Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na matapat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na matapat. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 2, 2019

Mga Paksa sa Debosyonal | Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit

Mga Paksa sa Debosyonal | Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit

Yang Qing
Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit
Baffled From Reading the Bible
Nang maaga akong magising, ako ay nanalangin, at pagkatapos ay binuksan ang Biblia sa Mateo 16:19, kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus kay Pedro: “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Sa pagbabasa sa talatang ito ng kasulatan, ako ay nalito, iniisip: “Hindi gumawa si Pedro ng anumang dakilang gawain ni ang kanyang mga isinulat ay talagang tanyag. Higit sa lahat, nang ang Panginoong Jesus ay dinakip at nilitis, tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro. Bakit hindi ibinigay ng Panginoong Jesus ang mga susi ng kaharian ng langit sa iba pang mga disipulo, bagkus kay Pedro lamang?” Nagsaliksik ako nang husto sa Banal na Kasulatan, ngunit walang nakalutas sa aking pagkalito. Hindi maiiwasang pumasok ako sa trabaho.

May 9, 2019

39. Ano ang mga kaibhan sa pagitan ng pagbabago ng disposisyon at ng mabuting asal?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang isang pagbabago sa disposisyon ay pangunahing tumutukoy sa isang pagbabago sa iyong kalikasan. Ang kalikasan ay hindi isang bagay na maaari mong makita mula sa panlabas na mga paggawi; ang kalikasan ay tuwirang may kinalaman sa halaga at kabuluhan ng pag-iral ng mga tao. Ito ay may tuwirang kinalaman sa mga pagpapahalaga sa buhay ng tao, ang mga bagay na nasa kaibuturan ng kaluluwa, at ang pinakadiwa ng tao. Kung hindi kayang tanggapin ng mga tao ang katotohanan, kung gayon sila ay walang mga pagbabago sa ganitong mga aspeto.

Peb 20, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ikaw Ba’y Nabuhay?

Kapag nakamit mo na ang pagsasapamuhay ng normal na pagkatao, at nagawa ka nang perpekto, bagaman hindi mo magagawang magsalita ng propesiya, ni anumang misteryo, ang larawan ng isang tao ang ipapamuhay at ibubunyag mo. Nilikha ng Diyos ang tao, pagkatapos ay ginawang masama ni Satanas ang tao, at ginawang mga patay na katawan ng kasamaang ito ang mga tao—kaya, matapos kang magbago, magiging iba ka sa mga patay na katawang ito. Ang mga salita ng Diyos ang nagbibigay buhay sa mga espiritu ng tao at pinangyayari na sila’y ipanganak muli, at kapag ipinanganak muli ang mga espiritu ng tao, sila ay mangangabuhay muli. Ang pagbanggit ng “patay” ay tumutukoy sa mga walang espiritung bangkay, sa mga taong kung saan ang kanilang espiritu ay namatay na.

Peb 15, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos

Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob ng iglesia ngayon? Mayroon ka bang nauunawaan sa gayon? Ano ang pinakadakilang mga paghihirap ng mga kapatid? Ano ang pinakakulang sa kanila? Sa kasalukuyan, may ilang mga tao na negatibo sa gitna ng mga pagsubok, at ang iba sa kanila ay nagrereklamo pa, at ang ilan ay hindi na nagpapatuloy pa sapagkat ang Diyos ay hindi na nagsasalita. Ang mga tao ay hindi nakapasok sa tamang landas sa paniniwala sa Diyos. Hindi nila kayang mamuhay nang mag-isa, at hindi nila mapanatili ang kanilang sariling buhay espiritwal. May ilang mga tao na sumusunod, taglay ang udyok para sa paghahangad, at nakahanda sa pagsasagawa kapag nagsalita ang Diyos. Ngunit kapag hindi nagsasalita ang Diyos, hindi na sila nagpapatuloy.

Nob 2, 2017

Ano Talaga ang Totoong Pagtanggap sa Katotothanan?

katotohanan, Jesus, buhay, hanapin, matapat

Kidlat ng Silanganan | Ano Talaga ang Totoong Pagtanggap sa Katotothanan?


Xiaohe    Puyang City, Henan Province


  Sa nakaraan, sa tuwing babasahin ko ang mga salita na ibinunyag ng Diyos tungkol sa kung paano hindi tinatanggap ng mga tao ang katotohanan, hindi ako naniwala na ang mga salitang ito ay naaangkop sa akin. Nasiyahan ako sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng salita ng Diyos, at nagawa kong tanggapin at kilalanin ang lahat ng sinabi ng Diyos bilang katotohanan—hindi alintana kahit gaano man nito tinusok ang aking puso o hindi sumunod sa aking mga paniwala. Bukod dito, gaano man karami ang mga kakulangan na ipinapamata ng aking mga kapatid, ito ay kinilala at tinanggap ko. Hindi ko sinubukang bigyang-katwiran ang aking sarili, kung kaya’t inisip ko na ako ay isang tao na siguradong tumanggap sa katotohanan. Tanging ang mga tao na sadyang mayabang at makasarili at may mga paniniwala tungkol sa salita ng Diyos, mga hindi kinikilala na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan ay silang hindi tumatanggap sa katotohanan. Ganito ako kung mag-isip noon hanggang isang araw habang ako ay nakikinig sa “Fellowship and Preaching About Life Entry,” ganap kung naintindihan ang ibig sabihin ng pagtanggap sa katotohanan.

Ago 20, 2017

Kidlat ng Silanganan | Kanino Ka Matapat?

Kidlat ng Silanganan, Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

  Ang inyong buhay mula ngayon ay lubhang mahalaga at importante sa hantungan at kapalaran ninyo, kaya’t pakamahalin ang inyong mga pag-aari sa bawat minutong lilipas. Gawing kapaki-pakinabang ang inyong bawat oras upang matamo ang lubos na biyaya, nang sa gayon ay hindi mawalan ng saysay ang inyong buhay. Marahil nalilito kayo kung bakit sinasabi ko ang mga ito. Sa totoo lang, hindi ako nalulugod sa mga ikinikilos ng sinuman sa inyo. Sapagkat ang mga inaasahan Ko para sa inyo ay malayo sa naging kayo ngayon. Kaya’t ipapahayag Ko ito sa ganitong paraan: Kayong lahat ay nasa bingit ng kapahamakan. Ang inyong dating mga panaghoy para sa kaligtasan maging ang mga dating hangaring makamit ang katotohanan at hanapin ang liwanag ay nalalapit na sa katapusan. Ito ang magiging kabayaran ninyo sa katapusan sa Akin na hindi ko inasam kailanman. Hindi Ko nais magsalita ng salungat sa katotohanan, sapagka’t labis ninyo Akong binigo. Marahil hindi ninyo nais na iwanan ang bagay na ito nang ganun na lamang o hindi ninyo nais harapin ang katotohanan, ngunit mataimtim Kong itatanong ito sa inyo: Sa buong panahong ito, nabalot ng ano ang inyong mga puso? Kanino naging matapat ang inyong mga puso? Huwag ninyong sabihin na biglaan ang Aking katanungan at huwag ninyo Akong tanungin kung bakit nasabi Ko iyon. Kailangan ninyong malaman ito: Ito ba ay dahil labis Ko kayong kilala, pinagmalasakitan nang husto, o labis na inilaan ang Aking puso sa inyong mga gawain; upang kayo’y tanungin Ko nang paulit-ulit at tiisin ang labis na paghihirap. Nguni’t, Ako’y ginantihan ng kapabayaan at hindi mabatang pagtiwalag. Sobrang pabaya ninyo sa Akin; paanong hindi ko ito nalaman? Kung naniniwala kayo na ito ay posible, higit itong nagpapatunay ng hindi mabuting pakikitungo ninyo sa Akin. Kung gayon, sasabihin Kong nililinlang ninyo ang inyong mga sarili. Masyado kayong tuso na hindi ninyo alam ang inyong mga ginagawa; ano kung gayon ang inyong gagamitin upang Ako’y bigyang halaga?

Ago 18, 2017

Kidlat ng Silanganan | Tatlong Babala


Kidlat ng Silanganan | Tatlong Babala
Bilang isang mananampalataya ng Diyos, nararapat kayong maging tapat lamang sa Kanya at ihanay ang iyong puso sa Kanya sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, hindi sapat kumatawan ang mga ito maging gaano man ito kalinaw at naging batayan ng katotohanan para sa tao, dahil sa kanilang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, kahangalan, at katiwalian. Samakatuwid, bago matukoy ang inyong katapusan, nararapat lamang na sabihin ko ang ilang mga bagay na lubhang napakahalaga para sa inyo. Bago ako magpatuloy, kailangang maintindihan ninyo muna ang mga ito: Ang mga sasabihin ko ay ang mga katotohanang nakatuon sa buong sangkatauhan, hindi lamang sa partikular na tao o klase ng tao. Samakatuwid, pagtuunan lamang ng pansin ang pagtanggap ng Aking mga salita sa makatotohanang pananaw, at panatilihin ang ugali ng konsentrasyon at katapatan. Huwag balewalain ang alinman sa mga salita at katotohanang Aking sasabihin, at huwag isaalang-alang ang Aking mga salita nang may panghahamak. Sa inyong buhay nakikita kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan, samakatwid Hinihiling ko na kayo ay maging tagapaglingkod sa katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan. Huwag apakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng tahanan ng Diyos. Ito ang Aking babala para sa inyo. Ngayon sisimulan ko ng magsalita tungkol sa paksang dapat talakayin: