Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Tatlong Yugto ng Gawain. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Tatlong Yugto ng Gawain. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 13, 2019

Bakit Tinataglay ng Diyos ang Pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


Hindi nauunawaan ng maraming tao kung bakit, yamang ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay tinatawag na Makapangyarihang Diyos kapag dumating Siya para isagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit hindi Siya patuloy na tatawaging ang Panginoong Jesus?

Okt 28, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita."

Mar 21, 2019

Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos|Ang Relasyon ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos.

Mar 4, 2019

II. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Pagliligtas ng Diyos sa Sangkatauhan

2. Pag-alam sa Layunin at Kahalagahan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga pantaong saligan ng gawain ni Jehova sa daigdig.