Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 7, 2020

Ang Panginoong Jesus ay isang maawain at mapagmahal na Diyos.


Ang Panginoong Jesus ay isang maawain at mapagmahal na Diyos. Hangga’t pinaninindigan natin ang Kanyang pangalan at nananatili tayo sa Kanyang landas, naniniwala kami na pagbalik Niya, hindi Niya tayo pababayaan, at tuwiran tayong madadala sa kaharian ng langit.


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23).

Ago 5, 2020

Ano ang Kaligtasan? Ang Kaligtasan Ba ay ang Tanging Kinakailangan Upang Makapasok sa Kaharian ng Langit?

Ni Shen Qingqing, South Korea

Maraming tao ang inaasam na mailigtas ng Panginoon sa Kanyang pagdating at ma-rapture sa kaharian ng langit. Hanggang sa ngayon, tanging ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagan na nagpapatotoo na bumalik na ang Panginoong Jesus, at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos upang iligtas at linisin ang mga tao.

Ago 4, 2020

Bakit Sinasabi Na Ang Paghuhukom ng Diyos ay Pagliligtas sa Sangkatauhan?


Tanong: Nabasa namin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita na may ilang mga bagay na napakabagsik. Ito ang paghatol ng sangkatauhan, at pagkondena at sumpa. Sa palagay ko, kung hinahatulan at isinusumpa ng Diyos ang mga tao, hindi ba sila huhusgahan at parurusahan? Paanong masasabi na ang uring ito ng paghatol ay upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan?

Hul 30, 2020

Paano Mapapanatili ang Pananampalataya sa Ating Abalang Buhay



Minamahal na mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot: 

Isa akong mananampalataya na kailan lamang tinanggap ang gawain ng Panginoon. Kahit na napakahalaga sa mga Kristiyano ng pagpupulong upang magbahagi at araw-araw na debosyon, ninanakaw ng nakakapagod na trabaho ko ang lahat ng oras na mayroon ako. Malaki ang sinasahod ko ngunit palagi akong nakakaramdam ng kahungkagan at kahihiyan. Paano ko maibabalanse ang araw-araw na debosyon at abala kong buhay sa trabaho?

Hul 28, 2020

Tanggapin ang Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw




Mga Sermon at Pagbabahagi: Tanggapin ang Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw Bago ang Sakuna para Madala at Dumalo sa Piging Kasama ang Panginoon


Ngayon sa mga huling araw, nagpakita ang Diyos at nagsimulang gumawa, ibig sabihin, sinimulan na ng nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw; samakatuwid yaong mga makatatanggap ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ang pinakamapapalad. Naririnig ito ng ilang relihiyosong tao at tinatanggihan ito, hindi nila kinikilala ang pahayag na ito, sinasabi nilang: “Ang Panginoong ang totoong Diyos, ang Panginoong Jesus ang Cristo.

Hul 25, 2020

ng Mga Kahihinatnan ng Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon ay Pangunahing Batay sa Ating Mga Paniwala at Imahinasyon



Tanong:Nagpapatotoo kayo na kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, magiging tao muna Siya at darating nang palihim, at pagkatapos gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay, ay bababa sa publiko nang nasa mga alapaap upang magpakita sa harapan ng lahat ng tao. Ang gayong pag-uusap ay may katuturan. Ngunit sa loob ng 2,000 taon, karamihan sa mga mananampalataya sa Panginoon ay naghihintay lahat na Siya ay bumaba nang nasa mga alapaap. Madalas ding sabihin ng mga relihiyosong pastor at elder. Paano tayo magkakamali sa pamamagitan ng paghihintay alinsunod sa propesiya ng Biblia? Ang mga relihiyosong pastor at elder ay mga taong naninilbihan lahat sa Panginoon. Naghihintay silang lahat sa pagbabalik ng Panginoon sa ganitong paraan. Hindi ako naniniwala na ang nagbalik na Panginoon ay iiwanan ang lahat ng mga relihisyong pastor at elder na ito! Imposible iyon!

Hul 20, 2020

Ano ang tunay na panalangin?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama mo na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapatutunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa.

Hul 12, 2020

10 Mga talata sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ni Jesus

Mayroong maraming mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit marami sa atin ang nakatuon lamang sa mga propesiya ng Panginoon tungkol sa pagdating ng lantad sa mga ulap, at hindi iniintindi ang mga propesiya tungkol sa pagdating ng palihim, tulad ng isang magnanakaw. Dito aming pinagsama-sama ang mga propesiyang ito upang matulungan kang maayos na maintindihan at tukuyin ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon at mahanap ang paraan upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.

Hul 11, 2020

Ano ang Kahalagahan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus?


Sa Biblia, nakatalang: “At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:36-43). Sa tuwing babasahin ko ang mga taludtod na ito, nakakaramdam ako ng inggit kina Pedro, Juan at sa iba pa. Habang isinasagawa ni Hesus ang Kanyang gawain sa Judea, palagi Niyang kasama ang Kanyang mga disipulo araw at gabi at, matapos Siyang mabuhay muli, inalagaan Niya ang mga ito gaya ng ginagawa Niya noon, at nagpakita Siya sa kanila, ipinaliwanag ang mga kasulatan sa kanila at pinangaralan sila. Si Pedro at ang iba pa ay mapalad na napili ng Panginoon upang maging Kanyang mga disipulo at nakarinig sila ng mga turo ng Panginoong Jesus sa kanilang sariling mga tainga—napakapalad nila! Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos, at naintindihan ko na ang kalooban ng Panginoong Hesus ay nasa likod ng Kanyang pagpapakita sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, at na ang gawaing ito ay lalo pang napapaloob sa pagka-makapangyarihan ng Diyos at karunungan. Talaga ngang nakita ko na ang pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay ay tunay ngang makahulugan!

Hul 7, 2020

Paano Makikilala ang Tinig ng Diyos at Salubungin ang Pagbabalik ng Diyos



Tanong: Sabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig” (Juan 10:27). Ang Panginoon ay nagbabalik para bumigkas ng mga salita upang tawagin ang Kanyang mga tupa. Ang susi sa paghihintay sa Panginoon ay hangaring marinig ang Kanyang tinig. Pero ngayon, ang mahirap ay di namin alam kung paano pakikinggan ang Kanyang tinig. Di rin namin nakikilala ang tinig ng Diyos, at ang tinig ng tao. Sabihin mo naman sa amin kung paano makatitiyak sa tinig ng Panginoon.

Hul 3, 2020

Bakit Kaya Tinawag ng Panginoong Jesus ang Diyos sa Langit na Kanyang Ama nang Siya ay Nagdasal?

Totoong may hiwaga sa pagtawag ng Panginoong Jesus sa Diyos ng langit na Ama sa Kanyang mga panalangin. Nang nagkatawang-tao ang Diyos, nagtago ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, mismong ang katawan ay hindi alam na naroon ang Espiritu. Tulad ng hindi natin nadarama ang ating mga espiritu na nasa ating kalooban. Bukod pa riyan, ang Espiritu ng Diyos ay hindi gumagawa ng anumang bagay na pambihira sa loob ng Kanyang katawan. Kaya’t kahit na ang Panginoong Jesus ay Diyos na nagkatawang-tao noon, kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi nagsalita at nagpatotoo sa Diyos Mismo, hindi sana nalaman ng Panginoong Jesus na Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya’t sa Biblia ay sinasabing, “hindi ang Anak, kundi ang Ama” (Marcos 13:32). Bago isinagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang ministeryo, Siya ay nabuhay sa loob ng normal na pagkatao. Talagang hindi Niya alam na Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos dahil ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao ay hindi gumawa sa pambihirang paraan, gumawa Siya sa saklaw ng normal na katawan, tulad ng iba pang tao. Kaya, natural lang na ang Panginoong Jesus ay magdarasal sa Ama sa langit, na ibig sabihin, mula sa Kanyang normal na pagkatao, ang Panginoong Jesus ay nagdasal sa Espiritu ng Diyos. Kumpleto ang diwang ito. Nang pormal na isagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magsalita at magpahayag, sumasaksi na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Noon lamang natanto ng Panginoong Jesus ang Kanyang tunay na pagkatao, na dumating Siya para gawin ang gawain ng pagtubos. Ngunit noong ipapako na Siya sa krus, nanalangin pa rin Siya sa Diyos Ama. Ipinakikita nito na ang diwa ni Cristo ay lubusang masunurin sa Diyos.

Hun 24, 2020

Mga Talata ng Bibliya Tungkol sa Panalangin upang Makatulong sa Iyo sa Pagbuo ng Tamang Relasyon sa Diyos



Nakikinig ang Diyos sa totoong mga panalangin. Kung totoong mananalangin tayo sa Diyos, madalas nating madarama ang Kanyang presensya. Anuman ang ginagawa natin, magkakaroon tayo ng Kanyang gabay. Ang salot ay lumaganap sa buong mundo. Maraming tao ang nabubuhay sa pangamba; kahit ang mga mananampalataya ay nakakaramdam ng takot at walang magawa, at maaari lamang silang manalangin sa Diyos para sa Kanyang proteksyon. Kaya paano tayo dapat manalangin upang mapakinggan ng Diyos? Tinipon namin ang mga talatang ito ng Bibliya tungkol sa panalangin upang matulungan kang maunawaan ang kahalagahan ng panalangin at mahanap ang paraan upang mapakinggan ng Diyos ang iyong mga panalangin.

Hun 18, 2020

Tunay na patotoo ba ng pananampalataya sa Diyos kung natatamasa lamang ng isang tao ang biyaya ng Diyos?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, sa isang mapayapang buhay ng sambahayan o mga pagpapalang materyal, kung gayon hindi mo nakamit ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay nabigo. Ipinatupad na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao—ngunit ang tao ay hindi maaaring gawing perpekto sa pamamagitan lamang ng biyaya, pag-ibig, at habag. Sa mga karanasan ng tao nakakaharap niya ang ilang pag-ibig ng Diyos, at nakikita ang pag-ibig at habag ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng isang yugto ng panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at habag ay walang kakayahan na gawing perpekto ang tao, at walang kakayahan sa pagbubunyag sa kung alin ang tiwali sa loob ng tao, ni nagagawa ng mga ito na alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pananampalataya at pag-ibig. Ang gawain ng biyaya ng Diyos ay ang gawain ng isang yugto, at hindi makaaasa ang tao sa pagtatamasa sa biyaya ng Diyos upang makilala ang Diyos.

Hun 14, 2020

Paano magpapakita at gagawa ang Panginoon kapag Siya ay bumalik?

Kaugnay na mga Talata sa Biblia:

“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).

“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

“Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang personal na pagdating sa lupa upang gampanan ang Kanyang gawain. Dala ang Kanyang pagkakakilanlan at disposisyon, at ang Kanyang likas na pamamaraan, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pag-uumpisa ng isang panahon at pagtatapos ng isang panahon. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi isang anyo ng seremonya. Ito ay hindi isang simbolo, isang larawan, isang himala, o magarbong pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at makatotohanang kaalaman na maaaring hawakan at makita. Ang uri ng pagpapakitang ito ay hindi upang sumunod lamang sa isang pamamaraan, o para sa isang panandaliang gawain; ito, sa halip, ay para sa kapakanan ng isang yugto sa gawain sa Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan, at laging kaugnay ng Kanyang plano sa pamamahala. Ang pagpapakitang ito ay lubos na naiiba sa pagpapakita ng patnubay ng Diyos, pamumuno, at pagliliwanag sa tao ng Diyos. Isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba sa anumang gawain sa alinmang ibang kapanahunan. Hindi ito maiisip ng tao… at hindi rin ito naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang panahon, at ito ay isang bago at pinahusay na anyo ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawaing pagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Iyan ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos.

Hun 9, 2020

Kung ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo, bakit kapag nagdarasal ang Panginoong Jesus, nagdarasal pa rin Siya sa Diyos Ama? Mayroon talagang hiwaga dito na dapat maihayag. Magbahagi ka naman sa amin.

Sagot: Totoong may hiwaga sa pagtawag ng Panginoong Jesus sa Diyos ng langit na Ama sa Kanyang mga panalangin. Nang nagkatawang-tao ang Diyos, nagtago ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, mismong ang katawan ay hindi alam na naroon ang Espiritu. Tulad ng hindi natin nadarama ang ating mga espiritu na nasa ating kalooban. Bukod pa riyan, ang Espiritu ng Diyos ay hindi gumagawa ng anumang bagay na pambihira sa loob ng Kanyang katawan. Kaya’t kahit na ang Panginoong Jesus ay Diyos na nagkatawang-tao noon, kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi nagsalita at nagpatotoo sa Diyos Mismo, hindi sana nalaman ng Panginoong Jesus na Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya’t sa Biblia ay sinasabing, “hindi ang Anak, kundi ang Ama” (Marcos 13:32). Bago isinagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang ministeryo, Siya ay nabuhay sa loob ng normal na pagkatao. Talagang hindi Niya alam na Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos dahil ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao ay hindi gumawa sa pambihirang paraan, gumawa Siya sa saklaw ng normal na katawan, tulad ng iba pang tao. Kaya, natural lang na ang Panginoong Jesus ay magdarasal sa Ama sa langit, na ibig sabihin, mula sa Kanyang normal na pagkatao, ang Panginoong Jesus ay nagdasal sa Espiritu ng Diyos. Kumpleto ang diwang ito. Nang pormal na isagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magsalita at magpahayag, sumasaksi na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Noon lamang natanto ng Panginoong Jesus ang Kanyang tunay na pagkatao, na dumating Siya para gawin ang gawain ng pagtubos. Ngunit noong ipapako na Siya sa krus, nanalangin pa rin Siya sa Diyos Ama. Ipinakikita nito na ang diwa ni Cristo ay lubusang masunurin sa Diyos.

May 31, 2020

Panalangin Ano ang susi sa isang mabisang panalangin?



Mga kapatid:

Kapayapaan sa inyo sa Panginoon! Ang pananalangin ay isang mahalagang paraan para sa ating mga Kristiyano upang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Lalung-lalo na na sa umaga at sa gabi. Kaya ang matuto kung paano manalangin ay napakahalaga. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang nalilito: Araw-araw, nananalangin kami kapwa sa umaga at sa gabi; nananalangin din kami bago kumain at pagkatapos kumain gayundin kapag mayroon kaming mga pagtitipon; bukod diyan, sa bawat pagkakataong kami ay nananalangin, marami kaming sinasabi sa Panginoon at nananalangin nang matagal. Gayunpaman, palagi naming nadarama na parang ang Diyos ay wala roon; para bang nakikipag-usap lamang kami sa aming mga sarili kapag nananalangin kami, at ang aming espiritu ay hindi nakadadama ng kapayapaan at kagalakan. Bakit hindi nakikinig ang Diyos sa aming mga panalangin? Paano kami dapat manalangin para matanggap namin ang papuri ng Diyos?

May 24, 2020

Ano ang tunay na panalangin?



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama mo na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapatutunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa.

May 22, 2020

Ang Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang Gumagawa ng mga Mananagumpay Bago Sumapit ang Kalamidad


Ngayon ang Makapangyarihang Diyos ay umaasa pa rin sa pagbabalik ng lahat ng mananampalataya kay Jesus, at matiyagang naghihintay para sa yaong mga tapat na naniniwala sa Diyos upang magbalik-loob. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung ang mga tao ay mananatili sa Kapanahunan ng Biyaya, sa gayon sila kailanman ay hindi magiging malaya mula sa kanilang tiwaling disposisyon, lalong hindi ang makilala ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung ang mga tao ay palaging namumuhay sa gitna ng kasaganaan ng biyaya subali’t wala ang daan ng buhay na nagpapahintulot sa kanila na kilalanin ang Diyos at bigyang-kasiyahan ang Diyos, sa gayon hindi nila kailanman tunay na matatamo Siya bagaman sila ay naniniwala sa Kanya. Anong kaawa-awang anyo ng paniniwala iyon. Kapag natapos mong basahin ang aklat na ito, kapag naranasan mo ang bawa’t hakbang ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, mararamdaman mo na ang mga pag-asa ng maraming mga taon ay sa wakas naisakatuparan na.

May 21, 2020

Paano winawakasan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain

Paano winawakasan ng pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang gawain ng paghatol ang kapanahunan ng pananalig ng sangkatauhan sa malabong Diyos at ang madilim na kapanahunan na sakop ni Satanas?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ni Jehova ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo’y magsiahon sa bundok ni Jehova, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo’y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka’t mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ni Jehova ay mula sa Jerusalem. At siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma. Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo’y magsilakad sa liwanag ni Jehova” (Isaias 2:2–5).

“Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari. At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa” (Pahayag 11:17–18).

May 15, 2020

Lumitaw na ang mga Palatandaan ng mga huling araw: Paano Tayo Madadala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa?



Ngayon, mas lalong tumitindi ang malalaking sakuna. Ang balita ay puno ng mga kuwento tungkol sa mga salot, lindol, baha, at tagtuyot. Naisip mo na ba sa sarili mo: Natupad na ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kaya bakit hindi pa natin nasasalubong ang Panginoon? Kung magpapatuloy ito, kapag dumating ang malaking pagdurusa, mapapahamak din ba tayo? Kailan ba talaga tayo dadalhin ng Panginoon sa kaharian sa langit?