Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ago 7, 2020

Ang Panginoong Jesus ay isang maawain at mapagmahal na Diyos.


Ang Panginoong Jesus ay isang maawain at mapagmahal na Diyos. Hangga’t pinaninindigan natin ang Kanyang pangalan at nananatili tayo sa Kanyang landas, naniniwala kami na pagbalik Niya, hindi Niya tayo pababayaan, at tuwiran tayong madadala sa kaharian ng langit.


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23).

Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:

Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at hahatiin sa iba’t ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras kung kailan ibubunyag ng Diyos ang katapusan at ang hantungan ng tao. Kapag hindi sumailalim sa pagkastigo at paghatol ang tao, gayon walang paraan upang ibunyag ang pagsuway at di-pagkamatuwid ng tao. Tanging sa pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi matuwid. Samakatuwid, ang disposisyong ito ay nagtataglay ng kahalagahan ng kapanahunan, at ang pagbubunyag at pagpapakita ng Kanyang disposisyon ay para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon nang gayon-gayon lang at nang walang kabuluhan. Kung ang katapusan ng tao ay naibunyag sa mga huling araw, naghahandog pa rin ang Diyos sa tao ng walang hanggang awa at pagmamahal, at kapag Siya ay mapagmahal pa rin sa mga tao, at hindi Niya hinahayaang sumailalim ang tao sa makatuwirang paghatol, kundi Siya’y nagpapamalas ng pagpaparaya, pagtitiis at pagpapatawad, kapag patuloy pa rin Siyang nagpapatawad sa tao anuman ang matinding kasalanang nagagawa niya, na walang makatuwirang paghatol, magwawakas ba ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong disposisyon ang sangkatauhan patungo sa tamang hantungan? Ipagpalagay, halimbawa, ang isang hukom na mapagmahal, mabuti at magiliw. Mahal niya ang mga tao sa kabila ng kanilang mga nagawang kasalanan, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kailan niya makakayang abutin ang makatuwirang pasiya? Sa mga huling araw, tanging ang makatuwirang paghatol lang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa paraang ito, ang buong kapanahunan ay maihahatid sa isang katapusan sa pamamagitan ng makatuwirang disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.

mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinumang hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—iyon ay, ang sinumang hindi naniniwala sa gawain at salita ng nakikitang Diyos at hindi naniniwala sa nakikitang Diyos ngunit sa halip ay sumasamba sa di-nakikitang Diyos sa langit—ay walang Diyos sa kanyang puso. Sila ang mga taong suwail sa at nilalabanan ang Diyos. Ang mga taong ito ay may kakulangan sa pagkatao at katuwiran, bukod pa sa katotohanan. Para sa mga taong ito, ang nakikita at nahahawakang Diyos ay lalong hindi maaaring paniwalaan, ngunit ang hindi nakikita at hindi nahahawakang Diyos ay ang pinaka-kapanipaniwala at ang pinaka-nakatutuwa rin sa kanilang mga puso. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang katotohanan ng realidad, ni hindi rin ito ang tunay na kakanyahan ng buhay, higit na hindi ang mga intensyon ng Diyos; sa halip, itinataguyod nila ang katuwaan. Alinmang mga bagay ang pinaka-may-kakayahang magpahintulot sa kanilang makamit ang kanilang sariling mga pagnanasa ay, walang duda, ang kanilang mga paniniwala at paghahangad. Sila lang ay naniniwala sa Diyos upang masiyahan ang kanilang sariling mga pagnanasa, hindi upang hanapin ang katotohanan. Ang mga tao bang ito ay hindi mga manggagawa ng kasamaan? Sila ay lubos na may tiwala sa sarili, at hindi sila naniniwala na wawasakin sila ng Diyos sa langit, ang mga “mabubuting tao” na ito. Sa halip, naniniwala sila na pinahihintulutan sila ng Diyos na manatili at, higit sa rito, ay gantimpalaan ang mga ito nang sulit na sulit, sapagka’t marami silang mga bagay na ginawa para sa Diyos at nagpakita ang isang mahusay na pakikitungo ng “katapatan” sa Kanya. Kung hinahangad nila ang nakikitang Diyos, ang mga ito ay agad na mag-aalsa laban sa Diyos o magwawala sa sandaling ang kanilang mga kagustuhan ay hindi mapagbibigyan. Ito ang napakasasamang taong naghahanap na masiyahan ang kanilang mga sariling pagnanasa; hindi sila mga taong may integridad sa paghangad ng katotohanan. Ang ganitong uri ng mga tao ay ang tinatawag na masasamang tao na sumunod kay Cristo. Yaong mga tao na hindi naghahanap ng katotohanan ay hindi maaaring maniwala sa katotohanan. Silang lahat ang mga higit na hindi mahiwatigan ang hinaharap na kalalabasan ng sangkatauhan, sapagkat hindi sila naniniwala sa kahit anong gawain o pagsasalita ng nakikitang Diyos, at hindi sila makapaniwala sa hinaharap na hantungan ng sangkatauhan. Samakatuwid, kahit na sumunod sila sa nakikitang Diyos, gumagawa pa rin sila ng masama at hindi hinahanap ang katotohanan, at hindi rin nila isinasagawa ang katotohanan na kinakailangan Ko. Yaong mga tao na hindi naniniwala na sila ay wawasakin ay sa kabaligtaran ang mga mismong indibidwal na wawasakin. Lahat sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili na napakatalino, at naniniwala sila na sila mismo ang siyang nagsasagawa sa katotohanan. Isinasaalang-alang nila ang kanilang masasamang pag-uugali bilang katotohanan at sa gayon itinatangi ito. Ang masasamang taong ito ay labis na tiwala sa sarili; tinitingnan nila ang katotohanan bilang doktrina, at ipinagpapalagay ang masasama nilang gawain bilang katotohanan, at sa katapusan ay maaari lang nilang anihin kung ano ang kanilang naihasik. Higit na mas malaki ang tiwala sa sarili ng mga tao at mas higit ang pagkamataas nila, mas higit na hindi nila maaaring matamo ang katotohanan; mas higit na naniniwala ang tao sa makalangit na Diyos, mas higit na nilalabanan nila ang Diyos. Ito ang mga taong parurusahan.

mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

_________________________

Ngayon tayo ay nasa mga huling araw na at ang Panginoon ay matagal nang naging laman upang gawin ang gawain ng paghuhukom. Bakit ginagawa ng Panginoon ang gawain ng paghuhukom? Ano ang kahulugan ng paghuhukom? Hangga't nauunawaan natin ang aspetong ito ng katotohanan at tinatanggap ang paghuhukom, magkakaroon tayo ng mga pagkakataon na malinis at makapasok sa kaharian ng langit.