Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na langit. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na langit. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 23, 2019

Sino ang Hadlang Sa Daan Patungo sa Makalangit na Kaharian?


Mi Meng’ai, Malaysia

Sa taon na namatay ang aking asawa, lubos ang aking kalungkutan, at bukod diyan nagkaroon ako ng dagdag na pasanin ng pagpapalaki sa aking mga anak. Ang kahirapan ay biglang sumapit sa aking buhay, nguni’t taglay-taglay ko na ang pagmamahal ng Panginoon at, sa tulong ng aking mga kapatid, nalampasan ko ang panahon ng paghihirap na ito.

Ago 21, 2019

Tagalog Gospel Reflection:Mayroon Bang Anumang Batayan sa Biblia Para sa Pahayag na “Minsang Iniligtas, Palaging Ligtas”

Tagalog Gospel Reflection:Mayroon Bang Anumang Batayan sa Biblia Para sa Pahayag na “Minsang Iniligtas, Palaging Ligtas”


Ni Yang Xin, Lalawigan ng Shandong

Ang araw ay lumubog sa kanluran, at ang huling liwanag ng papalubog na araw ay lumaganap sa buong mundo habang papauwi ako pagkatapos ng isang pagtitipon, iniisip ang sinabi ng pastor: “Minsang iniligtas, kung gayon tayo ay palaging ligtas, sapagkat sinasabi ng Biblia, ‘Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas’ (Roma 10:9-10). Habang naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, hangga’t naniniwala tayo sa ating mga puso at kinikilala Siya gamit ang ating mga bibig, kung gayon tayo ay ligtas, at kung tayo ay minsang iniligtas kung gayon tayo ay palaging ligtas. Hangga’t namamalagi tayong gumagawa at ginugugol ang ating mga sarili para sa Panginoon at magtitiis hanggang sa wakas, kung gayon kapag bumalik ang Panginoon, tayo ay kaagad na dadalhin sa kaharian ng langit!” Sumagot ako ng Amen sa mga salita ng pastor: “Oo! Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang tayo ay matubos, kaya hangga’t tumatawag tayo sa pangalan ng Panginoong Jesus, nagkukumpisal ng ating mga kasalanan at nagsisisi sa Panginoon, kung gayon ang ating mga kasalanan ay aakuin at tayo ay ililigtas ng Kanyang biyaya—minsang iniligtas, palaging ligtas, at pagkatapos tiyak na tayo ay dadalhin sa kaharian ng langit.” Sa nakaraang mga taon sa aking paniniwala sa Panginoon, palagi kong matatag na pinaniwalaan na ang pananaw na ito ay wasto, at kahit minsan hindi ko ito pinagdudahan.

Ago 13, 2019

Mga Paksa sa Debosyonal | Sa Wakas ay Alam na Niya Kung Ano ang Tunay na Pagsisisi

SNi Liu Shuo

Sa isang pagpupulong ng mga magkakatrabaho, sina Wang Wei, Ma Tao at Hu Zhi ay nakaupong tutok sa pag-aaral ng Biblia.

Ngumiti si Wang Wei at kinausap ang grupo, sinasabing, “Mga katrabaho, mag-umpisa tayo sa pamamagitan ng pagbabasa ng ilang mga bersikulo ng banal na kasulatan. Sinasabi ng Panginoong Jesus, ‘Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit’ (Mateo 4:17). ‘Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo’y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio’ (Marcos 1:15). Makikita natin sa mga salita ng Panginoon na, kung nais nating pumasok sa kaharian ng Diyos, dapat nating ikumpisal ang mga kasalanan natin sa Diyos at magsisi. Gayunman, ilang taon na tayong nananampalataya sa Panginoon at kahit na madalas tayong mangumpisal ng mga kasalanan natin sa Kanya, nagagawa pa rin nating magkasala at namumuhay tayo sa isang malupit na siklo ng pangungumpisal at pagkakasala.

Ago 4, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan

Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos ay malapit na ang pagtatapos, at ang pintuang-daan ng kaharian ay ibinukas na para sa kanilang mga nagnanais makita ang pagpapakita ng Diyos. Mga mahal na kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay hinihintay ang pagpapakita ang Diyos? Kayo ba ay hinahanap ng mga yapak ng Diyos? Talagang lubos na pinananabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap hanapin ang mga yapak ng Diyos! Sa panahong tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos?

Hun 27, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)


Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)
Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan.

Hun 13, 2019

33. Ano ang madala sa langit bago sumapit ang kalamidad? Ano ang isang mananagumpay na ginawang ganap bago sumapit ang kalamidad?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang “pagiging nadagit” ay hindi ang makuha mula sa isang mababang lugar tungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang pagiging nadagit ay tumutukoy sa Aking pagtatadhana bago pa man at pagpipili. Ito ay nakatutok sa lahat ng Aking naordinahan bago pa man at pinili. Yaong mga nagkamit ng estado ng pagiging mga panganay na anak, ang estado ng Aking mga anak, o Aking bayan, ay ang lahat ng mga tao na nadagit. Ito ay napaka-hindi-tugma sa mga paniwala ng mga tao.

May 19, 2019

Tagalog Christian Movies|Clip ng Pelikulang (4) Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit


Tagalog Christian Movies|Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (4) "Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit"
Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at humagawak sa daan ng Panginoong Jesus, pero hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pa’no natin makakamit ang paglilinis at makakapasok sa kaharian ng langit?

May 7, 2019

Pelikulang Kristiano|Paggising Mula sa Panaginip (2) Kung Walang Kabanalan Walang Taong Makakapasok sa Kaharian ng Diyos


Pelikulang Kristiano|Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (2) "Kung Walang Kabanalan Walang Taong Makakapasok sa Kaharian ng Diyos"
Kapag ang mga kasalanan nating mga mananampalataya sa Panginoon ay pinatawad, makakamit ba natin ang paglilinis?  Kung hindi tayo nagsisikap para sa paglilinis, at binibigyang pansin lang ang paggugol sa sarili para sa Panginoon at masigasig na paggawa ng gawain ng Panginoon, madadala ba tayo sa kaharian ng langit?

Abr 11, 2019

Tagalog Christian Variety Show | "Nangangarap nang Gising" (Maikling Dula 2019)


Tagalog Christian Variety Show | "Nangangarap nang Gising" (Maikling Dula 2019)
Li Mingdao is a preacher at a house church. He has believed in the Lord for many years, and has always followed Paul's example, focusing on preaching, work, suffering, and paying a price. He believes that "as long as one labors and works, one can enter the kingdom of heaven, be rewarded, and gain a crown." But, at a meeting with his coworkers, Brother Zhang raises doubts about this view. Li Mingdao, not convinced, returns home, and after researching the Bible, engages in an intense debate with Brother Zhang…. Is labor and work for the Lord doing God's will? Does pursuing this way ultimately allow one to be lifted up and enter the kingdom of heaven? Watch the skit Wishful Thinking to find out.
Rekomendasyon:Filipino Variety Show

Peb 13, 2019

Tagalog Christian Songs | "Isang Ilog ng Tubig ng Buhay"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Isang Ilog ng Tubig ng Buhay
I
Isang ilog ng tubig ng buhay, singlinaw ng kristal,
umaagos mula sa trono ng Diyos at ng Kordero.
Sa kabilaang bahagi ng ilog ay naroon ang puno ng buhay,
na may labindalawang uri ng bunga,
at nahihinog bawat buwan.
Ang mga dahon ng puno ay sa pagpapagaling ng mga bansa.
Mawawala na ang sumpa, wala nang sumpa.
Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay lalagi na sa lungsod.
Ang mga lingkod Niya'y maglilingkod sa Kanya, 
at makikita nila ang Kanyang mukha,
makikita ang Kanyang mukha.

Ene 14, 2019

Sabi sa Biblia, “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya sa pamamagitan ng puso;at naghayag ng kaligtasan gamit ang bibig” (Roma 10:10). Naligtas na tayo ng ating pananampalataya kay Jesus. Pag naligtas na tayo, magpasawalang-hanggan na ‘yon. Pagdating ng Panginoon tiyak na makakapasok tayo sa kaharian ng langit.

Sagot: Pag naligtas na tayo, magpakailanman na ‘yon at makakapasok tayo sa kaharian ng langit, ideya at imahinasyon lang ‘yan ng tao. Ni hindi ito ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na makakapasok ang mga tao sa kaharian ng langit kapag naligtas siya sa pamamagitan ng pananampalataya. Sabi ng Panginoong Jesus, ang mga gumagawa lang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit.

Ene 2, 2019

Mga Movie Clip|Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (2) "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"


Clip ng Pelikulang Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (2) "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"

Naniniwala ang mga pastor at elder ng mga relihiyon na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nasa loob ng Biblia, na kumpleto na ang pagliligtas ng Diyos at basta’t ibinabase ng mga tao sa Biblia ang kanilang paniniwala sa Panginoon at nananangan sila sa Biblia, maaari silang madala at makapasok sa kaharian ng langit. Talaga bang ganito ang nangyayari? Ang Diyos ba ang makapagliligtas sa atin, o ang Biblia? Ang Diyos ba ang makapagpapahayag ng katotohanan, o ang Biblia? Para malaman ang iba pa, panoorin lamang ang videong ito!

Dis 20, 2018

Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven


Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven

Si Yu Fan  ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit.

Dis 13, 2018

Mga Movie Clip|"Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit"


Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (2) "Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit"

Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala?

Dis 10, 2018

Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"



Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"

Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: "Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin."

Dis 5, 2018

Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" (Clips 1/2) Naaayon Ba sa Biblia ang Gawain ng Diyos?

Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" (Clips 1/2) Naaayon Ba sa Biblia ang Gawain ng Diyos
Noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, nangangagaral na malapit na ang kaharian ng langit at dadalhin sa mga tao ang daan tungo sa pagsisisi, tinuligsa Siya ng mga Fariseong Judio, na sinasabi na ang Kanyang mga salita at gawain ay laban sa mga kautusan sa Lumang Tipan, na hindi iyon nakasaad sa Lumang Tipan, at na maling paniniwala ang mga iyon.

Okt 2, 2018

Paano Makikilala ang Pagkakaiba ng Pagkakaligtas at Totoong Kaligtasan


Tagalog Christian Movie Clips | Mapalad ang Mapagpakumbaba "Paano Makikilala ang Pagkakaiba ng Pagkakaligtas at Totoong Kaligtasan"

Naniniwala ang maraming nasa mundo ng relihiyon tayong mga nananalig sa Panginoon ay napatawad na ang mga kasalanan at nailigtas na sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya, at isinasabuhay natin ang kababaang-loob at pagtitiis, pinapasan ang ating mga krus at nagkakaroon ng maraming magandang pag-uugali, kaya hindi pa ba ito nangangahulugan na sumailalim kami sa pagbabago?

Set 29, 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Makakapasok ba sa Kaharian ng Langit ang mga Naligtas?"


Tagalog Christian Movie Clips | Mapalad ang Mapagpakumbaba | "Makakapasok ba sa Kaharian ng Langit ang mga Naligtas?"

Sa Panahon ng Biyaya, isinagawa ng Panginoong Hesus ang gawain ng pagtubos na nagpatawad sa lahat ng ating mga kasalanan. Hangga't tinatanggap natin ang Panginoong Hesus bilang ating Tagapagligtas at ipinagdasal at ikinumpisal natin ang ating mga kasalanan sa Panginoon, mapapatawad ang ating mga kasalanan at maliligtas tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Kaya ano ba talaga ang ibig sabihin ng "naligtas na?"

Hul 13, 2018

Latest Tagalog Christian Movie Trailer 2018 | "Ang Sandali ng Pagbabago"

** 🍀** 🍀**🍀** 🍀** 🍀*
  
   Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, "You must realize it, and should not oversimplify matters. The work of God is unlike any ordinary work. Its marvel cannot be conceived by the mind of man, and its wisdom cannot be attained by such. God is not creating all things, and He is not destroying them. Rather, He is changing all of His creation and purifying all things that have been defiled by Satan. Therefore, God shall commence work of great magnitude, and this is the total significance of the work of God. After reading these words, do you believe that the work of God is so simple?" (The Word Appears in the Flesh). Walang sinumang makakaarok sa gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaglalantad ng hiwaga ng kung paano madadala sa langit ang mga nananalig sa mga huling araw, kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao …. Ang maikling video na ito ay ipapakita sa iyo ang kaalaman tungkol sa tanging landas para maiangat sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon!

Hun 25, 2018

Tagalog Christian Praise Song | Ibigin ang Praktikal na D'yos nang Ating Buong-puso

🎻♬。.。.🎻。.。♬ .•*¨*•.♬🎻♬。.。.🎻。.。♬ .•*¨*•.♬🎻

I La … la la la … la la la…. La … la la la … la la la … la…. Araw ng kat'wira'y sumisikat mula sa Silangan. O D'yos! L'walhati Mo, pinuno ang langit at lupa. Giliw ko, pag-ibig Mo ay pumaligid sa puso ko. Mga taong hanap ay katotohanan, pag-ibig ay sa D'yos. Paggising mag-isa sa madaling-araw, pagnilay sa salita ng D'yos saya ang ramdam. Mga salitang magiliw, parang inang mapagmahal, mga salitang paghatol parang amang mahigpit. (Ha...) Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin. Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha.... Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin. Ah ha....ah ha....ah ha....ah ha.... Mundo'y di ko iibigin. Buong- puso, D'yos lang aking iibigin.