Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit?
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaligtasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaligtasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Dis 14, 2019
Okt 30, 2019
Tagalog Christian Song | "Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan"
Tagalog Christian Song - "Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan"
Maging sa pagpapakita ng pagkamatuwid N'ya,
kamahalan N'ya o poot,
isinasagawa ng D'yos ang pamamahala N'ya't
inililigtas ang tao dahil sa pag-ibig N'ya.
Gaano kalaking pag-ibig? Ila'y nagtanong.
Hindi ito konting pag-ibig,
isangdaang pors'yento pag-ibig ng D'yos.
Okt 28, 2019
Salita ng Buhay | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Ikalawang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita."
Okt 21, 2019
Ang Paghatol ay Nagsimula sa Pamilya ng Diyos
Ang Paghatol ay Nagsimula sa Pamilya ng
Aishen, Amerika
Ako ay isang Kristiyano. Nang una akong magsimulang maniwala sa Diyos, madalas akong makarinig ng mga sermon kung saan sinasabi ng mga tao, “Ang Panginoong Jesus ay ang Ating Manunubos. Siya ay ipinako sa krus para sa ating mga kasalanan. Si Jesus ay mahabagin at mapagmahal. Hangga’t lumalapit tayo nang madalas sa harap ng Panginoon at ikinukumpisal ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng panalangin, ang ating mga kasalanan ay patatawarin at sa pagbabalik ng Panginoon, makapapasok tayo sa kaharian ng langit.”
Set 10, 2019
Pananampalataya at Buhay | Paano Makakasundo ng Walang Modo, at Mayabang na Kabataang Tulad Ko ang Lola Ko?
An Qi
Ako si An Qi. Bago ang gulang na anim, nakatira ako sa bahay ng aking lola. Noong panahong iyon, ang aking lola ang nadama kong tao na pinakamalapit ako. Bawat araw tuwing pumapasok ako sa kindergarten, pinagpapasyahan ng aking lola kung aling mga damit ang aking susuotin at kung paano ko susuklayin ang aking buhok. Dama ko na ginawa ito ng aking lola nang buong galing. Unti-unti, lumaki ako at nagsimula kong masamain ang mga bagay na ginagawa ng aking lola. Nagsimula rin akong masamain ng lola. Sa bawat pagkakataon na pumunta ako sa kanyang bahay, pinagagalitan niya ako. Kung hindi niya ako kinagagalitan sa isang bagay, kinagagalitan niya akong sa ibang bagay. Labis akong naging balisa.
Ago 27, 2019
Mga Pagsasalaysay | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may laman at nagawang tiwali na ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya nagawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, nagawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may laman at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang kanyang sarili sa laman.”
Ago 2, 2019
Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos
Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain.
Hul 28, 2019
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung wala ang gawa ni Jesus, hindi makakababa ang sangkatauhan mula sa krus, nguni’t kung wala ang pagkakatawang-tao ngayon, yaong mga bumaba mula sa krus ay hindi ipagtatagubilin ng Diyos o makapapasok tungo sa bagong kapanahunan. Kung hindi dumating ang karaniwang taong ito, kung gayon hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataon o magiging karapat-dapat upang makita ang tunay na mukha ng Diyos, dahil lahat kayo ay matagal nang dapat na winasak. Dahil sa pagdating ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng habag. Sa kabila nito, ang mga salita na dapat Kong iwan sa inyo sa katapusan ay ang mga ito pa rin: Ang karaniwang taong ito, na Siyang Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na nagáwâ na ng Diyos sa gitna ng mga tao."
Hun 19, 2019
Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Ang Probinsyanang Nanay ay Nakatagpo ang Pang-siyudad na Manugang na Babae
Magkaibang Pananaw, Palagiang Mga Pagtatalo
Ako ay isang pangkaraniwang maybahay, isang mabuting asawa at mapagmahal na ina, inaalagaan kong mabuti ang aking asawa at mga anak, masipag at mapag-impok ako sa pagpapatakbo ng aking tahanan, at hindi ko kailanman ginastos nang basta-basta ang aking pera. Ngunit may isang bagay na hindi ko mailarawan ang nangyari sa akin. Ang aking anak ay nag-asawa ng isang pusturiyosong babae na talagang hilig ang magsaya at magbihis nang magara at sumunod sa mga uso sa sanlibutan.
Hun 14, 2019
Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Matapos Ang Pagtataksil ng Kanyang Asawa Sinagip Siya ng Diyos sa Dilim ng Kalungkutan
Gawa ni Ouyang Mo, Probinsya ng Hubei
Mabilis na tumatakbo ang panahon. Lumaki si Hong’er mula sa isang simpleng bata sa isang kaaya-ayang dalaga, at nagising ang kanyang umuusbong na interes sa pag-ibig. Hindi siya interesado sa yaman o estado, gusto niya lang ng isang relasyon kung saan, ano mang bagyo ang kanilang pagdaanan, may pag-ibig at pagmamahalan, magtutulungan sila sa oras ng pangangailangan, at tatanda silang magkasama. Tahimik niyang hinihintay ang pagdating ng sandaling ‘yon…
Hun 7, 2019
Paghatol sa mga Huling Araw|Talaga bang mapapahamak ang lahat ng hindi tatanggap sa Makapangyarihang Diyos?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang Aking paghatol ay ibinubunyag nang lubusan, nakatutok sa iba’t ibang tao, at sila ay dapat lahat magsiluklok sa kanilang tamang mga puwesto. Depende sa kung aling tuntunin ang nilabag, lalapatan at hahatulan Ko sila alinsunod sa tuntuning iyon. Samantalang yaong mga wala sa pangalang ito at hindi tumatanggap kay Cristo ng mga huling araw, mayroong isang tuntunin lamang: babawiin Ko agad ang espiritu, kaluluwa at katawan ng sinumang lumalaban sa Akin at itatapon sila sa Hades (impiyerno); sinuman ang hindi lumalaban sa Akin, maghihintay Ako sa inyo na gumulang bago isakatuparan ang isang pangalawang paghatol. Ipinaliliwanag lahat ng Aking mga salita nang buong linaw at walang itinatago. Nais Ko lamang na maisaisip ninyo ang mga ito sa lahat ng sandali!
May 31, 2019
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Matatamo ng Diyos
Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago bawa’t araw, pataas nang pataas sa bawa’t hakbang; ang pagbubunyag bukas ay mas mataas pa kaysa sa ngayon, isa-isang hakbang ay umaakyat nang lalo pang mataas. Ganyan ang gawain kung saan ay ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kung hindi nakakasabay ang tao, siya ay maaaring maiwan sa anumang sandali. Kung ang tao ay hindi nagtataglay ng masunuring puso, hindi siya makakasunod hanggang katapusan.
May 27, 2019
Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Nakakapagpalaya ang Pagtapon sa Kapangyarihan ni Satanas
Momo Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui
Bago ako naniwala sa Diyos, anuman ang ginagawa ko, hindi ko ginustong mapag-iwanan. Handa akong tanggapin ang anumang paghihirap hangga't nangangahulugan ito na maaari akong umangat kaysa kaninuman. Matapos kong tanggapin ang Diyos, nanatiling pareho ang aking saloobin, dahil matibay akong naniwala sa kasabihang, "Walang paghihirap, walang makakamtam," at nakita ko ang aking saloobin bilang patunay ng aking adhikain. Nang ibunyag ng Diyos ang katotohanan sa akin, sa wakas ay nalaman ko na ako ay nabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, nabubuhay sa ilalim ng kaharian nito.
May 26, 2019
Ilang tao ng relihiyon ang babalik sa Diyos sa mga panahon ng kalamidad?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob. Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking kaparusahan. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at gagawin silang bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay magiging bago—ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; ang hindi mabilang na mga bagay sa mundo ay magiging bago.
May 22, 2019
Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Ang Karanasan ng Isang Doktor sa Pagbabagong-anyo
Liu Jing
Nang ako ay bata pa, sa tuwing dinadala ako ng aking ina sa ospital upang patingin sa isang doktor at nakita ang lahat ng mga doktor at mga nars sa kanilang puting toga na nagmamadali sa paligid, madalas kong naiisip na mukha silang mga anghel na nakaputi. Puno ako ng paghanga para sa kanila, at nasanay akong isipin na: Kung maaari din akong maging anghel na nakaputi paglaki ko, napakagaling noon!
Bilang isang kabataan, ang aking mga grado sa paaralan ay talagang napakaganda at nagawa kong makapasa sa pang-unang pagsusulit para sa kolehiyong medikal, at hindi nagtagal ang aking taus-pusong pag-asam ay natupad nang ako ay ipinadala sa isang partikular na ospital sa siyudad upang simulan ang aking karera bilang isang doktor.
May 2, 2019
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos|Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso
Ang grupo ng mga tao na gustong makamit ng Diyos ay yaong nagsisikap na makipagtulungan sa Diyos, na magagawang sundin ang Kanyang gawain, at naniniwala na ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay totoo, na magagawang isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos. Sila yaong mga mayroong tunay na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Sila yaong maaaring gawing perpekto, at sila yaong walang pagsalang lalakaran ang landas ng pagiging perpekto.
Abr 27, 2019
Anong mga tao ang inililigtas ng Diyos? Anong mga tao ang Kanyang inaalis?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Silang nabibilang kay Satanas ay hindi nakakaintindi ng mga salita ng Diyos, at silang nabibilang sa Diyos ay naririnig ang tinig ng Diyos. Lahat silang nakakatanto at nakakaunawa ng mga salita na Aking binibigkas ay silang mga maliligtas, at magdadala ng patotoo sa Diyos; lahat silang hindi nakakaunawa ng mga salitang Aking binibigkas ay hindi makapagdadala ng patotoo sa Diyos, at sila ang siyang mga aalisin.
Abr 13, 2019
Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabintatlong Pagbigkas
Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabintatlong Pagbigkas
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung walang aktuwal na karanasan, hindi Ako kailanman makikilala ng isang tao, hindi niya kailanman magagawang makilala Ako sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ngunit ngayon, personal Akong naparito sa inyong kalagitnaan: Hindi ba nito padadaliin ang pagkilala ninyo sa Akin? Maaari kaya na hindi rin kaligtasan para sa inyo ang Aking pagkakatawang-tao?
Abr 9, 2019
Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Isang Pag-unawa ng Pagkakaligtas
Lin Qing Lungsod ng Qingzhou, Lalawigan ng Shandong
Sa loob ng mga nakaraang ilang taon ng pagsunod sa Diyos, tinalikdan ko ang kasiyahan ng aking pamilya at ng laman, at ako ay okupado buong araw sa pagtutupad ng aking tungkulin sa iglesia. Kaya ako’y naniwala: Hangga't hindi ko pabayaan ang gawain sa iglesia na ipinagkatiwala sa akin, hindi ko pagtaksilan ang Diyos, hindi lumisan sa iglesia, at sundan ang Diyos hanggang sa dulo, ako ay patatawarin at ililigtas ng Diyos. Naniwala rin ako na ako ay tumatahak sa landas ng kaligtasan mula sa Diyos, at ang kailangan ko lamang gawin ay sundan Siya hanggang sa katapusan.
Mar 19, 2019
Kabanata 1 Dapat Mong Malaman na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Lumikha ng Kalangitan at ng Lupa at Lahat nang nasa Mga Yaon
3. Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’s naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)