Hindi nauunawaan ng maraming tao kung bakit, yamang ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay tinatawag na Makapangyarihang Diyos kapag dumating Siya para isagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit hindi Siya patuloy na tatawaging ang Panginoong Jesus?
2. Ano ang relasyon ng bawat yugto ng gawain ng Diyos sa Kanyang pangalan?
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15).
Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at tinatawag ng bagong pangalan; paano Siya makakagawa ng parehong gawain sa iba’t ibang kapanahunan? Paano Siya makakakapit sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay kinuha para sa kapakanan ng gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit si Jehova at si Jesus ay iisa, gayunman tinatawag Sila sa magkaibang mga pangalan sa magkaibang mga kapanahunan?