Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Katotohana. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Katotohana. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 1, 2020

"Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi? (Sipi I)"



Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Malaman ang higit pa:Maikling Dula

Dis 23, 2019

Sino ang Hadlang Sa Daan Patungo sa Makalangit na Kaharian?


Mi Meng’ai, Malaysia

Sa taon na namatay ang aking asawa, lubos ang aking kalungkutan, at bukod diyan nagkaroon ako ng dagdag na pasanin ng pagpapalaki sa aking mga anak. Ang kahirapan ay biglang sumapit sa aking buhay, nguni’t taglay-taglay ko na ang pagmamahal ng Panginoon at, sa tulong ng aking mga kapatid, nalampasan ko ang panahon ng paghihirap na ito.

Nob 1, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | "Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos"

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya hindi kasing-simple ng sinasabi ng tao ang pananampalataya sa Diyos. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lang ngunit wala ang salita Niya bilang iyong buhay;

Set 23, 2019

Edukasyon ng mga Bata | Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I)

Xiaoxue, Malaysia

Mayroon akong dalawang anak na lalaki na isang taon ang pagitan. Upang palakihin sila nang edukado, may magandang modo, mabubuting tao na makakayanang tumayo sa kanilang sariling mga paa sa lipunan at magtagumpay, nang sila ay dalawang taong gulang pa lamang, kinausap ko ang aking asawa tungkol sa paghahanap ng kindergarten na may magandang reputasyon. Matapos ang ilang pagbisita, pagtatanong at pagkukumpara, pumili kami ng isang English kindergarten dahil nagbibigay halaga sila sa kakayahan at abilidad ng mga bata, na siya namang tumutugma sa aking pananaw sa pagtuturo sa mga bata. Bagaman medyo mahal nang kaunti ang matrikula, hangga’t ang mga bata ay nalilinang nang mas maayos at nakakakuha sila ng mas mahusay na edukasyon, sulit ang paggastos ng mas maraming pera.

Set 13, 2019

Propesyon at Pinagtatrabahuhan | Ang Karanasan ng Isang Doktor sa Pagbabagong-anyo

Liu Jing

Nang ako ay bata pa, sa tuwing dinadala ako ng aking ina sa ospital upang patingin sa isang doktor at nakita ang lahat ng mga doktor at mga nars sa kanilang puting toga na nagmamadali sa paligid, madalas kong naiisip na mukha silang mga anghel na nakaputi. Puno ako ng paghanga para sa kanila, at nasanay akong isipin na: Kung maaari din akong maging anghel na nakaputi paglaki ko, napakagaling noon!

Set 7, 2019

Tagalog Christian Video | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me



Tagalog Christian Video | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me
Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay. Matapos niyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, natagpuan niya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng buhay ng tao at, puno ng kaligayahan, sinundan niya ang Diyos at tinupad ang kanyang mga tungkulin. Pero, dahil kontrolado ng katanyagan at katayuan ang kanyang puso, madalas siyang kumilos ayon sa kanyang sariling mga ideya sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin, at wala siyang katwiran at naging diktador.

Set 5, 2019

Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"


Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya.

Ago 27, 2019

Mga Pagsasalaysay | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawang tiwali na ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya nagawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, nagawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may laman at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang kanyang sarili sa laman.”

Ago 21, 2019

Tagalog Gospel Reflection:Mayroon Bang Anumang Batayan sa Biblia Para sa Pahayag na “Minsang Iniligtas, Palaging Ligtas”

Tagalog Gospel Reflection:Mayroon Bang Anumang Batayan sa Biblia Para sa Pahayag na “Minsang Iniligtas, Palaging Ligtas”


Ni Yang Xin, Lalawigan ng Shandong

Ang araw ay lumubog sa kanluran, at ang huling liwanag ng papalubog na araw ay lumaganap sa buong mundo habang papauwi ako pagkatapos ng isang pagtitipon, iniisip ang sinabi ng pastor: “Minsang iniligtas, kung gayon tayo ay palaging ligtas, sapagkat sinasabi ng Biblia, ‘Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas’ (Roma 10:9-10). Habang naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, hangga’t naniniwala tayo sa ating mga puso at kinikilala Siya gamit ang ating mga bibig, kung gayon tayo ay ligtas, at kung tayo ay minsang iniligtas kung gayon tayo ay palaging ligtas. Hangga’t namamalagi tayong gumagawa at ginugugol ang ating mga sarili para sa Panginoon at magtitiis hanggang sa wakas, kung gayon kapag bumalik ang Panginoon, tayo ay kaagad na dadalhin sa kaharian ng langit!” Sumagot ako ng Amen sa mga salita ng pastor: “Oo! Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang tayo ay matubos, kaya hangga’t tumatawag tayo sa pangalan ng Panginoong Jesus, nagkukumpisal ng ating mga kasalanan at nagsisisi sa Panginoon, kung gayon ang ating mga kasalanan ay aakuin at tayo ay ililigtas ng Kanyang biyaya—minsang iniligtas, palaging ligtas, at pagkatapos tiyak na tayo ay dadalhin sa kaharian ng langit.” Sa nakaraang mga taon sa aking paniniwala sa Panginoon, palagi kong matatag na pinaniwalaan na ang pananaw na ito ay wasto, at kahit minsan hindi ko ito pinagdudahan.

Hun 25, 2019

Tanong 30: Pinatototohanan mo na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay sinambit ng Diyos Mismo, pero naniniwala kami na mga salita ito ng isang taong naliwanagan ng Banal na Espiritu. Samakatwid, ang gusto kong malaman ay, ano ba talaga ang kaibhan sa pagitan ng mga salitang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao at ng mga salitang sinabi ng isang taong naliwanagan ng Banal na Espiritu?

Sagot:

Kung gusto nating malaman kung bakit ang mga ginagamit ng Diyos ay hindi katotohanan, dapat maging malinaw muna sa'tin ang "katotohanan". Sa buong kasaysayan, walang sinumang nakaalam kung ano nga ba ang katotohanan. Nang Siya'y dumating sa Panahon ng Biyaya, “Siya raw ang daan, ang katotohanan at ang buhay” (Juan 14:6). Wala pa ring nakaunawa sa tunay na kahulugan ng “katotohanan.” Nang dumating lang si Cristo, ang Makapangyarihang Diyos-nabunyag sa lahat ang mga misteryo ng “katotohanan”. Tingnan natin ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol dito.

May 29, 2019

Tagalog Christian Song | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"


Tagalog Christian Song | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"

Kung sa'n may pagpapakita ng Diyos,
may pagpapahayag ng katotohanan at ang tinig ng Diyos.
Ang mga tumatanggap lang ng katotohanan
ang makakarinig ng tinig ng Diyos 
at makakasaksi sa Kanyang pagpapakita.
Alisin ang mga pananaw na "imposible"!
Mga isipang imposible ay malamang mangyari.
Ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan.
Ang Kanyang mga isip at gawa ay
ubod ng layo sa isipan ng tao.

May 23, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Mga Salita ng Diyos Ang Katotohanang Kailanma'y Di-nagbabago


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Mga Salita ng Diyos Ang Katotohanang Kailanma'y Di-nagbabago
I
Salita ng Diyos ay totoo, kailan ma’y ‘di magbabago
Diyos ang naglalaan sa buhay, tanging gabay
Halaga’t kahulugan ng Kanyang Salita, nababatid ng isip at diwa nila,
Kahit pa ‘di tanggapin o kilalanin.
Kahit pa walang taong tumanggap ng Salita N’ya,
kahalagaha’t pagtulong N’ya sa tao’y ‘di masusukat.
Salita ng Diyos ay totoo, kailan ma’y ‘di magbabago
Diyos ang naglalaan sa buhay, tanging gabay

May 13, 2019

Tagalog Christian Movies|Ginagamit ng Diyos ang Katotohanan Upang Hatulan at Linisin ang Tao sa mga Huling Araw


Tagalog Christian Movies|Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (3) "Ginagamit ng Diyos ang Katotohanan Upang Hatulan at Linisin ang Tao sa mga Huling Araw"
Sa mga Huling Araw, nagkakatawang-tao ang Diyos upang isakatuparan ang gawain ng paghatol mula sa tahanan ng Diyos, kaya, pa’no nalilinis at naliligtas ang tao ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Ano’ng mga pagbabago ang madadala sa sarili nating disposisyon sa buhay matapos danasin ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos?

Abr 25, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita

Sa kasalukuyan maraming mga tao ang hindi nag-uukol ng pansin sa kung anong mga aral ang dapat na matutuhan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Aking natuklasan na marami sa inyo ang hindi kayang matutuhan ang mga aral sa anumang paraan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Karamihan sa inyo’y nananatili sa inyong sariling mga pananaw, at kapag gumagawa sa iglesia, sinasabi mo ang iyong bahagi at sinasabi niya ang kanya, isa na walang kaugnayan sa iba, hindi nakikipagtulungan sa anumang paraan.

Abr 7, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan

Noon pa man, ang pangangailangan ng pagkakaroon ng isang maayos na buhay iglesia ay nababanggit sa mga sermon. Kaya bakit ang buhay ng iglesia ay hindi pa umuunlad at kagaya pa rin ng dating bagay? Bakit walang isang ganap na bago at naiibang paraan ng pamumuhay? Magiging angkop ba para sa isang tao ng dekada nobenta na mabuhay kagaya ng isang emperador ng nakaraang panahon? Bagamat ang pagkain at inumin ay maaaring masasarap na pagkain na madalang tikman sa nakaraang mga kapanahunan, walang mga malalaking pagbabago sa mga kalagayan sa iglesia.

Mar 28, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Pagpapanatili sa Mga Utos at Pagsasagawa sa Katotohanan

Sa pagsasagawa, ang mga utos ay dapat nakaugnay sa pagsasagawa sa katotohanan. Habang pinananatili ang mga utos, dapat isagawa ng isang tao ang katotohanan. Kapag isinasagawa ang katotohanan, hindi dapat labagin ng isang tao ang mga panuntunan ng mga utos o sumalangsang sa mga utos. Habang lalo mong isinasagawa ang katotohanan, mas lalo kang nananatili sa diwa ng mga utos. Habang lalo mong isinasagawa ang katotohanan, mas lalo mong maiintindihan ang salita ng Diyos gaya ng inihayag sa mga utos. Ang pagsasagawa ng katotohanan at pagpapanatili sa mga utos ay hindi magkasalungat na mga pagkilos, ngunit sa halip ay magkaugnay.

Mar 9, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Gaano karaming relihiyosong kaugalian ang sinusunod mo? Ilang beses ka na bang nagrebelde laban sa salita ng Diyos at pinili ang iyong sariling landas? Ilang beses mo na bang isinasagawa ang salita ng Diyos dahil tunay mong isinasaalang-alang ang Kanyang mga pasanin at hinahangad mong tuparin ang Kanyang nais? Unawain ang salita ng Diyos at isabuhay ito. Maging ma-prinsipiyo sa iyong mga kilos at gawa; hindi ito pagsunod sa mga patakaran o ginagawa nang labag sa kalooban para sa pagkukunwari. Bagkus, ito ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pamumuhay sa salita ng Diyos. Tanging ang pagsasagawa na tulad nito ang nakalulugod sa Diyos. Ang anumang kaugaliang nakalulugod sa Diyos ay hindi isang patakaran kundi isang pagsasagawa ng katotohanan.

Peb 23, 2019

Pagkilala kay Cristo|37. Ano ang pagbabago ng disposisyon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang pagbabago ng disposisyon? Dapat kang maging isang mangingibig ng katotohanan, tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos habang nararanasan mo ang Kanyang gawain, at danasin ang lahat ng uri ng pagdurusa at pagpipino, sa pamamagitan nito ikaw ay dinadalisay sa mala-satanas na mga lason sa loob mo. Ito ang pagbabago sa disposisyon. … Ang pagbabago sa disposisyon na sinasabi sa tahanan ng Diyos ay nangangahulugan na ang isang tao, sapagkat iniibig niya at kayang tanggapin ang katotohanan, sa wakas ay nakarating siya sa pagkaunawa sa kanyang kalikasang masuwayin at lumalaban sa Diyos; nauunawaan niya na ang katiwalian ng tao ay napakalalim at nauunawaan ang kabalintunaan at pagiging mapanlinlang ng tao.

Peb 10, 2019

Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao.

Peb 9, 2019

Tagalog Christian Movies|"Ang Sugo ng Ebanghelyo" Clip 2 - Si Cristo ang Diyos na Nagkatawang-tao (Tagalog)


"Ang Sugo ng Ebanghelyo" Clip 2 - Si Cristo ang Diyos na Nagkatawang-tao (Tagalog)

Sa nakalipas na dalawang libong taon, bagama’t alam ng mga mananampalataya sa Panginoon na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, na Siya ang Diyos sa katawang-tao, walang nakaunawa sa mga hiwaga ng katotohanan kaugnay sa kung ano talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos at kung paano natin dapat kilalanin ang Diyos na nagkatawang-tao.