Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Mar 28, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Pagpapanatili sa Mga Utos at Pagsasagawa sa Katotohanan

Sa pagsasagawa, ang mga utos ay dapat nakaugnay sa pagsasagawa sa katotohanan. Habang pinananatili ang mga utos, dapat isagawa ng isang tao ang katotohanan. Kapag isinasagawa ang katotohanan, hindi dapat labagin ng isang tao ang mga panuntunan ng mga utos o sumalangsang sa mga utos. Habang lalo mong isinasagawa ang katotohanan, mas lalo kang nananatili sa diwa ng mga utos. Habang lalo mong isinasagawa ang katotohanan, mas lalo mong maiintindihan ang salita ng Diyos gaya ng inihayag sa mga utos. Ang pagsasagawa ng katotohanan at pagpapanatili sa mga utos ay hindi magkasalungat na mga pagkilos, ngunit sa halip ay magkaugnay. Noong pasimula, pagkatapos mapanatili ng tao ang mga utos saka pa lamang niya maisasagawa ang katotohanan at kamtan ang pagliliwanag mula sa Banal na Espiritu. Ngunit hindi ito ang dating layunin ng Diyos. Hinihiling ng Diyos sa iyo na sambahin ang Diyos taglay ang puso, hindi lamang upang isagawa ng magandang pag-uugali. Gawin yaong kung ano ang hinihiling ng Diyos na inyong gawin. Ang pananatili sa mga utos at ang pagsasagawa sa katotohanan ay magkaugnay, hindi magkasalungat. Ngunit kailangan mong mapanatili ang mga utos kahit pahapyaw man lamang. Paunti-unti, sa pamamagitan ng karanasan, nakakamit ng tao ang isang mas malinaw na pagkaunawa sa Diyos. Siya ay titigil sa paghihimagsik at paglaban sa Diyos, at titigil siya sa pagdududa sa gawain ng Diyos. Sa ganitong paraan ang tao ay makapamamalagi sa diwa ng mga utos. Samakatwid, ang basta na lang pagpapanatili sa mga utos nang walang pagsasagawa sa katotohanan ay hindi mabisa at hindi nagsisilbing tunay na pagsamba sa Diyos sapagkat hindi ka pa nakapagtatamo ng tunay na tayog. Kung pinapanatili mo ang mga utos nang wala ang katotohanan, ito ay katumbas lamang ng pagpapanatiling mahigpit sa mga tuntunin. Sa paggawa nito, ang mga utos ay magiging iyong kautusan, na hindi makatutulong sa iyo na umunlad sa buhay. Sa halip, sila ay magiging pasanin mo, at bibigkisin kang mahigpit kagaya ng kautusan sa Lumang Tipan, magiging dahilan upang mawala mo ang presensiya ng Banal na Espiritu. Kaya, sa pagsasagawa lamang ng katotohanan saka mo mabisang mapapanatili ang mga utos. Pinapanatili ng isang tao ang mga utos nang upang isagawa ang katotohanan. Makapagsasagawa ka ng mas marami pang mga katotohanan sa pagpapanatili sa mga utos. Makapagkakamit ka ng mas marami pang mga pagkaunawa sa praktikal na kahulugan ng katotohanan sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga utos. Ang layunin at kahulugan ng utos ng Diyos na dapat tandaan ng tao sa mga utos ay hindi ang sundin ang mga kautusan na gaya ng iniisip ng tao, ngunit sa halip may kinalaman sa pagpasok ng tao sa buhay. Habang ikaw ay lalong nagkakagulang sa buhay, mas lalong nadaragdagan ang antas kung saan ay mapananatili mo ang mga utos. Bagamat ang mga utos ay para mapanatili ng tao, ang diwa ng mga utos ay nagiging malinaw lamang sa pamamagitan ng karanasan sa buhay ng tao. Iniisip ng karamihan sa mga tao na ang mahusay na pagpapanatili sa mga utos ay nangangahulugang “handa na ang lahat, lahat lamang nang natitira ay magpatangay.” Ito ay isang malabis na pangangarap at hindi kalooban ng Diyos. Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay hindi umaasa na sumulong at mga matatakaw sa laman. Ito ay walang kabuluhan! Ito ay hindi sa ikapananatili sa katotohanan! Ang pagsasagawa lamang ng katotohanan nang hindi pinapanatili ang mga utos ay talagang hindi kalooban ng Diyos. Ang ganitong uri ng tao ay may kapansanan at nagpapatuloy na parang umiika sa isang paa. Gayunman, ang pagpapanatili sa mga utos lamang at ang pananatiling mahigpit sa mga utos na walang katotohanan, gayundin, ay hindi tinutupad ang kalooban ng Diyos—gaya ng isang tao na nakakakita sa isang mata lamang, ito rin ay isang uri ng pagkakaroon ng kapansanan. Maaaring sabihin na kapag napanatili mo ang mga utos nang maayos at magkamit ng isang malinaw na pagkaunawa ukol sa praktikal na Diyos, kung gayon ay magkakaroon ka ng katotohanan. Mula sa isang kaugnay na pananaw, makapagkakamit ka ng isang tunay na tayog. Isinasagawa mo ang katotohanan at pinananatili ang mga utos nang sabay nang walang salungatan sa isa’t-isa. Ang pagsasagawa sa katotohanan at pagpapanatili sa mga utos ay dalawang mga sistema, ang mga ito ay kapwa mahalagang mga bahagi ng karanasan sa buhay ng isang tao. Ang karanasan ng isang tao ay dapat binubuo ng isang pagsasama ng pagpapanatili sa mga utos at ng pagsasagawa ng katotohanan, hindi ng isang pagkakabaha-bahagi. Gayunman, kapwa may mga pagkakaiba at pagkakaugnay ang dalawang mga bagay na ito.

Ito ay bagong pasimula para sa gawain ng Diyos at ang umpisa ng huling bahagi ng gawain sa plano sa pamamahala ng Diyos sa loob ng anim na libong taon. Isinasagisag ng mga utos sa bagong kapanahunan na ang Diyos at tao ay nakapasok sa kaharian ng isang bagong langit at bagong lupa, at na ang Diyos, kagaya ng ginawa ni Jehovah sa mga Israelita at ginawa ni Jesus sa mga Hudyo, gagawa pa ng mas maraming praktikal na gawain at gagawa pa ng mas marami at mas dakilang gawain sa lupa. Sinasagisag din nila na ang grupong ito ng mga tao ay makatatatanggap ng mas marami at mas dakilang gampanin mula sa Diyos, at makatatanggap ng praktikal na panustos, pagpapakain, pag-alalay, pagkalinga at pag-iingat mula sa Diyos. At higit pa sila ay ilalagay sa mas marami pang praktikal na kasanayan gayundin gaya ng pinakitunguhan, sira at dinadalisay sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Ang kahulugan ng mga utos ng bagong kapanahuan ay totoong napakalalim. Kanilang iminumungkahi na ang Diyos ay magpapakita talaga sa lupa at lulupigin ng Diyos ang buong daigdig sa lupa, ibubunyag ang lahat ng Kanyang kaluwalhatian sa laman. Iminumungkahi din nila na ang praktikal na Diyos ay gagawa ng mas maraming praktikal na gawain sa lupa upang gawing perpekto ang lahat ng Kanyang pinili. At higit pa, gagawin ng Diyos ang lahat gamit ang mga salita sa lupa at ihahayag ang kautusan na “ang Diyos na nagkatawang-tao ay bumangon sa pinakamataas at dinadakila, at ang lahat ng mga tao at lahat ng mga bansa ay maninikluhod upang sambahin ang Diyos—na dinadakila bilang kataas-taasan.” Bagamat ang mga utos sa bagong kapanahunan ay para mapanatili ng tao, na siyang tungkulin ng tao at ang layunin ng kanyang mga pagsasagawa, ang kahulugan na kanilang kinakatawan ay masyadong malalim upang maipahayag nang lubos sa isa o dalawang salita. Pinalitan ng mga utos sa bagong kapanahunan ang kautusan sa Bagong Tipan at mga kautusan sa Bagong Tipan gaya ng ipinahayag ni Jehovah at Jesus. Ito ay isang mas malalim na aral, hindi isang simpleng bagay gaya ng iniisip ng tao. Ang mga utos ng bagong kapanahunan ay mayroong isang aspeto ng praktikal na kahulugan: Sila ay nagsisilbing pang-ugnay sa pagitan ng Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kaharian. Winakasan ng mga utos sa bagong kapanahunan ang lahat ng mga kasanayan at mga kautusan ng dating kapanahunan at winakasan din ang lahat ng mga kasanayan sa kapanahunan ni Jesus at yaong mga bago pa ang bagong kapanahunan. Dinadala nila ang tao sa harapan ng mas praktikal na Diyos at tinutulutan ang tao na tumanggap ng personal na pagka-perpekto ng Diyos, na siyang simula ng landas ukol sa pagiging perpekto. Kung gayon, dapat kayong magtaglay ngwastong asal tungo sa mga utos ng bagong kapanahunan at hindi dapat na sundin nang basta-basta lang o libakin sila. Binibigyang diin ng mga utos sa bagong kapanahunan ang isang punto: na dapat sambahin ng tao ang praktikal na Diyos Mismo ng kasalukuyan, na pasakop sa diwa ng Espiritu nang mas masikhay. Binibigyang diin din nila ang panuntunan kung saan ay hahatulan ng Diyos ang tao bilang maysala o matuwid matapos Siyang magpakita bilang araw ng pagkamatuwid. Ang mga utos ay mas madaling maintindihan kaysa isagawa. Kaya, kung nais ng Diyos na gawing perpekto ang tao, dapat Niyang gawin ito sa pamamagitan ng Kanyang sariling mga salita at patnubay, hindi maaaring matamo ng tao ang pagka-perpekto sa pamamagitan ng kanyang sariling likas na talino lamang. Mapanatili man ng tao ang mga utos ng bagong kapanahunan o hindi ay may kinalaman sa kaalaman ng tao sa praktikal na Diyos. Kaya, mapanatili mo man o hindi ang mga utos ay hindi isang tanong na maaring malutas sa loob ng ilang mga araw. Ito ay isang malalim na aral.

Ang pagsasagawa sa katotohanan ay isang landas kung saan maaaring umunlad ang buhay ng tao. Kung hindi ninyo isinasagawa ang katotohanan, ang maiiwan sa inyo ay teorya lamang at hindi kayo magkakaroon ng totoong buhay. Ang katotohanan ay ang tanda ng katayuan ng tao. Isagawa mo man o hindi ang katotohanan ay may kinalaman sa pagtatamo ng tunay na tayog. Kung hindi mo isasagawa ang katotohanan, hindi kumilos nang matuwid, o nagpapadala sa mga damdamin at malasakit para sa laman, kung gayon ikaw ay napakalayo mula sa pagpapanatili ng mga utos. Ito ang pinakamalalim na aral. Mayroong maraming mga katotohanan para pasukin ng tao at para maintindihan ng tao sa bawat kapanahunan. Ngunit mayroong iba’t-ibang mga utos ang kalakip ng mga katotohanan sa bawat kapanahunan. Ang katotohanan na sinasagawa ng tao ay may kaugnayan sa kanyang kapanahunan at ang mga utos na pinapanatili ng tao ay may kaugnayan din sa kapanahunan kung saan siya sumusunod. Ang bawat kapanahunan ay may sariling mga katotohanan na isasagawa at mga utos na pinapanatili. Gayunman, batay sa iba’t-ibang mga utos na ipinalaganap ng Diyos, iyon ay, batay sa iba’t-ibang mga kapanahunan kung saan sumusunod ang tao, ang layunin at bisa ng pagsasagawa ng tao sa katotohanan ay nagkakaiba sa pagkakatugma. Maaaring sabihin na ang mga utos ay nagsisilbi sa katotohanan at ang katotohanan ay umiiral upang mapanatili ang mga utos. Kung mayroong katotohanan lamang, hindi magkakaroon ng mga pagbabago sa gawain ng Diyos na masasabi. Gayunman, sa pagbanggit sa mga utos, maaaring kilalanin ng tao ang makapangyarihang lawak ng gawain na ginawa ng Banal na Espiritu at maaring malaman ng tao ang kapanahunan kung saan gumagawa ang Diyos. Sa relihiyon, maraming mga tao ang nagsasagawa ng mga katotohanan na isinasagawa ng tao sa Kapanahunan ng Kautusan. Gayunman, wala silang mga utos ng bagong kapanahunan at hindi mapanatili ang mga utos sa bagong kapanahunan. Pinapanatili ng gayong mga tao ang dating paraan at nananatili bilang mga sinaunang tao. Ang gayong mga tao ay hindi kasama sa bagong paraan ng gawain at hindi nakikita ang mga utos sa bagong kapanahunan. Kung gayon, ang gawain ng Diyos ay wala. Ang pagpapahayag ng mga utos sa bagong kapanahunan ay isang patotoo sa katotohanan na ang lahat ng mga tao sa daloy na ito at lahat ng mga nakarinig sa tinig ng Diyos sa araw na ito ay pumasok sa isang bagong kapanahunan. Sila’y parang isang taong hawak ang isang walang laman na balat ng itlog: Walang espiritu kapag walang sisiw sa loob. Sa mas eksaktong pananalita, walang buhay. Ang gayong mga tao ay hindi pa nakapasok sa bagong kapanahunan at napagiiwanan nang maraming mga hakbang. Kung gayon, ito ay walang kabuluhan kung maroon ka mang katotohanan sa dating mga kapanahunan subalit walang mga utos sa bagong kapanahunan. Marami sa inyo ang nagsasagawa ng katotohanan sa panahong ito ngunit hindi pinapanatili ang mga utos sa panahong ito. Wala kayong makukuha, ang katotohanan na inyong isinasagawa ay magiging walang kabuluhan at walang kahulugan at hindi ito pupurihin ng Diyos. Ang pagsasagawa sa katotohanan ay dapat gawin sa isang paraan kagaya ng kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa araw na ito; ito ay dapat gawin kasunod ng tinig ng praktikal na Diyos sa kasalukuyan. Kung wala ito, ang lahat ay walang saysay—kagaya ng pagsasalok ng tubig gamit ang isang basket na yari sa kawayan. Ito rin ang praktikal na kahulugan ng paghahayag ng mga utos sa bagong kapanahunan. Kung mayroon kang ganap na pagkaunawa sa gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyang panahon at pumasok sa paraan ng gawain sa araw na ito, natural lamang na makikita mo nang malinaw sa diwa ng pagpapanatili ng mga utos. Kung dumating ang araw kapag malinaw mong makikita sa diwa ng mga utos sa bagong kapanahunan at mapapanatili mo ang mga utos, kung gayon sa panahong iyon ikaw ay gagawing perpekto. Ito ang tunay na kahulugan ng pagsasagawa ng katotohanan at pagpapanatili sa mga utos. Maisagawa mo man ang katotohanan o hindi ay nakadepende kung paano mo nakikita ang diwa ng mga utos sa bagong kapanahunan. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay magpapaptuloy na magpapakita sa tao at ang Diyos ay hihiling ng higit pa at mas marami sa tao. Kung gayon, ang mga katotohanan na isinasagawa mismo ng tao ay mas dadami at mas lalaki at ang mga epekto sa pagpapanatili ng mga utos ay magiging mas malalim. Kung gayon, isasagawa ninyo ang katotohanan at pananatilihin ang mga utos nang sabay. Walang sinuman ang magpapabaya sa bagay na ito. Hayaan ang bagong katotohanan at ang mga bagong utos na magsimula nang sabay sa bagong kapanahunang ito.