Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkaunawa sa Buhay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagkaunawa sa Buhay. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 29, 2019

Nang Nasa Bingit ng Kamatayan, Dumating ang Kamay ng Diyos upang Magligtas




Kahanga-hangang Kaligtasan  - Nang Nasa Bingit ng Kamatayan, Dumating ang Kamay ng Diyos upang Magligtas


Ling Wu, Japan

“Kung ‘di ako iniligtas ng D’yos, palaboy pa hanggang ngayon, naghihirap, nagkakasala; bawa’t araw walang pag-asa. Kung ‘di ako ‘niligtas ng D’yos, niyuyurakan pa rin ng d’yablo, gapos ng sala’t ng layaw, mangmang sa daratnan ng buhay ko. Kung ‘di iniligtas ng D’yos, wala akong pagpapala ngayon, lalong ‘di batid, ba’t dapat mabuhay o kabuluhan ng ating buhay. Kung ‘di iniligtas ng D’yos, litó pa rin sa kaligtasan, nakátánglâ sa kawalan, hindi alam sinong aasahan. Sa wakas aking naunawaan, kamay ng D’yos ako’y tangan. Di na ko aalis, ‘di maliligaw, lalagi sa ningning na daan”

Okt 27, 2019

Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan


Zhang Hua, Cambodia


Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at pinagpala ang buhay pampamilya namin. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Dapat makatagpo ako ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos at dapat maitaguyod ko ang isang napakaligaya at mapalad na pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ko hinahangad ang mga kayamanan, kailangan ko lamang magkaroon ng isang mapagmahal na relasyon sa aking asawa at isang mapayapang buhay pampamilya.

Ago 10, 2019

Propesyon at Pinagtatrabahuhan | Ang Maging Isang Matapat na Tao ay Tunay na Dakila!

Propesyon at Pinagtatrabahuhan | Ang Maging Isang Matapat na Tao ay Tunay na Dakila!

Wu Ming, China
Isang araw noong 2004 sinabi sa akin ng isang kaibigan: “Bawat araw gumigising ka nang maaga at buong araw na abala sa paggupit ng tela, pinapagod mo ang sarili mo, ngunit hindi ka pa rin kumikita ng pera. Ang lipunan sa panahong ito ay umaasa sa dila para kumita ng pera, gaya ng sinasabi ng kilalang kasabihan: ‘Mas maigi ang magkaroon ng matatas na dila kaysa magkaroon ng malalakas na mga braso at binti.’ Alam mo na ako ngayon ay nasa negosyong direct sales na nagbebenta ng mga makeup na produkto, hindi lang ako napapaganda nito, hindi ko rin kailangan magpakapagod bawat araw, kailangan ko lang magsalita nang kaunti sa aking mga mamimili at ibenta ang aking mga produkto para kumita ng maraming pera. Bakit hindi ka magpalit ng trabaho at dito ka magtinda ng mga makeup na produkto kasama ko?” Tinignan ko ang aking kaibigan, talagang mas maganda siya kaysa dati, at naisip ko din kung paano ako naging mananahi sa higit 10 taon,paanong hindi talaga ako kumita ng pera, at paanong hindi na ako bumabata.