Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat.. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat.. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 15, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Espiritu, Langit, Landas, Diyos,Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat.


 Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas


 
Hindi kailanman nahipo ng pag-uugali ng tao ang Aking puso, ni hindi Ko kailanman naisip bilang mahalaga. Sa mata ng tao, laging mahigpit ang pagtrato Ko sa kanya, at lagi Kong pinapatupad ang awtoridad sa kanya. Sa lahat ng mga gawain ng tao, babahagyang bagay lamang ang nagawa para sa Akin, halos walang anumang nakatayong matatag sa Aking harapan.

Mar 14, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

Kristiyano, bukal, Kasiyahan, Cristo, Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat.



Kidlat ng SilangananAng tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas


  Sino ang nanirahan sa Aking bahay? Sino ang nanindigan para sa Aking kapakanan? Sino ang nagdusa sa Aking ngalan? Sino ang nangako ng kanyang salita sa Aking harapan? Sino ang sumunod sa Akin hanggang sa kasalukuyan at gayon ay hindi nawalan ng malasakit? Bakit lahat ng mga tao ay malamig at walang pakiramdam? Bakit Ako ay iniwan ng sangkatauhan? Bakit napagod sa Akin ang sangkatauhan? Bakit walang kasiyahan sa mundo ng tao? Habang nasa Zion, nalasap ko ang kasiyahang nasa langit, at habang nasa Zion Ako ay nagtamasa ng pagpapalang nasa langit. Muli, Ako’y namuhay sa gitna ng sangkatauhan, nalasap Ko ang kapaitan sa mundo ng tao, nakita Ko sa Aking sariling mga mata ang lahat ng mga iba’t ibang mga kalagayan na umiiral sa gitna ng mga tao. Walang kamalay-malay, ang tao ay nagbago kasabay ng Aking pagbabago, at sa ganitong paraan lamang siya ay dumating sa kasalukuyang panahon. Ako ay hindi humihiling na gawin ng tao ang anumang bagay para sa Akin, at hindi Ko rin kinakailangan ang kanyang pagpaparami sa Aking pangalan. Nais ko lamang sa kanya ay maayon sa Aking plano, na hindi sumusuway sa Akin o nagdudulot ng marka ng kahihiyan sa Akin, at upang madala ng umaalingawngaw na pagpapatotoo sa Akin. Sa mga tao, mayroong mga taong nagdala sa Akin ng mahusay na patotoo at niluwalhati Ang Aking pangalan, ngunit paano ang mga gawain ng tao, ang pag-uugali ng tao ay posibleng makapagpasaya sa Aking puso? Paano niya posibleng matugunan ang Aking pagnanais o matupad ang Aking kalooban? Sa mga bundok at tubig sa ibabaw ng lupa, at ang mga bulaklak, damo, at mga puno sa lupa, walang sinuman ang nagpapakita ng mga gawa ng Aking mga kamay, wala ni isang umiiral para sa Aking pangalan. Ngunit bakit hindi maabot ng tao ang mga pamantayan ng Aking hinihiling? Maaari bang dahil ito sa kanyang kasuklam-suklam na kababaan? Maaari bang dahil ito sa Aking pagpapa-angat sa kanya? Maaari bang masyado Akong malupit sa kanya? Bakit ang tao ay laging sobrang natatakot sa Aking mga hinihiling? Ngayon, bukod sa napakaraming tao sa kaharian, bakit ba kayo ay nakikinig lamang sa Aking tinig ngunit hindi nais na makita ang Aking mukha? Bakit tumitingin lamang kayo sa Aking mga salita na hindi sinusubukang itugma ang mga ito sa Aking Espiritu? Bakit patuloy niyo Akong pinaglalayo sa ibabaw ng langit at sa ibaba ng lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi ang parehong Ako kapag ako ay nasa langit? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa langit, ay hindi makababa sa lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi karapat-dapat na dalhin sa langit? Tila bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay isang mababang-loob na nilalang, na parang Ako, kapag ako ay nasa langit, ay dinakilang nilalang, at para bang mayroong namamalagi sa pagitan ng langit at lupa na isang hindi matawirang bangin. Ngunit sa mundo ng mga tao tila sila ay walang nalalaman sa mga pinagmulan ng mga bagay na ito, ngunit ang lahat ay nagsama-sama upang sumalungat sa Akin, na tila ang Aking mga salita ay may tunog lamang at walang kahulugan. Ang lahat ng tao ay gumugol ng pagsisikap sa Aking mga salita, nagsasagawa ng pagsisiyasat sa kanilang sarili sa Aking panlabas na anyo, ngunit lahat sila ay humantong sa pagkabigo, nang walang anumang mga resulta na maipakita, ngunit sa halip ay pinabagsak ng Aking mga salita at hindi na maglakas-loob na muling tumayo.

Mar 12, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t- dalawang Pagbigkas

Langit, panalangin, Landas, Diyos, Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat.



Kidlat ng SilangananAng Kalooban ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t- dalawang Pagbigkas


    Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng mga tao, at dumarami, at lumilisan sa kadiliman. Tinitingnan ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay nalamon sa hamog, na ang tubig ay nagyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang madiskubre pa nila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng ambon. Dahil ang buong mundo ay nababalot ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, ninanais niya, tila, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano pangalagaan ang Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makagalaw kasama ng liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na hindi pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako tunay na minahal ng tao. Kapag pinupuri ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi ito nagdulot sa kanya na subukin Akong pasayahin. Payak na kanyang hinahawakan lamang ang istasyon na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagmamahal, sa halip patuloy niyang pinasasaya ang kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang istasyon. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari ba silang umiwas para sa kapakanan ng iyong istasyon? Kapag umagos ang tubig, maaari ba silang huminto sa harap ng iyong istasyon? Maaari bang ibaligtad ang langit at lupa ng iyong istasyon? Ako ay minsan nang naging maawain sa tao, nang paulit-ulit—ngunit walang taong nagmahal o nagpahalaga dito, nakinig lamang sila na para bang kuwento, o binasa ito na parang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kasangkapan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas. 

Mar 9, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampung Pagbigkas

Espiritu, Langit, Diyos, buhay,Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat.



Kidlat ng Silanganan Ang tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampung Pagbigkas



  Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala. Sa lahat ng mga yaong tinitingnan Ko, wala kahit isa ang kailanma’y kusa at direktang naghanap sa Akin. Lumalapit silang lahat sa harap Ko sa panghihikayat ng iba, sumusunod sa karamihan, at ayaw nilang bayaran ang halaga o gumugol ng oras para pagyamanin ang kanilang mga buhay. Samakatuwid, walang sinuman sa gitna ng tao ang namuhay kailanman sa katotohanan, at namumuhay ang lahat ng mga tao ng mga buhay na walang kahulugan. Dahil sa mga gawi at kaugalian ng tao na matagal nang umiiral, umalingasaw ang amoy ng lupa sa mga katawan ng lahat ng mga tao. Bilang resulta, naging manhid ang tao, walang pandama sa kalagiman ng mundo, at sa halip ay nagpapakaabala siya sa gawain ng pagtatamasa sa sarili sa malamig na mundong ito. Walang kahit kaunting init ang buhay ng tao, at walang kahit anong pantaong lasa o liwanag—gayunma’y sinanay niya ang kanyang sarili dito, nanatili siya sa habambuhay na kawalan ng halaga kung saan nagmamadali siyang gumagawa nang walang anumang napapala. Sa isang kisapmata, lumalapit ang araw ng kamatayan, at namamatay ang tao ng isang mapait na kamatayan. Kailanman, wala siyang natupad na anuman, o napalang anuman sa mundong ito—nagmamadali lamang siyang dumarating, at nagmamadaling umaalis. Sa Aking paningin wala sa mga yaon ang nakapagdala kailanman ng anuman, o nakakuha ng anuman, kung kaya nararamdaman ng tao na hindi patas ang mundo. Gayunman walang may gustong magmadali. Hinihintay lamang nila ang araw kung kailan ang Aking pangako mula sa langit ay biglang darating sa gitna ng tao, magpapahintulot sa kanila, sa panahon kung kailan sila ay naligaw, na minsan pa ay makita ang daan ng walang-hanggang buhay. Kaya, nakatutok ang tao sa bawa’t gawa at kilos Ko upang tingnan kung talagang natupad Ko ang pangako Ko sa kanya. Kapag siya ay nasa kalagitnaan ng kadalamhatian, o sa matinding sakit, o pinalilibutan ng mga pagsubok at malapit nang mahulog, isinusumpa ng tao ang araw ng kanyang kapanganakan upang mas mabilis niyang matakasan ang mga problema niya at makalipat sa mas magandang lugar. Nguni’t kapag lumipas na ang mga pagsubok, napupuno ng kagalakan ang tao. Ipinagdiriwang niya ang araw ng kapanganakan niya sa mundo at hinihiling na pagpalain Ko ang araw ng kanyang kapanganakan; sa panahong ito, hindi na binabanggit ng tao ang mga pangako ng nakaraan, malalim ang takot niya na sa ikalawang pagkakataon darating muli sa kanya ang kamatayan. Kapag itinataas ng mga kamay Ko ang mundo, sumasayaw sa kagalakan ang mga tao, hindi na sila nalulungkot, at umaasa silang lahat sa Akin. Kapag tinatakpan Ko ng Aking mga kamay ang Aking mukha, at itinutulak ang mga tao sa ilalim ng lupa, agad silang nahihirapan sa paghinga, at bahagya na silang makapanatiling buhay. Lahat sila ay sumisigaw sa Akin, takot na lilipulin Ko sila, sapagka’t gusto nilang lahat na makita ang araw kung kailan Ako ay maluluwalhati. Itinuturing ng tao ang araw Ko bilang pangunahin ng kanyang pag-iral, at ito ay dahil lamang sa mahigpit na pagnanais ng mga tao para sa araw kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay darating kaya nakapanatiling buhay ang sangkatauhan hanggang ngayon. Ang pagpapalang ipinahayag ng Aking bibig ay na yaong mga ipinanganganak sa panahon ng mga huling araw ay napakapalad na makita ang buo Kong kaluwalhatian.

Mar 5, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikalabing-isang Pagbigkas

Daan, Tinubos, Biyaya, Magpasalama, Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat.



Kidlat ng SilangananAng Kalooban ng Diyos | Ang Ikalabing-isang Pagbigkas

  Ang bawat tao sa sangkatauhan ay dapat tanggapin ang pagmamasid ng Aking Espiritu, dapat siyasating mabuti ang kanilang bawat salita at gawa, at, higit pa rito, ay dapat tumingin sa Aking nakakamanghang gawa. Ano ang inyong pakiramdam sa oras ng pagdating ng kaharian sa lupa? Nang inagos ang Aking mga anak at tao pabalik sa Aking trono, pormal Kong sinisimulan ang paghuhukom sa harap ng malaking puting trono. Na ang ibig sabihin, kapag sinimulan ko ang Aking gawain sa lupa nang Ako mismo, at kapag ang panahon ng paghatol ay malapit na sa pagtatapos, nagsisimula Akong mag-atas ng aking mga salita sa buong sansinukob, at pinakakawalan ang tinig ng Aking Espiritu sa buong sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, lilinisin Ko ang lahat ng mga tao at mga bagay kasama ng lahat ng nasa langit at sa lupa, upang ang lupain ay hindi na marumi at walang kahalayan, ngunit isang banal na kaharian. Babaguhin Ko ang lahat ng mga bagay, upang sila ay makasama para sa Aking paggamit, upang hindi na nila muling dalhin ang makamundong paghinga, at hindi na muling madungisan ng lasa ng lupa. Sa lupa, ang tao ay humagilap para sa layunin at mga pinagmulan ng Aking mga salita, at nakapuna sa Aking mga gawa, gayon pa man walang kahit sinuman ang tunay na nakakaalam sa pinagmulan ng Aking mga salita, at walang kahit sinuman ang tunay na nakamasid sa kahiwagaan ng Aking mga gawa. Ito ay ngayon lamang, kapag ako ay personal na dumating sa tao at ipahayag ang aking mga salita, na ang tao ay may kaunting kaalaman sa Akin, pag-alis ng lugar para sa “Akin” sa kanilang mga isipan, sa halip ng paglikha ng isang lugar para sa praktikal na Diyos sa kanilang kamalayan. Ang tao ay may mga pagkabatid at puno ng pag-usisa; sino ang hindi nais na makita ang Diyos? Sino ang hindi nagnais na makaharap ang Diyos? Ngunit ang tanging bagay na sumasakop sa isang tiyak na lugar sa puso ng tao ay ang Diyos na ang pakiramdam ng tao ay malabo at mahirap maunawaan. Sino ang makakaunawa nito kung hindi ko sinabi sa kanila nang malinaw? Sino ang tunay na maniniwala na ako ay totoong umiiral? Siguradong walang pahiwatig nang pagdududa? May napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng “Ako” sa puso ng tao at ang “Ako” ng katotohanan, at walang sinuman ang may kakayahang akayin ang paghahambing sa pagitan nila. Kung hindi ako nagkatawang-tao, hindi Ako kailanman makikila ng mga tao, at kahit na dumating siya upang makikilala Ako, ang ganitong kaalaman ba’y hindi pa rin isang kabatiran? Sa bawat araw na naglalakad ako sa gitna ng mga walang tigil na daloy ng mga tao, at sa bawat araw Ako ay kumikilos sa kalooban ng bawat tao. Kapag Ako ay tunay na nakita ng tao, magagawa niyang makilala Ako sa Aking mga salita, at maunawaan ang mga paraan kung saan Ako ay naglalahad pati na rin ng Aking mga layunin.

Peb 19, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Kanino Ka Matapat?

panginoon, Kaharian, Karanasan, Biyaya, Kabutihan


Kidlat ng SilangananPag-bigkas ng Diyos | Kanino Ka Matapat?


    Ang inyong buhay mula ngayon ay lubhang mahalaga at importante sa hantungan at kapalaran ninyo, kaya’t pakamahalin ang inyong mga pag-aari sa bawat minutong lilipas. Gawing kapaki-pakinabang ang inyong bawat oras upang matamo ang lubos na biyaya, nang sa gayon ay hindi mawalan ng saysay ang inyong buhay. Marahil nalilito kayo kung bakit sinasabi ko ang mga ito. Sa totoo lang, hindi ako nalulugod sa mga ikinikilos ng sinuman sa inyo. Sapagkat ang mga inaasahan Ko para sa inyo ay malayo sa naging kayo ngayon. Kaya’t ipapahayag Ko ito sa ganitong paraan: Kayong lahat ay nasa bingit ng kapahamakan. Ang inyong dating mga panaghoy para sa kaligtasan maging ang mga dating hangaring makamit ang katotohanan at hanapin ang liwanag ay nalalapit na sa katapusan. Ito ang magiging kabayaran ninyo sa katapusan sa Akin na hindi ko inasam kailanman. Hindi Ko nais magsalita ng salungat sa katotohanan, sapagka’t labis ninyo Akong binigo. Marahil hindi ninyo nais na iwanan ang bagay na ito nang ganun na lamang o hindi ninyo nais harapin ang katotohanan, ngunit mataimtim Kong itatanong ito sa inyo: Sa buong panahong ito, nabalot ng ano ang inyong mga puso? Kanino naging matapat ang inyong mga puso? Huwag ninyong sabihin na biglaan ang Aking katanungan at huwag ninyo Akong tanungin kung bakit nasabi Ko iyon. Kailangan ninyong malaman ito: Ito ba ay dahil labis Ko kayong kilala, pinagmalasakitan nang husto, o labis na inilaan ang Aking puso sa inyong mga gawain; upang kayo’y tanungin Ko nang paulit-ulit at tiisin ang labis na paghihirap. Nguni’t, Ako’y ginantihan ng kapabayaan at hindi mabatang pagtiwalag. Sobrang pabaya ninyo sa Akin; paanong hindi ko ito nalaman? Kung naniniwala kayo na ito ay posible, higit itong nagpapatunay ng hindi mabuting pakikitungo ninyo sa Akin. Kung gayon, sasabihin Kong nililinlang ninyo ang inyong mga sarili. Masyado kayong tuso na hindi ninyo alam ang inyong mga ginagawa; ano kung gayon ang inyong gagamitin upang Ako’y bigyang halaga?

Peb 12, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Paano Malaman ang Realidad

panginoon, Kaharian, Karanasan, Biyaya,Kabutihan


Kidlat ng SilangananPag-bigkas ng Diyos | Paano Malaman ang Realidad

    
     Ang Diyos ay Diyos ng realidad: Lahat ng Kanyang mga gawa ay tunay, at lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay totoo, at lahat ng mga katotohanan na ipinapahayag Niya ay totoo. Lahat ng bagay na hindi Kanyang mga salita ay walang laman, hindi umiiral, at hindi batay sa katotohanan. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay gumagabay sa mga tao tungo sa mga salita ng Diyos. Kung nais ng mga tao na ituloy ang pagpasok sa realidad, samakatuwid dapat nilang hanapin ang realidad at alamin ang realidad, matapos nito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad. Mas alam ng mga tao ang realidad, mas maaari nilang masabi kung ang salita ng iba ay tunay; mas alam ng mga tao ang reyalidad, mas mababa ang pagkakaroon nila ng mga maling pag-iisip; mas mararanasan ng mga tao ang realidad, at mas alam nila ang mga gawa ng Diyos ng realidad, at kung mas madali para sa kanila ang iwanan ang kanilang tiwaling, mala-satanas na mga disposisyon; mas mayroong realidad ang mga tao, mas makikilala nila ang Diyos, at mas kamumuhian nila ang laman at mamahalin ang katotohanan; mas mayroong realidad ang mga tao, mas malalapit sila sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos. Ang mga taong natamo ng Diyos ay yaong nagmamay-ari ng realidad, at alam ang katotohanan; yaong mga natamo ng Diyos ay nalaman ang tunay na mga gawa ng Diyos sa pamamagitan nang pagdanas ng realidad. Mas aktuwal na nakikipagtulungan ka sa Diyos at dinidisiplina ang iyong katawan, mas matatamo mo ang gawa ng Banal na Espiritu, mas matatamo mo ang realidad, at mas mabibigyang-liwanag ka ng Diyos—at sa gayon, mas higit ang iyong kaalaman sa tunay na mga gawa ng Diyos. Kapag nakakapamuhay ka sa aktuwal na liwanag ng Banal na Espiritu, ang kasalukuyang landas nang pagsasagawa ay magiging mas malinaw sa iyo, at mas maaari mong maihihiwalay ang iyong sarili mula sa mga relihiyosong maling pag-iisip at lumang mga gawi ng nakaraan. Ngayon, realidad ang tampulan: Mas mayroong realidad ang mga tao, mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan, mas higit ang kanilang pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Mapapangibabawan ng realidad ang lahat ng mga aral at mga doktrina, maaari nitong mapangibabawan ang lahat ng teorya at kasanayan, at mas nakatuon sa realidad ang mga tao, mas tunay nilang maiibig ang Diyos, at magugutom at mauuhaw sa Kanyang mga salita. Kapag lagi kang nakatuon sa realidad, ang iyong pilosopiyang pambuhay, mga relihiyosong maling pag-iisip, at likas na karakter ay natural lamang na mabubura alinsunod sa gawa ng Diyos. Yaong mga hindi tumutuloy sa realidad, at walang kaalaman sa realidad, ay malamang na tutuloy sa kung ano ang higit sa karaniwan, at madali silang malilinlang. Ang Banal na Espiritu ay walang kaparaanang gumawa sa mga naturang tao, kung kaya’t nararamdaman nila ang kawalang laman, at ang kanilang mga buhay ay walang kahulugan.

Peb 10, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Sangkap ni Kristo ay ang Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

Grace, redeem, nail cross, the savior, Way

Kidlat ng SilangananPag-bigkas ng Diyos | Ang Sangkap ni Kristo ay ang Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan


Ang gawain na nagawa ni Jehovah sa mga Israelita ay itinatag sa sangkatauhan sa lupa na pinagmulan ng Diyos, ang Kanyang banal na lugar kung saan Siya nagkaroon ng presensya. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa mga Israelita. Sa simula, hindi Siya nagtrabaho sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang mga tao na nakita Niyang angkop upang paghigpitan ang mga saklaw ng Kanyang gawain. Ang Israel ay ang pook kung saan nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, at mula sa alabok ng pook na iyon nilikha ni Jehovah ang tao; ito ang pundasyon ng Kanyang gawain sa mundo. Ang mga Israelita, na mga inapo ni Noah at ni Adan, ay ang pundasyon ng gawain ni Jehovah sa lupa.