Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

May 9, 2019

39. Ano ang mga kaibhan sa pagitan ng pagbabago ng disposisyon at ng mabuting asal?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang isang pagbabago sa disposisyon ay pangunahing tumutukoy sa isang pagbabago sa iyong kalikasan. Ang kalikasan ay hindi isang bagay na maaari mong makita mula sa panlabas na mga paggawi; ang kalikasan ay tuwirang may kinalaman sa halaga at kabuluhan ng pag-iral ng mga tao. Ito ay may tuwirang kinalaman sa mga pagpapahalaga sa buhay ng tao, ang mga bagay na nasa kaibuturan ng kaluluwa, at ang pinakadiwa ng tao. Kung hindi kayang tanggapin ng mga tao ang katotohanan, kung gayon sila ay walang mga pagbabago sa ganitong mga aspeto.Kapag naranasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nakapasok nang tuluyan sa katotohanan, binago ang kanilang mga pagpapahalaga at mga pananaw sa pag-iral at buhay, namalas ang mga bagay sa katulad na paraan ng sa Diyos, at magagawang lubos na magpasakop at italaga ang kanilang mga sarili sa Diyos saka lamang maaaring sabihin na ang kanilang mga disposisyon ay nabago. Maaaring ikaw ay lumilitaw na naglalaan ng ilang pagsisikap, maaaring ikaw ay matatag sa harap ng mga kahirapan, maaaring magawa mong ipatupad ang mga kaayusan ng gawain mula sa itaas, o maaaring magawa mong makapunta saan mang dako ka atasang magpunta, subalit ang mga ito ay maliliit na pagbabago lamang sa iyong mga pagkilos, at ang mga ito ay hindi sapat na maging isang pagbabago sa iyong disposisyon. Maaaring magawa mong kayaning tumakbo sa maraming landasin, at maaaring magawa mong magdanas ng maraming mga kahirapan at magbata ng malaking kahihiyan; maaaring madama na napakalapit mo sa Diyos, at ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa iyo, gayunman kapag hinihiling ng Diyos sa iyo na gumawa ng isang bagay na hindi kaayon sa iyong mga paniwala, hindi ka pa rin nagpapasakop, naghahanap ka ng mga dahilan, at ikaw ay naghihimagsik at nilalabanan ang Diyos, maging hanggang sa puntong sinisisi mo ang Diyos at nagpoprotesta laban sa Kanya. Ito ay isang malalang suliranin! Pinatutunayan nito na mayroon ka pa ring kalikasan na labanan ang Diyos at na hindi ka nagbago nang kahit na kaunti lamang.

mula sa “Kung Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Iyong Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Naglalagay ang karamihan ng mga tao ng diin sa paggawi sa kanilang pananampalataya sa Diyos, bilang resulta ng gayon mayroong nagaganap na mga pagbabago sa kanilang paggawi. Pagkatapos maniwala sa Diyos, tumitigil sila sa pakikipagpunyagi sa iba, itinitigil nila ang pakikipaglaban sa mga tao at pang-iinsulto sa kanila, itinitigil nila ang paninigarilyo at pag-inom, hindi sila nagnanakaw ng anumang pag-aari ng publiko—maging ito man ay isang pako o isang mahabang piraso ng tabla—at sila ay umaabot pa sa hindi pagdulog sa hukuman kapag sila ay nawawalan o ginawan ng mali. Walang pagdududa, ilang mga pagbabago ang nagaganap sa kanilang paggawi. Sapagkat, pagkatapos maniwala sa Diyos, ang pagtanggap sa tunay na daan ay nakapagdudulot talaga sa kanila ng mabuting pakiramdam, at dahil natikman din nila ang biyaya ng gawain ng Banal na Espiritu, sila ay talagang taimtim, at walang kahit anuman ang hindi nila maaaring talikuran o gagawin. Ngunit pagkatapos makapaniwala sa loob ng tatlo, lima, sampu, o tatlumpung taon—sapagkat walang naging pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay, sa bandang huli sila’y muling nagbabalik sa dating mga pamamaraan, ang kanilang kayabangan at kapalaluan ay lumalago, at nagsisimula silang makipaglaban para sa kapangyarihan at kapakinabangan, iniimbot nila ang salapi ng iglesia, ginagawa nila ang anumang bagay para sa kanilang mga pakinabang, labis nilang hinahangad ang katayuan at mga kaaliwan, at sila ay nagiging palaasa sa tahanan ng Diyos. Karamihan sa mga lider, lalo na, ay iniiwang mag-isa. At ano ang pinatutunayan ng mga katotohanang ito? Ang mga pagbabago na hindi hihigit kaysa sa paggawi ay hindi napapanatili. Kung walang pagbabago sa disposisyon sa buhay ng mga tao, hindi magtatagal ay lilitaw ang kanilang masamang bahagi. Sapagkat ang pinagmumulan ng mga pagbabago sa kanilang paggawi ay sigasig, kalakip ng ilang gawain ng Banal na Espiritu sa panahong iyon, masyadong napakadali para sa kanila na maging maalab, o maging mabuti sa loob ng ilang panahon. Kagaya ng sinasabi ng mga hindi sumasampalataya, “Ang paggawa ng isang mabuting gawa ay madali, ang mahirap ay ang habambuhay na paggawa ng mabubuting gawa.” Walang kakayahan ang mga tao sa paggawa ng mabubuting gawa sa buong buhay nila. Ang kanilang paggawi ay idinidikta ng buhay; kung anuman ang kanilang buhay, gayundin ang kanilang paggawi, at yaon lamang likas na ibinunyag ang kumakatawan sa buhay, at sa kalikasan ng isang tao. Ang mga bagay na huwad ay hindi nagtatagal. Kapag ang Diyos ay gumagawa upang iligtas ang tao, hindi upang palamutian ang tao ng mabuting paggawi—ang gawain ng Diyos ay para baguhin ang mga disposisyon ng mga tao, upang sila ay muling ipanganak na bagong mga tao. Kaya naman, ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos sa tao ay lahat para baguhin ang kanyang disposisyon, para matamo niya ang ganap na pagkamasunurin at katapatan sa Diyos, at ang normal na pagsamba sa Diyos. Ito ang layunin ng gawain ng Diyos. Ang pagpapakabait ay hindi kapareho ng pagsunod sa Diyos, lalong hindi ito katumbas ng pagiging kaayon kay Cristo. Ang mga pagbabago sa paggawi ay batay sa doktrina, at iniluwal dahil sa sigasig—hindi batay ang mga ito sa tunay na kaalaman ukol sa Diyos, o sa katotohanan, lalong hindi dahil sa paggabay ng Banal na Espiritu. Bagamat may mga pagkakataon na ang ilan sa ginagawa ng mga tao ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ito ang pagpapahayag ng buhay, lalong hindi ito kapareho ng pagkakilala sa Diyos; gaano man kabuti ang paggawi ng isang tao, hindi nito pinatutunayan na sinusunod nila ang Diyos, o na isinasagawa nila ang katotohanan. Ang mga pagbabago sa paggawi ay panandaliang ilusyon, ang mga ito ang pagpapahiwatig ng sigasig, at ang mga ito ay hindi ang pagpapahayag ng buhay. … Maaaring magpakabait ang mga tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na taglay nila ang katotohanan. Nagagawa lamang ng sigasig ng mga tao na sumunod sila sa doktrina at sundin ang patakaran; ang mga tao na walang katotohanan ay walang pag-asa sa paglutas ng mga makabuluhang suliranin, at hindi makapaninindigan ang doktrina para sa katotohanan. …

mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Ang ilan sa mga bagong mananampalataya, pagkatapos maniwala sa Diyos, ay nilisan ang sekular na mundo; kapag sila ay nakatatagpo ng mga hindi sumasampalataya wala silang anumang nasasabi, at madalang lamang silang makipagkita sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan, at sinasabi ng mga hindi sumasampalataya, “Ang taong ito ay talagang nagbago.” Kaya iniisip nila, “Ang aking disposisyon ay totoong nagbago—sinasabi ng mga hindi sumasampalataya na ako ay nagbago.” Sa katunayan, nagbago ba talaga ang kanilang disposisyon? Hindi. Ang mga ito ay panlabas na mga pagbabago lamang. Walang naging pagbabago sa kanilang buhay, at ang kanilang dating kalikasan ay nagpapatuloy na nakatimo sa loob nila, ganap na hindi nagalaw. Paminsan-minsan, ang mga tao ay hinahawakang mahigpit ng lakas ng loob dahil sa gawain ng Banal na Espiritu; ang ilang panlabas na mga pagbabago ay nagaganap, at mayroon silang kaunting mabubuting gawa. Ngunit hindi ito kapareho ng mga pagbabago sa disposisyon. Ikaw ay walang katotohanan, ang iyong pananaw ukol sa mga bagay ay hindi nagbago, ni walang pagkakaiba mula sa yaong mga hindi sumasampalataya, at ang iyong mga pagpapahalaga at pananaw sa buhay ay hindi nabago. Ni wala kang puso na gumagalang sa Diyos, na siyang pinakamababa na dapat mong mataglay. Napakalayo nito mula sa mga pagbabago sa iyong disposisyon.

mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Ang pananampalataya sa Diyos ay hindi nangangahulugan na hinihingi Niya sa iyo na maging isang mabuting tao, na maging isang taong maayos ang pag-uugali, o masunurin sa batas, o isang taong hindi kayang mag-isip para sa sarili nila o gamitin ang sarili nilang utak. Dati nang iniisip ng mga tao na ang mga pagbabago sa disposisyon na nagmula sa paniniwala sa Diyos ay nangangahulugang pagiging disenteng tao, na nangangahulugan ng pagkakaroon ng kaunting panlabas na wangis ng tao, pinalaking maayos at matiisin, mukhang banal at mapagmahal, o handang tumulong sa kapwa at mapagkawanggawa. Sa madaling salita, ito ay nangangahulugang pagiging ang uri ng mabuting tao na umiral sa kanilang mga pagkaintindi at guniguni. Kaya ang ganitong mga uri ng mga paniwala ay umiiral sa loob ng mga konsepto ng bawa’t isang tao—lahat sila ay mayroong ganitong mga uri ng mga bagay-bagay, at isang uri ito ng lason. ... Kaya naman, maraming tao ang naniniwala na ang pananampalataya sa Diyos ay walang iba kundi kaunting mga pagbabago sa panlabas na pag-uugali ng isang tao, pag-iisip, at mga pagkilos, at mayroon pa ngang ilang mga tao na naniniwalang ang pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdurusa ng maraming kahirapan, hindi pagkain ng masasarap na pagkain, at hindi pagsusuot ng magagarang kasuotan. Sa Kanluran, halimbawa, mayroong isang katolikong madre na nag-isip sa ganitong paraan. Sa kanyang buong buhay nagtiis siya ng pagdurusa, hindi kumakain ng anumang masustansiyang pagkain o nagsusuot ng anumang magagarang kasuotan, at pagbibigay ng salapi sa mahirap. Noong namatay siya, wala siyang anumang suot na nagkakahalaga ng mahigit sa dalawang dolyares. Ang kanyang kuwento ay maaring napaulat sa buong mundo. At ano ang ipinapakita nito? Sa mga mata ng sangkatauhan, tanging ang isang taong tulad nito ang taong mabuti at may kagandahang-loob, sila lamang ang isa sa mga yaong pinaniniwalaan ng relihiyosong komunidad na gumagawa ng mga bagay na may kagandahang-loob at mabubuting gawa, sila lamang ang nagbago na, at tunay na may pananampalataya sa Diyos. Kaya nga posible na kayo ay walang pagkakaiba: Walang pagdududa na pinaniniwalaan ninyo na ang pananalig sa Diyos at pagkakaroon ng pananampalataya ay tungkol sa pagiging isang mabuting tao. Ito ay tungkol sa pagiging isang tao na hindi nakikipag-away sa iba, o sinusumpa sila, o nagmumura, isang taong hindi gumagawa ng mga masasamang bagay, isang taong mukhang naniniwala sa Diyos; may ilang nagsasabing pagiging isang tao na nabibigay-luwalhati sa Diyos.... Nais ng Diyos na iligtas ang tao, nakapagsalita na Siya ng maraming salita, at nakagawa na ng maraming gawain-at kung gayon ano ang nais Niyang maging wangis ng mga tao? Nais Niya na ang kanilang mga iniisip ay mapatnubayan ng katotohanan, at para kanilang ipamuhay ang kanilang mga buhay sa pamamagitan ng mga salawikain ng katotohanan. Hindi Niya hinihingi na ikaw ay maging di-nag-iisip tulad ng papet, lalong hindi Niya nais na ikaw ay maging walang-kibo tulad ng gulay, walang anumang normal na mga emosyon. Sa halip, ninanais Niya na ikaw ay maging isang normal na tao na minamahal ang minamahal Niya, at kinamumuhian ang kinamumuhian Niya, kayang magalak sa ikinagagalak Niya, at hinahamak at itinatakwil ang hinahamak Niya. ... Dahil dito kaya sinasabi Ko na hindi ninyo alam kung ano ang ibig sabihin ng mga pagbabago sa disposisyon. Naglalagay lamang kayo ng mga limitasyon sa inyong mga sarili sa inyong pag-uugali, sa inyong panlabas na pagkilos, at sa inyong pagtitimpi at pagkatao. Magiging imposible para sa iyo na matamo ang mga pagbabago sa iyong disposisyon sa ganitong paraan. Nasaan sa mga salita ng Diyos nasasaad na kayo ay dapat maglagay ng mga limitasyon sa inyong mga sarili, na dapat ninyong bantayan ang inyong mga salita, panghawakan ang inyong mga emosyon at pigilan ang inyong init ng ulo, at na dapat kayong mag-ingat sa paglalantad ng inyong mga natural na sarili, at na dapat nagpipigil sa mga kasuotang inyong binibili at isinusuot? Kahit kailan ba ay sinabi Niya ang ganoong mga salita? Kahit na may mga pagbanggit ng mga ganoong bagay, hindi ang mga iyon ang pinakabuod ng Kanyang mga salita, ni hindi ang mga iyon ang pangunahing mga katotohanan na nagdadala ng mga pagbabago sa disposisyon ng mga tao. Karamihan sa mga salita ng Diyos ay nagsasabi tungkol sa tiwaling sangkap ng tao, tungkol sa kung paanong malalaman ang tiwaling sangkap ng tao, paanong makakamtan ng tao ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung paanong tunay niyang malalaman ang kanyang tiwaling sangkap, at kung paano siyang makakalaya mula sa kanyang tiwaling disposisyon upang kumilos ayon sa mga kinakailangan ng Diyos at maging isang tao na ayon sa sariling puso ng Diyos, at nagbibigay-kaluguran sa nais ng Diyos. Kung nauunawaan ninyo ito, ilalagay ninyo pa rin ba ang inyong mga pagsisikap sa mga panlabas na mga pagkilos? Itatali ninyo pa rin ba ang inyong mga sarili sa ganitong mababaw na mga bagay? Kaya naman, kung hindi mo naiintindihan ang kahulugan ng mga pagbabago sa disposisyon, hindi mo kailanman matatarok ang sangkap ng mga pagbabago sa disposisyon, at hindi kailanman makakamtan ang mga pagbabago sa iyong disposisyon. Lalo na, ilan mula sa relihiyosong komunidad na katatanggap pa lamang nitong yugto ng gawain na kailangan pang gawing ganap ang paglipat mula sa relihiyosong seremonya at relihiyosong pag-iisip at mga pananaw sa kanilang kaisipan at palagay tungo sa paniniwala sa Diyos; sinusubukan pa rin nilang maging espirituwal, at banal, at matiyaga, na maging isa na likas na disente, na natutuwang gumawa ng mabuti at magbigay sa iba. Ito ay talagang mali!

mula sa "Ano ang Pagbabago sa Disposisyon at ang Daan sa Pagbabago sa Disposisyon" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Inirekomendang pagbabasa:Pagsunod sa kalooban ng Diyos