Genesis 22:16–18 Sa aking sarili ay sumumpa ako, anang Jehova, sapagka’t ginawa mo ito, at hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak; Na sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat; at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kaniyang mga kaaway; At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa; sapagka’t sinunod mo ang aking tinig.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Hul 16, 2020
May 3, 2020
Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha
Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang mga kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa alinmang yugto ng gawaing ito ang umalis sa Israel; ang mga iyon ay ang mga yugto ng gawain na isinakatuparan sa gitna ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng pagpapapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang iba pang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na nagtutubos sa mga Amerikano, kundi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay.
Abr 21, 2020
Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan
Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano ng pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakarating na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng nakasunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.
Ang “paghatol” sa mga salitang nasabi na dati—ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos—ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni kagaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, nakaupo sa isang dakilang luklukan na ang lahat ng mga tao ay nakaluhod sa lupa, ibubunyag Niya ang mga kasalanan ng bawat tao at doon ay malalaman kung sila ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Anuman ang mga naguguni-guni ng tao, ang nilalaman ng gawain ng Diyos ay hindi maaaring mabago. Ang mga naguguni-guni ng tao ay walang iba kundi mga nabubuong kaisipan ng tao at nanggagaling sa utak ng tao, binuo at pinagtagni-tagni mula sa mga nakita at narinig ng tao. Samakatuwid Aking sinasabi, gaano man kaliwanag ang mga larawang naisip, ang mga ito ay mga iginuhit lamang at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang tao ay nagawa nang tiwali ni Satanas, kaya papaano niya maaarok ang mga iniisip ng Diyos? Hinahaka ng tao na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay talagang di-kapani-paniwala. Naniniwala ang tao na dahil ang Diyos Mismo ang nagsasagawa ng gawain ng paghatol, kung gayon ito ay magiging pinakakakila-kilabot at hindi mauunawaan ng mga mortal, at aalingawngaw ito hanggang sa mga kalangitan at yayanigin ang lupa; kung hindi ay papaano ito magiging gawain ng paghatol ng Diyos? Naniniwala siya na dahil ito ay gawain ng paghatol, kung gayon ang Diyos ay dapat na maging lalong nakakatakot at maringal habang Siya ay gumagawa, at yaong mga hinahatulan ay dapat na nagpapapalahaw sa pag-iyak at nakaluhod na nagmamakaawa. Ang ganoong tagpo ay napakarangyang pagmasdan at masyadong nakapupukaw…. Naguguni-guni ng bawa’t tao na maalamat ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na matagal nang sinimulan ng Diyos ang gawain ng paghatol sa gitna ng mga tao, at sa buong panahong ito ikaw ay mahimbing na natutulog? Na, sa oras na inaakala mong ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nagsisimula na, ito na ang oras na binabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay noon mo pa lamang naintindihan ang kahulugan ng buhay, nguni’t ang walang-awang gawain ng pagpaparusa ng Diyos ay magdadala sa iyo, na natutulog pa ring mahimbing, sa impiyerno. Saka mo lamang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay natapos na.
Huwag na tayong magsayang ng mahalagang oras, at huwag nang pag-usapan pa itong mga nakamumuhi at kasuklam-suklam na mga paksa. Sa halip ay pag-usapan natin kung ano ang bumubuo sa paghatol. Pagdating sa salitang “paghatol,” maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehova sa lahat ng dako at ang mga salita ng pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagama’t matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang na sinalita ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo; ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo habang hinahatulan Niya ang tao sa mga huling araw. Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos. Kung hindi mo pinag-uukulan ang mga katotohanang ito ng pagpapahalaga at palaging iniisip ang pag-iwas sa mga ito o paghahanap ng isang bagong paraan bukod sa mga ito, kung gayon sinasabi Kong lubha kang makasalanan. Kung mayroon kang pananampalataya sa Diyos, nguni’t hindi mo hinahanap ang katotohanan o ang kalooban ng Diyos, ni hindi mo iniibig ang daan na nagdadala sa iyo nang mas malapit sa Diyos, kung gayon sinasabi Kong ikaw ay isa na sinusubukang iwasan ang paghatol, at na isa kang sunud-sunuran at taksil na tumatakas mula sa dakilang puting luklukan. Hindi patatawarin ng Diyos ang isa man sa mga mapanghimagsik na tumatakas sa ilalim ng Kanyang mga mata. Ang gayong mga tao ay makatatanggap ng lalo pang mas mabigat na kaparusahan. Silang mga nagsilapit sa harap ng Diyos upang mahatulan, at higit pa ay nadalisay na, ay mananahan magpakailanman sa kaharian ng Diyos. Tiyak, ito ay bagay na mangyayari sa hinaharap.
——————————————————————————
Ipinaliliwanag ng bahaging Mga Propesiya sa Biblia ang mga propesiya tungkol sa mga kalamidad sa mga huling araw, ikalawang pagparito ni Jesus, mga pangalan ng Diyos, huling paghuhukom, at iba pa.
——————————————————————————
Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos. Maraming may di-kasiya-siyang damdamin tungkol sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil mahirap para sa tao na paniwalaan na ang Diyos ay magkakatawang-tao upang gawin ang paghatol. Gayunpaman, kailangang sabihin Ko sa iyo na kadalasan ang gawain ng Diyos ay lumalampas nang labis sa mga inaasahan ng tao at mahirap para sa mga isipan ng mga tao na tanggapin. Sapagka’t ang mga tao ay mga uod lamang sa lupa, samantalang ang Diyos ay ang kataas-taasang Isa na pumupuno sa sansinukob; ang isipan ng tao ay katulad lamang ng isang balon ng maruming tubig na nagdudulot lamang ng mga uod, samantalang ang bawat yugto ng gawain na pinapatnubayan ng mga kaisipan ng Diyos ay pagdadalisay ng karunungan ng Diyos. Patuloy na hinahangad ng tao na makipaglaban sa Diyos, kung saan ay sinasabi Ko na hayag na hayag kung sino ang magdurusa ng kawalan sa katapusan. Ipinapayo Ko sa inyong lahat na huwag ninyong ipalagay ang inyong mga sarili na mas mahalaga kaysa ginto. Kung kaya ng iba na tanggapin ang paghatol ng Diyos, kung gayon bakit hindi mo kaya? Gaano ka na ba kataas kaysa iba? Kung kaya ng iba na magyuko ng ulo sa harap ng katotohanan, bakit hindi mo rin magawa ang ganoon? Ang gawain ng Diyos ay mayroong hindi-mahahadlangang bilis ng pagtakbo. Hindi na Niya uulitin ang gawain ng paghatol dahil lang sa “kontribusyon” na nagawa mo, at labis kang magsisisi dahil pinalagpas mo ang gayon kagandang pagkakataon. Kung hindi mo pinaniniwalaan ang Aking mga salita, kung gayon maghintay ka na lamang sa malaking puting luklukan sa langit na magpasa ng paghatol sa iyo! Kailangang malaman mo na lahat ng Israelita ay tinanggihan at itinatwa si Jesus, at gayunman ang katunayan ng pagtubos ni Jesus sa sangkatauhan ay lumaganap pa rin hanggang sa mga dulo ng sansinukob. Hindi ba ito isang realidad na matagal nang ginawa ng Diyos? Kung naghihintay ka pa rin kay Jesus na dalhin ka paakyat sa langit, kung gayon ay sinasabi Ko na isa kang sutil na piraso ng tuyong kahoy.v[a]
Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naunawaan mo na, ipinapayo Ko na magpasakop ka nang masunurin na mahatulan, kung hindi ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kailanman na papurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Yaong mga tumatanggap lamang ng paghatol ngunit hindi kailanman maaaring mapadalisay, ibig sabihin, yaong mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay kamumuhian at itatakwil ng Diyos magpakailanman. Ang kanilang mga kasalanan ay mas marami, at mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagkat napagtaksilan nila ang Diyos at naghimagsik sila laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat na magsagawa ng paglilingkod ay tatanggap ng mas mabigat na parusa, isang parusang bukod diyan ay pangwalang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subalit ipinagkanulo Siya pagkatapos. Ang ganitong mga tao ay gagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito mismo ang paghahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao, at pagbubunyag sa kanya? Ipapadala ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng masasamang espiritu, at hahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang katawang laman ayon sa gusto nila. Ang kanilang katawan ay mangangamoy-bangkay, at iyon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan niyaong mga nananalig na hindi-tapat at huwad, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; pagkatapos, sa tamang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng maruruming espiritu, at hahayaan ang maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa gusto nila, upang hindi na sila makapagkatawang-taong muli kailanman at hindi na makitang muli ang liwanag kailanman. Yaong mga ipokrito na minsang naglingkod ngunit hindi nanatiling tapat hanggang sa huli ay ibinibilang ng Diyos sa masasama, kaya nabubuhay sila sa payo ng masasama at nagiging bahagi ng kanilang nagkakagulong mga tao; sa huli, pupuksain sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o naglaan ng anumang pagsisikap, at pupuksain silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, at lalong hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos ngunit napilitan dahil sa kanilang kalagayan na humarap sa Kanya nang madalian ay ibinibilang sa mga yaon na naglilingkod para sa Kanyang bayan. Iilan lamang sa mga taong iyon ang mananatiling buhay, samantalang karamihan ay mamamatay na kasama ng mga yaon na ni hindi nararapat na maglingkod. Sa huli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian ang lahat ng tao na ang isipan ay kaayon ng Diyos, ang mga tao at ang mga anak ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Gayon ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Patungkol sa mga yaong hindi kabilang sa anumang kategoryang inilatag ng Diyos, ibibilang sila sa mga hindi walang pananalig. At tiyak na maiisip ninyo kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasiya kung aling landas ang inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinuman na hindi nakakasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao.
Talababa:
a. Isang piraso ng tuyong kahoy: isang kawikaang Tsino, ibig sabihin “walang pag-asa.”
Abr 10, 2020
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha
Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha
Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang mga kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa alinmang yugto ng gawaing ito ang umalis sa Israel; ang mga iyon ay ang mga yugto ng gawain na isinakatuparan sa gitna ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng pagpapapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang iba pang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na nagtutubos sa mga Amerikano, kundi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng buong sangnilikha. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng buong sangnilikha. Ang nakaraang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, at sa ganitong paraan, ilang mga pagkaintindi ang nabuo sa mga tao. Iniisip ng mga tao na si Jehova ay gumawa sa Israel at isinakatuparan ni Jesus Mismo ang Kanyang gawain sa Judea—bukod pa rito, sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao kaya Siya ay nasa gawain sa Judea—at anuman ang katayuan, ang gawain na ito ay hindi na lumawak sa labas ng Israel. Hindi Siya gumawa kasama ng mga taga-Egipto; hindi Siya gumawa kasama ng mga Indiyano; gumawa lamang Siya kasama ng mga Israelita. Dahil dito ang mga tao ay bumubuo ng sari-saring mga pagkaintindi; dagdag pa rito, pinaplano nila ang gawain ng Diyos sa loob ng isang tiyak na saklaw. Sinasabi nila na kapag ang Diyos ay gumagawa, dapat itong maisakatuparan sa gitna ng mga piniling tao at sa Israel; maliban sa mga Israelita, ang Diyos ay wala nang iba pang taga-tanggap ng Kanyang gawain, ni mayroon Siyang iba pang saklaw para sa Kanyang gawain; sila ay lalo pang mahigpit sa “pagdidisiplina” sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi Siya pinapahintulutan na lumampas sa sakop ng Israel. Hindi ba lahat ng ito ay mga pagkaintindi ng tao?
Abr 2, 2020
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?
Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?
Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at magpasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa pamilya ng Diyos bilang ang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaayos ng Diyos. Nagagawa mong mapatahimik ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa bawat sandaling gumagawa ka ng anumang bagay; kahit na hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos, dapat mo pa ring tuparin ang iyong mga tungkulin at mga pananagutan sa abot ng iyong makakaya. Hindi pa masyadong huli upang hintayin na mabunyag sa iyo ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito. Kapag naging normal na ang iyong kaugnayan sa Diyos, kung gayon magkakaroon ka rin ng isang normal na kaugnayan sa mga tao. Ang lahat ay itinatatag sa saligan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, magsagawa ka alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, itama ang iyong mga pananaw, at huwag gumawa ng mga bagay na kumakalaban sa Diyos o gumagambala sa iglesia. Huwag gumawa ng mga bagay na walang pakinabang sa mga buhay ng mga kapatid, huwag magsalita ng mga bagay na hindi nakatutulong sa ibang mga tao, huwag gumawa ng mga kahiya-hiyang bagay. Maging makatarungan at kagalang-galang kapag ginagawa ang lahat ng bagay at gawing kaaya-aya ang mga ito sa harap ng Diyos. Bagama’t ang laman ay mahina paminsan-minsan, nagagawa mong ilakip ang pinakamataas na kahalagahan sa kapakinabangan ng pamilya ng Diyos, huwag pag-imbutan ang iyong sariling mga pakinabang, at ipatupad ang pagkamakatuwiran. Kung makakapagsagawa ka sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.
Sa bawat pagkakataong gagawa ka ng anumang bagay, dapat mong siyasatin kung ang iyong mga pagganyak ay tama. Kung nagagawa mong kumilos alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal. Ito ang pinakamababang pamantayan. Kung, sa pagsisiyasat mo sa iyong mga pagganyak, lumabas yaong mga hindi tama, at kung magagawa mong talikuran ang mga ito at kumilos alinsunod sa mga salita ng Diyos, kung gayon ikaw ay magiging yaong nararapat sa harap ng Diyos, na magpapakita na ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, at na ang lahat ng iyong ginagawa ay para sa kapakanan ng Diyos, at hindi para sa sarili mo. Sa bawat pagkakataon na ikaw ay gumagawa o nagsasabi ng anumang bagay, dapat mong ilagay sa tama ang iyong puso, maging matuwid, at huwag pangunahan ng iyong mga damdamin, o kumilos alinsunod sa iyong sariling kalooban. Ito ang mga prinsipyo kung saan iginagawi ng mga sumasampalataya sa Diyos ang kanilang mga sarili. Ang mga pagganyak at tayog ng isang tao ay maaaring ibunyag sa isang maliit na bagay, at kaya, para makapasok ang mga tao sa landas ng pagiging ginawang perpekto ng Diyos, dapat muna nilang lutasin ang kanilang sariling mga pagganyak at ang kanilang kaugnayan sa Diyos. Kapag ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal saka ka lamang magagawang perpekto ng Diyos, at sa gayon lamang matatamo ng pakikitungo, pagtatabas, pagdidisiplina, at pagpipino ng Diyos sa iyo ang ninanais na epekto ng mga ito. Na ang ibig sabihin, nagagawa ng mga taong taglayin ang Diyos sa kanilang mga puso, hindi hinahangad ang personal na mga pakinabang, hindi iniisip ang kanilang personal na kinabukasan (tumutukoy sa pag-iisip ng laman), ngunit sa halip binabata nila ang pagpasok sa buhay, ginagawa nila ang buong makakaya sa paghahangad sa katotohanan, at nagpapasakop sa gawain ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang mga layunin na iyong hinahangad ay tama, at ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal. Maaaring sabihin na ang pagsasaayos sa kaugnayan ng isa sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagpasok sa espirituwal na paglalakbay ng isa. Bagama’t ang kapalaran ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos, at naitalaga na ng Diyos, at hindi mababago sa ganang mga sarili ng mga ito, kung ikaw ay maaaring gawing perpekto at kamtin ng Diyos ay nakasalalay sa kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal o hindi. Marahil ay mayroong mga bahagi sa iyo na mahina at masuwayin—ngunit hangga’t ang iyong pananaw ay tama at ang iyong mga pagganyak ay wasto, at hangga’t inilalagay mo sa tama ang iyong kaugnayan sa Diyos at ginawa itong normal, kung gayon ikaw ay karapat-dapat na gawing perpekto ng Diyos. Kung hindi mo taglay ang tamang kaugnayan sa Diyos, at kumikilos para sa kapakanan ng laman, o ng iyong pamilya, kung gayon gaano ka man kasikap gumawa ang lahat ay mauuwi sa wala. Kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, kung gayon ang lahat ng iba pa ay magiging maayos. Wala nang ibang tinitingnan ang Diyos, ngunit tinitingnan lamang Niya kung ang iyong mga pananaw sa paniniwala sa Diyos ay tama: kung sino ang iyong pinaniniwalaan, kung para sa kaninong kapakanan ka naniniwala, at bakit ka naniniwala. Kung nagagawa mong makita nang malinaw ang mga bagay na ito, at nagagawa mong ilagay sa tama ang iyong mga pananaw at pagsasagawa, kung gayon ang iyong buhay ay makagagawa ng pagsulong, at tiyak na magagawa mong pumasok sa tamang landas. Kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay hindi normal, at ang iyong mga pananaw sa paniniwala sa Diyos ay lihis, hahadlangan ng mga ito ang lahat ng iba pa. Maging paano ka man naniniwala sa Diyos, hindi ka magkakamit ng anuman. Kung normal ang iyong kaugnayan sa Diyos saka ka lamang pagtitibayin ng Diyos kapag tinalikuran mo ang laman, nanalangin, nagdusa, nagtiis, sumunod, tinulungan ang iyong mga kapatid, naglaan ng mas marami pang pagsisikap sa Diyos, at iba pa. Kung mayroon man o walang halaga at kabuluhan ang isang bagay na iyong ginagawa ay nakasalalay sa kung ang iyong mga layunin ay tama at kung ang iyong mga pananaw ay tama. Sa kasalukuyan, ang paniniwala ng maraming tao sa Diyos ay kagaya ng pagtingin sa isang orasan na ang kanilang ulo ay nakabaling sa isang panig—ang kanilang mga pananaw ay lihis. Ang lahat ay magiging mainam kung ang isang pambihirang tagumpay ay magagawa rito, ang lahat ay magiging maayos kung ito ay malulutas, samantalang ang lahat ay mauuwi sa wala kung ito ay hindi malulutas. Ang ilang tao ay gumagawi nang mainam sa harap Ko, ngunit sa likod Ko wala silang ibang ginagawa kundi ang lumaban. Ang mga ito ay liko at mapanlinlang na mga pagpapakita at ang ganitong uri ng tao ay isang lingkod ni Satanas, sila ang karaniwang sagisag ni Satanas upang subukin ang Diyos. Ikaw ay isang angkop na tao lamang kung nagagawa mong magpasakop sa Aking gawain at sa Aking mga salita. Hangga’t nagagawa mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, hangga’t ang lahat ng iyong ginagawa ay kaaya-aya sa harap ng Diyos, ang lahat ng iyong ginagawa ay makatarungan at kagalang-galang, hangga’t hindi ka gumagawa ng kahiya-hiyang mga bagay, hindi gumagawa ng mga bagay na makapipinsala sa mga buhay ng mga tao, hangga’t ikaw ay nabubuhay sa liwanag, at hindi pinagsasamantalahan ni Satanas, kung gayon ang iyong kaugnayan sa Diyos ay mailalagay sa tama.
Rekomendasyon:Sinabi ng Bibliya, “Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo” (Santiago 4:8). Kaya paano tayo makakapagtatag ng isang relasyon sa Diyos? Basahin ang artikulong ito nang mahanap ang 4 na paraan upang maging malapit sa Diyos.
Rekomendasyon:Sinabi ng Bibliya, “Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo” (Santiago 4:8). Kaya paano tayo makakapagtatag ng isang relasyon sa Diyos? Basahin ang artikulong ito nang mahanap ang 4 na paraan upang maging malapit sa Diyos.
Sa paniniwala sa Diyos, ang iyong mga layunin at mga pananaw ay dapat mailagay sa tama; dapat kang magkaroon ng wastong pagkaunawa at tamang pagtrato sa mga salita ng Diyos, gawain ng Diyos, sa mga kapaligiran na isinaayos ng Diyos, sa tao na pinatototohanan ng Diyos, at sa praktikal na Diyos. Hindi ka dapat magsagawa alinsunod sa iyong personal na mga saloobin, o gumawa ng sariling maliliit na plano. Dapat mong magawang hangarin ang katotohanan sa lahat ng bagay at tumindig sa iyong kinalalagyan bilang isang nilikha ng Diyos at magpasakop sa lahat ng gawain ng Diyos. Kung gusto mong maghangad na gawing perpekto ng Diyos at pumasok sa tamang landas ng buhay, kung gayon ang iyong puso ay dapat palaging nabubuhay sa harap ng Diyos, huwag maging napakasama, huwag sundin si Satanas, huwag iiwanan si Satanas ng anumang mga pagkakataon upang gawin ang gawain nito, at huwag hahayaang kasangkapanin ka ni Satanas. Dapat mong ibigay nang lubos ang sarili mo sa Diyos at hayaang pamahalaan ka ng Diyos.
Nakahanda ka bang maging lingkod ni Satanas? Nakahanda ka bang pagsamantalahan ni Satanas? Naniniwala ka ba sa Diyos at hinahangad ang Diyos upang maaari ka Niyang gawing perpekto, o ito ay upang ikaw ay maging isang hambingan sa gawain ng Diyos? Nakahanda ka bang makamit ng Diyos at isabuhay ang isang makahulugang buhay, o ikaw ay nakahandang isabuhay ang isang walang kabuluhan at hungkag na buhay? Nakahanda ka bang kasangkapanin ng Diyos, o pagsamantalahan ni Satanas? Nakahanda ka bang hayaang puspusin ka ng mga salita at katotohanan ng Diyos, o hayaang puspusin ka ng kasalanan at ni Satanas? Isaalang-alang at timbanging mabuti. Sa iyong araw-araw na pamumuhay, dapat mong maunawaan yaong mga salitang sinasabi mo at yaong mga bagay na iyong ginagawa na magiging dahilan upang maging abnormal ang iyong kaugnayan sa Diyos, pagkatapos ay ituwid ang iyong sarili at pumasok sa wastong paraan. Siyasatin ang iyong mga salita, ang iyong mga pagkilos, ang bawat isang hakbang mo, at ang iyong mga saloobin at mga ideya sa lahat ng pagkakataon. Unawain ang iyong tunay na kalagayan at pumasok sa landas ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa ganitong paraan ka lamang magkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagtimbang kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, magagawa mong maituwid ang iyong mga layunin, mauunawaan ang kalikasan at diwa ng tao, at tunay na mauunawaan ang sarili mo; sa pamamagitan nito, magagawa mong makapasok sa totoong mga karanasan, tunay na talikdan ang sarili mo, at matamo ang pagnanais na magpasakop. Sa gayong mga pamamaraan kagaya kapag nararanasan mo kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal, magagawa mong makahanap ng mga pagkakataon na gawing perpekto ng Diyos, magagawa mong maunawaan ang maraming sitwasyon kung saan ay gumagawa ang Banal na Espiritu, at magagawa mong malinaw na makita ang maraming panlilinlang at mga pakikipagsabwatan ni Satanas. Sa pamamagitan lamang ng ganitong paraan ka maaaring gawing perpekto ng Diyos. Ilagay mo sa tama ang iyong kaugnayan sa Diyos upang magpasakop ang sarili mo sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos. Ito ay upang makapasok ka nang mas malalim sa totoong mga karanasan, at makamit ang mas marami pang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag isinasagawa mo ang pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kadalasan, makakamit mo ito sa pamamagitan ng pagtalikod sa laman at sa pamamagitan ng iyong totoong pakikipagtulungan sa Diyos. Dapat mong maunawaan na “kung wala ang isang nakikipagtulungang puso, mahirap tanggapin ang gawain ng Diyos; kung ang laman ay hindi nagdaranas ng mga kahirapan, walang mga pagpapala mula sa Diyos; kung ang espiritu ay hindi nagpupunyagi, si Satanas ay hindi mahihiya.” Kung ikaw ay nagsasagawa at malinaw na nauunawaan ang mga prinsipyong ito, ang iyong mga pananaw sa paniniwala sa Diyos ay ilalagay sa tama. Sa inyong kasalukuyang mga pagsasagawa, dapat ninyong alisin ang pananaw na “paghahangad ng tinapay upang maibsan ang gutom,” dapat ninyong alisin ang pananaw na “ang lahat ay ginagawa ng Banal na Espiritu at hindi kayang makialam ang mga tao.” Iniisip ng lahat ng taong nagsasalita nang ganito, “Magagawa ng mga tao kung anuman ang makakakaya nilang gawin, at pagdating ng panahon gagawa ang Banal na Espiritu at hindi na kailangan ng mga tao na mapagtagumpayan ang laman, hindi na nila kailangang makipagtulungan, at kailangan lamang nila ang Banal na Espirtu para kilusan sila.” Ang mga pananaw na ito ay kakatwang lahat. Sa ilalim ng mga pangyayaring ito, hindi nagagawang gumawa ng Banal na Espiritu. Ito ang uri ng pananaw na nagiging isang malaking hadlang sa gawain ng Banal na Espiritu. Sa madalas na mga pagkakataon, ang gawain ng Banal na Espiritu ay natatamo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga tao. Kung hindi nakikipagtulungan ang mga tao at walang kapasyahan, at nagnanais na baguhin ang disposisyon nila, makamit ang gawain ng Banal na Espiritu, at makamit ang kaliwanagan at pagpapalinaw mula sa Diyos, ang lahat ng ito ay pawang malabis na kaisipan. Ito ay tinatawag na “pagpapalugod sa sarili at pagpapatawad kay Satanas.” Ang mga taong kagaya nito ay hindi nagtataglay ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Natagpuan mo ang maraming pagpapakita ni Satanas sa sarili mo, at sa iyong nakaraang mga pagkilos, napakaraming bagay ang sumalungat sa mga kasalukuyang kinakailangan ng Diyos. Nagagawa mo na bang talikdan ang mga ito ngayon? Kamtin ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, gumawa alinsunod sa mga layunin ng Diyos, maging isang bagong tao at magkaroon ng isang bagong buhay, huwag magbalik-tanaw sa dating mga paglabag, huwag masyadong magdalamhati, manindigan at makipagtulungan sa Diyos, at tuparin ang mga tungkulin na dapat mong gampanan. Sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.
Kung tatanggapin mo ang mga salitang ito nang pasalita lamang pagkatapos basahin ang mga ito nguni’t hindi naantig ang iyong puso, at hindi ka seryoso tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon pinatutunayan nito na hindi ka naglalakip ng halaga sa iyong kaugnayan sa Diyos, ang iyong mga pananaw ay hindi pa naitatama, ang iyong mga layunin ay hindi pa rin nakadirekta sa pagpapahintulot sa Diyos na kamtin ka, at pagpapahintulot sa kaluwalhatian ng Diyos, ngunit sa halip ay nakadirekta sa pagpapahintulot sa mga pakikipagsabwatan ni Satanas na manaig at para sa pagkakamit ng iyong personal na mga layunin. Ang ganitong uri ng tao ay mayroong hindi tamang mga layunin at mga pananaw. Anuman ang sinabi ng Diyos o kung paano ito sinabi, sila ay walang interes at walang makikitang pagbabago. Hindi nakadarama ng anumang takot ang kanilang mga puso at hindi sila nahihiya. Ang ganitong uri ng tao ay isang nalilitong tao na walang espiritu. Sa bawat pagbigkas ng Diyos, pagkatapos mo itong mabasa at nagtamo ka ng pagkaunawa, dapat mo itong isagawa. Paano ka man dating nagsasagawa—marahil noong nakaraan ang iyong laman ay mahina, ikaw ay mapanghimagsik, at ikaw ay lumaban—ito ay hindi isang malaking bagay, at hindi nito mahahadlangan ang iyong buhay mula sa paglago sa kasalukuyan. Hangga’t nagagawa mong magkaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos sa kasalukuyan, mayroong pag-asa. Kung sa bawat pagkakataon na binabasa mo ang mga salita ng Diyos, nagkakaroon ka ng mga pagbabago at hinahayaan ang mga taong makita na ang iyong buhay ay nagbago para sa ikabubuti, ipinakikita nito na mayroon kang isang normal na kaugnayan sa Diyos at na ito ay inilagay sa tama. Hindi trinatrato ng Diyos ang mga tao batay sa kanilang mga paglabag. Hangga’t nagagawa mong huwag muling maghimagsik at huwag muling lumaban pagkatapos mong makaunawa at mayroon kang kamalayan, kung gayon ang Diyos ay magkakaroon pa rin ng habag sa iyo. Kung taglay mo ang pagkaunawang ito at ang kahandaan na hangarin ang magawang perpekto ng Diyos, kung gayon ang iyong kalagayan sa presensiya ng Diyos ay magiging normal. Maging anuman ang iyong gagawin, isaalang-alang mo: Ano ang iisipin ng Diyos kapag ginawa ko ito? Makikinabang ba rito ang mga kapatid? Magiging kapaki-pakinabang ba ito sa gawain ng tahanan ng Diyos? Siyasatin ang iyong mga layunin sa panalangin, pagbabahagi, pananalita, gawain, at pakikisalamuha sa mga tao, at siyasatin kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal o hindi. Kung hindi mo mapagkaiba ang iyong mga layunin at mga saloobin, kung gayon ay wala kang pagtatangi, na nagpapatunay na kakaunti lamang ang iyong nauunawaan sa katotohanan. Kung nagagawa mong magkaroon ng isang malinaw na pagkaunawa sa lahat ng ginagawa ng Diyos, tingnan ang mga bagay alinsunod sa salita ng Diyos at tingnan ang mga bagay sa pamamagitan ng pagtayo sa panig ng Diyos, kung gayon ang iyong mga pananaw ay magiging tama. Samakatuwid, ang magtatag ng isang mabuting kaugnayan sa Diyos ay isang pinakapangunahin para sa bawat isang naniniwala sa Diyos; dapat itong tratuhin ng bawat isa bilang siyang pinakamahalagang gawain at bilang kanilang pinakamalaking pangyayari sa buhay. Ang lahat ng iyong ginagawa ay dapat timbangin laban sa kung ikaw ay mayroong normal na kaugnayan sa Diyos o wala. Kung ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal at ang iyong mga layunin ay tama, gawin ito kung gayon. Upang mapanatili ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, hindi ka maaaring matakot na maiwala ang personal na mga pakinabang, hindi mo maaaring tulutan si Satanas na manaig, hindi mo maaaring tulutan si Satanas na makahanap ng anuman laban sa iyo, at hindi mo maaaring tulutan si Satanas na gawin kang katatawanan. Ang gayong layunin ay isang pagpapakita na ang iyong kaugnayan sa Diyos ay normal. Hindi ito para sa laman, kundi para sa kapayapaan ng espiritu, ito ay para sa pagkakamit sa gawain ng Banal na Espiritu at para sa pagpapalugod sa kalooban ng Diyos. Kung ikaw ay papasok sa isang tamang kalagayan, dapat mong maitatag ang isang mabuting kaugnayan sa Diyos, dapat mong ilagay sa tama ang iyong pananaw ukol sa paniniwala sa Diyos. Ito ay upang tulutan ang Diyos na ikaw ay makamit, upang tulutan ang Diyos na ibunyag ang mga bunga ng Kanyang mga salita sa iyo, at upang lalo ka pang liwanagan at paliwanagin. Sa ganitong paraan ikaw ay makapapasok sa tamang paraan. Patuloy na kumain at uminom sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, pumasok sa kasalukuyang paraan ng gawain ng Banal na Espiritu, gumawa alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, huwag sundin ang makalumang mga pagsasagawa, huwag manghawak sa dating mga paraan sa paggawa ng mga bagay, at mabilis na pumasok sa paraan ng gawain sa kasalukuyan. Sa ganitong paraan ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging ganap na normal at papasok ka sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos.
Mar 30, 2020
Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo
Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo
Katulad ng daan-daang milyong ibang mga sumusunod sa Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at tayo rin madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa mga aral ng Panginoon. Hindi na kailangang sabihin, kung gayon, na tayo rin sa ating mga sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhati Niyang pagbaba, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat na gaya ng inihula sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumarating, at may dalang sakuna, ginagantimpalaan Niya ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama, kinukuha ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tinatanggap ang Kanyang pagbalik upang Siya ay salubungin sa himpapawid. Tuwing ito’y ating naiisip, hindi natin mapipigilang manaig ang ating damdamin at mapuno ng pagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakakaranas ng pag-uusig, nakukuha naman natin bilang kapalit ang “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.” Kay laking pagpapala! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay nagpapanatili sa atin sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang masigasig. Maaaring sa susunod na taon, maaaring bukas, at muli, maaaring sa loob ng panahong mas maikli kaysa sa maiisip ng tao, ang Panginoon ay biglaang bababa, nagpapakita sa gitna ng isang kalipunan ng mga taong sabik na naghihintay sa Kanya. Tayo ay nag-uunahan, walang nagnanais na maiwan, lahat ay sa layuning maging nasa unang kalipunan na makamasid sa pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang dinadala sa alapaap. Naibigay na natin ang lahat, hindi alintana ang kalalabasan, para sa pagdating ng araw na ito. Ang ilan ay isinusuko ang kanilang mga trabaho, ang ilan ay iniiwan ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay tinatalikuran ang kanilang mga buhay may-asawa, at ang ilan ay ipinamimigay pa ang kanilang mga inipon. Anong walang-pag-iimbot na debosyon! Ang gayong sinseridad at katapatan ay tiyak na lampas pa kahit sa mga banal ng nakalipas na panahon! Habang ang Panginoon ay nagkakaloob ng biyaya sa kaninumang Kanyang naisin, at nahahabag sa kaninumang Kanyang naisin, ang ating debosyon at pagpapagal, tayo ay naniniwala, ay matagal na ring nakita ng Kanyang mga mata. Gayundin, ang ating taos-pusong mga panalangin ay nakaabot na rin sa Kanyang mga tainga, at tayo ay nagtitiwala na tayo ay gagantimpalaan ng Panginoon dahil sa ating debosyon. Bukod doon, ang Diyos ay nagmagandang-loob na sa atin bago pa man Niya nilikha ang mundo, at walang sinuman ang makapag-aalis ng mga pagpapala at pangako ng Diyos sa atin. Tayong lahat ay nagpaplano para sa hinaharap, at ang ating debosyon at pagpapagal ay kusa nating nailaan na bilang puhunang kapalit ng pagdadala sa pagsalubong sa Panginoon sa himpapawid. Higit pa rito, wala ni katiting na pag-aatubili, nailagay na natin ang ating sarili sa trono ng hinaharap, upang pamunuan ang lahat ng bansa at mga tao, o mamuno bilang mga hari. Ang lahat ng ito ay inaari nating nariyan na, o isang bagay na maaasahan.
Mar 29, 2020
Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! "
Tagalog Christian Movie "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! " Clip 5 - Ang Pagtanggap Lamang sa Bagong Pangalan ng Diyos ang Pagsunod sa mga Yapak ng Kordero
Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng relihiyon sa mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng lahat ng tao at na ang tao ay tinubos mula sa kasalanan. Ipinapangaral nila na, kung lalayo ang isang tao sa Panginoong Jesus at naniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ito ay katumbas ng pagtataksil sa Panginoong Jesus at apostasiya. Ganito ba talaga ang nangyayari? Noong dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi ba't ang mga umalis sa templo at sumunod sa Panginoong Jesus ay kinondena rin ng mga Fariseong Judio sa ganitong paraan bilang pagtataksil sa Diyos na Jehova? Kung gayon, ang pagtanggap ba sa bagong gawain ng Diyos ay pag- apostasiya at pagtataksil sa Diyos? O pagsunod ito sa mga yapak ng Cordero at pagkakamit ng kaligtasan ng Diyos? Sama-sama nating aalamin ang mga bagay na ito sa maikling video na ito.
————————————————————————
Rekomendasyon: Ano ang pananampalataya sa Diyos
————————————————————————
Rekomendasyon: Ano ang pananampalataya sa Diyos
Mar 28, 2020
Ang Diyos ay ang Panginoon ng Buong Sangnilikha
Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang mga kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa alinmang yugto ng gawaing ito ang umalis sa Israel; ang mga iyon ay ang mga yugto ng gawain na isinakatuparan sa gitna ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng pagpapapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang iba pang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na nagtutubos sa mga Amerikano, kundi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos.
Peb 25, 2020
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mga Klasikong Salita tungkol Pagpasok sa Realidad ng Katotohanan
Mga aklat ng ebanghelyo | Mga Klasikong Salita tungkol Pagpasok sa Realidad ng Katotohanan
(II) Mga Salita tungkol sa Pagdarasal at Pagsamba sa Diyos
11. Ang panalangin ay hindi isang uri ng ritwal; ito ay isang tunay na pagniniig sa pagitan ng mga tao at ng Diyos, at may malalim na kabuluhan. Ano ang nakikita natin sa mga panalangin ng mga tao? Nakikita natin na direkta silang naglilingkod sa Diyos.
Dis 4, 2019
Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?
Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang napagdaanang kahirapan; o marahil hindi ka napasailalim sa kahirapan at sa halip nakatanggap na ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang pinaka-karaniwan. Sa kabila nito, tagasunod ka pa rin ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagbabahagi tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya.
Okt 27, 2019
Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan
Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at pinagpala ang buhay pampamilya namin. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Dapat makatagpo ako ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos at dapat maitaguyod ko ang isang napakaligaya at mapalad na pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ko hinahangad ang mga kayamanan, kailangan ko lamang magkaroon ng isang mapagmahal na relasyon sa aking asawa at isang mapayapang buhay pampamilya.
Ago 27, 2019
Mga Pagsasalaysay | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawang tiwali na ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya nagawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, nagawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may laman at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang kanyang sarili sa laman.”
Ago 18, 2019
Tagalog chorus music video | "Ang Diyos ay ang simula at ang wakas" | God Is the Everlasting God
Ang Diyos ay ang Simula,
Ang Diyos ay ang Simula,
Ang Diyos ay ang Simula,
at ang Wakas,
at ang Wakas,
at ang Wakas.
Ang Diyos ay ang Tagahasik,
Ang Diyos ay ang Tagahasik,
Ang Diyos ay ang Tagahasik,
at ang Tagaani (ang Tagaani).
Ang Diyos ay ang Simula at ang Wakas; ang Diyos ay ang Tagahasik at ang Tagaani.
Ang Diyos ay ang Simula at ang Wakas; ang Diyos ay ang Tagahasik at ang Tagaani.
Ang Diyos ay ang Simula at ang Wakas; ang Diyos ay ang Tagahasik at ang Tagaani.
Hun 24, 2019
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos
Binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa iba’t-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, bumibigkas Siya ng iba’t-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o nag-uulit ng parehong gawain, o nangungulila para sa mga bagay ng nakaraan; Siya ay isang Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawa’t araw ay bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod doon sa dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao.
Hun 21, 2019
Mga Pagsasalaysay|Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas
Mga Pagsasalaysay|Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Tumatayo Ako sa ibabaw ng sansinukob sa bawa’t araw, nagmamasid, at mapagpakumbabang itinatago ang Aking Sarili sa Aking dakong tahanan upang maranasan ang pantaong buhay, maiging pinag-aaralan ang bawat gawa ng tao. Kailanma’y walang sinumang tunay na naghandog ng kanyang sarili sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang nagsikap na matamo ang katotohanan. Wala kahit isa ang kailanma’y naging napakaingat para sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang gumawa ng mga pagpapasya sa harap Ko at nanatili sa kanyang tungkulin.
Hun 18, 2019
Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos|Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos
Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan.
Hun 6, 2019
Pag-bigkas ng Diyos|Apendise: Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo
Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon.
Hun 3, 2019
Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos| "Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos"
Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos| "Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaniyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kaniyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang masamang disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan.
May 31, 2019
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Matatamo ng Diyos
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawa’t araw, pataas nang pataas sa bawa’t hakbang; ang pagbubunyag bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi nakakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan.
May 30, 2019
Tagalog Christian Movies|"Sino Siya na Nagbalik" Clip 6 - Tanging ang Salita ng Diyos ang Makapagbibigay ng Buhay sa Tao
Tagalog Christian Movies|"Sino Siya na Nagbalik" Clip 6 - Tanging ang Salita ng Diyos ang Makapagbibigay ng Buhay sa Tao
Maraming tao ang naniwala sa Diyos sa loob ng isang libong taon, ngunit napakakaunti ang nakaintindi kung ano ang katotohanan, at mas kaunti pa ang nakaintindi kung bakit nagagawa ng katotohanan na maging mga buhay natin, at kung ano eksakto ang maaaring resulta nito. Samakatuwid, maraming tao ang naniniwala sa Diyos ngunit hindi hinahanap ang katotohanan at, bagama’t naniwala sila sa Diyos nang maraming taon, hindi pa sumailalim sa kahit anong pagbabago ang kanilang mga disposisyon sa buhay. Tatalakayin ng maikling pelikulang ito kung bakit tanging ang salita ng Diyos ang katotohanan, at kung bakit tanging ang katotohanan ang maaaring maging ating buhay na walang hanggan.
Magrekomenda nang higit pa:ang panginoon ay darating
Magrekomenda nang higit pa:ang panginoon ay darating
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)