Nakikinig ang Diyos sa totoong mga panalangin. Kung totoong mananalangin tayo sa Diyos, madalas nating madarama ang Kanyang presensya. Anuman ang ginagawa natin, magkakaroon tayo ng Kanyang gabay. Ang salot ay lumaganap sa buong mundo. Maraming tao ang nabubuhay sa pangamba; kahit ang mga mananampalataya ay nakakaramdam ng takot at walang magawa, at maaari lamang silang manalangin sa Diyos para sa Kanyang proteksyon. Kaya paano tayo dapat manalangin upang mapakinggan ng Diyos? Tinipon namin ang mga talatang ito ng Bibliya tungkol sa panalangin upang matulungan kang maunawaan ang kahalagahan ng panalangin at mahanap ang paraan upang mapakinggan ng Diyos ang iyong mga panalangin.
1. Ang Kahalagahan ng Panalangin
Jeremias 29:12
At kay’y magsisitawag sa akin, at kayo’y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.
Mateo 7:7–8
Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan: Sapagka’t ang bawa’t humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan.
Mateo 18:19
Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.
Juan 14:13–14
At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak. Kung kayo’y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Pagkatapos na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at binigyan sila ng mga espiritu, iniutos Niya sa kanila na kung hindi sila tatawag sa Diyos, kung gayon hindi sila makakaugnay sa Kanyang Espiritu at kaya hindi matatanggap sa daigdig ang “telebisyong satelayt” mula sa langit. Kapag wala na ang Diyos sa mga espiritu ng mga tao mayroong isang walang-lamang upuan na naiiwang bukas para sa ibang bagay, at iyan ang kung paano sinasamantala ni Satanas ang pagkakataon na makapasok. Kapag nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga puso, kaagad na natataranta si Satanas at nagmamadali upang tumakas. Sa pamamagitan ng mga pagsamo ng sangkatauhan ay ipinagkakaloob sa kanila ng Diyos ang kanilang pangangailangan, nguni’t hindi Siya “naninirahan” sa loob nila sa simula. Palagi lamang Siyang nagkakaloob sa kanila ng tulong dahil sa kanilang mga pagsamo at nakakamtan ng mga tao ang tibay mula sa kalakasang panloob kaya hindi nangangahas si Satanas na pumunta rito para “maglaro” ayon sa gusto nito. Sa ganitong paraan, kung palaging nakikipag-ugnayan ang mga tao sa Espiritu ng Diyos, hindi nangangahas si Satanas na manggambala. Nang walang panggagambala ni Satanas, normal ang mga buhay ng lahat ng mga tao at may pagkakataon ang Diyos na gumawa sa loob nila nang walang anumang mga paghadlang. Sa ganitong paraan, maisasakatuparan kung ano ang nais gawin ng Diyos sa pamamagitan ng mga tao.
Bilang isang tao na naglilingkod sa harap ng Diyos, hindi ka maaaring walang mga panalangin. Kung tunay mong itinuturing ang pakikibahagi sa Diyos bilang isang bagay na makahulugan at mahalaga, maaari mo bang balewalain ang panalangin? Walang sinuman ang maaaring walang pakikipagniig sa Diyos. Kung walang panalangin, nabubuhay ka sa laman, nabubuhay ka sa pagka-alipin ni Satanas; kung walang tunay na panalangin, ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman.
Ang panalangin ay isa sa mga paraan kung saan nakikipagtulungan ang tao sa Diyos, ito ay isang paraan kung paano tinatawag ng tao ang Diyos, at ito ang proseso kung paano ang tao ay inaantig ng Espiritu ng Diyos. Maaaring sabihin na yaong mga walang panalangin ay mga patay na walang espiritu, katibayan na kulang sila ng mga kakayahan upang antigin sila ng Diyos. Kung walang panalangin, hindi nagagawa ng mga tao na magtamo ng isang normal na espirituwal na buhay, lalong hindi nila nagagawang sundin ang gawain ng Banal na Espiritu; kung walang panalangin, pinuputol nila ang kanilang ugnayan sa Diyos, at mga walang kakayahan na tanggapin ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pagiging isang tao na naniniwala sa Diyos, habang lalo kang nananalangin, lalong mas inaantig ka ng Diyos. Ang gayong mga tao ay mayroong mas malaking pagbabago at lalong mas nagagawang tanggapin ang pinakabagong kaliwanagan mula sa Diyos; bilang resulta, ang mga taong kagaya lamang nito ang maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon ng Banal na Espiritu.
Inirerekomenda para sa iyo:
Ang Kahulugan ng Dasal
2. Paano Tayo Dapat Manalangin sa Diyos?
Mateo 6:6-7
Datapuwa’t ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka. At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka’t iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.
Mateo 26:41
Kayo’y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa’t mahina ang laman.
Santiago 5:16
Mangagpahayagan nga kayo sa isa’t isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa’t isa ang iba, upang kayo’y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.
Roma 12:12
Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin.
Mateo 6:7
At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka’t iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.
Marcos 11:25
At kailan man kayo’y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.
Filipos 4:6-7
Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Habang nananalangin, ang iyong puso ay dapat payapa sa harap ng Diyos, at ito ay dapat maging tapat. Ikaw ay tunay na nakikipagniig at nananalangin sa Diyos; hindi mo dapat linlangin ang Diyos gamit ang mga salita na magandang pakinggan. Ang panalangin ay dapat nakasentro doon sa gustong maging ganap ng Diyos sa kasalukuyan. Hilingin sa Diyos na dalhan ka ng mas dakilang kaliwanagan at pagpapalinaw, at dalhin ang iyong totoong kalagayan at mga suliranin sa harap ng Diyos upang manalangin, at gumawa ng pagpapasya sa harap ng Diyos. Ang panalangin ay hindi ang pagsunod sa proseso, ngunit ang paghahangad sa Diyos gamit ang iyong tunay na puso. Hilingin sa Diyos na ingatan ang iyong puso, gawin itong madalas na nagagawang maging payapa sa harap ng Diyos, gawin kang nagagawang kilalanin ang iyong sarili, at mamuhi sa iyong sarili, at balewalain ang iyong sarili sa kapaligirang itinakda ng Diyos para sa iyo, sa gayon ay tutulutan kang magkaroon ng isang normal na ugnayan sa Diyos at gawin kang isang taong tunay na iniibig ang Diyos.
3. Anong Uri ng Mga Panalangin ang Pinakikinggan ng Diyos?
Mateo 6:9–13
Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka’t iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
Awit 17:1
Dinggin mo ang matuwid, Oh Jehova, pakinggan mo ang aking daing; ulinigin mo ang aking panalangin, na hindi lumalabas sa mga magdarayang labi.
Kawikaan 15:8
Ang hain ng masama ay kasuklamsuklam sa Jehova: nguni’t ang dalangin ng matuwid ay kaniyang kaluguran.
Awit 34:17
Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ni Jehova, at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.
Awit 102:17
Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon, at hindi hinamak ang kanilang dalangin.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nagagawa ng mga tao na ipatupad ang pagsasagawa ng panalangin at maunawaan ang kahalagahan ng panalangin, ngunit ang epekto na natatamo sa pamamagitan ng panalangin ay hindi magaan na bagay. Ang panalangin ay hindi isang kaso ng pagdaan sa mga pormalidad, o pagsunod sa proseso, o pagbigkas sa mga salita ng Diyos, na ang ibig sabihin, ang panalangin ay hindi nangangahulugan ng basta na lamang pagsasalita at panggagaya sa iba. Sa panalangin, dapat mong ibigay ang iyong puso sa Diyos, ibinabahagi sa Diyos ang mga salita sa iyong puso upang mangyaring antigin ka ng Diyos. Kung magiging mabisa ang iyong mga panalangin, kung gayon ang mga ito ay dapat nakabatay sa iyong pagbabasa sa mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pananalangin sa gitna ng mga salita ng Diyos magagawa mong matanggap ang higit pang kaliwanagan at pagpapalinaw. Ang isang tunay na panalangin ay ipinakikita sa pagkakaroon ng isang pusong nasasabik para sa mga kinakailangan na ginawa ng Diyos, at sa pagiging handa na tuparin ang mga kinakailangang ito; magagawa mong kasuklaman ang lahat ng kinasusuklaman ng Diyos, sa batayang ito magkakaroon ka ng kaalaman, at malalaman at maliliwanagan tungkol sa mga katotohanang ipinaliwanag ng Diyos. Sa pagkakaroon ng pagpapasya, at pananampalataya, at kaalaman, at isang landas na isasagawa pagkatapos manalangin—ito lamang ang tunay na pananalangin, at ang panalangin lamang na kagaya nito ang maaaring maging mabisa. Ngunit ang panalangin ay dapat maitatag sa saligan ng pagtatamasa sa mga salita ng Diyos at pakikipagniig sa Diyos sa Kanyang mga salita, nagagawa ng iyong puso na hangarin ang Diyos at maging payapa sa harap ng Diyos. Ang gayong panalangin ay nakarating na sa punto ng tunay na pakikipagniig sa Diyos.
At ano naman ang tungkol sa nilalaman ng mga panalangin? Dapat kang manalangin, nang dahan-dahan, alinsunod sa iyong tunay na kalagayan at iyon ay gagawin ng Banal na Espiritu, at dapat kang makipagniig sa Diyos sa pagpapanatili sa kalooban ng Diyos at sa Kanyang mga kinakailangan sa tao. Kapag nagsisimula kang magsagawa ng mga panalangin, ibigay mo muna ang iyong puso sa Diyos. Huwag kang magtatangkang unawain ang kalooban ng Diyos; subukin lamang sabihin sa Diyos ang mga salita sa loob ng iyong puso. Kapag ikaw ay lalapit sa harap ng Diyos, sabihin ang ganito: “O Diyos! Sa araw lamang na ito ko natatanto na dati Kitang sinuway. Ako ay totoong tiwali at kasuklam-suklam. Noong una, sinayang ko lamang ang aking oras; magmula sa araw na ito mabubuhay ako para sa Iyo, isasabuhay ko ang isang buhay na mayroong kabuluhan, at palulugurin ang Iyong kalooban. Nais ko na ang Iyong Espiritu ay palaging gumagawa sa loob ko, at palaging paliliwanagin at liliwanagan ako, upang ako ay makakapagpatotoo nang matatag at ganap sa harap Mo, nagbibigay-daan kay Satanas na makita ang Iyong kaluwalhatian, ang Iyong patotoo, at ang katibayan ng iyong tagumpay sa loob namin.” Kapag ikaw ay nanalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay ganap na mapapalaya, sa pananalangin sa ganitong paraan, ang iyong puso ay mas magiging malapit sa Diyos, at sa pamamagitan ng madalas na pananalangin sa ganitong paraan, ang Banal na Espiritu ay tiyak na gagawa sa loob mo. Kung ikaw ay palaging tumatawag sa Diyos sa ganitong paraan at ginagawa ang iyong pagpapasya sa harap ng Diyos, darating ang araw na ang iyong pagpapasya ay matatanggap sa harap ng Diyos, kapag ang iyong puso at buong pagkatao ay tatanggapin ng Diyos, at ikaw sa bandang huli ay gagawing perpekto ng Diyos.
_______________________________
Bakit mahalaga ang panalangin? Sapagkat ang pananalangin ay isang daan para sa mga Kristiyano na makipag-usap sa Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin, maaari nating makamit ang pananalig at lakas ,ula sa Diyos at sumunod sa Diyos hanggang sa huli.