Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Hul 30, 2020

Paano Mapapanatili ang Pananampalataya sa Ating Abalang Buhay



Minamahal na mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot: 

Isa akong mananampalataya na kailan lamang tinanggap ang gawain ng Panginoon. Kahit na napakahalaga sa mga Kristiyano ng pagpupulong upang magbahagi at araw-araw na debosyon, ninanakaw ng nakakapagod na trabaho ko ang lahat ng oras na mayroon ako. Malaki ang sinasahod ko ngunit palagi akong nakakaramdam ng kahungkagan at kahihiyan. Paano ko maibabalanse ang araw-araw na debosyon at abala kong buhay sa trabaho?

Kumusta ka? Matagal din akong naligalig sa katanungan mo. Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga kapatid sa Panginoon, at patuloy na pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nag-umpisa kong malaman ang mga layunin ng Diyos. Upang mai-balanse ang trabaho at pananampalataya, at upang magkaroon ng maayos na pananaw sa trabaho, kailangan nating maitindihan ang dalawang bagay:

Kumilos ayon sa mga salita ng Panginoong Hesus at hindi tayo mawawala.

Sinabi ni Hesus, “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Diyos” (Mateo 4:4). “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila’y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?” (Mateo 6:25-26). “Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin? Sapagka’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito” (Mateo 6:31-32).
Talagang ipinapaintindi sa atin ng salita ng Diyos na ang lahat ay nasa ilalim ng Kanyang pamamahala, kasama na ang ating buhay at trabaho. Hangga’t nagtitiwala tayo sa Kanya at namumuhay sa ilalim ng Kanyang mga salita, makikita natin ang Kanyang mga biyaya. Bilang Kristiyano, kailangan nating husgahan ang lahat sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at hayaang maging pundasyon ng ating buhay ang salita ng Diyos.

Lahat ng mga materyal nating pangangailangan ay ibinibigay ng Diyos. Sinasabi ng Biblia ang kuwento ng propetang si Elias. Nang magtago siya sa batis ng Cherith, inutusan ng Diyos ang mga uwak na magdala ng pagkain sa kanya. Kaya hindi nagutom si Elias. Sa tingin ko, tayong lahat ay may ganoong karanasan. Kapag hinaplos tayo ng pagmamahal ng Diyos, handa tayong gumasta para sa Panginoon. Sa umpisa, maaaring mag-alala tayo na magkulang ang ating kinikita, ngunit habang lumilipas ang panahon, malalaman natin na ibinigay ng Diyos ang higit pa kaysa sa kinakailangan natin. At sa pagkakataong ito, makikita natin na sapat ang pagiging masagana ng pagpapala ng Diyos at wala tayong maraming magagarbong inaasam at nakakaramdam ng kapahingahan.

Ituon muli ang atensiyon at makikita natin ang pagtulong ng Diyos sa ating trabaho.

Sinabi ng Panginoong Hesus, “Ang Diyos ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan” (Juan 4:24). Ang Diyos ay Espiritu. Kinokontrol niya ang lahat. Maaari nating sambahin ang Diyos at bumuo ng relasyon sa Kanya sa kahit anong oras at kahit saang lugar. Kung magtutuon tayo sa pagdanas ng Kanyang mga salita habang nasa trabaho, kung gayo’y makikita natin ang Kanyang magagandang gawain sa lahat at tatamasahin na araw-araw Siyang makasama. Tutulungan Niya tayong lutasin ang mga problema at mga paghihirap at tuturuan tayo kung paano maging isang tapat na tao. Matapos nating matamasa ang ilang katotohanan, maaari tayong magkaroon ng positibong pananaw sa araw-araw na pagtatrabaho kahit na abala tayo at pagod ang katawan.

Hayaan mong ibahagi ko sa’yo ang tunay kong karanasan. Noong una, naisip kong ang trabaho ay trabaho at ang paniniwala ay paniniwala. Talagang walang kinalaman ang dalawang ito sa isa’t isa. Tanging sa pagsisimba ko lamang maaaring sambahin ang Diyos. Nagtatrabaho ako sa isang kainan nang mga panahong iyon. Labis akong abala at may ilang ulit ang misa sa bawat linggo. Palagi kong nararamdaman na gahol ako sa oras at wala akong oras upang magbasa ng mga salita ng Diyos, lalo na ang maranasan ang mga salita ng Diyos. At naramdaman ko ring mahaba at nakakapagod ang oras ng trabaho ko. Isang kapatid ang nagbahagi sa akin ng isang talata ng salita ng Diyos sa isang pagpupulong, “Dahil upang makalakad sa landas ng Diyos, hindi natin maaaring pabayaan ang anumang bagay para masunod ang ating sarili, o anumang bagay na nangyayari sa ating paligid, kahit ang mga maliliit na bagay. Isipin man nating dapat bigyang-pansin ito o hindi, hangga’t nahaharap sa atin ang anumang bagay, hindi natin dapat isawalang-bahala ang mga ito. Dapat nating tingnan ang lahat ng mga ito bilang pagsubok ng Diyos sa atin. Ano sa tingin mo ang ganitong uri ng saloobin? Kung nasa iyo ang ganitong uri ng saloobin, pinatutunayan nito ang isang katotohanan: May takot ang iyong puso sa Diyos, at handang umiwas ang iyong puso sa kasamaan. Kung may pagnanais kang bigyang kasiyahan ang Diyos, kung gayon, hindi malayo ang isinasagawa mo sa pamantayan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan.

Madalas mayroong mga taong naniniwala na ang mga bagay na hindi masyadong pinapansin ng mga tao, ang mga bagay na hindi karaniwang binabanggit—maliit lmang ang halaga ng mga bagay na ito, at wala silang balak isagawa ang katotohanan. Kapag nahaharap ang mga tao sa ganitong bagay, hindi nila ito pinapansin at pinababayaan lamang. Ngunit sa aktuwal na katotohanan, ang bagay na ito ay isang aral na dapat mong pag-aaralan, isang aralin tungkol sa kung paano matakot sa Diyos, sa kung paano umiwas sa kasamaan. Bukod dito, ang dapat mo pang alalahanin ay ang pag-alam sa ginagawa ng Diyos kapag dumating ang bagay na ito sa harapan mo. Nasa tabi mo lang ang Diyos, inoobserbahan Niya ang bawat salita at kilos mo, inoobserbahan ang mga gawa mo, ang pagbabago ng isip mo—gawa ito ng Diyos.

Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Diyos at pagbabahagi sa aking mga kapatid, nalaman ko na kailangan kong tratuhin ang mga tao at trabaho ayon sa mga salita ng Diyos. Lahat ng mga bagay na nakikita natin, mga taong nakikilala natin, trabahong ginagawa natin ay iba’t-ibang antas ng pagsubok na ibinigay ng Diyos. Nais Niyang magkaroon tayo ng isang puso na may takot sa Diyos at tapat na sundin ang Kanyang mga salita sa lahat ng bagay. Noon ay hindi ko alam kung paano makipag-usap sa Diyos, at hindi ko rin alam kung paano isasabuhay ang Kanyang mga salita. Napakaraming beses kong sinayang ang pagkakataon na matamo ang katotohanan. Ngunit pagkatapos ay nag-umpisa akong ituon ang aking pansin sa mga gawain ng Diyos at maranasan ang Kanyang mga salita sa aking trabaho.

Isang beses, inutusan ako ng aking tagapamahala na magdagdag pa ng sari-saring bagay sa resibo ng mga mamimili para tumaas ang singil namin sa kanila. Nang iniisip ang mga salita ng Panginoon, “Datapuwa’t ang magiging pananalita ninyo’y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka’t ang humigit pa rito ay buhat sa masama” (Mateo 5:37) Alam ko na hindi dapat ako manloko ng mga mamimili, ngunit hindi ko gustong magalit ang aking tagapamahala. Hindi ko gustong bawasan ang aking bonus o mas masaklap pa, tanggalin ako sa trabaho. Ngunit pagkatapos ay bigla kong naisip na isa itong pagsubok mula sa Diyos at nasa tabi ko ang Diyos at tinitingnan ang aking saloobin. Nanalangin ako sa Diyos, “Oh, Diyos. Handa akong talikuran ang aking laman upang isagawa ang katotohanan. Kahit na ano pa ang maging trato sa akin ng iba, itutuon ko ang aking atensiyon sa pamumuhay sa harap Mo, bumuo ng isang normal na relasyon sa Iyo, isinasabuhay ang Iyong mga salita at isinasagawa ang pagiging tapat. Nawa ay tulungan Mo ako.” Pagkatapos magdasal, nakalma ang aking puso. Kahit na hindi ko ginawa ang sinabi sa akin ng aking tagapamahala ngunit kumilos nang naaayon sa inaatas ng Diyos, walang sinabi ang aking tagapamahala o pagalitan ako. Mula rito, naisip ko na kapag isinasagawa ang mga salita ng Diyos, magkakaroon tayo ng kapayapaan sa loob, isang bagay na hindi magagawang bilhin ng salapi. Kalaunan, palaging nakatutok ang aking pansin sa mga salita ng Diyos sa buhay ko sa trabaho. Pakiramdam ko ay naibalik ko na ang normal na relasyon sa Diyos at hindi na ganoon nakakapagod ang trabaho ko.

Upang mabalanse ang buhay sa trabaho at pananampalataya, hindi natin kailangang magsakripisyo ng kahit ano. Kailangan lang nating sundan ang mga salita ng Diyos at hayaan silang maging gabay sa ating buhay. Sa ganitong paraan, makukuha mo ang kalayaan at kapayapaan ng loob at mga pagpapala mula sa Diyos. Pagpalain ka nawa ng Diyos!

Espirituwal na tanong at Sagot
Xiao Ming

——————————————

Maraming tao ang nag-iisip na hangga't kinikilala natin ang Diyos sa ating mga bibig at nagtitiwala sa Kanya sa ating mga puso, kung gayon ay matatawag tayo na naniniwala tayo sa Diyos. Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ay tunay na kasing simple ng iniisip natin? Ano ang pananampalataya sa Diyos? Sa katunayan, ang "Paniniwala sa Diyos" ay nangangahulugang naniniwala tayo na pinanghahawakan ng Diyos ang soberanya sa lahat ng bagay. Batay dito, dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos, mabago ang ating disposisyon at sa huli makilala ang Diyos.