Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

May 15, 2020

Lumitaw na ang mga Palatandaan ng mga huling araw: Paano Tayo Madadala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa?



Ngayon, mas lalong tumitindi ang malalaking sakuna. Ang balita ay puno ng mga kuwento tungkol sa mga salot, lindol, baha, at tagtuyot. Naisip mo na ba sa sarili mo: Natupad na ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kaya bakit hindi pa natin nasasalubong ang Panginoon? Kung magpapatuloy ito, kapag dumating ang malaking pagdurusa, mapapahamak din ba tayo? Kailan ba talaga tayo dadalhin ng Panginoon sa kaharian sa langit?

Kapag Tayo ay Nadala, Talaga bang Itataas Tayo sa Langit?

Nabasa na ng maraming mananampalataya sa Panginoon ang mga salitang ito sa Biblia: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Nasasabik silang maitaas sa langit at masalubong ang Panginoon pagdating Niya. Ngunit sa katunayan, hindi talaga sinambit ng Panginoong Jesus ang mga salitang ito, ni hindi ito isang propesiya ng Aklat ng Pahayag. Mga salita lamang ito ng apostol na si Pablo. Tama bang umasa sa mga salita ni Pablo patungkol sa pagsalubong sa pagdating ng Panginoon? Maaari bang katawanin ng mga salita ni Pablo ang sa Panginoon? Gawain ng Diyos Mismo kung paano darating ang Panginoon sa mga huling araw, at paano Niya dadalhin sa kaharian ang mga nananalig sa Kanya. Si Pablo ay isa lamang apostol na nagpalaganap ng mensahe para sa Panginoon; paano niya malalaman ang gayong mga bagay? Ang pagsalubong sa pagdating ng Panginoon ay isang napakahalagang bagay, kaya tama lang na umasa tayo sa mga salita ng Panginoong Jesus. Sabi ng Panginoong Jesus, “Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9–10). Nasa Aklat ng Pahayag din ang sumusunod na mga propesiya: “At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios…. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila” (Pahayag 21:2–3). “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan kailan man” (Pahayag 11:15). Sa mga propesiyang ito, ang mga salitang “nananaog mula sa langit buhat sa Dios,” “ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao,” at “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo,” ay nagpapakita na itatatag ng Diyos ang Kanyang kaharian sa lupa, at na ang hantungang ipinlano Niya para sa tao ay narito rin sa lupa. Hindi ba sarili nating mga pagkaintindi at imahinasyon ang palagian nating pagnanais na maitaas sa langit? At hindi ba ito paglalakad sa isang landas na naiiba sa Diyos?

Ang realidad ay na hindi nabanggit ang Diyos na pagtataas sa mga tao sa langit, at ito ay isang bagay na makikilala natin mula sa mga katotohanan ng gawain ng Diyos. Sa simula, ginawa ng Diyos ang tao mula sa alabok at inilagay siya sa Halamanan ng Eden, kung saan siya nanirahan at sumamba ang wasto sa Diyos. Noong panahon ni Noe, hindi rin itinaas ng Diyos si Noe at ang kanyang pamilya sa langit para takasan ang mga baha; sa halip, inutusan Niya si Noel na gumawa ng praktikal na pagkilos na magbuo ng isang arka sa lupa. Noong mga huling bahagi ng Kapanahunan ng Kautusan, nanganib ang mga tao na mapatay dahil sa paglabag sa mga utos ng Diyos. Hindi sila itinaas ng Diyos sa hangin upang magtamo ng mga handog para sa kasalanan, kundi sa halip ay personal Siyang nagkatawang-tao at bumaba sa lupa, kung saan Siya tunay na ipinako sa krus para sa sangkatauhan, at iniligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Mula rito makikita natin na patuloy na nakagawa ang Diyos sa lupa para sa kaligtasan ng tao, na ginagabayan ang sangkatauhan sa pamumuhay at pagsamba sa Diyos. Ang patuloy naming pananabik na madala sa langit ay malinaw na salungat sa kalooban ng Diyos!

Ano ang Madala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa?

Maaaring hindi malinaw sa ilan sa inyo kung ano talaga ang tinutukoy ng “madala.” Para maunawaan ito, tingnan muna natin kung ano ang sinasabi sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos, “Ang ‘madagit paitaas’ ay hindi ang madala mula sa isang mababang lugar patungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Malaking pagkakamali iyan. Ang madagit paitaas ay tumutukoy sa Aking pagtatalaga at pagpili noon pa man. Nakatutok ito sa lahat ng Aking naitalaga at napili noon pa man. Yaong mga nagkamit ng katayuan ng pagiging mga panganay na anak, ang katayuan ng Aking mga anak, o Aking bayan, ay ang lahat ng tao na nadagit. Lubha itong hindi tugma sa mga paniwala ng mga tao. Yaong mga may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay pawang mga tao na nadala sa Aking harapan. Totoo talaga ito, hindi nagbabago kailanman, at hindi maaaring pabulaanan ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sinumang Aking itinalaga noon pa man ay madadagit sa harap Ko” (“Kabanata 104” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sinasabi sa atin ng mga salitang ito na ang madala ay hindi ang madala sa langit upang salubungin ang Panginoon tulad ng inakala natin; sa halip, ang ibig sabihin nito ay magawang tanggapin at sundin ang bagong gawain ng Diyos matapos marinig ang Kanyang tinig, sundan nang husto ang bagong gawain ng Cordero, at humarap sa Diyos kapag dumating Siya sa lupa at ginawa ang gawain. Ito lamang ang tunay na pagdadala. Katulad lang ito noong pumarito ang Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng pagtubos: Nakilala ni Pedro, ng Samaritana, ni Santiago at ng iba pa ang tinig ng Panginoon nang marinig nila ang Kanyang mga salita at matukoy na Siya ang Mesiyas na darating. Dahil dito, tumanggap sila ng pagliligtas ng Panginoon at itinaas silang lahat sa harap ng Panginoon noong Kapanahunan ng Biyaya. Lahat ng sumasalubong sa pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw at tumatanggap sa kasalukuyang gawain ng Diyos ay yaong mga sumusunod sa mga yapak ng Cordero, at itinataas sa harap ng Panginoon!

_____________________________________________

Lumitaw na ang mga Palatandaan ng mga huling araw: Paano Tayo Madadala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa?

_____________________________________________

Paano Madala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa

Kaya ano nga ba ang dapat nating gawin para salubungin ang Panginoon at madala bago sumapit ang kalamidad? Matagal na itong ipinropesiya sa Biblia, nang sabihin ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16: 12–13). Maraming beses ipinopropesiya sa mga kabanata 2 at 3 ng Aklat ng Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Mayroon din sa Kabanata 3, Talata 20: “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.” Sinasabi sa mga salita ng Diyos na, “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (“Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na kung nais nating salubungin ang Panginoon, ang paghahanap sa gawain at mga salita ng Diyos ang mahalaga. Wala nang mas mahalaga kaysa paghahanap kung nasaan ang mga binigkas ng Banal na Espiritu sa mga iglesia ngayon, at kung nasaan ang pagpapakita at gawain ng Diyos ngayon. Kung magkukusa tayong hanapin ang mga bakas ng mga paa ng Diyos, kung hindi natin pahahalagahan ang pagdinig sa tinig ng Diyos, kundi sa halip ay basta nakatitig lang tayo sa mga ulap sa langit, tamad na naghihintay na dumating ang Panginoon at dalhin tayo sa hangin, hindi ba maganda ang mga ideyang iyon? At pagkatapos ay hindi ba tayo mawawalan ng kakayahan na salubungin ang Panginoon, at sa huli’y sayangin ang pagkakataong madala Niya?

Kaya nasaan ang mga yapak ng Panginoon? At saan binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita? Ngayon, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagang nagpapatotoo sa sangkatauhan na nagbalik na ang Panginoon: ibig sabihin, ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Nagpahayag na ang Makapangyarihang Diyos ng milyun-milyong salita, naghayag ng ilang katotohanan at hiwaga, at binuksan din para sa atin ang anim-na-taong plano ng pamamahala ng Diyos, ang hiwaga ng pagkakatawang-tao, at ang mga hiwaga ng Biblia. Gayundin, nagpahayag na Siya ng mga salita para hatulan at ilantad ang sangkatauhan, at naghayag ng mga tunay na pangyayari ng ating pagkatiwali sa mga kamay ni Satanas at ang ating iba’t ibang napakasasamang disposisyon. Sa pagtanggap sa mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, nalalaman natin ang ating sariling katiwalian, at nakikita na lahat ng inihahayag natin ay ang napakasasamang disposisyon na kayabangan, kasakiman, kawalan ng dangal, kadayaan, at katusuhan, at na walang-wala tayong konsiyensya at katwiran. Lubos tayong nakumbinsi ng mga salita ng Diyos, nagpapatirapa tayo sa harap ng Diyos, nadaraig tayo ng panghihinayang, at mayroon tayong kaunting kaalaman tungkol sa matuwid at banal na disposisyon ng Diyos; napupukaw sa ating puso ang pagpipitagan at pagsunod sa Diyos, at napapatibayan sa ating kalooban na lahat ng ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, at nalilinis at nababago ang mga tao.

Ngayon, lumalaganap ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa sangkatauhan. Marami mula sa iba’t ibang denominasyon ng mga Kristiyano na totoong mga mananampalataya at tunay na nagmamahal sa katotohanan ang nakarinig sa tinig ng Diyos, napukaw ng mga salita ng Diyos, at nagbalik sa harapan ng Kanyang luklukan. Naglulunoy sila sa pagdidilig at pagpapakain ng Kanyang mga salita, at ang pakiramdam kung gaano kalaki ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salitang ito, natukoy nila na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Sila yaong mga nadala sa harap ng malaking pagdurusa! Basahin natin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking hinirang, na magsalita pa ng marami pang salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng mga tao at kasabay nito ay nasusumpungang hindi nila maarok ang mga ito, ngunit mas nagagalak sa mga ito. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao nang sa gayon ay lumapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t lahat ng tao ay lumalapit sa Aking harapan at nakikita na kumikidlat mula sa Silangan at na nakababa na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olivo’ ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Judio kundi bilang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay na mag-uli, at lumisan na mula sa sangkatauhan, at nagpakitang muli sa mga tao nang may kaluwalhatian. Ako ang Siyang sinamba nang napakaraming panahon bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikdan ng mga Israelita nang napakaraming panahon bago ngayon. Bukod pa rito, Ako ang lubos na maluwalhating Makapangyarihang Diyos sa kasalukuyang kapanahunan! Hayaang lumapit ang lahat sa harapan ng Aking luklukan at tingnan ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at masdan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaang sambahin Ako ng bawat bansa, kilalanin Ako ng bawat dila, panatilihin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya sa Akin, at magpasakop sa Akin ang bawat tao!” (“Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ano ang nadarama mo matapos basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos? Wala bang katuwaan sa puso mo? Nadarama mo ba na sila ang Lumikha na nangungusap sa buong sangkatauhan? Nadarama mo ba na pinatototohanan ngayon ng Diyos sa atin na Siya ay nagbalik na? Anuman ang nadarama mo, maaaring mayroon tayong agarang tungkulin sa ating harapan: Kailangan tayong maging matatalinong dalaga, nakikinig sa mga salitang sinambit ng Makapangyarihang Diyos, at naghahangad ng Kanyang gawain sa mga huling araw nang bukas ang isipan. Wala nang iba pang landas para madala sa harapan ng malaking pagdurusa!

____________________________________________

Rekomendasyon:Plano ng Diyos