Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).
“Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit” (Mateo 5:3).
“Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka’t sila’y bubusugin” (Mateo 5:6).
“Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang Dios” (Mateo 5:8).
Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:
“Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng substansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, at makayang dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi nagtataglay ng substansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang nagkatawang-taong Diyos; dito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat alamin ito ng tao mula sa disposisyon na ipinahahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang substansya. At sa gayon, sa pag-alam[a] kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyang-pansin ang Kanyang substansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba), sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pinapansin ang Kanyang substansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao.”
mula sa “Punong Salita”
“Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng mga taguri at mga sekta. Ang Aking tinig ang siyang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Ko ang lahat ng tao na malupig ng Aking tinig, upang mangahulog sa batis na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw para sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi para sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking pinili, na magsalita pa ng higit na maraming salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay nagiging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay gayon na umaayaw ang tao na isuko ang mga ito at kasabay nito ay nasusumpungang hindi maarok ang mga iyon, nguni’t nagbubunyi sa mga iyon, nang lalong higit pa. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa sangkatauhan nang sa gayon ay lalapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatian na Aking pinasisinag at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t ang lahat ng mga tao ay lumalapit sa harapan Ko at makikita na kumikislap ang kidlat mula sa Silangan, at na nakábábâ na rin Ako sa “Bundok ng mga Olivo” ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo bagkus ay bilang ang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay muli, at lumisan mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at nagpakitang muli sa gitna ng mga tao nang may luwalhati. Ako ay Siyang sinamba nang di-mabilang na mga kapanahunan noon, at Ako rin ang “sanggol” na tinalikdan ng mga Israelita nang di-mabilang na mga kapanahunan noon. Higit pa rito, Ako ang lubos-na-maluwalhating Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ng kasalukuyang kapanahunan! Hayaan ang lahat na lumapit sa harapan ng Aking trono at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at tumingin sa Aking mga gawa. Ito ay ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at ang rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaan ang bawa’t bansa ay sambahin Ako, kilalanin Ako ng bawa’t dila, bawa’t tao’y panatilihin ang pananampalataya sa Akin, at bawa’t tao ay magpasakop sa Akin!”
mula sa “Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob
“Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at gagawin silang bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay magiging bago—ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; ang hindi mabilang na mga bagay sa mundo ay magiging bago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang madaming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, upang ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay mawawala magpakailanman at maging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng mga kasama sa diyablo ay pupuksain; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking lumiliyab na apoy—iyon ay, maliban sa mga nasa loob ng agos, ang lahat ay magiging abo. Kapag kinastigo Ko ang maraming tao, ang mga nasa relihiyosong mundo ay, sa magkakaibang antas, babalik sa Aking kaharian, nilupig ng Aking mga gawa, dahil makikita nila ang pagdating ng ang Isang Banal na nakasakay sa puting ulap. Ang lahat ng sangkatauhan ay susunod sa kanilang sariling uri, at makatatanggap ng parusa na naiiba sa kung ano ang kanilang ginawa. Yaong mga nanindigan laban sa Akin ay malilipol; para naman sa yaong hindi Ako isinama sa kanilang gawain sa lupa, sila’y, dahil sa kung paano nila pinalaya ang kanilang mga sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ipapahayag Ko ang Aking sarili sa hindi mabilang na mga tao at sa hindi mabilang na mga bansa, tumutunog mula sa Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para sa buong sangkatauhan upang makita ng kanilang sariling mga mata.”
mula sa “Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob”
—————————————————————————
Ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus ay isang paalaala sa atin sa mga huling araw. Inaasahan ng Diyos na maaari tayong maging matalinong mga birhen upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.
—————————————————————————
“… hindi naman mahirap matuklasan na ang awtoridad at pagkakakilanlan ng Diyos ay malinaw na ipinakita sa pagkakagamit ng mga salita ng pagbigkas ng Diyos. Halimbawa, kapag sinabi ng Diyos “ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging … ikaw ay ginawa kong … ikaw ay aking gagawing…,” ang mga parirala na tulad ng “ikaw ay ginawa” at “Aking gagawing,” kung saan ang mga pagkakagamit ay nagpapakita ng pagpapatunay ng pagkakakilanlan at awtoridad ng Diyos, na sa ibang salita, ay indikasyon ng katapatan ng Maylalang; sa ibang pang salita, ito’y mga espesyal na mga salita na ginamit ng Diyos, na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng Maylalang—gayun din bilang bahagi ng nakasanayang talasalitaan. …
… Binigkas ang mga salitang ito mula sa bibig ng Diyos, at may kapangyarihan, kamahalan, at awtoridad sa mga salita ng Diyos. Ang kapangyarihan at awtoridad, at ang di maiwasang katuparan ng katotohanan, ay hindi matatamo at hindi madadaig ng sinumang nilikha o di-nilikhang nabubuhay. Tanging ang Maylalang lamang ang may kakayahang makipag-usap sa sangkatauhan nang may naturang tono at intonasyon, at napatunayan ang mga katotohanan na hindi salitang walang laman ang Kanyang mga pangako, o mga walang kwentang kayabangan, ngunit pagpapahayag ang mga ito ng natatanging awtoridad na di madadaig ng sinumang tao, bagay, o paksa.
Kapag ipinahayag ang mga salitang ito mula sa bibig ng Diyos, pagbubunyag at pagpapahayag ang mga ito ng totoong disposisyon ng Diyos, perpektong pagbubunyag at pagpapakita ng diwa at awtoridad ng Diyos, at wala nang iba na mas angkop at akma bilang katibayan ng pagkakakilanlan ng Maylalang. Ang paraan, tono, at paggamit ng mga salitang pagbigkas ay mga tiyak na marka ng pagkakakilanlan ng Maylalang, at tumutugma ng perpekto sa pagpapahayag ng sariling pagkakakilanlan ng Diyos, at walang pagdadahilan, o karumihan sa mga ito; ang mga ito ay, kumpleto at inihahayag ang perpektong pagpapakita ng diwa at awtoridad ng Maylalang.”
mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I”
“Ang salita ng Diyos ay talagang pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos. Mula sa salita ng Diyos maaari mong makita ang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan, ang pagliligtas Niya sa sangkatauhan, at ang paraan ng pagliligtas Niya sa kanila … sapagkat ang salita ng Diyos ay ipinapahayag ng Diyos na taliwas sa paggamit ng Diyos sa tao upang isulat ito. Ito ay personal na ipinahayag ng Diyos. Ang Diyos Mismo ang nagpapahayag ng sarili Niyang mga salita at ng tinig ng Kanyang kalooban. Bakit natin tinatawag ang mga ito na taos-pusong mga salita? Sapagkat ito ay nanggagaling sa kaibuturan, ipinapahayag ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang kalooban, ang Kanyang mga kaisipan, ang Kanyang pagmamahal para sa sangkatauhan, ang Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at ang Kanyang mga inaasahan sa sangkatauhan. Kabilang sa mga salita ng Diyos ang matitinding salita, banayad at malumanay na mga salita, ilang may konsiderasyong mga salita, at may ilang mapagbunyag na mga salita na hindi makatao. Kung ang titingnan mo lamang ay ang mapagbunyag na mga salita, mararamdaman mo na ang Diyos ay medyo istrikto. Kung ang titingnan mo lamang ay ang banayad at malumanay na bahagi, lumilitaw na ang Diyos ay walang gaanong awtoridad. Samakatuwid hindi mo dapat unawain ito nang labas sa konteksto. Dapat mong tingnan ito mula sa bawat anggulo. Kung minsan ang Diyos ay nangungusap mula sa banayad at mahabaging perspektibo, at nakikita ng mga tao ang pagmamahal ng Diyos para sa sangkatauhan; kung minsan nangungusap Siya mula sa istriktong perspektibo, at nakikita ng tao ang di-nasasaktang disposisyon ng Diyos. Kahiya-hiya na marumi ang tao at hindi karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos, at hindi karapat-dapat na pumunta sa harap ng Diyos. Ang pagpunta ng mga tao sa harap ng Diyos ngayon ay pulos dahil sa biyaya ng Diyos. Ang karunungan ng Diyos ay maaaring makita mula sa paraan nang paggawa ng Diyos at sa kahulugan ng Kanyang gawain. Kahit hindi nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos, magagawa pa rin nilang makita ang mga bagay na ito sa salita ng Diyos.”
mula sa “Kaalaman sa Pagkakatawang-Tao ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
“Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kundi ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang napaka-ordinaryo na katawang-tao. Sa Kanya, wala kang makikitang anumang kaiba kumpara sa iba, nguni’t maaari kang makatanggap mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi mo pa kailanman naririnig. Ang hamak na katawang-taong ito ay ang pagsasakatawan ng lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, na siyang pumapasan sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at isang pagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos para malaman ng tao. Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na maintindihan ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito na wala pang sinumang tao ang nakapagsabi sa iyo, at sasabihin pa Niya sa iyo ang mga katotohanan na hindi mo nauunawaan. Siya ang iyong pintuan patungo sa kaharian, at ang iyong gabay patungo sa bagong kapanahunan. Ang gayong karaniwang katawang-tao ay nagtataglay ng maraming hindi maarok na mga hiwaga. Ang Kanyang mga gawa ay maaaring hindi mo maabot, nguni’t ang tinutumbok ng lahat ng gawaing Kanyang ginagawa ay sapat upang iyong makita na hindi Siya isang simpleng katawang-tao gaya ng inaakala ng tao. Sapagka’t kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos gayundin ang pangangalaga na ipinakita ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kahit na hindi mo naririnig ang mga salitang Kanyang sinasabi na tila yumayanig sa langit at lupa, o nakikita ang Kanyang mga mata na tila mga naglalagablab na ningas, at kahit na hindi mo nararamdaman ang disiplina ng Kanyang bakal na pamalo, naririnig mo mula sa Kanyang mga salita ang galit ng Diyos at nalalaman na ang Diyos ay nagpapamalas ng pagkahabag sa sangkatauhan; nakikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang Kanyang karunungan, at higit sa lahat, natatanto ang pagmamalasakit at pag-aalaga ng Diyos sa buong sangkatauhan.”
mula sa “Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao”
“Ngunit ang karaniwang taong ito na nakatago sa mga tao ang siyang gumagawa ng bagong tungkulin ng pagliligtas sa atin. Hindi Niya nililinaw ang anumang bagay para sa atin, hindi rin Niya sinasabi kung bakit Siya dumating. Ginagawa Niya lamang ang mga gawain na kailangan Niyang gawin sa mga hakbang na alinsunod sa Kanyang plano. Ang Kanyang mga salita at mga pagbigkas ay naging mas madalas. Mula sa pag-aliw, pagpapayo, pagpapaalala, at mga babala, hanggang sa pagpapagalit at pagdidisiplina; mula sa tinig na banayad at maawain, hanggang sa mga salitang malupit at makahari—ang mga iyon ay parehong nagtatanim ng awa at pangamba sa tao. Lahat ng Kanyang sinasabi ay palaging tumatama sa mga lihim na nakatago sa ating kaibuturan. Ang Kanyang mga salita ay kumakagat sa ating mga puso, kumakagat sa ating mga kaluluwa, at iniiwan tayong napahiya at naaba. …
Walang tayong kaalam-alam, ang hamak na taong ito ay pinangunahan tayo sa hakbang-hakbang na pagpunta sa gawain ng Diyos. Nagdadaan tayo sa hindi mabilang na mga pagsubok, sumailalim sa napakaraming pagpaparusa, at sinubok ng kamatayan. Natutunan natin ang matuwid at makahari na disposisyon ng Diyos, matamasa, din, ang Kanyang pag-ibig at awa, pahalagahan ang dakilang kapangyarihan at talino ng Diyos, masaksihan ang kagandahan ng Diyos, at mapagmasdan ang Kanyang sabik na pagnanais na iligtas ang tao. Sa mga salita ng karaniwang taong ito, nalalaman natin ang katangian at diwa ng Diyos, at ating naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, nalalaman ang kalikasan at diwa ng tao, at makita ang paraan ng kaligtasan at pagka-perpekto. Ang Kanyang mga salita ay ang dahilan ng ating kamatayan, at ang dahilan ng ating kapanganakang-muli; Ang Kanyang mga salita ay nagdudulot ng kaginhawahan, gayun pa man ay iniiwan din tayong nililigalig sa pagkakasala at ang pakiramdam ng may pagkakautang; Ang Kanyang mga salita ay nagbibigay ng kagalakan at kapayapaan, subalit ito’y nagbibigay din ng matinding kirot. Minsan tayo ay parang mga tupang kakatayin sa Kanyang mga kamay; minsan tayo ay Kanyang kinagigiliwan, at ating masayang tinatamasa ang Kanyang pagmamahal at pagsinta; minsan tayo ay parang Kanyang mga kaaway, naging abo dahil sa Kanyang galit sa Kanyang mga mata. Tayo ang sangkatauhan na Kanyang iniligtas, tayo ang mga uod sa Kanyang paningin, at tayo ang mga ligaw na tupa na Kanyang iniisip na hahanapin umaga man o gabi. Siya ay maaawain sa atin, tayo ay Kanyang kinamumuhian, tayo ay Kanyang iniaangat, tayo ay Kanyang inaaliw at pinapayuhan, tayo ay Kanyang ginagabayan, tayo ay Kanyang nililiwanagan, tayo ay Kanyang kinakastigo at dinidisiplina, at tayo rin ay Kanyang isinusumpa. Siya ay nag-aalala para sa atin sa gabi at araw, tayo ay Kanyang pinagtatanggol at pinangangalagaan sa gabi at araw, hindi Siya kailanman lumilisan sa ating tabi, at itinatalaga Niya ang lahat ng Kanyang pangangalaga sa atin at handang magdusa para sa atin. Sa mga salita ng maliit at karaniwang laman, tinamasa natin ang kabuuan ng Diyos, at namasdan ang hantungan na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. …
Nagpatuloy ang pagbigkas ng Diyos, at gumamit Siya ng iba’t-ibang paraan at pagtingin upang pagsabihan tayo kung ano ang nararapat gawin at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso. Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan sa buhay, at ipinakikita sa atin ang daan kung saan tayo ay maglalakad, at pinahihintulutang ating maintindihan ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, sinisimulan nating ituon ang ating isip sa himig at paraan kung papaano ang Kanyang pananalita, at wala tayong kamalay-malay na nagsisimulang maging mahilig sa tinig ng puso ng di-pansining taong ito. Siya ay gumagawa nang maingat na pagsisikap para sa atin, nawawalan ng tulog at gana para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumadaing sa sakit para sa atin, nakararanas ng pagpapahiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang Kanyang puso ay dumudugo at lumuluha dahil sa ating pagiging manhid at pagkasuwail. Ang ganoong pagkatao at Kanyang mga pag-aari ay higit pa sa karaniwang tao, at hindi kailanman makakamit o matatamo ng sinumang ginawang tiwali. Siya ay may pagpaparaya at pagtitiis na hindi nakamit ng karaniwang tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi taglay ng kahit na sinumang nilikhang tao. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang tayo ay iligtas mula sa pang-aalipin ni Satanas at ng ang ating tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos, at inihahayag ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay nagsimula ng bagong panahon, at nagdala ng bagong langit at lupa, bagong gawain, at Siya ay nagdala ng bagong pag-asa, at tinapos ang ating buhay sa kalabuan, at tayo ay hinayaang lubos na matanaw ang daan ng kaligtasan. Kanyang nilupig ang ating buong pagkatao, at nakamit ang ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan—hindi ba’t Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Tayo ay pinahintulutan Niyang mabuhay muli, na makita ang liwanag, at pinigilan ang ating mga puso sa paglihis. Tayo ay nagbalik sa tahanan ng Diyos, tayo ay nagbalik sa harap ng Kanyang trono, tayo ay harap-harapan sa Kanya, nasaksihan natin ang Kanyang mukha, at nakita na ang landas sa hinaharap. Sa panahong iyon, ang puso natin ay lubusang Niyang malulupig; hindi na tayo magdududa kung sino Siya, at hindi na tututulan ang Kanyang gawain at salita, at tayo ay luluhod, nang lubusan, sa Kanyang harapan. Tayo ay nagnanais ng walang anuman maliban sa pagsunod sa mga yapak ng Diyos sa nalalabing bahagi ng ating buhay, at upang tayo ay Kanyang gagawing perpekto, at upang masuklian natin ang Kanyang biyaya, upang masuklian natin ang Kanyang pag-ibig sa atin, at upang sundin ang Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos, at upang makipagtulungan sa Kanyang gawain, at gawin ang lahat ng ating makakaya upang lubusin ang Kanyang mga ipinagkatiwala sa atin.”
mula sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo”
_________________________________________________
Ang mga aklat ng ebanghelyo sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ibubunyag ang lahat ng mga misteryo ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan para sa iyo.