Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ago 5, 2020

Ano ang Kaligtasan? Ang Kaligtasan Ba ay ang Tanging Kinakailangan Upang Makapasok sa Kaharian ng Langit?

Ni Shen Qingqing, South Korea

Maraming tao ang inaasam na mailigtas ng Panginoon sa Kanyang pagdating at ma-rapture sa kaharian ng langit. Hanggang sa ngayon, tanging ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagan na nagpapatotoo na bumalik na ang Panginoong Jesus, at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos upang iligtas at linisin ang mga tao. Ang ilan ay maaaring maguluhan matapos marinig ang balitang ito. Nabasa nila ang mga sumusunod na talata: “Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan” (Marcos 16:16), “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10), at pinaniniwalaan itong may kahulugang dahil ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang matubos ang mga kasalanan ng lahat ng sangkatauhan, na hangga’t naniniwala sila sa Panginoon, sila ay maliligtas, at na ang minsang nilang pagkaligtas, ay pagkaligtas magpakailanman. Naniniwala sila na hangga’t pinanatili nila ang pangalan ng Panginoon at nagtitiis hanggang sa wakas, maaari silang mai-rapture nang direkta sa kaharian ng langit sa pagbabalik ng Panginoon nang hindi kinakailangang tanggapin ang gawain ng paghatol at paglilinis ng Diyos sa mga huling araw. Tama ba ang ganitong mga uri ng paniniwala?

Isaalang-alang natin: Sinabi ba ng Panginoon na kapag ang isang tao ay naligtas maaari silang makapasok sa kaharian ng langit? Sinasabi ba ito sa Biblia? Ang sagot sa parehong mga tanong na ito ay malinaw na hindi. Sabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Batay sa salita ng Diyos, alam natin na ang mga gumagawa lamang ng kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit. Ang paggawa ng kalooban ng Ama sa langit ay nangangahulugang pagsasagawa ng salita ng Diyos, pagpapasa-ilalim sa Diyos, at mamuhay ayon sa salita ng Diyos kahit ano pa ang sitwasyon, at hindi na muling gumawa ng kasalanan o pagsalungat sa Diyos. Gayunpaman patuloy pa rin tayo na nagsisinungaling at nakagagawa ng kasalanan sa kabila ng pagtikis ng ating sarili, at bigo rin na isagawa ang mga turo ng Panginoon, kaya maari bang ang isang tao na nakagagawa pa rin ng kasalanan at tinututulan ang Panginoon ay makapapasok sa kaharian ng langit sa ganitong paraan? Sa kasamaang palad, ang ating paniniwala na “kapag naligtas na ay palagi nang ligtas” ay isang pagkakamali. Pagdating sa mahalagang bagay ng pagpasok sa kaharian ng Diyos, dapat nating sundin ang salita ng Panginoon. Hindi dapat tayo sumusunod sa mga paniwala at haka-haka ng tao! Kaya, ano ba talaga ang totoong kahulugan ng “kaligtasan” sa mga banal na kasulatan? Paano ba talaga makakapasok ang isang tao sa kaharian ng langit? Ito ang mga katanungan na tatalakayin natin at sama-samang sisiyasatin.

Alam nating lahat na sa huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay lalong naging malalim na natiwali ni Satanas. Ang mga tao sa Israel ay madalas na nalalabag ang mga batas at mga utos at mas lalong nakagagawa ng mga kasalanan—labis na walang sakripisyo ang nasasapat, at lahat sila ay nahaharap sa panganib na maparusahan at mahatulan ng kamatayan ng batas. Upang mailigtas ang sangkatauhan mula sa banta ng kamatayan, ang Diyos ay bumaba sa lupa sa katawang-tao bilang Panginoong Jesus upang gawin ang gawain ng pagtubos, nang maipako sa krus para sa tao, na maging handog para sa kasalanan para sa lahat ng sangkatauhan, at magpatawad sa tao ng kanyang mga kasalanan ng minsan at magpakailanman. Mula pa noon, hangga’t ang isang tao ay naniniwala sa Panginoong Jesus, ipinagtapat ang kanyang mga kasalanan sa Panginoon at nagsisisi, siya ay mapapatawad sa kanyang mga kasalanan at tatamasahin ang lahat ng mga pagpapala at biyaya na ibinigay ng Panginoong Jesus. Para sa mga taong namumuhay sa ilalim ng kautusan, ito ay “kaligtasan.” Samakatuwid, ang “kaligtasan” na binanggit ng Panginoong Jesus ay hindi katulad ng kung paano natin iniisip, na hangga’t naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, maliligtas tayo minsan at magpakailanman; sa halip, nangangahulugan ito na ang mga taong nagkakasala ay hindi na paparusahan at hahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng batas, at ang mga kasalanan ng tao ay mapatawad. Tingnan natin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. … Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; hindi kayang kilalanin ng tao ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim. Tanging sa pamamagitan ng paghatol ng salita makakamit ang gayong mga epekto. Sa gayon lamang maaaring unti-unting mabago ang tao mula sa puntong iyon” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Kapag naniniwala tayo sa Panginoon, kahit na natatanggap natin ang regalo ng kaligtasan at ang ating mga kasalanan ay pinatawad, hindi pa rin tayo napalaya mula sa mga kadena ng kasalanan at patuloy na namumuhay sa kasalanan. Ang ilang mga halimbawa nito ay: Maaari tayong maging napakayabang, palaging nais na may pangwakas na desisyon sa anumang sitwasyon ng grupo at ginagawa ang ibang tao na sumunod sa kung ano ang sinasabi natin, at kapag ang isang tao ay hindi umayon sa sinasabi natin, maaari uminit ang ating ulo at pagsalitaan sila, at sa mas malubhang mga pangyayari, maaari nating kastiguhin o apihin sila sa ilang paraan. Maaari tayong maging napakamakasarili at i-batay ang lahat sa prinsipyo ng pansariling-interes, at pati rin nakagagawa ng mga pakikipag-negosasyon sa Diyos sa ating pananampalataya sa Kanya; kapag ang mga bagay ay mapayapa at maayos, nagpapasalamat tayo sa Kanya, ngunit kapag nahaharap sa mga problema at kabiguan, napupuno tayo ng mga ’di-pagkakaunawa at reklamo sa Kanya, at pati na rin ang umabot sa pagkakanulo sa Kanya at talikuran Siya. Maaari tayong maging napaka-mapanlinlang, kung kaya’t sa tuwing ang ating mga pansariling interes ay kasangkot, nagsisinungaling tayo at nandaraya para sa ating sarili. Ilan lamang ang mga halimbawang ito ng kung paano tayo patuloy na namumuhay sa kasalanan. Sinasabi ng Biblia, “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway” (Mga Hebreo 10:26–27). “Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34–35). Ang Diyos ay banal. Matapos nating malaman ang tunay na daan, may kakayahan pa rin tayong magkasala at sumalungat sa Diyos sa kabila ng ating sarili. Nangangahulugan ito na tayo ay mga alipin ng kasalanan, at hindi papupurihan ng Diyos. Sinasabi ng Biblia, “Ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). Kung ang isang tao ay hindi pa nalinis ng kanilang mga kasalanan, at madalas silang nagkasala at sumasalungat sa Diyos, maaari bang maligtas ang taong ito magpakailanman? Ang taong ito ba ay angkop na makapasok sa kaharian ng langit? Malinaw na hindi sila makakapasok. Pagkatapos lamang na ganap tayong madalisay sa ating mga kasalanan na tayo ay magiging banal at makapapasok sa kaharian ng langit. At ngayon ang ilan ay maaaring magtanong: Paano tayo madadalisay upang makapasok tayo sa kaharian ng langit?

Paano Natin Makakamit ang Kaligtasan at Makakapasok sa Kaharian ng Langit?
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain” (Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula dito nauunawaan natin na upang malutas ang malalim na naka-ugat na satanikong disposisyon sa tao at ganap na palayain ang tao mula sa mga gapos ng kasalanan, kinakailangang bumalik ng Panginoon sa mga huling araw upang maisagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, at upang ipahayag ang mga katotohanan upang linisin at mailigtas ang sangkatauhan. Sa katunayan, matagal na itong naipropesiya ng Panginoon, tulad ng sinasabi sa Bibliya: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).

Ngayon, sa batayan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ang Makapangyarihang Diyos ay isinasagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, at ipinapahayag ang lahat ng mga katotohanan para sa paglilinis at pagliligtas sa sangkatauhan upang malutas ang makasalanang kalikasan ng tao ng lubusan at palayain siya mula sa mga kadena ng kasalanan, dinadalisay siya, hanggang sa huli ay makamit siya ng Diyos at humantong sa kaharian ng Diyos. Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay kumpletong tinutupad ang mga propesiyang ito. Ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ay tatanggap ng pagdadalisay at kaligtasan ng Diyos. Lahat sila ay magkakaroon ng pagkakataong maging mga mananagumpay bago dumating ang mga malalaking sakuna, upang luwalhatiin kasama ng Diyos, at ma-rapture sa kaharian ng langit. Kaya paano hinahatulan ng Makapangyarihang Diyos at nililinis ang mga tao at pinapalaya sila mula sa mga gapos ng kasalanan?

Sabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Makikita mula dito na ang Diyos ay gumagamit ng maraming katotohanan upang hatulan at ilantad ang satanikong disposisyon ng tao na paglaban at pagsalungat sa Diyos. Kapag naranasan natin ang paghatol ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, personal nating mararanasan na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapahintulot ng pagkakasala. Ang bawat isang salita ng Diyos ay tumatagos sa ating mga puso at inilalantad ang lahat ng mga uri ng mga pagpapahayag ng katiwalian, pati na rin ang maling mga saloobin at ideya, ang mga masasamang motibo, at ang mga paniwala at imahinasyon sa kailaliman ng ating mga puso, pati na rin ang satanikong kalikasan sa likod ng mga bagay na ito, sa gayo’y nagiging dahilan upang makaramdam tayo ng utang na loob na may kahihiyan at labis na pagsisisi upang tayo ay magpatirapa sa harap ng Diyos at tunay na magsisi sa Kanya. Samantala, ipinakikita rin sa atin ng Diyos ang mga landas ng pagsasanay, tulad ng kung anong pananaw ang dapat nating panghawakan sa ating pananalig sa Diyos, kung paano maging isang matapat na tao, kung paano dakilain at magpatotoo sa Diyos, kung paano iwasan ang paglalakad sa landas ng anticristo, kung paano makamit ang totoong pagsunod sa Diyos at tunay na pag-ibig sa Diyos, at iba pa. Tanging kapag nakaranas tayo ng gawain ng paghatol ng Diyos at nagsasagawa tayo ayon sa mga salita ng Diyos maaari tayong mabuhay ng may pagkakahawig ng isang normal na tao. Ito ay ang ganap na resulta ng paghatol ng Diyos.

Ngayon, lahat ng uri ng mga karanasang patotoo ng mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nakaranas ng paghatol ay nailathala na sa Internet. Mula sa mga totoong karanasang ito at mga patotoo, makikita na sa pamamagitan lamang ng pagdanas sa gawain ng pagkastigo at paghatol na ginagawa ng Diyos sa mga huling araw na ang isang tao ay maaaring malinis at ganap na makamit ng Diyos—ito ang tanging paraan para maabot natin ang kaharian ng langit. Sa ngayon, maraming mga tao mula sa buong mundo na tunay na naniniwala sa Diyos ang nakasumpong ng daan papunta sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at bumalik sa Kanya. Kung patuloy tayong kumakapit sa konsepto na “minsang naligtas palaging ligtas” at hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, ang ating mga tiwaling disposisyon ay hindi malilinis at mababago, at samakatuwid, hindi tayo magkakaroon ng pagkakataon na makapasok sa kaharian ng langit. Kaya, ano pa ang hinihintay mo?

——————————

Ang totoong katiyakan ng kaligtasan ay: Naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, na tanging nangangahulugang naligtas tayo ng biyaya at napatawad na tayo sa ating kasalanan, ngunit hindi ito ang tunay na kaligtasan. Kung mararanasan lamang natin ang huling paghuhukom na gawain ng Diyos sa mga huling araw ay maaari tayong ganap na maligtas at makapasok sa kaharian ng Diyos!