Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-ibig ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-ibig ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Okt 30, 2019

Tagalog Christian Song | "Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan"



Tagalog Christian Song - "Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan"


Maging sa pagpapakita ng pagkamatuwid N'ya,

kamahalan N'ya o poot,

isinasagawa ng D'yos ang pamamahala N'ya't

inililigtas ang tao dahil sa pag-ibig N'ya.

Gaano kalaking pag-ibig? Ila'y nagtanong.

Hindi ito konting pag-ibig,

isangdaang pors'yento pag-ibig ng D'yos.

Set 7, 2019

Tagalog Christian Video | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me



Tagalog Christian Video | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me
Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay. Matapos niyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, natagpuan niya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng buhay ng tao at, puno ng kaligayahan, sinundan niya ang Diyos at tinupad ang kanyang mga tungkulin. Pero, dahil kontrolado ng katanyagan at katayuan ang kanyang puso, madalas siyang kumilos ayon sa kanyang sariling mga ideya sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin, at wala siyang katwiran at naging diktador.

May 14, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Ang Landas… (2)

Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may bahagyang balangkas ng pagkakasunud-sunod, mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, nguni’t lagi Kong nadarama na mas mabuting magkaroon ng pag-aalaala o isang munting kabuuan para sa ating mga kapatirang lalaki at babae. Ginagamit Ko lamang ang pagkakataong ito upang sabihin nang bahagya kung ano ang nasa Aking puso; Hindi Ako nagsasalita tungkol sa anuman sa labas ng gawaing ito.

Abr 20, 2019

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay|Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?

Siqiu Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang

Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwat ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ang mga hadlang sa buhay, at ang pag-abandona ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o tinitiis ang anumang ibang mga kasawian sa buhay, sa gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mar 16, 2019

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo|Ang Gawain ng Diyos ay Napakarunong!

Shiji Ma’anshan City, Anhui Province

Noong panahon na nagtatrabaho ako bilang isang pinuno sa iglesia, madalas na nagbabahagi ang aking pinuno ng mga halimbawa ng mga pagkabigo ng iba para magsilbing aral sa amin. Halimbawa: Sinasabi lamang ng ilang pinuno ang mga sulat at doktrina ngunit nabigo silang banggitin ang kanilang sariling katiwalian o pakikipag-niig kaugnay ng kanilang pag-unawa kung paano nalalapat ang katotohanan sa tunay na buhay. Bilang resulta, ang ganoong mga pinuno ay madalas na hindi epektibo sa kanilang maraming taon sa serbisyo at sila pa ang gumagawa ng masama at tumututol sa Diyos. Ang ilang mga pinuno ay nagpapasikat, iniaangat ang kanilang mga sarili at sumasaksi para sa kanilang mga sarili upang protektahan ang kanilang estado. Sa bandang huli, ang ganoong mga lider ay siyang magiging mga anti-kristo, dala-dala ang kanilang nakabababa sa kanila sa hayagang pagkikipagkompitensya sa Diyos.

Mar 12, 2019

Tagalog Christian Song | "Ang Inaasahan ng Diyos sa Sangkatauhan ay Hindi Kailanman Nagbago"


Tagalog Christian Song | "Ang Inaasahan ng Diyos sa Sangkatauhan ay Hindi Kailanman Nagbago"
I
Mula nang nilikha Niya ang tao sa simula,
naghangad ang Diyos ng 'sang grupo,
'sang grupo ng mga mananagumpay,
'sang grupo na lalakad kasama Niya at kayang umintindi,
umunawa, makaalam ng Kanyang disposisyon.
'Di alintana kung gaano pa Siya katagal maghintay,
'di alintana kung gaano kahirap ang daang haharapin,
gaano man kalayo ang mga hinahangad Niyang layunin,
'di nagbago o sumuko ang Diyos sa mga inaasahan Niya sa tao.

Ene 21, 2019

Tagalog Christian Praise Song | "Mahal Ko, Pakihintay Ako" | Praise the Love of God Wholeheartedly


Tagalog Christian Praise Song | "Mahal Ko, Pakihintay Ako" | Praise the Love of God Wholeheartedly

I
Sa ibabaw ng mga puno, umaakyat sa payapang buwan. 
Bilang mahal ko, marikit at maganda.
O mahal ko, nasaan Ka? 
Ngayon ako'y lumuluha. Naririnig Mo ba akong umiiyak?
Ikaw ang Siyang sa aki'y nagmamahal.
Ikaw ang Siyang sa aki'y kumakalinga.
Ikaw ang Siyang sa aki'y nag-iisip lagi.
Ikaw ang Siyang nagpapahalaga sa aking buhay.
Buwan, balik sa kabilang panig ng papawirin. 
Huwag mong paghintayin ang mahal ko nang matagal.
Pakisabi sa Kanya na nangungulila ako sa Kanya.
Huwag kalimutang dalhin ang aking pagmamahal,
dalhin ang aking pagmamahal.

Ene 18, 2019

Tagalog Christian Songs | "Tinunaw ng Pag-ibig ng Diyos ang Aking Puso"


Tagalog Christian Songs | "Tinunaw ng Pag-ibig ng Diyos ang Aking Puso"

Naririnig ko ang Iyong mabait na tawag,
bumabalik ako sa Iyong harapan.
Sa Iyong mga salita naliliwanagan,
nakikita ko ang aking katiwalian.
I
Madalas akong malamig sa Iyo, sinaktan at pinalungkot Ka,
matigas ang puso, nagrebelde, iniwan Kang mag-isa.
Bakit ang Iyong pagmamahal sa tao ay nasuklian ng sakit?
Napopoot ako sa aking matigas na puso
at malalim na kasamaan.
Marumi, hindi karapat-dapat na makita Ka,
ng Iyong pagmamahal.
Ako'y isang mapanghimagsik na tao,
paano ko malalaman ang Iyong puso,
makita ang Iyong pagmamahal?
Ang Iyong pag-ibig ay totoong tunay,
malaki ang utang na loob ko sa'Yo.

Ene 16, 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay|Sinong Nakakaalam ng Puso ng Diyos na Tulad ng Isang Ina?

Qingxin….Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan

Dati akong may tila nakakatawang pagkakaunawa tungkol sa aspeto ng katotohanan na ang “Diyos ay matuwid”. Akala ko na hangga’t may naibubunyag na katiwalian ang isang tao sa kanilang trabaho o nagkakasala na nakakasira sa gawain ng iglesia, ang taong iyon ay haharap sa paghihiganti, o mawawalan ng tungkulin, o mapapasailalim sa kaparusahan. Iyon ang pagkamatuwid ng Diyos. Dahil dito sa aking maling pagkakaunawa, dinagdagan pa ng takot na mawalan ng tungkulin dahil sa mga nagagawang pagkakamali sa aking trabaho, may naisip akong “matalinong” paraan: Sa tuwing gagawa ako ng isang bagay na mali, sinisikap kong huwag munang ipaalam sa mga pinuno, at agad na sinusubukang bumawi sa sarili ko at gawin ang lubos ng aking makakaya upang itama ito.