Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tumalima. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tumalima. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 10, 2019

Ang Salita sa Diyos | "Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan (Sipi I)"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman.

Set 26, 2019

Edukasyon ng mga Bata | Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)

Xiaoxue, Malaysia

Isang araw pagtapos ng hapunan, tinuruan ko ang panganay kong lalaki na magbasa ng Tsino—mga simpleng salita lang, “Langit, lupa, tao, at, lupa, tatay, nanay….” Tinuruan ko siya nang ilang beses, ngunit hindi pa rin niya maisulat ang mga ito. Isusulat niya ang unang salita tapos makakalimutan niya ang susunod. Nagalit ako, kinuha ang ruler sa lamesa at ilang beses ko siyang pinagpapalo. Sumigaw ako: “Napakabobo mo naman! Ni hindi mo kayang matutunan ang mga simpleng salitang ito!” Napalo ang aking anak hanggang sa umiyak siya, “waah, waah” at patakbong tumakas patungo sa gilid ng kuwarto. Pinagalitan ko siya, “Lumapit ka rito at magsulat ka ulit!” Hindi lumapit ang anak ko, kaya hinablot ko siya at hinila pabalik sa upuan. Pagkakita ko sa kamay ng aking anak na namumula sa pagkapalo at namamaga dahil sa kagagawan ko, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Umiyak ako at pumunta sa aking kuwarto at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, Kapag nabibigo ako ng anak ko, hindi ko makontrol ang galit ko. Hindi ko gustong tratuhin ang aking mga anak nang ganito. Diyos ko, nawa ay tulungan Mo ako.” Pagkatapos kong magdasal, unti-unti akong kumalma.

Set 2, 2019

Mga Paksa sa Debosyonal | Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit

Mga Paksa sa Debosyonal | Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit

Yang Qing
Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit
Baffled From Reading the Bible
Nang maaga akong magising, ako ay nanalangin, at pagkatapos ay binuksan ang Biblia sa Mateo 16:19, kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus kay Pedro: “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Sa pagbabasa sa talatang ito ng kasulatan, ako ay nalito, iniisip: “Hindi gumawa si Pedro ng anumang dakilang gawain ni ang kanyang mga isinulat ay talagang tanyag. Higit sa lahat, nang ang Panginoong Jesus ay dinakip at nilitis, tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro. Bakit hindi ibinigay ng Panginoong Jesus ang mga susi ng kaharian ng langit sa iba pang mga disipulo, bagkus kay Pedro lamang?” Nagsaliksik ako nang husto sa Banal na Kasulatan, ngunit walang nakalutas sa aking pagkalito. Hindi maiiwasang pumasok ako sa trabaho.

Hul 6, 2019

XVIII. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao Kung Ano ang Pagsunod sa Kalooban ng Diyos at Kung Ano ang Tunay na Patotoo tungkol sa Pananampalataya sa Diyos

1. Ano ang pagsunod sa kalooban ng Diyos? Pagsunod ba sa kalooban ng Diyos kung nagmimisyon lang ang isang tao para sa Panginoon?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7 :21-23).

Hun 3, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos| "Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos"


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos| "Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaniyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kaniyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang masamang disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan.

Hun 1, 2019

Naniniwala ang karamihan sa mga tao sa iba’t ibang relihiyon na napili at naitalaga na ng Panginoon ang mga pastor at elder, at na lahat sila ay naglilingkod sa Panginoon sa mga iglesia ng iba’t ibang relihiyon; kung susundin natin ang mga pastor at elder, talagang sinusunod at sinusundan natin ang Panginoon. Tungkol sa kung ano talaga ang kahulugan ng sundin ang tao at sundan ang tao, at ano talaga ang kahulugan ng sundin ang Diyos at sundan ang Diyos, hindi maunawaan ng karamihan sa mga tao ang aspetong ito ng katotohanan, kaya pakipaliwanag ito para sa amin.

Sagot:

Sa relihiyon, iniisip ng ilang tao na ang mga relihiyosong pastor at elder ay napili at itinatag ng Panginoon. Samakatuwid, dapat silang sundin ng mga tao. May batayan ba sa Biblia ang ganitong pananaw? Napatunayan ba ito ng salita ng Panginoon? Mayroon ba itong patotoo ng Banal na Espiritu at kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu? Kung ang lahat ng sagot ay hindi, hindi ba't kung gayon ang paniniwala ng karamihan na ang mga pastor at elder ay lahat pinili at itinatag ng Panginoon ay galing sa paniniwala at imahinasyon ng mga tao?

May 31, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Matatamo ng Diyos

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawa’t araw, pataas nang pataas sa bawa’t hakbang; ang pagbubunyag bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi nakakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan.

May 21, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo|Ano ang pagbabago ng disposisyon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang pagbabago ng disposisyon? Dapat kang maging isang mangingibig ng katotohanan, tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos habang nararanasan mo ang Kanyang gawain, at danasin ang lahat ng uri ng pagdurusa at pagpipino, sa pamamagitan nito ikaw ay dinadalisay sa mala-satanas na mga lason sa loob mo. Ito ang pagbabago sa disposisyon. … Ang pagbabago sa disposisyon na sinasabi sa tahanan ng Diyos ay nangangahulugan na ang isang tao, sapagkat iniibig niya at kayang tanggapin ang katotohanan, sa wakas ay nakarating siya sa pagkaunawa sa kanyang kalikasang masuwayin at lumalaban sa Diyos; nauunawaan niya na ang katiwalian ng tao ay napakalalim at nauunawaan ang kabalintunaan at pagiging mapanlinlang ng tao.

May 15, 2019

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo|Paano nakikita ang pagbabago ng disposisyon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Kung mababago man ang iyong disposisyon o hindi, nakasalalay ito kung makaaagapay ka o hindi sa mismong mga salita ng Banal na Espiritu taglay ang tunay na pagkaunawa. Ito ay iba mula sa inyong naunawaan noong una. Ang iyong naintindihan ukol sa isang pagbabago sa disposisyon noong una ay ikaw, na madaling manghatol, sa pamamagitan ng pagdidisiplina ng Diyos ay hindi na basta-basta na lamang nagsasalita.

May 9, 2019

39. Ano ang mga kaibhan sa pagitan ng pagbabago ng disposisyon at ng mabuting asal?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang isang pagbabago sa disposisyon ay pangunahing tumutukoy sa isang pagbabago sa iyong kalikasan. Ang kalikasan ay hindi isang bagay na maaari mong makita mula sa panlabas na mga paggawi; ang kalikasan ay tuwirang may kinalaman sa halaga at kabuluhan ng pag-iral ng mga tao. Ito ay may tuwirang kinalaman sa mga pagpapahalaga sa buhay ng tao, ang mga bagay na nasa kaibuturan ng kaluluwa, at ang pinakadiwa ng tao. Kung hindi kayang tanggapin ng mga tao ang katotohanan, kung gayon sila ay walang mga pagbabago sa ganitong mga aspeto.

Peb 27, 2019

Katotohanan at mga Doktrina|Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo

Marami na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking naipahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao ay maaaring maging kaayon sa Akin. Ngunit kaunti lamang ang nakamit Kong tao sa lupa na kaayon sa Akin, at kaya Aking sinasabi na hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking mga salita, dahil ang tao ay hindi kaayon sa Akin. Sa paraang ito, ang gawaing Aking ginagawa ay hindi lamang upang Ako ay sambahin ng tao; ang mas mahalaga, ito ay upang maging kaayon sa Akin ang tao. Ang mga taong nagawang masama, ay namumuhay lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin.

Peb 15, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos

Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob ng iglesia ngayon? Mayroon ka bang nauunawaan sa gayon? Ano ang pinakadakilang mga paghihirap ng mga kapatid? Ano ang pinakakulang sa kanila? Sa kasalukuyan, may ilang mga tao na negatibo sa gitna ng mga pagsubok, at ang iba sa kanila ay nagrereklamo pa, at ang ilan ay hindi na nagpapatuloy pa sapagkat ang Diyos ay hindi na nagsasalita. Ang mga tao ay hindi nakapasok sa tamang landas sa paniniwala sa Diyos. Hindi nila kayang mamuhay nang mag-isa, at hindi nila mapanatili ang kanilang sariling buhay espiritwal. May ilang mga tao na sumusunod, taglay ang udyok para sa paghahangad, at nakahanda sa pagsasagawa kapag nagsalita ang Diyos. Ngunit kapag hindi nagsasalita ang Diyos, hindi na sila nagpapatuloy.

Ene 23, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Marami ang mga Tinatawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahihirang

Marami Akong nahahanap sa lupa upang maging Aking mga tagasunod. Kabilang sa lahat nitong mga tagasunod, mayroon yaong mga nagsisilbing mga pari, yaong mga namumuno, yaong mga bumubuo sa mga lalaking-anak, yaong bumubuo sa mga tao, at yaong mga gumagawa ng serbisyo. Pinaghihiwa-hiwalay Ko sila tungo rito sa iba’t ibang kategorya batay sa katapatan na ipinakikita nila sa Akin.

Ene 12, 2019

Tagalog Christian Songs | "Sundan Bagong Gawain ng Banal na Espiritu Para Papuri ng Diyos Matamo"

Tagalog Christian Songs | "Sundan Bagong Gawain ng Banal na Espiritu Para Papuri ng Diyos Matamo"

I
Wow ... wow … wow …
Pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu'y
ibig sabihi'y nauunawaan kalooban ng Diyos sa kasalukuyan,
kumikilos ayon sa utos Niya, sinusunod ang Diyos ng ngayon,
sinusunod ang kasalukuyan Niyang atas at tumutuloy
sa pamamagitan ng pinakabago Niyang pagbigkas.
Ang mga taong ganito'y sumusunod sa gawa ng Espiritu.
Sila'y nasa daloy ng Banal na Espiritu,
kita nila'ng Diyos at natatanggap Kanyang papuri.

Dis 18, 2018

Bakit sa pamamagitan lamang ng pagdanas at pagsunod sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao makikilala ng isang tao ang Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita” (Juan 14:6-7).

Nob 6, 2017

Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig

pag-ibig, karunungan, tumalima, Jehovah, Ebanghelyo

Kidlat ng Silanganan | Paano Magbubunga Ang Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Panlulupig

  Ang hakbang ng gawain ng mga taga-serbisyo ay ang unang hakbang ng gawain ng panlulupig; ito ang kasalukuyang ikalawang hakbang ng gawain ng panlulupig. Bakit tinatalakay ang pagka-perpekto sa gawain ng panlulupig? Pagtatayo ito ng isang saligan para sa hinaharap—ito ang kasalukuyang huling hakbang sa gawain ng panlulupig, at pagkatapos nito, sila ay sasailalim sa malaking kapighatian, at sa panahong iyon ang gawain sa pagperpekto sa mga tao ay opisyal na magsisimula. Ang pangunahing bagay ngayon ay paglupig; gayunman, ito rin ang unang hakbang ng pagperpekto, pagperpekto sa pagkaunawa at pagkamasunurin ng mga tao, na syempre ay pagtatatag pa rin ng isang saligan para sa gawain ng panlulupig. Kung gusto mong maging perpekto, kailangan mong makapanindigan sa gitna ng kapighatian sa hinaharap at ilagay ang iyong buong lakas sa pagpapalawak sa susunod na hakbang ng gawain. Ito ay pagiging perpekto, at iyon ang punto kung kailan ang mga tao ay lubos na makakamit ng Diyos. Ang tinatalakay sa sandaling ito ay pagkalupig, na siya ring pagiging perpekto; gayunman, ang ginagawa sa ngayon ay ang saligan ng pagiging perpekto sa hinaharap. Upang gawing perpekto, ang mga tao ay kailangang makaranas ng kahirapan, at kailangang maranasan nila ito sa saligan ng pagkalupig. Kung hindi taglay ng mga tao ang kasalukuyang saligang ito, kung hindi sila lubusang nalupig, kung gayon magiging mahirap para sa kanila na makapanindigan sa susunod na hakbang. Ang pagkalupig lamang ay hindi pagtatamo ng panghuling layunin—ito ay pagsaksi lamang para sa Diyos sa harap ni Satanas. Ang pagiging perpekto ay ang panghuling layunin, at kung hindi ka pa ginawang perpekto, kung gayon ikaw ay ibibilang na walang saysay. Sa pagsagupa sa kahirapan sa hinaharap, sa gayon lamang maaaring makita ang totoong tayog ng mga tao, iyon ay, ang totoong kadalisayan ng iyong pag-big sa Diyos ay makikita. Ngayon, sinasabi ng lahat ng mga tao: “Maging anuman ang gawin ng Diyos kami ay susunod, at kami ay nakahandang maging mga pagkakaiba, upang itakda ang pagiging makapangyarihan ng Diyos, disposisyon ng Diyos. Hindi alintana kung ipagkaloob man Niya o hindi ang Kanyang biyaya sa amin o isumpa man Niya kami o hatulan kami, pasasalamatan namin Siya.” Ang pagsasabi mo nito ngayon ay isa lamang munting pagkaunawa, ngunit kung ito ay maaaring gamitin sa realidad ay nakabatay kung ang iyong pagkaunawa ay tunay na makatotohanan. Na ngayon ay nakita at naunawaan ng mga tao ang mga bagay na ito ay ang tagumpay ng gawain ng panlulupig; maaari ka mang gawing perpekto o hindi ay pangunahing makikita kapag dumating ang kahirapan sa iyo. Sa panahong iyon makikita kung mayroon kang dalisay na pag-ibig sa iyong puso na para sa Diyos o wala, at kung mayroon ka talagang dalisay na pag-ibig para sa Kanya, sasabihin ninyong: “Kami ay mga pagkakaiba lamang; kami ay mga nilikha sa mga kamay ng Diyos.” At kapag iyong ipalalaganap ang ebanghelyo sa ibang mga bansa, iyong sasabihing: “Isa lamang akong taga-serbisyo at dahil sa aming tiwaling mga disposisyon kaya nagsalita nang marami sa amin ang Diyos kaya nakita namin ang Kanyang matuwid na disposisyon. Kung hindi sinabi ng Diyos ang gayong mga bagay hindi namin magagawang makita Siya, hindi namin matitikman ang Kanyang karunungan, at hindi kami makapagtatamo ng gayong kadakilang kaligtasan, ng gayong kalaking pagpapala.” Kung talagang pinanghahawakan ninyo ang gayong pananaw, kung gayon mainam ang inyong ginagawa. Nakapagsabi na kayo ngayon ng napakaraming mga bagay kaagad at palagi ninyong isinisigaw ang mga sawikaing: “Kami’y mga pagkakaiba at mga taga-serbisyo; kami ay nakahandang lupigin at maging maugong na mga saksi para sa Diyos ….” Hindi maaaring ipagsigawan lamang ang gayon at tapos na ito, at patunayan na ikaw ay isang tao na mayroong tayog. Kailangan mong magkaroon ng tunay na pagkaunawa, at ang iyong pagkaunawa ay kailangang subukin.