Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, sa isang mapayapang buhay ng sambahayan o mga pagpapalang materyal, kung gayon hindi mo nakamit ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay nabigo. Ipinatupad na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao—ngunit ang tao ay hindi maaaring gawing perpekto sa pamamagitan lamang ng biyaya, pag-ibig, at habag. Sa mga karanasan ng tao nakakaharap niya ang ilang pag-ibig ng Diyos, at nakikita ang pag-ibig at habag ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng isang yugto ng panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at habag ay walang kakayahan na gawing perpekto ang tao, at walang kakayahan sa pagbubunyag sa kung alin ang tiwali sa loob ng tao, ni nagagawa ng mga ito na alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pananampalataya at pag-ibig. Ang gawain ng biyaya ng Diyos ay ang gawain ng isang yugto, at hindi makaaasa ang tao sa pagtatamasa sa biyaya ng Diyos upang makilala ang Diyos.
Kung nalulugod lamang siya dahil sa biyaya ng Diyos, hindi siya magagawang perpekto ng Diyos. Ang ilan ay maaaring masiyahan sa kapayapaan at kasiyahan ng laman, ng isang magaang buhay na walang paghihirap o kasawian, namumuhay sa kapayapaan sa kanilang mga pamilya nang walang mga away o mga alitan. Maaari rin silang maniwala na ito ay pagpapala ng Diyos, ngunit sa katotohanan, ito ay isa lamang biyaya ng Diyos. Hindi kayo maaaring masiyahan lamang sa pagtamasa ng biyaya ng Diyos. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay masyadong imoral. Kahit na araw-araw mong basahin ang salita ng Diyos, manalangin araw-araw, at ang iyong espiritu ay nakakaramdam ng partikular na kasiyahan at kapayapaan, gayon pa man sa katapusan ay hindi mo maaaring masabi ang anumang kaalaman sa Diyos at sa Kanyang gawain o walang karanasan sa mga gayon, at kahit na gaano karami ang salita ng Diyos na iyong nakain at nainom, kung kayo lamang ay nakadadama ng kapayapaan at kasiyahan sa iyong espiritu at ang salita ng Diyos ay walang kapares ang katamisan, na parang hindi ninyo maaaring tamasahin ang mga ito nang sapat, ngunit wala kang tunay na karanasan sa at walang katotohanan ang salita ng Diyos, ano ngayon ang matatanggap ninyo mula sa naturang paraan ng pananampalataya sa Diyos? Kung hindi mo isabuhay ang diwa ng salita ng Diyos, ang iyong pagkain at pag-inom at mga panalangin ay ganap na may alalahanin sa relihiyon. Kung gayon ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto at hindi makukuha ng Diyos.
Ang mga tao na walang ibang ginagawa kundi magsaya sa mga biyaya ng Diyos ay hindi magagawang perpekto, o mababago, at ang kanilang pagtalima, kabanalan, at pag-ibig at pagtitiis ay pawang mababaw. Silang mga nagsasaya lamang sa mga kagandahang-loob ng Diyos ay hindi tunay na makakakilala sa Diyos, at kung makilala man nila ang Diyos, ang kanilang kaalaman ay mababaw, at sila ay nagsasalita ng mga bagay tulad ng mahal ng Diyos ang tao, o ang Diyos ay mahabagin sa tao. Hindi ito kumakatawan sa buhay ng tao, at hindi nagpapakita na tunay ngang kilala ng mga tao ang Diyos. Kung, kapag ang mga salita ng Diyos ay pinipino sila, o kapag ang Kanyang mga pagsubok ay darating sa kanila, ang mga tao ay walang kakayahang tumalima sa Diyos—kung, sa halip, sila ay magiging mapagduda, at mabubuwal—samakatuwid sila ay hindi mapagtalima kahit kaunti man.
Ang karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kapakanan ng kapayapaan at iba pang mga kapakinabangan. Kapag hindi ito sa iyong kapakinabangan, hindi ka naniniwala sa Diyos, at kung hindi ka nakakatanggap ng mga biyaya ng Diyos, nahuhulog ka sa pagmamaktol. Paano naging ito ang iyong tunay na tayog? Pagdating sa hindi maiiwasang mga pangyayari sa sambahayan (ang mga anak ay nagkakasakit, ang mga asawang lalaki ay napupunta sa mga pagamutan, mahinang ani, pag-uusig sa mga miyembro ng sambahayan, at iba pa), ni hindi ka makatawid sa mga bagay na ito na nangyayari nang madalas sa pang-araw-araw na buhay. Kapag nangyari ang gayong mga bagay, ikaw ay natataranta, hindi mo alam kung ano ang gagawin—at kadalasan, nagrereklamo ka tungkol sa Diyos. Inirereklamo mo na nilinlang ka ng mga salita ng Diyos, na ginugulo ka ng gawain ng Diyos. Wala ba kayong gayong mga saloobin? Iniisip mo ba na ang gayong mga bagay ay nangyayari sa iyo nang madalang lamang? Ginugugol ninyo ang bawat araw sa gitna ng gayong mga pangyayari. Hindi kayo nagbibigay ni katiting na isipan sa tagumpay ng inyong pananampalataya sa Diyos, at kung paano mapalugod ang kalooban ng Diyos. Ang inyong tunay na tayog ay napakaliit, mas maliit pa kaysa doon sa maliit na sisiw. Kapag ang negosyo ng inyong asawang lalaki ay nawawalan ng pera kayo ay nagrereklamo tungkol sa Diyos, kapag natagpuan ninyo ang inyong sarili sa isang kapaligiran na walang pag-iingat ng Diyos nagrereklamo pa rin kayo tungkol sa Diyos, nagrereklamo pa rin kayo kung ang isa sa inyong mga sisiw ay namatay o ang isang matandang baka sa kulungan ay nagkasakit, nagrereklamo kayo kapag oras na para sa inyong anak na lalaki ay magpapamilya na ngunit ang inyong pamilya ay walang sapat na salapi, at kapag ang mga manggagawa ng iglesia ay kumain sa iyong tahanan ng ilang beses ngunit hindi ka binabayaran ng iglesia o walang sinuman ang nagpapadala sa iyo ng anumang mga gulay, nagrereklamo ka rin. Ang iyong tiyan ay punung-puno ng mga reklamo, at may mga pagkakataon na hindi ka dumadalo sa mga pagtitipon o kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos dahil dito, at malamang na ikaw ay magiging negatibo sa napakahabang panahon. Walang anuman na nangyari sa iyo sa kasalukuyan ang may kinalaman sa iyong mga inaasahan o kapalaran; ang mga bagay na ito ay mangyayari din kung hindi ka naniwala sa Diyos, ngunit sa kasalukuyan ipinapasa mo ang iyong pananagutan para sa kanila sa Diyos, at pilit na sinasabing inalis ka ng Diyos. Alin sa paniniwala mo sa Diyos, ang talagang inihandog mo ang iyong buhay? Kung dinanas ninyo ang kaparehong mga pagsubok kagaya ng kay Job, wala ni isa man sa inyong sumusunod sa Diyos sa kasalukuyan ang makapaninindigan, lahat kayo ay babagsak. At mayroon, sa simpleng pananalita, isang malaking pagkakaiba sa pagitan ninyo at ni Pedro. Sa kasalukuyan, kung kalahati sa inyong mga ari-arian ang sinamsam mangangahas kayong ikaila ang pag-iral ng Diyos; kung ang inyong anak na lalaki o anak na babae ay kinuha mula sa inyo, magtatatakbo kayo sa mga lansangan na sumisigaw ng napakasama; kung ang iyong buhay ay dumating sa isang patay na dulo, susubukan mo at makikipagtuos sa “Diyos,” magtatanong kung bakit Ako nagsabi ng napakaraming mga salita sa simula upang takutin ka. Walang bagay na hindi ninyo pangangahasang gawin sa gayong mga pagkakataon. Ipinakikita nito na hindi kayo tunay na nakakakita, at walang totoong tayog.
Sapat na ba sa iyo na mamuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, may kapayapaan at kagalakan, at kaunting makalamang kaginhawahan? Hindi ba’t ikaw ang pinakamababa sa lahat ng mga tao? Wala nang hihigit pa ang kamangmangan kaysa mga yaong nakakita sa kaligtasan nguni’t hindi hinahabol na makamit ito: Sila ay mga taong nagpapakabusog sa laman at nasisiyahan kay Satanas. Umaasa ka na ang iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga pagsubok o mga kapighatian, o ng kahit katiting na paghihirap. Lagi mong hinahabol ang mga bagay na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling matataas na mga kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw nga ay walang-halaga! Nabubuhay ka na parang isang baboy—ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan mo, at ng mga baboy at mga aso? Hindi ba’t lahat niyaong mga hindi naghahabol sa katotohanan, at sa halip ay iniibig ang laman, ay mga hayop? Hindi ba’t lahat niyaong mga taong patay na walang mga espiritu ay lumalakad na mga bangkay? Gaano na karaming salita ang nasambit sa gitna ninyo? Kaunting trabaho lamang ba ang nagawa sa gitna ninyo? Gaano na karami ang naipagkaloob Ko sa inyo? At bakit hindi mo ito nakamit? Ano ang iyong mairereklamo? Hindi ba’t wala kang natamo dahil sa iyong labis na pag-ibig sa laman? At hindi ba’t dahil ito sa iyong mga kaisipan na masyadong mataas? Hindi ba’t dahil ito sa ikaw ay napakahangal? Kung hindi mo kayang matamo ang mga pagpapalang ito, masisisi mo ba ang Diyos sa hindi pagliligtas sa iyo? Ang iyong hinahabol ay para matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos—upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang-lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak-na-lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak-na-babae ay makatagpo ng disenteng asawang-lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng mabuting panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunma’y hindi ka naghahabol. Hindi ba isa ka sa mga yaong naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob ko ang tunay na pantaong buhay sa iyo, gayunma’y hindi ka naghahabol. Hindi ba’t hindi ka naiiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahabol ng buhay ng tao, hindi nila hinahabol na malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawa’t araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay ko na sa iyo ang tamang daan, gayunma’y hindi mo ito nakamtan: Wala kang pag-aari. Payag ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga gayong tao na nabubuhay? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka naghahabol ng anumang layunin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas-ng-loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo?
Nakikita sa kasalukuyan ng tao na kung sa biyaya, pag-ibig, at habag lamang ng Diyos, wala siyang kakayahan na tunay na makilala ang sarili niya, lalong hindi nagagawang makilala ang katuturan ng tao. Kapwa sa pamamagitan lamang ng kapinuhan at paghatol ng Diyos, sa panahon lamang ng gayong kapinuhan maaari mong makikilala ang iyong mga kakulangan, at mauunawaan na wala kang anumang bagay na taglay. Kaya, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay itinayo sa saligan ng kapinuhan at paghatol ng Diyos.
Makikita mo sa iyong mga karanasan na yaong mga nagtiis ng higit na pagpipino at pagdurusa, maraming pakikitungo at disiplina, ay may malalim na pag-ibig sa Diyos, at isang mas matindi at tumatagos na pagkakilala sa Diyos. Yaong mga hindi pa nakaranas ng anumang pakikitungo ay mayroon lamang mababaw na pagkakilala, at makapagsasabi lamang: “Ang Diyos ay napakabuti, iginagawad Niya ang mga biyaya sa mga tao upang Siya ay kanilang matamasa.” Kung naranasan ng mga tao na mapakitunguhan at madisiplina, masasabi nila kung gayon ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Kaya mas kahanga-hanga ang gawain ng Diyos sa tao, mas mahalaga at makabuluhan ito. Mas di-tumatagos ito para sa iyo at mas di-kaayon ito ng iyong mga paniwala, mas kaya kang lupigin, kamtin, at gawing perpekto ng gawain ng Diyos.
Ngayon nauunawaan niyo ba kung ano ang paniniwala sa Diyos? Ang paniniwala ba sa Diyos ay ang makakita ng mga tanda at mga kababalaghan? Ito ba ay ang pag-akyat sa langit? Ang maniwala sa Diyos ay hindi madali. Ngayon, ang ganoong pangrelihiyong pagsasagawa ay dapat linisin; ang pagtugis sa paghahayag sa mga himala ng Diyos, ang pagtugis sa pagpapagaling ng Diyos at ang Kanyang pagpapalayas ng mga demonyo, ang pagtugis ng pagkakaloob ng kapayapaan at sapat na mga biyaya ng Diyos, pagtugis sa pagtamo ng mga pagkakataon at kaginhawahan para sa laman— ang mga ito ay mga pangrelihiyong kaugalian, at ang mga ganoong pangrelihiyong kaugalian ay malabo at mahirap na unawaing anyo ng paniniwala. Ngayon, ano ang tunay na paniniwala sa Diyos? Ito ay ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang realidad ng iyong buhay at ang pagkilala sa Diyos mula sa Kanyang salita upang makamit ang isang tunay na pagmamahal sa Kanya. Upang maging malinaw: Yaon ay ang paniniwala sa Diyos nang sa gayon ikaw ay sumunod sa Diyos, mahalin ang Diyos at gawin ang tungkulin na dapat gawin bilang isang nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos. Dapat mong makamit ang isang kaalaman ng kariktan ng Diyos, kung gaano karapat-dapat ang Diyos sa paggalang, kung paano, sa Kanyang mga nilikha, ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas at ginagawa silang perpekto—ito ang pinakamababa na dapat mong taglayin sa iyong paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin na pagpapalit mula sa isang buhay sa katawang-tao tungo sa isang buhay ng nagmamahal sa Diyos, mula sa isang buhay sa loob ng kalikasan tungo sa isang buhay sa loob ng pagka-Diyos ng Diyos, ito ay ang paglabas mula sa ilalim ng sakop ni Satanas at pamumuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, ito ay ang makayanang makamit ang pagkamasunurin sa Diyos at hindi pagkamasunurin sa laman, ito ay pagpapahintulot sa Diyos na makamtan ang iyong buong puso, pagpapahintulot sa Diyos na gawin kang perpekto at pagpapalaya sa iyong sarili mula sa tiwaling mala-demonyong disposisyon. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin upang ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos ay mahayag sa iyo, nang sa gayon maaari mong maisagawa ang kalooban ng Diyos, at maganap ang plano ng Diyos, at makayanang magbigay patotoo sa Diyos sa harap ni Satanas. Ang paniniwala sa Diyos ay hindi dapat upang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, ni hindi dapat para sa kapakanan ng iyong personal na laman. Ito ay dapat para sa pagtugis sa pagkilala sa Diyos, at makayanang sumunod sa Diyos, at tulad ni Pedro, sumunod sa Kanya hanggang kamatayan. Ito ay kung ano ang pangunahin upang makamit.
————————————————————————