Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 2, 2020

Paano Mahahanap ang Tunay na Iglesia na Nakapropesiya sa Bibliya


Ni Baoda, Australia

Pansin ng Patnugot: Ngayon ang mga sakuna ay nagaganap ng madalas. Maraming mga tao ang nakatatanto na ang araw ng Panginoon ay dumating na. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang hindi nakatatamo ng pagtutubig at pagtustos ng buhay na mga tubig at nakadarama sa presensiya ng Panginoon; sa halip, namumuhay sila sa isang negatibo at nanghihinang estado at pati na napupuno ng takot dahil sa paglaganap ng mga sakuna. Kaya’t, ang ilan ay nagsimulang maghanap ng iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu–nagngangalang, ang iglesia ng Philadelphia na kung saan ay mara-rapture bago ang malaking kapighatian. Ito’y dahil sa ito ay nauugnay kung maaari nating matanggap ang Panginoon bago ang malaking kapighatian at mai-rapture sa makalangit na kaharian. Kaya paano natin makikilala ang sa pagitan ng tunay at huwad na mga iglesia? Paano natin mahahanap ang tunay na iglesia na mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Ang artikulong ito ay gagabay sa iyo upang mahanap ang mga paraan.

Ago 1, 2020

Ang Paghatol ay Nagsimula sa Pamilya ng Diyos

Aishen, Amerika

Ako ay isang Kristiyano. Nang una akong magsimulang maniwala sa Diyos, madalas akong makarinig ng mga sermon kung saan sinasabi ng mga tao, “Ang Panginoong Jesus ay ang Ating Manunubos. Siya ay ipinako sa krus para sa ating mga kasalanan. Si Jesus ay mahabagin at mapagmahal.

Hul 24, 2020

Pagninilay sa Ebanghelyo Ngayon: Ang Katotohanan Tungkol sa Pag-akyat sa Langit

Kagaya ng ibang mga kapatid na Kristiyano, sabik na sabik na ako sa ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus. Tinatalima natin ang sumusunod na talata sa Biblia: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Sa dahilang ito, para tayong mangmang na tumitingala sa langit na nasasabik para sa araw ng pagbabalik ni Jesus at dadalhin tayo sa mga ulap upang makasama natin ang Panginoon. Gayunpaman, pagkalipas ng napakaraming taon, ang apat na pulang mga buwan ay nagpakita na; ang mga lindol, mga taggutom, mga salot at digmaan at ang lahat ng mga uri ng iba pang mga sakuna ay naging lalong mas matitindi. Ang mga hula sa ikalawang pagparito ng Panginoon ay talagang natupad na. Gayunpaman, hindi pa tayo nakakita ni isang Kristiyano na umakyat sa langit. Kaya napapaisip ako, “Bakit hindi dumarating ang Panginoon upang tanggapin tayo? Ang Panginoon ay tapat. Ipinangako ng Panginoon na dadalhin Niya tayo sa panlangit na kaharian sa mga huling araw. Ang pangako ng Panginoon ay tiyak na magaganap at matutupad. Hindi ko talaga ito pinagdududahan. gayunman, paanong hanggang sa ngayon, hindi pa tayo iniaakyat sa langit ng Panginoon? Maaari kayang mayroong ilang mga suliranin sa ating pananabik?”

Hul 23, 2020

Panalangin para sa Trabaho: Nakita Ko ang Kamangha-manghang mga Gawa ng Diyos


Ni Liang Xin

Sa lipunan ngayon, may iba’t ibang uri ng malalaking negosyo at tila hindi mabilang ang oportunidad para makapagtrabaho. Ngunit sa paglipas ng mga taon, wala nang halaga ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Punung-puno na ang merkado ng mga kuwalipikadong kandidato upang magkaroon ng trabaho na hindi ka na makahanap pa ng lugar. Kaya ang hirap sa paghahanap ng mapapasukang trabaho matapos makapagtapos ay naging isang napaka-praktikal na problema. Para sa bawat kabataan na malapit nang pumasok sa lipunan matapos mag-aral, ang pinakamasakit sa ulong isyu na kailangan nilang harapin ay ang paghahanap ng trabaho, lalo na sa isang magandang kompanya. Ginagawa ng lahat ang lahat ng kanilang makakaya at pinipiga ang kanilang utak para makapasok—napakatindi ng kompetisyon at hirap. Ako, na malapit nang magtapos, ay walang pagpipilian kundi harapin ang suliranin ng paghahanap ng trabaho gaya ng iba pa. Ang naiiba lang sa akin ay isa akong Kristiyano at naniniwala ako na ang lahat ay hinahanda ng Diyos. Gayunman …

Hul 15, 2020

Ang Kahulugan ng Talata sa Pahayag sa Biblia Tungkol sa Hindi Pagdadagdag ng mga Bagay


Ni Chiheng, Tsina

Sa ngayon, ang mga sakuna ay nagaganap sa isang palaki nang palaking sukat. Sa pinakamahalagang oras para sa pagtanggap ng pagparito ng Panginoon, tanging ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nakabalik na, bumibigkas at gumagawa ng gawain ng paghatol sa bahay ng Diyos. Maraming mga tao na tunay na naniniwala sa Panginoon ang dumating upang maghanap at magsaliksik. Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naramdaman nila na ang mga salitang ito ay may parehong awtoridad at kapangyarihan tulad ng mga salita ng Panginoong Jesus. Lahat sila ay mga katotohanan at katunog ng tinig ng Diyos. Sabi ng Pahayag 22: 18–19: “Aking sinasaksihan sa bawa’t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito, Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito, ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito: At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito, ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nangakasulat sa aklat na ito” (Pahayag 22:18–19). Ayon dito, sinabi ng mga pastor at elders, “Sinasabi ng Aklat ng Pahayag sa Bibliya na walang maaaring idagdag o matanggal sa Banal na Kasulatan. Kung may mga tao ngayon na nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik at bumigkas ng mga bagong salita, iyon ay pagdaragdag ng isang bagay sa Bibliya. Sa gayon, ang alinman sa mga pag-angkin na ito ay talagang hindi maaaring siyasatin—ito ay isang pagkakanulo sa Panginoon.” Ito ang eksaktong kung paano nila tinatangkang pigilan ang iba sa paghahanap at pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at matapos marinig ang kanilang mga salita ang ilang mga tao ay hindi alam kung ano ang gagawin. Susunod, ifefellowship natin kung paano lubos na maiintindihan ang propesiya tungkol sa hindi pagdaragdag ng mga bagay na sinabi ni Juan sa Pahayag 22: 18–19 sa Bibliya upang maging kaayon sa kalooban ng Diyos.

Hul 13, 2020

Dahil sa mga Notification Mula sa YouTube Nakasama Kong Muli ang Panginoon


Ni Li Lan, South Korea

Sa buhay, ang mga pangyayaring nagkataon kung minsan ay maaaring magkaroon ng hindi nakikinitang mga resulta. Isang bagay na hindi inaasahan at kamangha-mangha ang nangyari sa akin ilang buwan na ang nakararaan: Dahil sa mga Notification mula sa YouTube nakasama kong muli ang Panginoon.

Hul 5, 2020

Paano Umasa sa Diyos at Magpatotoo Kapag Tinukso ni Satanas (Ikalawang Bahagi)


Ni Hu Yang, France

Nahantad ang Kasinungalingan ng CCP at Matatag Kong Sinunod ang Landas ng Pananampalataya sa Diyos

Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at sa pakikinig sa pagbabahagi ni Sister Feng, nagkaroon ako ng ilang pag-unawa tungkol sa mga panlilinlang na pakana ni Satanas na nagkubli sa likod ng pagsubok ng aking asawa na pigilan ako sa pananampalataya ko sa Diyos. Noon sinabi sa akin ni Sister Feng, “Sister, kahit nangako ang iyong asawa na hindi na niya muling susubukang pilitin kang isuko ang paniniwala mo sa Diyos kahit kailan, hindi ibig sabihin nito hindi ka na niya tututulan sa paniniwala mo sa Diyos sa hinaharap. Dahil hindi niya maunawaan ang diwa ng mga kasinungalingang ito, dapat mo siyang tulungan nang may pag-ibig upang maunawaan niya ang mga ito, ipakita mo sa sa kanya ang masamang hangarin sa likod ng mga kasinungalingan ng CCP at hayaan mong makita niya ang mga kasuklam-suklam na pakana ni Satanas!”

Pagkatapos ng malalim na pag-iisip, ako ay tumango, at nagsalita, “Sister, nag-aalala na ako dito! Alam ko na dahil lamang sa prinotektahan ako ng Diyos sa pagkakataong ito kung kaya’t hindi ako nalinlang ng mga kasinungalingan ng CCP at hindi napigilan ng aking asawa. Ngunit alam ko lang kung anong sinasabi ng CCP, na ‘Kapag may nagsimulang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, sila ay humahayo upang ipangaral ang ebanghelyo, at iniiwan ang kanilang pamilya’ ay isang kasinungalingan, at hindi ko alam kung anong mga katotohanan ang aking gagamiting paraan upang makilala at pabulaanan ang mga kasinungalingang ito. Sister, maaari bang magbahagi ka sa akin tungkol sa kasinungalingang ito at himayin para sa akin?”

Sinabi ni Sister Feng, “Nalalaman natin na ang pahayag na, ‘Kapag may nagsimulang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, sila ay humahayo upang ipangaral ang ebanghelyo, at iniiwan ang kanilang pamilya,’ ay isang kasinungalingang ipinakalat ng CCP tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at ang Diyos ang nagturo sa atin at gumabay sa atin sa pagkaunawang ito! Salamat sa Diyos! Kasabay nito, napakahalaga na hanapin natin ang katotohanan nang sa gayon ay makita natin ang mga kasinungalingan at maunawaan nang lubos ang mga motibo at layunin sa likod ng CCP na gumagawa ng mgaa kasinungalingang ito patungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil kung hindi natin nauunawaan ang katotohanan at hindi nakikilala ang mga kasinungalingan, madali tayong maloloko, at maaaring mawala sa atin ang pagkakataon na matanggap ang tunay na pagliligtas ng Diyos! Kaya’t kung nais nating maunawaan nang lubos ang isyung ito, nararapat lamang dapat muna nating maunawaan na ang pangangaral sa ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ating pananampalataya ay isang batas ng langit at isang prinsipyo sa mundo, at sa paggawa ng mga bagay na ito ay natutupad natin ang mga komisyon ng Diyos, at ito ang pinakamatuwid na bagay na maaaring magawa ng sangkatauhan.

“Tulad ng ating nalalaman, sa Panahon ng Biyaya, inutusan ng Panginoong Jesus ang Kanyang mga alagad at sinabi: ‘Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal’ (Marcos 16:15). ‘Kaya nga sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko’ (Lucas 14:33). Ang Kristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay sinabi rin, ‘Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng tagubilin ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa tagubilin ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa tagubilin ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay’ (‘Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan’ sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang langit at lupa at ang lahat ng mga bagay na ay nilikha ng Diyos, at nilikha Niya ang sangkatauhan. Higit pa rito, ibinibigay Niya sa atin ang lahat ng bagay na ating kailangan para mabuhay, at ang paniniwala sa Diyos at pagsamba sa Diyos ay isang batas sa langit at prinsipyo sa lupa. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap at pagpapatotoo sa ebanghelyo ng Diyos, ginagabayan natin ang maraming tao sa harap ng Diyos upang matanggap nila ang pagliligtas ng Diyos. Ito ay isang komisyon na bigay sa atin ng Diyos, ang ating takdang tungkulin, ang pinakadakilang gawa ng kabutihan at katuwiran, at ito ay higit na naaayon sa kalooban ng Diyos. Halimbawa na lamang ang mga alangad at mga apostol ng Panginoong Jesus. Upang magawa ang kalooban ng Diyos, ipinakalat nila ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Handa silang iwan ang kanilang pamilya, kasal at mga pisikal na kisayahan, tiisin ang mga paninirang-puri at pangungutya ng mga makamundong tao, at ang iba sa mga ito ay nagiging martir sa huli. Ngunit walang sinumang nakasira o humatol sa kanila. Bagkus, sila ay pinuri at ginawang halimbawa na dapat tularan, at sinabi ng mga tao na ang kanilang ginawa ay ang pinakamatuwid na magagawa ng sangkatauhan. Ngayon, ang Panginoong Jesus na matagal na nating pinakahihintay ay nagbalik na bilang Makapangyarihang Diyos. Upang sa wakas ay mailigtas tayo sa mga gapos ng kasalanan, ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang mga salita at isinasagawa ang paghatol umpisa sa bahay ng Diyos. Ginagawa Niya ang lahat ng mga ito upang tayo ay baguhin at dalisayin mula sa ating mga tiwaling disposisyon, at sa wakas ay gabayan ang sangkatauhan papasok sa Kanyang kaharian. Mula sa mga salita ng Diyos, mauunawaan ng mga kapatid na ang kagyat na hangarin ng Diyos ay ang maligtas ang tao, at maging handa tayong iwan ang ating mga pisikal na kasiyahan, upang harapin ang panganib na mahuli at usigin ng CCP, at gawin ang lahat nang ating makakaya upang ipalaganap at magpatotoo sa ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, upang mas maraming tao ang makatanggap ng pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw at sa wakas ay makamit ang tunay na pagliligtas ng Diyos at maiwan. Ito ay isang matuwid na gawain, at ito ay kalooban ng Diyos itong isinasagawa! Gayunpaman, ang CCP, ay alam ng pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama ngunit gumagawa pa rin sila ng kasamaan, at kanilang ipinipilit na ang mga Kristiyano na nagpapalaganap ng ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos ay iniiwanan ang kanilang tahanan at inaabandona ang kanilang mga pamilya. Maliwanag na ito ay maling akusasyon at pagbabaluktot sa katotohanan, at ang CCP ang nagpapakalat ng mga mapanlinlang na sabi-sabi at mga kamalian!”

Habang nakikinig ako sa pagbabahagi ni sister, nagnilay ako, at naisip ang mga banyagang misyonaryo ng nakaraan. Iniwan nila ang kanilang mga pamilya at isinuko ang kanilang pisikal na kaligayahan upang ipangaral ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa atin. Kung hindi nila iniwan ang kanilang pamilya para mangaral ng ebanghelyo sa Tsina, paano pa natin mapakikinggan ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus? Noon ko naunawaan na, bilang isang Kristiyano, ang kakayahang isuko ang lahat at maging handa sa pagdurusa upang ipangaral ang ebanghelyo ay isang mabuting gawa—ito ay paggawa ng kalooban ng Diyos, at ito ay isang bagay na kapuwa naaayon sa kalooban ng Diyos at nakakatanggap ng pagpapala mula sa Diyos

Noon din nagpatuloy sa pagbabahagi si Sister Feng, sinasabing, “Ang pangangaral ng ebanghelyo ay isang bagay na palaging kapuri-puri at naaalala ng Diyos, at ang pinakadakilang gawain ng kabutihan at katuwiran ba magagawa ng isang tao. Gayunman ay nakakatanggap pa rin iyon ng paghatol at paninirang-puri ng CCP. Bakit ganoon? Tulad ng nalalaman ng lahat, ang CCP ay isang samahan ng mga hindi naniniwala sa Diyos, at ito ay isang satanikong rehimen na kinamumuhian at lumalaban sa Diyos. Kaya paano nito hahayaang maniniwala ang mga Tsino sa Diyos at sumunod sa tamang landas? Mula nang magkaroon ng kapangyarihan ang CCP, hayagan nilang binansagang mga kulto ang Kristiyanismo at Katolisismo, tinawag nitong libro ng mga kulto ang Bibliya, at inalis ang maraming kopya ng Bibliya at sinunog ang mga ito. Binansagan din nito ang maraming mga bahay-iglesia bilang samahan ng mga kulto at inusig, pinigilan at pinagbawalan ang mga ito. Marami na sa mga dayuhang misyonaryo ang pinaalis nila sa bansang Tsina, at walang-habas na inaresto, ikinulong, pilit binago at paulit-ulit na sinaktan ang hindi mabilang na mga Kristiyano at mga Katoliko.

“Dahil ang Kristo ng mga huling araw—Ang Makapangyarihang Diyos—ay nagpakita at sinimulan ang Kanyang gawain sa Tsina noong 1991, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay mabilis na lumago. Hindi lamang naitatag sa bawat probinsiya ng Tsina Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos kundi pati na rin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay mabilis ring kumalat maging sa ibang bansa. Parami nang parami sa mga taong naghahangad ng pagpapakita ng Diyos ang nagsasaliksik sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, at nagiging matatag na rin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa iba’t ibang bansa, paisa-isang bansa. Samakatuwid, Ang CCP, ay galit na galit na pinipigilan at inusig ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung may mga kapatid na Tsino sa kabisera ang naniniwala sa Diyos o nangangaral ng ebanghelyo, kung gayon ay nanganganib silang maaresto, usigin at pagmalupitan ng CCP. Hanggang ngayon, maraming mga kapatid sa kabisera ng Tsina ang napilitang tumakas sa kanilang mga tahanan. Ilan sa mga naaresto ng CCP ay isinailalim sa malupit na pagpapahirap, ang iba ay hinatulan at ikinulong, at ang ilan ay nalumpo o namatay bilang resulta ng pambubugbog sa kanila. Libu-libong mga Kristiyano ang hindi na makauwi sa kanilang tanahan, at ang kanilang pamilya ay nagkalat at nawasak. Hindi lamang iyon, walang habas na gumagawa ng mga kuwento ang CCP upang magkaroon ng alitan sa pagitan ng mga Kristiyano at kanilang pamilya. Binabantaan at tinatakot pa ng CCP ang mga miyembro ng pamilya ng mga Kristiyano at ipinagkakait sa kanila ang kanilang karapatang mabuhay upang usigin nila ang mga Kristiyano sa kanilang pamilya, kaya naman maraming pamilya ang nawasak. Ipinakikita lamang ng mga katotohanang ito na ang CCP ay masamang pinuno na nagdudulot ng pagkawasak ng pamilya ng mga Kristiyano!

“Hindi lamang inaaresto at inuusig ng CCP ang mga Kristiyano, ngunit ginagamit din nito ang internet at media upang ipahayag ang lahat ng uri ng kasinungalingang para siraan, alipustahin, at dungisan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. At ano ang kanilang layunin at intensiyon sa paggawa nito? Ang nais ng CCP ay lokohin ang lahat ng mga tao sa mundo, upang dayain at linlangin ang lahat ng mga hindi nakakaintindi sa katotohanan na lumaban, matakot at mag-ingat laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagtatangkang patigilin ang mga tao mula sa pagsasaliksik at pagtanggap sa tunay na landas, upang mawala sa mga tao ang pagkakataon na makamit ang tunay na pagliligtas ng Diyos! Bukod dito, alam din ng CCP na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, na ipinahayag ng Kristo ng mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos—ay naglalaman ng katotohanan, at na sinuman ang makabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ay mauunawaan nila ang masamang diwa nilang lumalaban sa Diyos at napopoot sa katotohanan, at kanilang tutuligsahin at tatanggihan ang CCP. At kapag nangyari iyon, ang mabangis nitong ambisyon, ang pagnanais nito na malinlang at maloko ang mga tao sa mundo at kontrolin ang buong mundo ay mawawasak. Ang lahat ng klase ng kasamaang ginagawa ng CCP ay nagpapakita lamang sa atin na ang diwa nito ay diwa ni Satanas, at ito ay ang mapang-aping lumalaban sa Diyos at nilalamon ang tao, kung saan nagpapatunay lamang sa propesiya mula sa Biblia na sinasabing ‘At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan’ (Pahayag 12:9). Sa simula pa lang nagsalita na ng mga kasinungalingan ang Demonyo upang linlangin ang tao at upang itakwil ng tao ang Diyos at sa halip ay sumunod dito. Kailangan nating maunawaan ang diwa ng CCP, dahil noon lamang tayo nito hindi malilinlang!”

Dahil sa pagbabahagi ng kapatid ay nakita ko ang liwanag. Hindi iniiwan ng mga Kristiyano ang kanilang pamilya. Sa halip, ang galit na pag-aresto at pang-uusig ng gobyerno ng CCP sa mga Kristiyano ang siyang dahilan ng kanilang sapilitang paglisan sa kanilang mga tahanan, hindi nagagawang makabalik. Ang CCP ang masamang pinuno na siyang sumisira sa mga pamilya, ngunit binabaligtad nila ang mga bagay at sinasabi na ang mga Kristiyano ang nag-aabandona sa kanilang pamilya. Tunay na masama ang CCP! Naintindihan ko rin na ang CCP ay hindi lamang pumipigil at nang-uusig sa mga kapatid na Tsino sa kabisera sa kanilang pananampalataya sa Diyos at pagsunod sa Diyos, kundi ginagamit din nila ang internet sa pagpapalaganap ng mga sabi-sabi at iba’t ibang uri ng maling pananampalataya at mga kamalian nang sa gayon ay malinlang ang lahat ng mga tao sa mundo, dahil noon ay walang magtatangkang maghanap o magsaliksik ng tunay na landas. Ang mga miyembro ng pamilya na hindi nauunawaan ang katotohanan ay hinihimok din ng CCP upang hadlangan ang mga Kristiyano sa pananampalataya sa Diyos, at ginagawa ito ng CCP upang subukang ilayo sila at ipagkanulo ang Diyos at mawalan sila ng pagkakataong matanggap ang totoong pagliligtas ng Diyos. Noon ko lamang naunawaan na ang CCP ay hadlang at sagabal sa ating landas ng pananampalataya sa Diyos! Naisip ko na sa sampung taon at higit pa na pagmamahalan naming mag-asawa, ngunit ngayon, dahil nalinlang siya ng mga kasinungalingan ng CCP, sinubukan niya akong pilitin na isuko ang aking pananampalataya sa Diyos at naghatid ng alitan sa aming pamilya. Kung hindi ko nakita ang diwa ng mga kasinungalingang iyon, kung gayon ay mapipigilan ako ng aking asawa at tuluyang mawawala ang pagliligtas ng Diyos! Noon din ay nagpasya ako, na kahit ano mang gawin ng aking asawa para ako ay hadlangan sa pananampalataya sa Diyos sa hinaharap, mananatili pa rin akong nananampalataya at sumusunod sa Diyos!

Nagbalik ang Temptasyon at ang Aking Asawa ay Nagbanta ng Diborsyo

Pagkatapos, kahit na ang aking asawa ay hindi humadlang sa aking paniniwala sa Makapangyarihang Diyos sa hayagang paraan, paminsan-minsan ay pinagsasabihan niya ako sa pamamagitan ng pagpapahiwatig. Sa tuwing nakikita niya akong dumadalo sa mga partikular na pagtitipon, naiinis siya sa akin at hindi niya ako kikibuin. Maghahanap siya ng mga mali upang kami ay mag-away, at sinabi lalo naming hindi nauunawaan ang isa’t isa, at lalo naming hindi nauunawaan ang sinasabi ng isa’t isa. Sinabi rin niya na kung ipagpapatuloy ko ang pananampalataya ko sa Diyos, hihiwalayan niya ako. Noong marinig ko ang sinabi niya, sumama nang husto ang loob ko. Naisip ko kung gaano pa kabata ang aming anak, at kung paanong tumatanda na ang aking mga magulang at hindi na maganda ang kanilang kalusugan. Kung hiniwalayan talaga ako ng aking asawa, paano ko sila maaalagaan nang mag-isa? Ngunit kung hindi man kami naghiwalay, patuloy pa rin akong hadlangan ng aking asawa at hindi ako papayagang manampalataya sa Diyos. Naiipit ako at ang aking puso ay nalito at mahina.

Wala akong ibang magagawa kundi ang manalangin muli sa Diyos: “O Diyos! Nais ngayon ng aking asawa na makipaghiwalay sa akin dahil sa paniniwala ko sa Iyo. Kakaunti ang aking pananampalataya at ako ay mahina, gayunman ay hindi ko nais na gumawa ng anumang bagay na magiging sanhi ng Iyong kalungkutan. Humihingi ako sa Iyo ng tulong, bigyan mo ako ng pananampalataya at lakas, at gabayan mo ako sa sitwasyong ito.” Pagkatapos kong manalangin, Naisip ko noong si Job ay makatagpo ang mga panunukso ni Satanas. Ang lahat ng kayamanan at pag-aari ng kanyang pamilya ay kinuha ng mga magnanakaw, ang buhay ng kanyang mga anak ay kinuha, ang buong katawan niya ay nabalot ng masasakit na bukol, at kahit ang kanyang asawa ay sinalakay siya, ang sabi sa Job 2:9 “Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka.” Nang makatagpo si Job ng mga tukso ni Satanas, hindi lamang siya hindi nahulog sa mga pakanang panlilinlang ni Satanas, ngunit sinaway din niya ang kanyang asawa, sinasabing “Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios? at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:10). Nawala man ang lahat kay Job, patuloy pa rin siyang naniwala na ang lahat nang bagay ay nasa kamay ng Diyos, at kahit anumang pagsubok ang ibigay sa kanya ng Diyos, mananatili siyang isang nilikhang nilalang at pinupuri ang Lumikha. Hindi nawala ang kanyang pananampalataya sa Diyos, ngunit naghatid ng pumapailanlang at magandang patotoo, kaya naman napahiya at natalo si Satanas. Ang sitwasyon ko ngayon ay katulad ng panunukso ni Satanas; ginagamit lamang ni Satanas ang aking asawa upang magbanta sa akin ng hiwalayan nang sa gayon ay mapilitan akong isuko ang tunay na landas, at nahulog ako sa pagiging negatibo at kahinaan—hindi nga ba ako tiyak na nahulog sa mga panlilinlang na pakana ni Satanas? Wala ba akong tunay na pananampalataya sa Diyos? “Ang Diyos ang Lumikha at ako ay isang nilikhang nilalang,” Naisip ko. “Ang maniwala sa Diyos at sumamba sa Diyos ay kautusan ng langit at isang prinsipyo sa lupa, at ito ang totoong landas sa buhay. Susunod Ako sa Diyos ano man ang mangyari!” Iniisip ito, nagpasya ako na tularan si Job, at nagpasya akong paluguran ang Diyos. Pagkatapos ay naisip ko kung paano pinangangasiwaan ng Diyos ang langit at lupa at ang lahat ng mga bagay at ang buong pagkatao ko ay nasa mga kamay ng Diyos, kasama na ang aming kasal. Ano pa man ang kalabasan ko sa akin sa huli, nais kong magpasakop sa soberanya at pagsasaayos ng Diyos, na hindi maloko ni Satanas, at magpatotoo para sa Diyos!

Nagdesisyon Akong Paluguran ang Diyos at Nasaksihan Ko ang mga Gawain ng Diyos

Nang maintindihan ko ang kalooban ng Diyos, natagpuan ko ang pananampalataya at ang lakas ng loob na magpatotoo at paluguran ang Diyos. Kung pilit akong papipiliin ng aking asawa na mamili sa pagitan ng aking pamilya at sa pananampalataya ko sa Diyos, kung gayo’y mas pipiliin ko na kami ay maghiwalay at manatiling sumusunod sa Diyos. Nang maglaon, mahinahon kong sinabi sa aking asawa, “Mahal ko ang pamilyang ito, ngunit hindi ko maaaring isuko ang pananampalataya ko sa Diyos. Gusto mong isuko ko iyon ngunit hindi ko kaya. Kung talagang nais mo akong hiwalayan, kung gayon ay handa akong ibigay iyon sa iyo. Kahit ayaw ko talagang makipaghiwalay, nalinlang ka ng mga kasinungalingan ng CCP at hindi mo malaman kung ano ang totoo at kung ano ang hindi, at ginagamit mo ang diborsyo para pilitin ako, kaya wala akong mapagpipilian.” Matapos kong magsalita, napaka-kalmado at payapa ng aking pakiramdam.

Kinabukasan, nagpasa ako ng papeles para sa diborsyo. Sa gulat ko, nagpakumbaba ang aking asawa at mahinanon akong kinausap. “Hindi ko inasahan na ikaw ipipilit mo ang pananampalataya mo sa Makapangyarihang Diyos, kaya ngayon ay talagang nakumbinsi mo ako. Maaari kang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, hindi na kita hahadlangan muli.” Naririnig siyang sinasabi ito, alam ko na ito ay gawa ng Diyos at nagpasalamat ako sa Kanya ng tahimik sa aking puso. Nakita ko na, nang magkusa akong nanalig sa Diyos at nagpatotoo, napahiya si Satanas. Kung kaya’t, minsan pang nagpatotoo ako sa aking asawa sa intensyon ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at ibinahagi ko sa kanya ang mga diwa ng mga bulung-bulungan ng CCP at ang bunga ng paniniwala sa ganoong uri ng kasinungalingan. Hindi inaasahan, sa pagkakataong ito, hindi pinabulaanan ang aking asawa ang aking sinasabi, kundi tahimik lamang na nakinig. Matapos ang araw na iyon, hindi na nabanggit muli sa akin ng aking asawa ang tungkol sa diborsyo, at hindi na siya nakikipag-away sa’kin kapag nakikita niya akong dumadalo sa mga pagtitipon sa iglesia.

Isang araw, makalipas ang tatlong buwan, nag-uusap kaming mag-asawa tungkol sa pananampalataya, bigla niyang sinabi sa akin, “Mula nang sabihin mo sa akin ang tungkol sa pahayag na ‘Ang taong naniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay iniiwan ang kanilang pamilya’ ay isang kasinungalingan lamang na pinalabas ng CCP, inoobserbahan ko ang inyong iglesia at palihim na nanuod ako ng mga pelikula ng iyong iglesia, lalo na iyong mga pelikula tungkol sa kung paano inuusig ng CCP ang mga Kristiyano. Matapos ko lamang mapanuod ang pelikulang iyon ay saka ko naintindihan na kayong mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay hindi inaabandona ang inyong mga pamilya, ngunit sa halip ay ang pag-aresto at pag-uusig sa inyo ng CCP ay naging dahilan upang ang maraming tao sa inyong iglesia ay umalis sa kanilang tahanan upang makatakas sa pang-aaresto. At upang maitago ang mga masasamang gawaing ito ng pag-uusig sa mga relihiyosong paniniwala at pagkait sa mga tao ng kanilang karapatang pantao, ipinipilit ng CCP na ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang nangiiwan sa kanilang pamilya. Ito ay bulung-bulungan at paninirang-puri, ganoon ka-simple! Sa tingin ko naiintindihan ko na ngayon na hindi nararapat na basta na lamang maniwala ang isang tao sa sinasabi ng Partido ng Komunistang Tsino, at nagpasya ako na pumunta sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at saliksikin iyon mismo.” Sa mga salita ng aking asawa, minsan ko pang nasaksihan ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos. Ang aking puso ay naantig sa sobrang init ng pag-ibig sa akin ng Diyos, at wala akong masabi kung gaano ka saya ang aking kalooban. Pagkatapos noon, sa pamamagitan ng panahon ng paghahanap at pagsasaliksik, natanggap rin ng aking asawa ang gawain ng Diyos ng mga huling araw at nagsimula na rin siyang dumalo ng mga pagtitipon.

Nang maglaon, nabasa ko sa salita ng Diyos: “Sa Aking plano, si Satanas ay laging nakasunod sa bawat hakbang, at, bilang kalaban ng Aking karunungan, ay laging nasubok na maghanap ng mga daan at paraan upang gambalain ang Aking orihinal na plano. Ngunit makasusuko ba Ako sa mapanlinlang na pamamaraan nito? Ang lahat ng sa langit at ng sa lupa ay naglilingkod sa Akin—maaari bang ang mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas ay may anumang pagkakaiba? Ito mismo ang pinagsangahan ng Aking karunungan, at ito mismo ang kamangha-mangha sa Aking mga gawa, at ito ang prinsipyo kung saan ang Aking buong plano ng pamamahala ay isinasakatuparan. Sa panahon ng pagtatayo ng kaharian, hindi Ko pa rin iniiwasan ang mapanlinlang na pamamaraan ni Satanas, ngunit patuloy pa rin sa gawain na dapat Kong gawin. Sa lahat ng bagay sa sanlibutan, napili Ko na ang mga gawa ni Satanas bilang Aking hambingan. Hindi Ko ba ito karunungan? Hindi ba ito mismo ang kamangha-mangha tungkol sa Aking gawain?” (“Kabanata 8” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Naantig muli ang aking puso sa mga salita ng Diyos, at ipinaunawa nila sa akin na ang mga salita ng Diyos ay ginagawa batay sa mga panlilinlang ni Satanas. Ginagamit ng Diyos si Satanas bilang isang palara, at sa pamamagitan ng paggambala na dulot ni Satanas, hinahayaan ng Diyos na magkaroon tayo ng pagkaunawa, gayundin ang paglago sa ating buhay. Iniisip ang panahong iyon, noon sinubukan akong pigilan ng aking asawa sa pananampalataya ko sa Diyos dahil siya ay nalinlang ng mga kasinungalingan ng CCP, bagaman nagdusa ako ng kaunti dahil sa sitwasyong iyon at nakaranas ng panghihina at pagiging negatibo, dahil sa pagbabahagi sa mga salita ng Diyos ng aking mga kapatid, naunawaan ko ang tunay na diwa ng CCP; ito ay isang sagabal sa landas para na tinatahak natin habang nagbabalik-loob tayo sa Diyos, at higit pa doon ay isa itong mitsa na nagpapasiklab ng away sa pamilya, at hindi ko mapigilang mamuhi doon. Sa buong labanang ito ng espiritu, nakakaramdam ako ng pagiging negatibo at kahinaan, tanging sa pamamagitan ng pagtawag sa Diyos at sa kaliwanagan at sa gabay ng mga salita Diyos ay nakaya kong malampasan ang mga tukso ni Satanas at tumindig para magpatotoo sa Diyos. Dahil nakaligtas sa labanang ito, aking napahalagahan ang katapatan ng Diyos, at tunay kong naramdaman na ang Diyos ay nasa tabi natin at sumusuporta sa tuwing kailangan natin Siya. Hangga’t nananalig tayo at masigasig nating hinahanap ang Diyos, kung gayon ay kasama natin ang Diyos. Lalo pang lumaki ang pananampalataya kong sumunod sa Diyos, at naging mas handa pa akong ilaan ang kung ano pa mang natitirang oras sa buhay ko sa pagsunod sa katotohanan at pagsunod sa Diyos hanggang sa huli! Salamat sa Diyos!

_____________________________

Sa pagharap sa lahat ng uri ng kahirapan at pagdurusa sa ating buhay, paano natin ang mga ito malalampasan? Mangyaring i-click at basahin ang mga salitang ito upang matulungan ka sa paghubog ng pananampalataya!

Hul 4, 2020

Paano Umasa sa Diyos at Magpatotoo Kapag Tinukso ni Satanas (Unang Bahagi)



Ni Hu Yang, France

Noong Mayo 2018, masuwerte akong na rinig ang huling pamamahayag ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pakikinig sa pagbabahagi ng mga kapatid, nalaman ko ang katotohanan ng pagtitiwali sa sangkatauhan ni Satanas, anim-na-libong taong plano ng pamamahala ng Diyos upang maligtas ang sangkatauhan at ang layunin ng Diyos sa tatlong yugto ng gawain. Natutunan ko rin kung paano makapasok sa kaharian ng langit ang isang tao at ang patutunguhan sa hinaharap at ang wakas ng sangkatauhan, gayundin ang ibang mga katotohanan. Matapos ang isang panahon ng paghahanap at pagsasaliksik, lubos akong nakatiyak na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, matapos iyon ay aktibo akong dumalo sa mga pagtitipon sa iglesia. Habang dumarami ang nababasa kong mga salita ng Diyos, naintindihan ko ang mga paghihirap na ginagawa ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, at gusto kong ibahagi ang ebanghelyo sa aking asawa upang sa lalong madaling panahon ay matanggap din niya ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw. Hindi inaasahan, sa hapon kung saan nakipagkasundo ako sa mga kapatid kong babae sa iglesia na ipangaral ang ebanghelyo sa aking asawa, may nangyari na hindi ko mahuhulaan …

Hun 22, 2020

Proteksiyon ng Diyos: Ang Mahimalang Paggaling ng Anak Matapos “Hatulan ng Kamatayan”



Ni Xiaotu

Maaga iyon, kakatapos lang ng ulan, at ang manipis na hamog ay binabalot ang baryo sa paanan ng bundok. Minsan lamang makita ang baryo sa kabila ng hamog, gaya ng mundo ng mga engkantado sa lupa. Sa isang mainit, ordinaryong-tingnan na kubo, dinala ni Molian ang asada na puno ng putik sa tarangkahan, at inudyukan ang manugang niyang nasa loob ng bahay, “Bilisan mo Xiaoqing, kapag nagtanim tayo matapos ang ulan sa tagsibol, siguradong lalaking matibay ang mga binhi!”

Hun 20, 2020

Paano Umasa sa Diyos: Nakaligtas ang Anak Kong Nanganib ang Buhay



Sa Tagsibol ng 2015, isang araw ay umalis ng bahay si Wang Min upang gawin ang mga gawain at bumalik upang makita ang kanyang anak na lalaking si Linlin na maputlang nakaupo sa higaan nito. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa sikmura at patuloy na sumusuka. Nagmamadaling lumapit si Wang Min at tinanong, “Linlin, anong problema?” sumagot si Linlin sa mababang tinig, “Ma, sobrang sakit ng sikmura ko.” Kinuskos ni Wang Min ang sikmura nito at sinabing, “Sinipon ka ba kagabi, o may nakain ka bang hindi maganda?” Habang sinasabi niya ito, tumingin siya sa drawer at nakahanap ng gamot sa sikmura at ibinigay iyon kay Linlin. Inisip niya sa kanyang sarili: Hindi ganoon kahina ang 25-taon kong anak, kaya gagaling na siya sa kaunting gamot. Ngunit hindi inaasahan, hindi gumaling ang sikmura ni Linlin, ngunit sa halip ay lalo pang lumala. Labis itong nasasaktan na ang buong ulo nito ay pawis na pawis, at paulit-ulit itong humihiyaw, “Ma, sobrang sakit!” Nagmamadaling tinawag ni Wang Min ang doktor ng nayon.

Hun 19, 2020

Minsan Kong Sinubukang Hadlangan ang Pananampalataya sa Diyos ng Aking Asawa, Subalit Ngayon Magkasama na Kaming Sumasamba sa Kanya


Ni Chenguang, Canada

Tala ng Editor: Dahil sa paniniwala sa negatibong propaganda ng CCP tungkol sa Kaso ng Mayo 28 Shandong Zhaoyuan, ang protagonista ng artikulo na si Chenguang ay minsan nang sinubukang pigilan ang kanyang asawa na maniwala sa Makapangyarihang Diyos. Bagaman sinubukan na niya ang lahat, ang kanyang asawa ay nagpatuloy parin sa kanyang pananampalataya. Pagkatapos, sa pag-iimbestiga sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nalaman niya ang katotohanan sa likod ng insidente ng Mayo 28 at naging tiyak kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Nais niyo bang malaman ang tungkol sa kanyang karanasan? Sabay natin itong basahin.

Hun 16, 2020

Sa Aking Paghihirap at Pagkalito, Ang Pagliligtas ng Diyos ay Sumaakin (I)



Ni Chen Liang, Estados Unidos

Tala ng Patnugot: Papano tayo makakalaya sa pagkakaalipin sa kasalanan? Naniniwala ako na maraming kapatid sa Panginoon ay nababagabag sa isyung ito, at marahil maging ikaw nasubukan mo na ang maraming paraan pero bigo pa ring makalaya sa kasalanan. Ang may-akda ng sumusunod na artikulo minsan na ring nakaranas ng ganito. Pero matapos ang maraming taon ng paghahanap, nalaman na rin niya ang ugat ng kanyang kasalanan at natutunan ang paraan para iwaksi ito.

Hun 15, 2020

Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?

Ni Junwei, China

Maraming kapatid na lalaki at babae ang napaka-pamilyar sa Panalangin ng Panginoon, at binibigkas natin ito sa tuwing nagdarasal tayo: “Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9–10). Ngunit kahit na madalas nating dasalin ang Panalangin ng Panginoon, bihira naman nating pinagninilay-nilayan ang tunay na kahulugan ng Panalangin ng Panginoon. Aling mga aspeto ng katotohanan ang sinasabi ng Panginoong Jesus tungkol sa Panalangin ng Panginoon, ano ang kalooban ng Panginoon, at anong mga misteryo ang nakapaloob sa Panalangin ng Panginoon? Pag-usapan natin ang mga bagay na ito ngayon.

May 30, 2020

Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao

Xunqiu Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Henan

Madalas kong iniisip na hinatulan at kinastigo lang ng Diyos ang tao kapag ibinunyag Niya ang likas na katiwalian ng tao o nagpahayag ng masasakit na salita na humatol sa katapusan ng tao. Kailan lang nang isang insidente ang naghatid sa akin upang mapagtanto na kahit ang mga magiliw na salita ng Diyos ay Kanya ring paghatol at pagkastigo. Napagtanto ko na bawat salitang sinabi ng Diyos ay ang Kanyang paghatol sa tao.

May 20, 2020

Isang Naiibang Karanasan ng Paghahanap ng Trabaho



Ni Liang Xin


Sa lipunan ngayon, may iba’t ibang uri ng malalaking negosyo at tila hindi mabilang ang oportunidad para makapagtrabaho. Ngunit sa paglipas ng mga taon, wala nang halaga ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Punung-puno na ang merkado ng mga kuwalipikadong kandidato upang magkaroon ng trabaho na hindi ka na makahanap pa ng lugar. Kaya ang hirap sa paghahanap ng mapapasukang trabaho matapos makapagtapos ay naging isang napaka-praktikal na problema. Para sa bawat kabataan na malapit nang pumasok sa lipunan matapos mag-aral, ang pinakamasakit sa ulong isyu na kailangan nilang harapin ay ang paghahanap ng trabaho, lalo na sa isang magandang kompanya. Ginagawa ng lahat ang lahat ng kanilang makakaya at pinipiga ang kanilang utak para makapasok—napakatindi ng kompetisyon at hirap. Ako, na malapit nang magtapos, ay walang pagpipilian kundi harapin ang suliranin ng paghahanap ng trabaho gaya ng iba pa. Ang naiiba lang sa akin ay isa akong Kristiyano at naniniwala ako na ang lahat ay hinahanda ng Diyos. Gayunman …

Abr 28, 2020

Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I)



Xiaoxue, Malaysia

Mayroon akong dalawang anak na lalaki na isang taon ang pagitan. Upang palakihin sila nang edukado, may magandang modo, mabubuting tao na makakayanang tumayo sa kanilang sariling mga paa sa lipunan at magtagumpay, nang sila ay dalawang taong gulang pa lamang, kinausap ko ang aking asawa tungkol sa paghahanap ng kindergarten na may magandang reputasyon. Matapos ang ilang pagbisita, pagtatanong at pagkukumpara, pumili kami ng isang English kindergarten dahil nagbibigay halaga sila sa kakayahan at abilidad ng mga bata, na siya namang tumutugma sa aking pananaw sa pagtuturo sa mga bata. Bagaman medyo mahal nang kaunti ang matrikula, hangga’t ang mga bata ay nalilinang nang mas maayos at nakakakuha sila ng mas mahusay na edukasyon, sulit ang paggastos ng mas maraming pera.

Abr 20, 2020

Napalakas ng Pagdanas ng Malupit na Pag-uusig ang Pananampalataya Ko sa Diyos



Ni Zhao Rui, Probinsya ng Shanxi


Ang pangalan ko ay Zhao Rui. Dahil sa biyaya ng Diyos, nagsimulang sumunod sa Panginoong Jesus ang buong pamilya ko noong 1993. Noong 1996, noong labing-anim na taong gulang ako, naakit ako ng pagmamahal ng Panginoong Jesus at nagsimula akong gumawa sa iglesia at magbigay ng mga sermon. Subali’t, hindi nagtagal, nagsimula kong mapansin ang maraming bagay sa iglesia na nagbigay sa akin ng labis na pagkabigo: Inintriga ng magkakatrabaho ang isa’t isa, ibinukod ang isa’t isa, at nagpaligsahan para sa kapangyarihan at kita. Para bang matagal nang nalimutan ang turo ng Panginoon na dapat nating mahalin ang isa’t isa. Ang mga nagbibigay ng sermon ay tila walang masabi at walang kasiyahang makakamit sa pamumuhay ng buhay-iglesia. Maraming mga kapatid ang naging negatibo at mahina at tumigil na pati sa pagdalo sa mga pulong…. Sa pagkaharap ko sa mapanglaw at malungkot na katayuan ng iglesia, nakaramdam ako ng dalamhati at kawalan ng magagawa. Noong Hulyo ng 1999, sa pamamagitan ng milagrosong pagsasaayos at pag-aayos ng Diyos, tinanggap ko ang pagbabalik ng Panginoong Jesus—ang Makapangyarihang Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pagsali sa buhay-iglesia, muli kong tinamasa ang gawain ng Banal na Espiritu. Noong dumalo ako sa mga pagpupulong kasama ng aking mga kapatid, naalis ang relihiyosong pamamaraan ng pamumuhay na mayroon ako rati; maaaring sabihin ng bawat tao ang tunay nilang nararamdaman, at nagbahaginan kami sa liwanag na ibinigay sa amin ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu at pinag-usapan namin kung paano namin naranasan ang salita ng Diyos, pati na rin kung paano umasa sa Diyos upang maalis namin ang katiwalian mula sa mga sarili namin. Bukod pa roon, namuhay ang mga kapatid sa isang napakataimtim at napakarangal na paraan; napakamapagpatawad nila at napakamapagparaya sa mga pagkukulang at pagpapakita ng katiwalian ng isa’t isa at binigyan nila ang isa’t isa ng mapagmahal na pagtulong. Kapag mayroong dumaranas ng paghihirap, walang humahamak o nagmamaliit sa kanila, nguni’t sa halip ay hahanapin ang katotohanan kasama nila upang makahanap ng kalutasan sa kanilang mga problema. Ito ang buhay-iglesia na noon ko pa ninanais—ang tunay na daan na hinanap ko nang maraming taon! Nakabalik ako sa wakas sa harap ng Diyos matapos maligaw nang napakaraming taon! Gumawa ako ng pagpapasya sa Diyos: “Dadalhin ko sa harap ng Diyos ang mga inosenteng kaluluwang iyon na namumuhay pa sa kadiliman, bibigyan ko sila ng kakayahang mabuhay nang may paggabay at pagpapala ng gawain ng Banal na Espiritu, at madiligan ng buhay na tubig ng buhay ng Diyos. Ito ang aking misyon bilang isang nilikhang nilalang at ito ang pinakamakahulugan at pinakamahalagang paraan upang isabuhay ang aking buhay.” Dahil diyan, nagsumikap ako sa pagganap ng aking mga tungkulin.

Mar 31, 2020

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Salita ng Diyos ang Aking Lakas





Ni Jingnian, Canada



Bata pa ako ay sinundan ko na ang pananalig ng pamilya ko sa Panginoon, na madalas na nagbabasa ng Biblia at dumadalo sa mga samba. Ibinahagi ko ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa biyenan kong babae nang makapag-asawa ako, at mula noon ay hindi na siya nagwala sa galit kapag may nangyari o kumilos dahil lamang sa gusto niya tulad noong araw. Nagsimulang gumanda ang mga relasyon sa aming pamilya sa pangkalahatan. Nang makita ang mga pagbabago sa kanyang ina, nagsimula ring manalig sa Panginoon ang asawa ko noong 2015, at sumama sa akin na magsimba linggu-linggo. Naging payapa ang pamilya ko matapos tanggapin ang ebanghelyo ng Panginoon, at nang makita ko ito nalaman ko na ito ang biyaya ng Panginoon—taos-puso kong pinasalamatan ang Panginoon.

Habang nasa trabaho isang araw noong Pebrero 2017, nakita ako ng isang babaeng kostumer at tuwang-tuwa siya. Hinila niya ako sa tabi at sinabi, “Kamukhang-kamukha ka ng isang kaibigan ko. Puwede ba kitang ipakilala sa kanya? Kadarating lang niya sa Canada at halos walang kakilala, gusto mo ba siyang makilala at makasama kung may oras ka?” Talagang nagulat akong marinig ito at naisip ko: Puwede kayang mangyari ang ganito? Talaga kayang kamukhang-kamukha ako ng kaibigan niya? Pero natanto ko na nasa kaibuturan ng lahat ng bagay ang mabuting kalooban ng Panginoon, at na ang mapagmahal na pagtulong sa iba ay isa rin sa mga turo ng Panginoon, kaya pumayag ako sa hiling niya. Ilang araw pagkaraan, nakilala ko ang kaibigan niyang si Xiao Han, na talaga ngang kamukhang-kamukha ko; tinanong kami ng mga taong nakakita sa amin kung kambal kami. Hindi ko alam kung dahil iyon sa magkamukhang-magkamukha kami o dahil ang mga plano ng Panginoon ang nasa likod ng mga bagay-bagay, pero nang makita ko siya, agad akong napalapit sa kanya. Ilang beses lang kami nagkita at naging parang magkapatid kami na kayang pag-usapan ang kahit ano. Ang higit na nakagulat sa akin ay na sa pamamagitan ni Xiao Han, narinig ko ang ebanghelyo ng nagbalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
__________________________________________________

Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?
__________________________________________________

Isang araw, isinama ako ni Xiao Han sa bahay ng tita niya, kung saan nagbahagi sa amin ang tita niya tungkol sa ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Ipinabasa niya sa amin ang mga salitang binigkas ng Diyos sa mga huling araw, at nagbahagi sa amin tungkol sa kalooban ng Diyos sa paglikha kina Adan at Eva, sa mga ideya at intensyon ng Diyos nang utusan Niya si Noe na bumuo ng arka, kung paano nasaktan ang puso ng Diyos nang puksain Niya ang mga tao noong panahon ni Noe, at iba pa. Sinabi niya na ang mga hiwagang ito ay inihayag na lahat sa mga salita ng Diyos sa mga huling araw, kung hindi ay hindi ito mauunawaan ninuman. Naniwala ako sa kanya, dahil Diyos lamang Mismo ang makapagpapaliwanag sa mga ideya sa likod ng lahat ng Kanyang ginagawa. Kung hindi naparito nang personal ang Diyos para magsalita at gumawa, sino pa ang lubos na makapagpapaliwanag ng mga ideya at intensyon ng Diyos? Labis akong naakit sa mga salita ng Diyos, at nagpasiya akong siyasating mabuti ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Habang sinisiyasat ko iyon, marami akong itinanong na hindi ko naunawaan kailanman kapag nagbabasa ako ng Biblia, at sinagot ng tita ni Xiao Han ang mga iyon batay sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos—napakadetalyado ng mga sagot, at malinaw at madali kong naunawaan ang mga iyon. Nang lalo ko pang basahin ang mga salita ng Diyos, unti-unting nalutas ang pagkalito sa puso ko, at naunawaan ko na sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, na tinutupad ang propesiya sa Biblia na “Pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). Ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay isang pagpapatindi at pagpapalalim ng gawain ng Panginoong Jesus, at ito ang huling yugto ng gawain ng Diyos sa mga huling araw upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Matapos magsiyasat nang ilang panahon, natiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus; masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagsimula akong dumalo sa mga miting kasama ang aking mga kapatid.

sang umaga makalipas ang mahigit tatlong buwan, tinitipon ko ang iba pang mga sister tulad ng dati, nang biglang tumunog ang cell phone ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang isang notification na may nagtatangkang tumuklas sa kinaroroonan ko gamit ang iPhone ko. Gulat na gulat ako at hindi ko alam ang nangyayari, ngunit pagkatapos niyon, agad akong pinadalhan ng WeChat message ng asawa ko na nagtatanong, “Nasaan ka?” Tiningnan ko ang mensahe at medyo nag-atubili ako; naalala ko na, nang makabalik ako mula sa isang samba sa iglesia mahigit isang buwan na ang nakararaan, sinabi sa akin ng asawa ko na maraming negatibong bagay na sinabi ang pastor tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at binalaan ang mga mananampalataya na mag-ingat at huwag kumontak sa mga tao mula sa Kidlat ng Silanganan. Noong panahong iyon, natakot akong baka iligaw ng landas ng pastor at elder ang asawa ko, at kontrahin niya ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa mga tsismis nila. Gusto kong maghintay na maibahagi ko sa kanya ang ebanghelyo hanggang sa mas naunawaan ko ang mas marami pang katotohanan at malinaw akong makapagpatotoo tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, kaya hindi ako nangahas kailanman na sabihin sa kanya ang tungkol sa mga pakikitipon ko sa mga sister ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nasasaisip iyan, sumagot ako sa kanya, “Papasok ako sa trabaho.” Ngunit nang isipin ko itong muli, nadama ko na may mali, “Hindi naman niya ako pinadadalhan ng mga mensahe sa oras na ito. Bakit bigla niya akong tinanong kung nasaan ako ngayon? Ano ang nangyayari?”

Pagdating ko sa bahay mula sa trabaho noong gabing iyon, nakita kong nakaupo ang asawa ko sa kama at nakatingin nang matalim. Nakita niya ang aklat ng mga salita ng Diyos na naitago ko sa bahay, at inilatag niya iyon sa mesa. Natigilan talaga ako nang makita ko iyon, ngunit bago pa ako nakapag-isip, tinanong ako ng asawa ko, “Kailan ka nagsimulang maniwala sa Makapangyarihang Diyos? Maraming negatibong nakasulat online tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, hindi mo ba alam iyan? Nagsinungaling ka sa akin ngayon. Hindi ka papasok sa trabaho kaninang umaga. Nasaan ka?” Medyo nangingitngit na sumagot ako, “Kaya pala nagsimulang tumunog ang cell phone ngayon ikaw pala ang naghahanap sa akin!” Sabi niya, “Noong oras ng pahinga namin sa trabaho kaninang umaga gusto kong malaman kung nasaan ka, kaya tiningnan ko ang kinaroroonan mo at natuklasan ko na wala ka sa sinabi mong kinaroroonan mo.” Lumambot ang tono niya at nagpatuloy siya, “Sabi ng gobyernong Chinese online, ang mga hangganan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan ay hindi malinaw na pinanatili ng mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, at mayroon ding lahat ng klase ng iba pang negatibong bagay. Puwede bang huwag mo na silang kontakin? Mas makakabuti kung pumunta ka na lang sa mga samba ng iglesia—puwede kitang samahan linggu-linggo. Bakit ka nakikipag-ugnayan sa kanila?” Matapos sabihin ito nag-online siya at natagpuan ang maraming negatibong impormasyon tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para ipabasa sa akin. Matapos basahin ang mga walang-batayang tsismis na ito, pagalit kong sinabi, “Ni hindi man lang nagkaroon ang mga taong ito ng anumang pakikipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Bakit sila nagbububusa tungkol doon? Walang-walang batayan ito, tsismis lang ito. Mga kasinungalingan at tsismis ang mga ito at mahirap paniwalaan! Nitong huling ilang buwan, nakasama ko ang mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at ang nakita ko ay na simple at disente ang kanilang pananamit, at marangal silang magsalita at kumilos. May tiyak na mga hangganan sa pagitan ng mga kapatid at may mga prinsipyo sa kanilang pakikisalamuha. Hindi sila katulad ng ikinakalat na mga tsismis ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder. Malinaw na nakasaad sa isa sa mga atas administratibo ng Kapanahunan ng Kaharian na, ‘Ang tao ay may tiwaling disposisyon at, bukod pa rito, siya ay may damdamin. Dahil dito, talagang ipinagbabawal sa dalawang kasaping magkaibang kasarian na magkasama sa trabaho habang naglilingkod sa Diyos. Sinumang matuklasan na gumagawa nito ay ititiwalag, nang walang pagtatangi—at walang sinumang makakalibre dito’ (“Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng mga Taong Hinirang ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang Diyos ay banal at matuwid, at walang ibang kinamumuhian kundi ang mahalay na pag-uugali. Kaya, nagpalabas ng mahigpit na mga atas administratibo ang Diyos para sa mga taong Kanyang hinirang, at sinumang lumalabag sa mga ito ay patatalsikin sa iglesia. Ang mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay mahigpit na sumusunod sa mga atas administratibo ng Diyos, at walang nangangahas na labagin ang mga ito. Personal ko itong nakita at naranasan. Ang tsismis na ikinalat ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder na hindi malinaw ang mga hangganan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay walang iba kundi mga kasinungalingan at paninirang-puri!” Ngunit anuman ang sinabi ko, talagang ayaw makinig ng asawa ko, at iginiit niya na huwag na akong dumalo pa sa mga pagtitipon na kasama ang mga kapatid. Nakikita kung gaano siya kahigpit, nagsimula akong makadama ng kaunting pagkanegatibo, dahil ang tanging taong malapit sa akin sa ibang bansang ito ay ang asawa ko at ayaw ko siyang kalabanin. Bukod pa riyan, natakot ako na baka magsumbong siya sa pamilya ko sa China at sa pastor, na maghahatid lang sa akin ng dagdag na problema. Kaya, nang igiit niya na huwag akong dumalo sa mga pagtitipon, pumayag ako, ngunit sabi ko, gusto kong patuloy na basahin ang mga salita nag Diyos sa bahay; pumayag siya. Kaya nga, sandaling humupa ang bagyo.

Mula nang basahin kong mag-isa sa bahay ang mga salita ng Diyos, maraming bagay akong hindi naunawaan. Kaya, ginamit ko ang mobile phone ko para kontakin ang isang sister habang nasa trabaho ang asawa ko, na nagtulot sa akin na patuloy na makitipon sa mga sister. Nang ikuwento ko sa aking mga sister na pinatigil na ako ng asawa ko sa pagpunta sa mga pagtitipon, binasa ng isa sa kanila ang isang sipi ng mga salita ng Diyos sa akin, “Sa bawat hakbang ng paggawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at nangangailangan sa tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyo ay pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag ang Diyos at si Satanas ay naglalaban sa espirituwal na dako, paano mo dapat pasayahin ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo” (“Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ibinahagi ng aking sister, “Kapag nasagupa natin ang ganitong klaseng bagay matapos tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, sa tingin ay mukhang nakaharang sa ating landas ang ating pamilya at hinahadlangan tayo sa pagpunta sa mga pagtitipon, ngunit kung titingnan natin ito sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ang panggugulo ni Satanas ang nasa likod nito: Ito ay isang espirituwal na pakikibaka. Nais tayong iligtas ng Diyos, ngunit ayaw sumuko kaagad ni Satanas, kaya sumusunod ito sa likod ng Diyos upang guluhin tayo, at ginagamit ang mga tao sa ating paligid para pigilan tayong humarap sa Diyos. Ang mithiin ni Satanas ay sirain ang ating wastong pakikipag-ugnayan sa Diyos, para maging negatibo ang ating pakiramdam at manghina tayo para ilayo natin ang ating sarili sa Diyos at pagtaksilan natin Siya, at sa huli ay bumalik sa sakop nito at mawalan tayo ng pagkakataong maligtas ng Diyos. Kaya nga kailangan tayong matutong makahiwatig, tumingin sa mga bagay-bagay ayon sa mga salita ng Diyos, makita ang mga panloloko ni Satanas, mas manalangin at umasa sa Diyos, at magkaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos. Sa gayon ay makikita natin ang mga kilos ng Diyos sa pamamagitan ng ating pananampalataya.” Matapos marinig ang salita ng Diyos at pagbabahagi ng sister, natanto ko na, “Pinipigilan ako ng asawa ko na manalig at sumunod sa Diyos dahil ginagamit siya ni Satanas para guluhin ako at pagtaksilan ko ang Diyos—katulad ito ng pagsubok na pinagdaanan ni Job. Sinubukang gawin ni Satanas ang lahat ng paraang alam nito para tuksuhin si Job. Dahil dito ay nawala ang kanyang malaking kayamanan at ang kanyang mga kawan ng baka at tupa, tinakpan siya ng nakaririmarim na mga pigsa, at ginamit pa ang mga kaibigan niya para guluhin at salakayin siya. Ginamit pa nito ang kanyang asawa para tuksuhin si Job na talikuran ang Diyos. Buong kayabangang tinangkang wasakin ni Satanas ang pananampalataya ni Job sa Diyos at patanggihan at ipatakwil sa kanya ang Diyos. Talagang masama at kasuklam-suklam si Satanas!” Pinuspos ng mga kaisipang ito ng pagkamuhi kay Satanas ang puso ko, ngunit pagkatapos ay naisip ko, “Bagama’t baliw si Satanas sa pagpapahirap nito kay Job, hindi ito kailanman nangahas na patayin si Job nang walang pahintulot ng Diyos, kaya hindi ba nangangahulugan iyan na ang pinagdaraanan ko ay nasa mga kamay rin ng Diyos? Basta’t tunay akong gumagalang at umaasa sa Diyos, tiyak na gagabayan Niya ako para madaig ko ang mga panunukso ni Satanas.” Ang kaisipang iyan ay nagbigay sa akin ng higit na pananampalataya sa Diyos, at ipinasiya kong patuloy na makipag-ugnayan sa mga sister at dumalo sa mga pagtitipon at makibahagi sa pamamagitan ng mobile phone ko.

Isang gabi ipinatong ko ang mobile phone ko sa mesa, na hindi inaasahan na dadamputin iyon at titingnan ng asawa ko—nakita niya ang pakikipag-chat ko sa sister. Galit na galit na sinabi niya sa akin, “Kinokontak mo pa rin sila, at nakikipag-chat ka sa kanila nang dalawang oras sa bawat pagkakataon.” Pagkatapos ay binayo niya ako ng mas marami pang negatibong propaganda na nasa online, at sinimulan akong subaybayan sa iba’t ibang paraan. Hindi ko na makontak ang sister sa cell phone ko. Kaya nga nawalang muli ang buhay-iglesia ko sa ganitong paraan at hindi ako makahingi ng tulong sa sister. Pagkatapos niyon, nagsimulang magpadala ng mga tsismis ang asawa ko na natagpuan niya online araw-araw, at niligalig din ako at pinigilang kumontak sa mga kapatid. Nahaharap sa pang-aapi at pagpigil ng asawa ko, labis akong naging miserable, at hindi ko napigilang manghinang muli. Naisip ko, “Bakit ba ayaw na ayaw ng asawa ko na manalig ako sa Makapangyarihang Diyos? Gusto ko lang namang manalig sa Diyos, bakit napakahirap niyon? Kailan ko maisasagawa ang aking pananampalataya nang hindi nililigalig nang ganito? Ito na ba ang magiging buhay ko mula ngayon?” Sa kaisipang iyan talagang hindi ko napigilang umiyak—lalo akong nakadama ng lungkot at panghihina. Hindi ko alam kung saan tutungo mula roon. Ni hindi ko mabilang kung ilang beses ko iniyakan iyon. Sa aking kalungkutan, ang tanging nagawa ko ay manalangin sa Diyos, “Diyos ko! Hindi ko alam ang gagawin sa harap ng mga paghihigpit ng asawa ko o kung paano ko malalagpasan ito, ngunit naniniwala ako na anuman ang sitwasyon, naroon ang Iyong mabuting kalooban. Hinihiling ko na gabayan Mo ako at bigyan ng pananampalatayang malagpasan ito.”

Katatapos ko pa lang manalangin nang mahimalang nakatanggap ako ng dalawang sipi ng salita ng Diyos mula sa sister, “Si Satanas ay nakikipagdigma sa Diyos, sumusunud-sunod sa likuran Niya. Ang layunin nito ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, sakupin at kontrolin ang mga nais ng Diyos, ganap na puksain ang mga nais ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa sila kung gayon ay maaangkin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Kailangan mong taglayin ang Aking katapangan sa loob mo at kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo kapag humaharap sa mga kaanak na hindi naniniwala. Ngunit para sa Aking kapakanan, hindi ka rin dapat na sumuko sa kahit alin sa mga pwersa ng kadiliman. Manalig ka sa Aking karunungan upang lumakad sa perpektong daan; huwag mong hayaan ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas na makapangyari. Ilagay mo ang lahat ng iyong mga pagsisikap sa paglalagay ng iyong puso sa Aking harapan at pagiginhawahin kita at bibigyan ka ng kapayapaan at kaligayahan sa iyong puso” (“Kabanata 10” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, nagtamo ako ng kaunting paghiwatig tungkol sa masasamang intensyon ni Satanas. Gumagawa ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan samantalang pinipiga ni Satanas ang utak niya para wasakin ang gawain ng Diyos at makipag-agawan sa Kanya para sa mga tao, kaya nagkakalat ito ng lahat ng uri ng tsismis sa Internet para iligaw at linlangin ang mga tao. Ginagamit din nito ang ating pamilya upang hadlangan at takutin tayo para hindi tayo makaharap sa Diyos upang tumanggap ng kaligtasan. Nabulag at nalinlang ang asawa ko sa mga tsismis na ikinakalat ni Satanas dahil hindi niya alam ang katotohanan, na siyang tanging dahilan kaya ayaw niyang tumigil sa pagharang sa daan ng aking pananampalataya. Nasamantala rin ni Satanas ang sarili kong kahinaan para igapos at saktan ako. Alam ni Satanas na ang nakamamatay na kahinaan ko ay ang aking damdamin, kaya inaatake ako nito sa pamamagitan ng damdamin ko para sa asawa ko, pinipilit akong isuko ang pagsunod sa Diyos dahi sa pag-aalala ko para sa mga makamundo kong kaugnayan at hangaring ingatan ang pagkakasundo sa pamilya, at sa gayon ay talikuran ko ang tunay na daan at mawala ang pagkakataon kong mailigtas ng Diyos. Talagang kasuklam-suklam si Satanas! Kasabay nito, nadama ko ang nakapapanatag na pag-aliw sa akin ng Diyos sa Kanyang mga salita, hinihikayat akong huwag sumuko sa mga puwersa ng kadiliman ni Satanas. Binibigyan din ako ng Diyos ng isang paraan ng pagsasagawa. Sabi ng Diyos, “Manalig ka sa Aking karunungan upang lumakad sa perpektong daan.” Sa gayong sitwasyon, paano ako makikipagtulungan sa Diyos at gagamit ng karunungan para makapunta sa mga pagtitipon? Naalala ko na nitong huli ay ginamit na ng asawa ko ang cell phone ko para matunton ako, kaya hindi na ako nakapunta sa bahay ng sister para sa mga pagtitipon, bukod pa sa hindi ko magamit ang cell phone ko para makausap siya, ngunit puwede akong makipagkita sa kanya sa isa sa mga upuan sa mall. Kung muling magtanong ang asawa ko, maaari kong sabihin na namimili ako. Kaya, sa patnubay ng Diyos, nagawa kong makausap siyang muli. Nang maunawaan niya ang aking mga paghihirap, ibinahagi niya sa akin ang mga salita ng Diyos at inaliw ako at pinalakas ang loob ko. Matapos maunawaan ang katotohanan, biglang napawi ang pagkanegatibo ko.

Isang araw, nakauwi ako mula sa trabaho at gusto kong magbasa ng mga salita ng Diyos; hinalungkat ko ang bawat drawer at kabinet kung saan ko karaniwang itinatago ang aking aklat, ngunit nawalan iyon ng saysay. Balisang-balisa ako at naisip ko, “Heto na. Malamang ay itinapon na ng asawa ko ang aking aklat. Talagang napakaingat niyang tao, kaya siguradong hindi niya naitapon iyon sa barusahan kung saan maaari kong makita iyon. Kung itinapon niya iyon sa kanyang opisina, hinding-hindi ko na iyon makikita.” Naging miserable ako sa ideyang iyon, at hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Sumama ako sa asawa ko sa pagsusulit para sa kanyang lisensya sa pagmamaneho pagkaraan ng ilang araw at nakita ko ang isa sa mga sister doon. Patago kong ipinaalam sa kanya na nawala ang aking aklat ng mga salita ng Diyos. Sinabi niya sa akin na magdasal pa, umasa sa Diyos, at muling maghalungkat nang husto. Kontrolado at pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, sabi niya sa akin, kaya naitapon man iyon ng asawa ko ay nasa mga kamay na ng Diyos, at hindi ako dapat mag-isip ng masama at huwag akong mabilis na humatol. Pinadalhan ko ng mensahe ang isa pang sister tungkol doon pag-uwi ko, na ganoon din ang sinabi sa akin. Dahil iisa ang natanggap kong pagbabahagi ng dalawang magkaibang sister, naniwala ako na malamang ay nasa likod nito ang mabubuting layon ng Diyos. Ginamit ba ng Diyos ang mga sister para paalalahanan ako? Pagkatapos ay naisip ko ang isang sipi mula sa mga salita ng Diyos, “Ang Makapangyarihang Diyos ay sumasakop sa lahat ng bagay at pangyayari! Hanggang ang ating mga puso ay tumitingin sa Kanya sa lahat ng sandali at tayo ay pumapasok tungo sa espiritu at nakikisama sa Kanya, kung gayon ay ipakikita Niya sa atin ang lahat ng bagay na ating hinahanap at ang Kanyang kalooban ay tiyak na mabubunyag sa atin; ang ating mga puso kung gayon ay magkakaroon ng kagalakan at kapayapaan, matatag at may perpektong kalinawan” (“Kabanata 7” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na laging naroon ang Diyos para masandigan ng mga tao at makahingi ng tulong sa Kanya. Kapag nahaharap tayo sa problema at hindi tayo makaalpas, basta’t tapat tayong nananawagan sa Diyos, liliwanagan at gagabayan Niya tayo, at tutulungan tayong malagpasan ang ating mga paghihirap. Salamat sa kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos, muli na namang lumakas ang aking pananampalataya sa Diyos, at muli akong nagkaroon ng paraan ng pagsasagawa. Naunawaan ko rin na patungkol sa pagkawala ng aking aklat ng mga salita ng Diyos, hinding-hindi ko ito matatagpuan kung aasa lamang ako sa sarili kong mga pagsisikap. Ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat, at basta’t umasa ako at nagpitagan sa Diyos, at pagkatapos ay nakipagtulungan ako sa Kanya sa praktikal na paraan para hanapin iyon, nagtiwala ako na gagabayan at tutulungan ako ng Diyos. Kaya, humarap ako sa Diyos at taimtim na nagdasal, “Diyos ko! Hindi ko makita ang aking aklat ng Iyong mga salita. Noong una, umasa ako sa sarili kong mga pagkaintindi at imahinasyon para hulaan kung ano ang maaaring nangyari, at gumanti lang ako ng tugon ayon sa simbuyo ng sarili kong damdamin. Hindi Kita inuna sa lahat, at hindi ko napagtanto na lahat ay nasa ilalim ng Iyong kontrol. Ngayon ay nais kong magpitagan sa Iyo at ipagkatiwala ang bagay na ito sa Iyo, at pagkatapos ay makipagtulungan sa Iyo sa susunod kong paghahanap. Makita ko man ang aklat o hindi, mangyayari ito kung ipahihintulot Mo. Patnubayan Mo ako.”

Matapos magdasal bigla akong nakadama ng pagnanais na magpunta sa bodega para kumuha ng isang pares ng sapatos. Sa gulat ko, habang nakaluhod ako para damputin ang mga iyon, nakita ko ang isang puting bag, at biglang pumasok sa isipan ko ang isang napakalinaw na ideya: Nasa bag na ito ang aklat ng mga salita ng Diyos. Dinampot ko iyon at binuksan, at totoo nga! Kapwa nagulat at natuwa, hindi ko napigilang mapasigaw ng, “Salamat sa Diyos! Salamat sa Diyos!” Noon ko lamang napagtanto na ginagabayan ako ng Diyos para makita ko ang aklat. Talagang nakita ko na lahat ay nasa ilalim ng pamamahala ng Diyos, na ipinaplano pa ng Diyos ang mga kaisipan at ideya ng mga tao, at na walang imposible kapag sumandig tayo sa Diyos at nagpitagan tayo sa Kanya. Agad kong ibinalik ang aklat sa kuwarto ko at maingat na inilagay ang mga ito sa drawer ko. Noong gabing iyon pagbalik ng asawa ko, natuklasan niya na nakita ko ang aklat ng mga salita ng Diyos na nakatago sa bodega at inutusan akong ibalik iyon sa kanya. Sa pagkakataong ito, talagang umasa ako sa Diyos at hiniling ko sa kanya na bigyan ako ng kumpiyansa at lakas. Hindi ako pumayag na makipagkasundo pa sa kanya. Nakikitang determinado ako, hindi na siya namilit.

Kalaunan ay binigyan ako ng sister ng isang mobile phone para lamang makinig sa mga sermon na mayroon ding maraming salita ng Diyos na naka-download doon; iyon ay para maging mas madali akong makadalo sa mga pagtitipon at gawin ang aking mga debosyonal. Minsan nang magpalit ako ng bag, naiwan ko ang mobile phone sa bahay dahil sa kapabayaan, at nalaman ng asawa ko na dumadalo na naman ako sa mga pagtitipon. Pinadalhan niya ako ng mensahe na inaalam, “Bakit nakikipag-ugnayan ka pa sa kanila? Bakit lihim kang nagpupunta sa mga pagtitipon?” Nagalit at nag-alala ako nang makita niya ang mga mensaheng ito, subalit naalala ko ang aking mga karanasan sa nagdaang mga panahon, kung paanong kapag hinadlangan ako o pinagmalupitan ng asawa ko, palagi akong nakipagkasundo, umatras, o naging negatibo at mahina, at ang pinakakulang sa akin ay ang kakayahang umasa sa Diyos at magpatotoo para sa Kanya. Alam ko na sa pagkakataong ito ay hindi ako maaaring bumigay kay Satanas. Aasa ako sa Diyos, magpipitagan sa Diyos, mananaig laban kay Satanas sa pamamagitan ng pananampalataya, at tatayong saksi para sa Diyos. Naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Saanman o kailanman, o gaano man kasalungat ang kapaligiran, malinaw Kong ipakikita sa iyo at mabubunyag sa iyo ang Aking puso kung tumitingin sa Akin gamit ang iyong puso; sa ganitong paraan tatakbo ka sa daang nasa harapan at hindi kailanman maliligaw” (“Kabanata 13” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kaya, nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko! Nahirang Mo na ako ngayon at tinulutan akong sundan ang Iyong mga yapak. Kung hindi ako magpapatuloy nang buo kong lakas, kung yuyuko ako sa mga puwersa ni Satanas, mawawalan ako ng pagkakataong maligtas. Diyos ko, nais kong ipagkatiwala ang kasalukuyan kong mga paghihirap sa Iyo. Kahit nagsusumbong ang asawa ko sa pamilya ko o sa pastor tungkol sa pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos, o kung anumang iba pa ang maaari niyang gawin sa akin, magpapasakop ako sa Iyo. Sa pagkakataong ito, aasa ako sa Iyo na tumayong saksi para sa Iyo at hiyain si Satanas.”

Matapos magdasal unti-unti akong mas napanatag. Dinampot ko ang aking mobile phone at sinagot ko siya. “Oo, dumadalo na naman ako sa mga pagtitipon. Maupo tayo at pag-usapan natin ito nang masinsinan bukas ng gabi.” Nang maipadala ko ang mensahe, nadama ko pa rin na pinipino ako: Bakit tuwing gusto kong seryosong pagsikapang matamo ang katotohanan, naguguluhan ako? Pagkatapos ay naisip ko ang karanasan ni Job, na naibahagi sa akin nang maraming beses ng mga sister. At naisip ko rin ang sinabi ng Diyos, “At ano ang ginawa ng Diyos noong sumasailalim si Job sa pagpapahirap na ito? Ang Diyos ay nagmasid, at nanood, at naghintay ng kalalabasan. Habang nagmamasid at nanonood ang Diyos, ano ang nadama Niya? Siyempre nakadama Siya ng pighati” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pinag-aralan ko ang mga salita ng Diyos, at pinag-isipan ko ang karanasan ni Job. Ginugol niya ang buong buhay niya na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, ngunit hindi nakuntento si Satanas na hayaang makuha ng Diyos si Job, kaya nga tinukso niya ang huli nang maraming beses. Ngunit habang tinutukso ni Satanas si Job, nakamasid at nakabantay ang Diyos sa lahat, at binigyan ng Diyos si Satanas ng mahigpit na limitasyon: Hindi maaaring patayin ni Satanas si Job, sa gayon ay tiyak ang kaligtasan ni Job. Nakikita ko na mahal ng Diyos ang mga tao, ayaw Niyang magdusa tayo, at ayaw Niyang makita tayong mahulog sa impluwensya at maipahamak ni Satanas. Bukod pa rito, ang mabuting kalooban ng Diyos ay nasa Kanyang kalooban na nagtutulot kay Satanas na tuksuin si Job. Inasam ng Diyos na patotohanan siya ni Job at gawing perpekto ang pananampalataya at pagsunod ni Job sa Diyos. Hindi ba iyan mismo ang sitwasyong kinasadlakan ko? Bagama’t paulit-ulit akong tinukso ni Satanas, hinding-hindi ako iniwan ng Diyos, at nagabayan Niya ako hanggang sa oras na iyon. Ipinlano ng Diyos ang mga sitwasyong iyon sa pag-asang lalago ako sa buhay, tatayong saksi para sa Kanya, at hihiyain ko si Satanas, kaya alam ko ang panahong iyon na nangailangan akong maghirap para tumayong saksi para sa Diyos at hiyain ko si Satanas. Muli akong nakadama ng higit na pananampalataya sa Diyos at naging determinado akong magpasakop sa naiplano ng Diyos, na tumayo sa panig ng Diyos, at hindi na makipagkasundo kay Satanas kailanman.

Kinabukasan ng gabi pagkauwi ko mula sa trabaho, naroon na ang asawa ko at hinihintay ako. Nang maupo ako, sinabi niya, “Kaya mo bang talikuran ang iyong pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos?” pagkatapos ay nagsimula siyang magsalita tungkol sa lahat ng klase ng negatibong propaganda tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nakita niya online. Ang naging sagot ko ay, “Hindi ko kaya. Ano ba talaga ang alam mo tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Lahat ng nakita mo online ay mga tsismis na gawa-gawa lamang ng gobyernong CCP para paratangan, siraan ng puri, at tuligsain ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Wala ni isa riyan ang totoo. Ang CCP ay isang ateistang partidong pulitikal na partikular na namumuhi sa katotohanan at sa Diyos, kaya ginagawa nito ang lahat para maggawa-gawa at magkalat ng lahat ng klase ng tsismis para iligaw ang mga tao. Walang-saysay itong umaasam na linlangin ang mga tao na labanan ang Diyos at sa huli ay mapuksang kasama nito. Iyan ang masamang layon ng gobyernong CCP. Ngunit wala akong nagawang masama sa pananalig sa Diyos, ni wala akong nagawang anuman para biguin ka. Ang aking landas ng pananampalataya ang tamang landas ng buhay, at nagpasiya na akong magpatuloy rito. Napag-isipan ko na ito nang sapat, at naipasiya ko na sumige ka at tawagan mo ang pastor at mga mangangaral, at hayaan mong husgahan nila ako sa kanilang mga sermon at pagkatapos ay patalsikin ako sa iglesia. Maaari mo ring tawagan ang mga magulang ko at sabihin mong pintasan at pagmalupitan nila ako. Ngunit anuman ang gawin mo, hindi ako magbabago ng isipan. Natanggap ko na ngayon ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagdaan sa mga sitwasyong iplinano ng Diyos, mas natiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Paninindigan ko ang pasiya ko anuman ang mangyari.” Sabi ng asawa ko, “Natatanto mo naman na pinagtataksilan mo ang Panginoon, hindi ba? Binigyan ka na ng Panginoon ng napakaraming biyaya. Paano mo naatim na pagtaksilan Siya?” sabi ko, “Ang pananalig sa Makapangyarihang Diyos ay hindi pagtataksil sa Panginoon; ito ay pagsunod sa mga yapak ng Cordero, dahil ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay iisang Diyos. Ito mismo ang dahilan kaya ako nagtamasa ng napakaraming biyaya ng Panginoong Jesus kaya nang mabalitaan ko na nakabalik na ngayon ang Panginoong Jesus, alam ko na dapat kong siyasatin iyon, at pagkatapos ay tinanggap ko iyon. Nakabalik na ngayon ang Panginoong Jesus sa katawang-tao upang bumigkas ng mga bagong salita, at ipaliwanag ang lahat tungkol sa gawain at kalooban ng Diyos. Narinig ko na ang tinig ng Diyos, kaya dapat akong higit na magsikap na matamo ang aking hinahanap, magpunta sa mas maraming pagtitipon, at suklian ang pagmamahal ng Diyos sa akin.” Kalaunan ay sinabi ng asawa ko, “Sige, kalimutan mo na ito! Gawin mo ang gusto mo! Magsusumbong sana ako sa pastor at hihikayatin ko siyang kumbinsihin ka na bumalik sa iglesia, at tatawagan ko rin sana ang mga magulang mo, pero natakot ako na baka magalit sila nang husto at magkasakit. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan mula ngayon—hindi ako makikialam.”

Nagalak akong marinig ang asawa ko na sabihin na hindi na niya ako hahadlangan sa pagsampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos. Alam ko na ito ang patnubay ng Diyos at na nasa mga kamay rin ng Diyos ang puso’t isipan ng asawa ko. Ang namutawing mga salita mula sa kanyang bibig ay lubos na dahil sa pamamahala ng Diyos; ang Diyos ang nagbukas ng daan para sa akin. Nakita ko sa pamamagitan ng karanasang ito na gusto ng Diyos ang puso ko, at kapag tunay akong umasa sa Kanya, nagpitagan sa Kanya, at isinapalaran ko ang lahat para palugurin Siya, nakikita ko ang mga gawa ng Diyos, at na tahimik na Niya akong ginagabayan at tinutulungan noon pa man. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Tuwing ginagawang tiwali ni Satanas ang tao o nakikibahagi sa di-mapigilang pamiminsala, ang Diyos ay hindi nagsasawalang-kibo, ni hindi rin Siya nagwawalang-bahala o nagbubulag-bulagan doon sa Kanyang mga hinirang. Ang lahat ng ginagawa ni Satanas ay ganap na malinaw at naiintindihan ng Diyos. Anuman ang gawin ni Satanas, anumang kalakaran ang pinalilitaw nito, nalalaman ng Diyos ang lahat ng sinusubukang gawin ni Satanas, at hindi isinusuko ng Diyos ang Kanyang mga hinirang. Sa halip, ginagawa ng Diyos nang hindi man lang nakatatawag-pansin, palihim, tahimik, ang lahat ng kinakailangan” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nang pagnilayan ko ang mga salitang ito, talagang naantig ako. Naalala ko ang naranasan ko noong panahong iyon—nang gamitin ni Satanas ang asawa ko upang guluhin at pagmalupitan ako para hindi ako makapunta sa mga pagtitipon, tinulutan ng Diyos na makita ko ang mga panloloko ni Satanas at makaalpas ako mula sa aking pagkanegatibo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kapatid tungkol sa mga salita ng Diyos; nang itago ng asawa ko ang aking aklat ng mga salita ng Diyos at subukang pigilan ako sa pananalig sa Diyos, tunay akong umasa at nagpitagan sa Diyos, at pagkatapos ay nasaksihan ko ang mahimalang mga gawa ng Diyos; nang magpasiya akong pumanig sa Diyos at naging handa akong isapalaran ang lahat upang sundan ang Diyos, napahiya si Satanas at umatras. Sa pamamagitan ng aking mga karanasan nakita ko na talagang nasa panig ko ang Diyos, at na itinatakda Niya ang mga bagay para sa akin alinsunod sa aking tayog. Hindi ako binigyan ng Diyos ng pasanin na hindi ko kinaya. Naisip ko kung paanong noong araw, bago ko tunay na ibinigay ang puso ko sa Diyos, lagi akong abala sa mga pagnanasa ng laman, umasa ako sa mga paraan ng tao upang makayanan ang mga problema, at hindi ako nangahas na talikuran si Satanas. Dahil dito, sinamantala ni Satanas ang pinakamahina sa akin, na paulit-ulit akong sinasamantala at inaatake, pinahihirapan nang walang katapusan. Ngunit nang tunay akong umasa sa Diyos at naging handa akong ayusin ang lahat, nagbukas ng daan ang Diyos para sa akin, at napahiya si Satanas sa pagkatalo, na wala nang nagawa. Matapos pagdaanan ang lahat ng ito nagtamo ako ng tunay na pag-unawa sa pagka-makapangyarihan sa lahat at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, gayundin ang sarili kong suwail na disposisyon. Lumago ang aking pananampalataya at pagsunod sa Diyos, nahiwatigan ko ang mga plano ni Satanas, at nakita ko ang likas na kasamaan at pagiging kasuklam-suklam ni Satanas. Nagkaroon ako ng tunay na pagkapoot kay Satanas. Salamat sa patnubay at kaliwanagang kaloob ng Diyos kaya nagawa kong maunawaan ang lahat ng ito. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos!

Umani ako nang malaki mula sa naranasan ko sa loob ng panahong iyon. Habang nangyayari iyon nagdanas ako ng panghihina at pagkanegatibo, ngunit ang patnubay ng mga salita ng Diyos at ang suporta at tulong ng aking mga kapatid ay nagbigay sa akin ng pananampalataya na madaig ang mga tukso at pag-atake ni Satanas, at magpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Nakita ko na ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng aking mga praktikal na karanasan, at na inaakay ako ng Diyos noon pa man at hindi Siya kailanman lumayo sa aking tabi sa lahat ng ito. Kapag tunay nating ibinibigay ang ating puso sa Diyos, nagpitagan sa Diyos, at umasa sa Diyos, makikita natin ang Kanyang mahimalang mga gawa at makakaraos tayo sa ating mga pagdurusa. Mula sa araw na ito, nais ko lamang maranasan pa ang gawain ng Diyos at maghangad ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos!