Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gawa ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gawa ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 19, 2019

Tagalog Christian Song - "Nadala na ng Diyos ang Tao sa Bagong Panahon"




Tagalog Christian Songs - "Nadala na ng Diyos ang Tao sa Bagong Panahon"



I

Ipinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain

sa mga bayang gentil.

Ang Kanyang kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob.

Ang Kanyang kalooban,

na nakapaloob sa nakakalat na mga tao,

lahat ay pinakikilos ng Kanyang kamay,

ginagawa ang mga inatas na tungkulin.

Dis 16, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Nagniningning ang Kaluwalhatian ng Diyos mula sa Silangan




Nagniningning ang Kaluwalhatian ng Diyos mula sa Silangan


I
Pag pumapasok na ang Diyos sa bagong langit, lupa,

no'n Niya ihahayag ang isa pang

bahagi ng Kanyang kaluwalhatian.

Ipakikita muna Niya iyon sa lupain ng Canaan,

at kumislap ang liwanag sa madilim na kalupaan.

Okt 30, 2019

Tagalog Christian Song | "Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan"



Tagalog Christian Song - "Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan"


Maging sa pagpapakita ng pagkamatuwid N'ya,

kamahalan N'ya o poot,

isinasagawa ng D'yos ang pamamahala N'ya't

inililigtas ang tao dahil sa pag-ibig N'ya.

Gaano kalaking pag-ibig? Ila'y nagtanong.

Hindi ito konting pag-ibig,

isangdaang pors'yento pag-ibig ng D'yos.

Okt 29, 2019

Nang Nasa Bingit ng Kamatayan, Dumating ang Kamay ng Diyos upang Magligtas




Kahanga-hangang Kaligtasan  - Nang Nasa Bingit ng Kamatayan, Dumating ang Kamay ng Diyos upang Magligtas


Ling Wu, Japan

“Kung ‘di ako iniligtas ng D’yos, palaboy pa hanggang ngayon, naghihirap, nagkakasala; bawa’t araw walang pag-asa. Kung ‘di ako ‘niligtas ng D’yos, niyuyurakan pa rin ng d’yablo, gapos ng sala’t ng layaw, mangmang sa daratnan ng buhay ko. Kung ‘di iniligtas ng D’yos, wala akong pagpapala ngayon, lalong ‘di batid, ba’t dapat mabuhay o kabuluhan ng ating buhay. Kung ‘di iniligtas ng D’yos, litó pa rin sa kaligtasan, nakátánglâ sa kawalan, hindi alam sinong aasahan. Sa wakas aking naunawaan, kamay ng D’yos ako’y tangan. Di na ko aalis, ‘di maliligaw, lalagi sa ningning na daan”

Okt 23, 2019

Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala



Tagalog Christian Songs-Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala
 

I
Mapalad ang mga yaong kayang sumunod
ang kasalukuyang mga pagbigkas ng Espiritu Santo.
Paano man sila dati, paano ang Espiritu Santo,
paano Siya gumawa dati sa loob nila,
yaong nakakamit ang pinakabagong gawain
ang mga pinaka-mapalad.
Ngayon, yaong 'di kayang sumunod
sa pinakabagong gawain ay aalisin.

Okt 21, 2019

Ang Paghatol ay Nagsimula sa Pamilya ng Diyos


Ang Paghatol ay Nagsimula sa Pamilya ng 

Aishen, Amerika

Ako ay isang Kristiyano. Nang una akong magsimulang maniwala sa Diyos, madalas akong makarinig ng mga sermon kung saan sinasabi ng mga tao, “Ang Panginoong Jesus ay ang Ating Manunubos. Siya ay ipinako sa krus para sa ating mga kasalanan. Si Jesus ay mahabagin at mapagmahal. Hangga’t lumalapit tayo nang madalas sa harap ng Panginoon at ikinukumpisal ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng panalangin, ang ating mga kasalanan ay patatawarin at sa pagbabalik ng Panginoon, makapapasok tayo sa kaharian ng langit.”

Set 5, 2019

Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"


Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya.

Hun 22, 2019

Ang Himno ng Salita ng Diyos Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos


Ang Himno ng Salita ng Diyos
Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos

I
Ang pagpapakita ng Diyos ay nangangahulugang 
Siya'y gumagawa sa lupa sa Kanyang sarili. 
Taglay ang Kanyang pagkakilanlan, disposisyon at sa sarili Niyang paraan,
sa tao Siya’y bumaba upang simulan at tapusin ang isang kapanahunan.
Ang pagpapakita Niya’y di larawan o tanda at hindi ito seremonya.
Hindi ito himala o dakilang pangitain.
Hindi ito prosesong pangrelihiyon.

Hun 18, 2019

Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos|Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos

Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan.

May 17, 2019

Tagalog Christian Song | Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan


Tagalog Christian Song | Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan
I
Ang mga huling araw 'di tulad ng Kapanahunan ng Biyaya't
Kapanahunan ng Kautusan.
Ang gawain sa huling araw ay hindi ginagawa sa Israel,
kundi sa mga Hentil.
Ito'y pagsakop ng lahat ng bansa sa harap ng trono ng Diyos.
L'walhati ng Diyos pupunuin ang kalawakan.

May 8, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ang Landas... (8)

Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan, nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba.

May 2, 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos|Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso

Ang grupo ng mga tao na gustong makamit ng Diyos ay yaong nagsisikap na makipagtulungan sa Diyos, na magagawang sundin ang Kanyang gawain, at naniniwala na ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay totoo, na magagawang isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos. Sila yaong mga mayroong tunay na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Sila yaong maaaring gawing perpekto, at sila yaong walang pagsalang lalakaran ang landas ng pagiging perpekto.

Abr 21, 2019

43. Saan ibinabatay ng Diyos ang Kanyang konklusyon tungkol sa katapusan ng isang tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ngayon na ang oras upang pagpasyahan ang pagtatapos ng bawat tao, hindi ang yugto kung saan sinimulan Kong gawin ang tao. Sinusulat ko sa Aking libro ang mga salita at gawa ng bawat tao, maging ang kanilang landas bilang Aking mga tagasunod, likas na karakter, at huling pagganap. Sa paraang ito, walang uri ng tao ang makatatakas sa Aking mga kamay at ang lahat ay mapupunta sa kanilang mga ka-uri kapag Ako ay nagtakda. Ako ang magpapasya sa magiging hantungan ng bawat tao, hindi base sa edad, mataas na katungkulan, laki ng paghihirap, at lalong hindi ang antas ng kahirapan; ngunit sa kung sila ay nagtataglay nang katotohanan. Wala ng iba pang pagpipilian kundi ito lamang. Dapat mapagtanto ninyo na ang lahat ng hindi susunod sa kalooban ng Diyos ay maparurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan.

Abr 14, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Tungkol sa mga Hakbang ng Gawain ng Diyos

Mula sa labas, tila natapos na ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa kasalukuyang yugtong ito, at parang naranasan na ng sangkatauhan ang paghatol, pagkastigo, paghampas, at pagpipino ng Kanyang mga salita, at tila sumailalim na sila sa mga hakbang kagaya ng pagsubok sa mga taga-serbisyo, ang pagpipino sa mga panahon ng pagkastigo, ang pagsubok ng kamatayan, ang pagsubok ng mga hambingan, at ang mga panahon ng[a] pag-ibig sa Diyos.

Abr 9, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Isang Pag-unawa ng Pagkakaligtas

Lin Qing    Lungsod ng Qingzhou, Lalawigan ng Shandong

Sa loob ng mga nakaraang ilang taon ng pagsunod sa Diyos, tinalikdan ko ang kasiyahan ng aking pamilya at ng laman, at ako ay okupado buong araw sa pagtutupad ng aking tungkulin sa iglesia. Kaya ako’y naniwala: Hangga't hindi ko pabayaan ang gawain sa iglesia na ipinagkatiwala sa akin, hindi ko pagtaksilan ang Diyos, hindi lumisan sa iglesia, at sundan ang Diyos hanggang sa dulo, ako ay patatawarin at ililigtas ng Diyos. Naniwala rin ako na ako ay tumatahak sa landas ng kaligtasan mula sa Diyos, at ang kailangan ko lamang gawin ay sundan Siya hanggang sa katapusan.

Abr 8, 2019

Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal” (Levitico 11:45).

“At ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).

“At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

Abr 2, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Gawain at Pagpasok (1)

Mula pa nang ang mga tao ay nagsimulang tumahak sa tamang landas ng buhay, sila ay nananatili nang hindi-malinaw tungkol sa maraming bagay. Sila ay ganap pa ring nalalabuan tungkol sa gawain ng Diyos, at tungkol sa maraming gawain na dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, sa pagkalihis ng kanilang karanasan at sa mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil hindi pa nadálá ng gawain ng Diyos ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, ang lahat ay hindi maliwanag tungkol sa karamihan ng espirituwal na mga bagay.

Mar 30, 2019

Tagalog Christian Movies|Clip 3 - Paano Malalaman ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao



Tagalog Christian Movies|"Sino Siya na Nagbalik" Clip 3 - Paano Malalaman ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao
Ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang isang ordinaryong tao para gumawa at iligtas ang tao, ngunit dahil hindi natin kilala ang Diyos na nagkatawang-tao, madalas nating itinuturing ang gawain ng Diyos bilang gawain ng tao. Paano natin masasabi ang pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao?

Mar 27, 2019

IV. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Relasyon ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Kanyang mga Pangalan

2. Ano ang relasyon ng bawat yugto ng gawain ng Diyos sa Kanyang pangalan?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15).

Mar 20, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos

Sa ngayon, hangarin ninyo na maging mga tao ng Diyos, at dapat simulan ang buong pagpasok sa tamang landas. Ang maging mga tao ng Diyos ay nangangahulugan ng pagpasok sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa kasalukuyan, opisyal na ninyong sinisimulan ang pagpasok sa pagsasanay ng kaharian, at ang inyong hinaharap na mga buhay ay titigil sa pagiging makupad at pabaya kagaya nang dati; ang gayong mga buhay ay walang kakayahan sa pagtatamo ng mga pamantayang kinakailangan ng Diyos. Kung hindi ka nakakadama ng anumang pagmamadali, kung gayon ay ipinapakita nito na wala kang pagnanais na paunlarin ang iyong sarili, na ang iyong paghahangad ay magulo at nalilito, at ikaw ay walang kakayahan na tuparin ang kalooban ng Diyos.