Ang pag-uusap na ito sa pagitan ng Diyos na si Jehova at ni Jonas ay walang duda na isang pagpapahayag ng tunay na nararamdaman ng Lumikha sa sangkatauhan. Sa isang banda, ipinaaalam nito sa mga tao ang tungkol sa pag-unawa ng Lumikha sa buong sangnilikha sa ilalim ng Kanyang utos; tulad ng sinabi ng Diyos na si Jehova, “At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?” Sa madaling salita, ang pag-unawa ng Diyos sa Ninive ay hindi pahapyaw lamang. Alam Niyang hindi lamang ang bilang ng mga nabubuhay sa loob ng lungsod (kasama na ang mga tao at mga hayop), alam din Niya kung ilan ang hindi nakaaalam sa pagitan ng kanilang kanan at kaliwang kamay—ibig sabihin, ilang bata at kabataan ang naroroon. Ito ay isang matibay na patunay sa lubos na pagkaunawa ng Diyos sa sangkatauhan. Sa kabilang banda, ipinaaalam ng pag-uusap na ito sa mga tao ang tungkol sa saloobin ng Lumikha para sa sangkatauhan, ibig sabihin, ang bigat ng sangkatauhan sa puso ng Lumikha. Katulad lamang ito ng sinabi ng Diyos na si Jehova: “Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive, sa malaking bayang yaon…?” Ito ay mga salita ng paninisi ng Diyos na si Jehova kay Jonas, ngunit lahat ng iyon ay totoo.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Hul 29, 2020
Hul 17, 2020
Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45).
“At ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).
“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).
Hul 14, 2020
Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao-o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang-ang Panginoon ng sangnilikha-ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na maging Aking mga saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan.
Hul 2, 2020
Nilayon ng Diyos na Sirain ang Mundo Gamit ang isang Baha, Sinabihan si Noe na Gumawa ng isang daong
Genesis 6:9–14 Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Diyos. At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet. At sumama ang lupa sa harap ng Diyos, at ang lupa ay napuno ng karahasan. At tiningnan ng Diyos ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa. At sinabi ng Diyos kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa. Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing.
Hun 26, 2020
Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Iba’t Ibang Tao na Mayroong Panampalataya
Tinalakay pa lang natin ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng unang kategorya, ang mga taong hindi sumasampalataya. Ngayon, talakayin naman natin ang tungkol sa ikalawang kategorya, ang iba’t ibang taong may pananampalataya. “Ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng iba’t ibang tao na mayroong pananampalataya” ay isa ring napakahalagang paksa, at ito ay kapaki-pakinabang na magkaroon kayo ng ilang pagkaunawa ukol rito. Una, pag-usapan natin kung aling mga pananampalataya ang tinutukoy ng “pananampalataya” sa “mga taong may pananampalataya”: Ang ibig sabihin nito ay ang Judaismo, Kristiyanismo, Katolisismo, Islam, at Budismo, itong limang pangunahing relihiyon. Bilang karagdagan sa mga taong hindi sumasampalataya, ang mga tao na naniniwala sa limang mga relihiyong ito ay umookupa sa isang malaking bahagi ng populasyon ng mundo. Kabilang sa limang relihiyong ito, yaong mga gumawa ng tungkulin sa kanilang pananampalataya ay kakaunti, gayunman ang mga relihiyong ito ay mayroong maraming mananampalataya. Ang kanilang mga mananampalataya ay pupunta sa magkakaibang lugar kapag sila ay namatay. “Kaiba” mula kanino? Mula sa mga taong hindi sumasampalataya, ang mga taong walang pananampalataya, na pinag-uusapan pa lang natin. Pagkatapos nilang mamatay, ang mga mananampalataya ng limang relihiyong ito ay pupunta sa isang lugar, isang lugar na kaiba mula sa mga hindi mananampalataya. Ang espirituwal na daigdig ay gagawa rin ng paghatol tungkol sa kanila batay sa lahat ng kanilang ginawa bago sila namatay, kasunod noon ay ipoproseso sila nang naaayon. Ngunit bakit ang mga taong ito ay inilagay sa isang lugar upang maproseso? Mayroong isang mahalagang dahilan para rito. At ano ang dahilang ito? Sasabihin Ko sa inyo sa pamamagitan ng paggamit ng isang halimbawa. Ngunit bago Ko gawin ito, maaaring iisipin ninyo sa inyong mga sarili: “Marahil dahil sila ay may kaunting paniniwala sa Diyos! Hindi sila ganap na mga hindi sumasampalataya.” Hindi ito ang dahilan kung bakit. May napakahalagang dahilan kung bakit sila inilalagay sa ibang lugar.
Hun 5, 2020
Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos
Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para sumunod, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo masunurin, subali’t ang kanilang pagsunod ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Kaya, bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang sa sarili, paniniguro sa sarili, at pagpapahalaga sa sarili. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi naitatatag sa saligan ng pagsunod sa Diyos, sa kasukdulan ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos. Silang lahat na hindi hinahanap ang pagsunod sa Diyos sa kanilang pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos.
May 17, 2020
Paano Naririnig ng Matatalinong Birhen ang Tinig ng Diyos at Sinasalubong ang Panginoon?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).
“Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit” (Mateo 5:3).
“Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka’t sila’y bubusugin” (Mateo 5:6).
“Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang Dios” (Mateo 5:8).
Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:
“Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng substansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, at makayang dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi nagtataglay ng substansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang nagkatawang-taong Diyos; dito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat alamin ito ng tao mula sa disposisyon na ipinahahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang substansya. At sa gayon, sa pag-alam[a] kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyang-pansin ang Kanyang substansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba), sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pinapansin ang Kanyang substansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao.”
May 14, 2020
Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin
Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos? Nakarating ka na ba kailanman sa pagkakilala sa iyong sarili sa harap ng Diyos? Nagkaroon ka na ba kailanman ng masinsinang panalangin sa Diyos? Ang pananalangin ay unti-unting isinasagawa: Kung hindi ka karaniwang nananalangin sa bahay, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makapanalangin sa iglesia, at kung hindi ka karaniwang nananalangin sa maliliit na pagtitipon, kung gayon hindi mo makakayang manalangin sa malalaking pagtitipon. Kung hindi ka karaniwang lumalapit sa Diyos o hindi nagninilay ng mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang anumang masasabi kapag oras na ng panalangin--at kahit na manalangin ka, hindi naman tapat ang sasabihin mo, kaya’t hindi ka talaga nananalangin.
May 9, 2020
XI Mga Klasikong Salita tungkol Pagpasok sa Realidad ng Katotohanan
(XI) Mga Salita tungkol sa Relasyon ng Tao sa Diyos
128. Ang disposisyon ng Diyos ay lantad sa lahat at hindi nakatago, dahil hindi kailanman sinadyang umiwas ang Diyos sa sinumang tao at hindi Niya kailanman sinadyang hangarin na itago ang Sarili Niya upang hindi Siya makilala o maunawaan ng mga tao. Ang disposisyon ng Diyos ay palaging bukas at palaging nakaharap sa bawat tao sa isang lantad na paraan. Sa pamamahala ng Diyos, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain na lantad sa lahat; at ginawa Niya sa bawat tao ang Kanyang gawain. Sa paggawa Niya ng gawaing ito, patuloy Niyang ibinubunyag ang Kanyang disposisyon, patuloy Niyang ginagamit ang Kanyang diwa at kung anong mayroon at kung ano Siya upang gabayan at tustusan ang bawat tao. Sa bawat panahon at sa bawat yugto, maganda man o pangit ang mga kalagayan, ang disposisyon ng Diyos ay laging lantad sa bawat indibidwal, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay laging lantad sa bawat indibidwal, sa parehong paraan ng palagi at walang-patid na paglalaan at pag-alalay ng Kanyang buhay sa sangkatauhan. Sa kabila ng lahat ng ito, ang disposisyon ng Diyos ay nananatiling nakatago para sa ilan. Bakit ganoon? Dahil bagama’t nabubuhay ang mga taong ito sa loob ng gawain ng Diyos at sumusunod sila sa Diyos, hindi nila kailanman pinagsikapang unawain o ginustong makilala ang Diyos, at mas lalo na ang mapalapit sa Diyos.
May 8, 2020
Paano dinadalisay at inililigtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sangkatauhan?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48).
“Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13).
May 7, 2020
Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos
Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwa’t ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makakatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagka’t sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang substansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari kayang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos nguni’t hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Diyos nguni’t tinututulan Siya, ay tunay na makakatupad sa ninanasa ng Diyos?
Abr 23, 2020
Paano Natakot si Job sa Diyos at Iniwasan ang Kasamaan?
Ni Zhou Ming
Sa tuwing mababanggit ang mga salitang “matakot sa Diyos”, karamihan sa mga tao ay iisipin ang kuwento ni Job sa Biblia. Si Job ay natakot sa Diyos at iniwasan ang kasamaan, nagpatotoo siya para sa Diyos noong panahong siya ay sinusubok, nakamit niya ang papuri at pagpapala ng Diyos, at namuhay siya ng karapat-dapat at makabuluhang buhay na labis nating hinahangaan ngayon. Ngayon, suriin natin ang Aklat ni Job at detalyadong suriin ang mga paraan kung saan ipinamalas ni Job ang kanyang pagkatakot sa Diyos, at ito ay makatutulong sa atin para makakuha ng panibagong pagkaunawa at pagpasok sa katotohanan ng pagkatakot sa Diyos.
Hul 15, 2019
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ang Masama ay Dapat Maparusahan
Ang pagsisiyasat kung iyong isinasagawa ang pagkamatuwid sa lahat ng iyong ginagawa, at kung minamasdan ng Diyos ang lahat ng pagkilos mo, ay mga prinsipyo sa pag-uugali ng mga naniniwala sa Diyos. Tatawagin kayong matuwid dahil napalulugod ninyo ang Diyos, at dahil tinatanggap ninyo ang pag-aalaga at proteksyon ng Diyos. Sa paningin ng Diyos, lahat ng tumatanggap ng Kanyang pag-aalaga, proteksyon, at pagpe-perpekto at mga nakakamit Niya, ay mga matuwid at tinitingnan nang may pagtatangi ng Diyos.
Hun 29, 2019
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Paano Malalaman ang Realidad
Ang Diyos ay isang praktikal na Diyos: Lahat ng Kanyang gawa ay praktikal, lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay praktikal, at lahat ng mga katotohanan na ipinahahayag Niya ay praktikal. Lahat ng bagay na hindi Kanyang mga salita ay walang-laman, hindi-umiiral, at hindi-malusog. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay upang gabayan ang mga tao tungo sa mga salita ng Diyos. Kung hahabulin ng mga tao ang pagpasok sa realidad, kung gayon dapat nilang hanapin ang realidad, at alamin ang realidad, kung saan matapos ito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad.
Hun 24, 2019
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos
Binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa iba’t-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, bumibigkas Siya ng iba’t-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o nag-uulit ng parehong gawain, o nangungulila para sa mga bagay ng nakaraan; Siya ay isang Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawa’t araw ay bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod doon sa dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao.
Hun 18, 2019
Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos|Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos
Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan.
Hun 12, 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII
Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay (II)
Ating ituloy ang paksa ng usapan mula sa nakaraan. Natatandaan ba ninyo kung ano ang paksang ating pinag-usapan noong nakaraan? (Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng Bagay.) Ang “Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng Bagay” ay isa bang paksang malayo sa inyong loob? Mayroon ba kayong mababaw na pagkaunawa dito? May makapagsasabi ba sa Akin sa pangunahing punto ng paksang ito na ating pinag-usapan noong nakaraan? (Sa pamamagitan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay, nakikita ko na inaalagaan ng Diyos ang lahat ng bagay at ang sangkatauhan.
Hun 6, 2019
Pag-bigkas ng Diyos|Apendise: Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo
Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon.
May 31, 2019
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Matatamo ng Diyos
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawa’t araw, pataas nang pataas sa bawa’t hakbang; ang pagbubunyag bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi nakakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan.
May 25, 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo|Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito
Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)