-iiisip. Hindi maunawaan ng mga tao ang mga prinsipyo na gawa ng
Banal na Espiritu, hindi nila batid ang realidad, at kung kaya sila ay
palaging negatibo sa kanilang landas sa pagpasok. Tinitingnan nila ang
mga hinihingi ng Diyos mula sa malayo, di-makamtan ang mga iyon;
nakikita lamang nila ang mga salita ng Diyos ay tunay na mabubuti,
ngunit maaaring di-matagpuan ang landas sa pagpasok. Ang Banal na
Espiritu ay gumagawa batay sa prinsipyong ito: Sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan ng mga tao, sa pamamagitan nila na aktibong
nagdarasal, naghahanap at mas napapalapit sa Diyos, ang mga bunga ay
maaaring makamtam, at sila’y maaaring mabigyang-liwanag at mailawan ng
Banal na Espiritu. Hindi kumikilos nang isahan ang Banal na Espiritu, o
ni ang tao ay kumikilos nang isahan. Kapwa nila lubhang kailangan ang
isa’t-isa, at mas nagtutulungan ang mga tao, mas matutunton nila ang
pagkamit sa mga pamantayan ng mga hinihingi ng Diyos, mas malaki ang
gawa ng Banal na Espiritu. Tanging ang totoong pakikipagtulungan ng mga
tao, dagdag pa sa gawa ng Banal na Espiritu, ang maaaring magbigay-bunga
nang tunay na mga karanasan at ng substantibong kaalaman sa mga salita
ng Diyos. Unti-unti, sa pamamagitan nang pagdanas sa ganitong paraan,
ang isang perpektong tao sa kahuli-hulihan ay naibubunga. Ang Diyos ay
di-gumagawa ng mga higit sa karaniwang mga bagay; sa mga pag-iisip ng
mga tao, ang Diyos ay ang Makapangyarihan sa lahat, at ang lahat ay
ginagawa ng Diyos—na ang bunga ay walang-kibong paghihintay ng tao,
hindi nagbabasa ng mga salita ng Diyos o nagdarasal, at naghihintay na
lamang sa hipo ng Banal na Espiritu. Yaong may tamang pagkaunawa,
gayunpaman, ay naniniwala dito: Ang mga kilos ng Diyos ay maaari lamang
makasulong hanggang sa aking pakikipagtulungan, ang epekto ng gawa ng
Diyos ay nakasalalay sa akin kung paano ako makikipagtulungan. Kapag
nagsasalita ang Diyos, dapat gawin ko ang lahat ng aking maaaring gawin
upang hanapin at magsumikap tungo sa mga salita ng Diyos; ito ang dapat
kong makamit.
Kina Pedro at Pablo, malinaw ninyong makikita na si
Pedro ang mas higit na nagtuon ng atensiyon sa reyalidad. Mula sa
pinagdaanan ni Pedro, maaaring makita na ang kanyang mga karanasan ay
kumuha ng mga aral mula doon sa mga nabigo sa nakaraang panahon, kung
kaya’t natutuhan niya ang mga kalakasan ng mga santo ng panahong
nakaraan—at mula dito maaaring makita kung gaano katotoo ang mga
karanasan ni Pedro, na ang mga ito ay sapat upang mahayaan ang mga tao
na mahipo, mabigyan ng kakayanan at nang makamit yaon ng mga tao. Si
Pablo, bagaman, ay kakaiba: Lahat nang tinukoy niya ay malabo at
di-nakikita, mga bagay tulad ng pagpunta sa ikatlong langit, ang
pag-akyat sa trono at ang korona ng pagkamatuwid. Tumuon siya sa bagay
na panlabas: sa katayuan, sa paghahaplit sa mga tao, sa
pagpapakitang-gilas ng kanyang katandaan, sa paghipo sa kanya ng Banal
na Espiritu, at iba pa. Wala sa hinabol niya ang totoo, at karamihan
doon ay pantasya, at sa gayon nakikita na ang lahat ng yaon ay higit sa
karaniwan, gaya nang kung gaano hinihipo ng Banal na Espiritu ang mga
tao, ang malaking galak na tinatamasa ng mga tao, ang pagpunta sa
ikatlong langit, o regular na pagsasanay at pagtamasa nito hanggang sa
maaabot nito, pagbabasa ng salita ng Diyos at pagtamasa sa mga ito
hanggang sa isang tiyak na lawak—wala ni isa man dito ang totoo. Lahat
ng mga gawa ng Banal na Espiritu ay karaniwan, at totoo. Kapag binabasa
mo ang mga salita ng Diyos at nagdasal, sa kalooban mo ikaw ay
maningning at matatag, ang mundong panlabas ay di-maaaring makialam sa
iyo, sa loob mo handa mong mahalin ang Diyos, handa kang makisalo sa mga
positibong bagay, at kinamumuhian mo ang buktot na mundo; ito ay
pamumuhay sa loob ng Diyos, at hindi tulad nang sinasabi ng mga tao, na
masyadong nagtatamasa—ang ganoong salita ay hindi totoo. Ngayon, ang
lahat ay nagsisimula sa realidad. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay totoo,
at sa iyong mga karanasan, dapat mong pagtuunan ng pansin ang tunay na
pagkilala sa Diyos, ang hanapin ang mga yapak na gawa ng Diyos at ang
mga kaparaanan kung paano hinihipo at binibigyang-liwanang ng Banal na
Espiritu ang mga tao. Kung kinakain at iniinom mo ang mga salita ng
Diyos, at nagdarasal, at nakikipagtulungan sa paraan na mas totoo,
natututuhan kung ano ang mabuti mula sa mga panahong nagdaan, at
pagwaksi sa bagay na masama tulad ni Pedro, kung nakikinig ka sa
pamamagitan ng iyong mga tainga, at tumitingin ka sa pamamagitan ng
iyong mga mata, at madalas manalangin at magnilay sa iyong puso, at
gawin ang lahat na maaari upang makipagtulungan sa gawa ng Diyos,
samakatuwid, ang Diyos ay tiyakang gagabay sa iyo.
Mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Paano Malaman ang Realidad
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos