Ni Jingnian, Canada
Bata pa ako ay sinundan ko na ang pananalig ng pamilya ko sa Panginoon, na madalas na nagbabasa ng Biblia at dumadalo sa mga samba. Ibinahagi ko ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa biyenan kong babae nang makapag-asawa ako, at mula noon ay hindi na siya nagwala sa galit kapag may nangyari o kumilos dahil lamang sa gusto niya tulad noong araw. Nagsimulang gumanda ang mga relasyon sa aming pamilya sa pangkalahatan. Nang makita ang mga pagbabago sa kanyang ina, nagsimula ring manalig sa Panginoon ang asawa ko noong 2015, at sumama sa akin na magsimba linggu-linggo. Naging payapa ang pamilya ko matapos tanggapin ang ebanghelyo ng Panginoon, at nang makita ko ito nalaman ko na ito ang biyaya ng Panginoon—taos-puso kong pinasalamatan ang Panginoon.
Habang nasa trabaho isang araw noong Pebrero 2017, nakita ako ng isang babaeng kostumer at tuwang-tuwa siya. Hinila niya ako sa tabi at sinabi, “Kamukhang-kamukha ka ng isang kaibigan ko. Puwede ba kitang ipakilala sa kanya? Kadarating lang niya sa Canada at halos walang kakilala, gusto mo ba siyang makilala at makasama kung may oras ka?” Talagang nagulat akong marinig ito at naisip ko: Puwede kayang mangyari ang ganito? Talaga kayang kamukhang-kamukha ako ng kaibigan niya? Pero natanto ko na nasa kaibuturan ng lahat ng bagay ang mabuting kalooban ng Panginoon, at na ang mapagmahal na pagtulong sa iba ay isa rin sa mga turo ng Panginoon, kaya pumayag ako sa hiling niya. Ilang araw pagkaraan, nakilala ko ang kaibigan niyang si Xiao Han, na talaga ngang kamukhang-kamukha ko; tinanong kami ng mga taong nakakita sa amin kung kambal kami. Hindi ko alam kung dahil iyon sa magkamukhang-magkamukha kami o dahil ang mga plano ng Panginoon ang nasa likod ng mga bagay-bagay, pero nang makita ko siya, agad akong napalapit sa kanya. Ilang beses lang kami nagkita at naging parang magkapatid kami na kayang pag-usapan ang kahit ano. Ang higit na nakagulat sa akin ay na sa pamamagitan ni Xiao Han, narinig ko ang ebanghelyo ng nagbalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
__________________________________________________
Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?
__________________________________________________
Isang araw, isinama ako ni Xiao Han sa bahay ng tita niya, kung saan nagbahagi sa amin ang tita niya tungkol sa ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Ipinabasa niya sa amin ang mga salitang binigkas ng Diyos sa mga huling araw, at nagbahagi sa amin tungkol sa kalooban ng Diyos sa paglikha kina Adan at Eva, sa mga ideya at intensyon ng Diyos nang utusan Niya si Noe na bumuo ng arka, kung paano nasaktan ang puso ng Diyos nang puksain Niya ang mga tao noong panahon ni Noe, at iba pa. Sinabi niya na ang mga hiwagang ito ay inihayag na lahat sa mga salita ng Diyos sa mga huling araw, kung hindi ay hindi ito mauunawaan ninuman. Naniwala ako sa kanya, dahil Diyos lamang Mismo ang makapagpapaliwanag sa mga ideya sa likod ng lahat ng Kanyang ginagawa. Kung hindi naparito nang personal ang Diyos para magsalita at gumawa, sino pa ang lubos na makapagpapaliwanag ng mga ideya at intensyon ng Diyos? Labis akong naakit sa mga salita ng Diyos, at nagpasiya akong siyasating mabuti ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Habang sinisiyasat ko iyon, marami akong itinanong na hindi ko naunawaan kailanman kapag nagbabasa ako ng Biblia, at sinagot ng tita ni Xiao Han ang mga iyon batay sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos—napakadetalyado ng mga sagot, at malinaw at madali kong naunawaan ang mga iyon. Nang lalo ko pang basahin ang mga salita ng Diyos, unti-unting nalutas ang pagkalito sa puso ko, at naunawaan ko na sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, na tinutupad ang propesiya sa Biblia na “Pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17). Ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay isang pagpapatindi at pagpapalalim ng gawain ng Panginoong Jesus, at ito ang huling yugto ng gawain ng Diyos sa mga huling araw upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Matapos magsiyasat nang ilang panahon, natiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus; masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagsimula akong dumalo sa mga miting kasama ang aking mga kapatid.
sang umaga makalipas ang mahigit tatlong buwan, tinitipon ko ang iba pang mga sister tulad ng dati, nang biglang tumunog ang cell phone ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang isang notification na may nagtatangkang tumuklas sa kinaroroonan ko gamit ang iPhone ko. Gulat na gulat ako at hindi ko alam ang nangyayari, ngunit pagkatapos niyon, agad akong pinadalhan ng WeChat message ng asawa ko na nagtatanong, “Nasaan ka?” Tiningnan ko ang mensahe at medyo nag-atubili ako; naalala ko na, nang makabalik ako mula sa isang samba sa iglesia mahigit isang buwan na ang nakararaan, sinabi sa akin ng asawa ko na maraming negatibong bagay na sinabi ang pastor tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at binalaan ang mga mananampalataya na mag-ingat at huwag kumontak sa mga tao mula sa Kidlat ng Silanganan. Noong panahong iyon, natakot akong baka iligaw ng landas ng pastor at elder ang asawa ko, at kontrahin niya ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa mga tsismis nila. Gusto kong maghintay na maibahagi ko sa kanya ang ebanghelyo hanggang sa mas naunawaan ko ang mas marami pang katotohanan at malinaw akong makapagpatotoo tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, kaya hindi ako nangahas kailanman na sabihin sa kanya ang tungkol sa mga pakikitipon ko sa mga sister ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nasasaisip iyan, sumagot ako sa kanya, “Papasok ako sa trabaho.” Ngunit nang isipin ko itong muli, nadama ko na may mali, “Hindi naman niya ako pinadadalhan ng mga mensahe sa oras na ito. Bakit bigla niya akong tinanong kung nasaan ako ngayon? Ano ang nangyayari?”
Pagdating ko sa bahay mula sa trabaho noong gabing iyon, nakita kong nakaupo ang asawa ko sa kama at nakatingin nang matalim. Nakita niya ang aklat ng mga salita ng Diyos na naitago ko sa bahay, at inilatag niya iyon sa mesa. Natigilan talaga ako nang makita ko iyon, ngunit bago pa ako nakapag-isip, tinanong ako ng asawa ko, “Kailan ka nagsimulang maniwala sa Makapangyarihang Diyos? Maraming negatibong nakasulat online tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, hindi mo ba alam iyan? Nagsinungaling ka sa akin ngayon. Hindi ka papasok sa trabaho kaninang umaga. Nasaan ka?” Medyo nangingitngit na sumagot ako, “Kaya pala nagsimulang tumunog ang cell phone ngayon ikaw pala ang naghahanap sa akin!” Sabi niya, “Noong oras ng pahinga namin sa trabaho kaninang umaga gusto kong malaman kung nasaan ka, kaya tiningnan ko ang kinaroroonan mo at natuklasan ko na wala ka sa sinabi mong kinaroroonan mo.” Lumambot ang tono niya at nagpatuloy siya, “Sabi ng gobyernong Chinese online, ang mga hangganan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan ay hindi malinaw na pinanatili ng mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, at mayroon ding lahat ng klase ng iba pang negatibong bagay. Puwede bang huwag mo na silang kontakin? Mas makakabuti kung pumunta ka na lang sa mga samba ng iglesia—puwede kitang samahan linggu-linggo. Bakit ka nakikipag-ugnayan sa kanila?” Matapos sabihin ito nag-online siya at natagpuan ang maraming negatibong impormasyon tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para ipabasa sa akin. Matapos basahin ang mga walang-batayang tsismis na ito, pagalit kong sinabi, “Ni hindi man lang nagkaroon ang mga taong ito ng anumang pakikipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Bakit sila nagbububusa tungkol doon? Walang-walang batayan ito, tsismis lang ito. Mga kasinungalingan at tsismis ang mga ito at mahirap paniwalaan! Nitong huling ilang buwan, nakasama ko ang mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at ang nakita ko ay na simple at disente ang kanilang pananamit, at marangal silang magsalita at kumilos. May tiyak na mga hangganan sa pagitan ng mga kapatid at may mga prinsipyo sa kanilang pakikisalamuha. Hindi sila katulad ng ikinakalat na mga tsismis ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder. Malinaw na nakasaad sa isa sa mga atas administratibo ng Kapanahunan ng Kaharian na, ‘Ang tao ay may tiwaling disposisyon at, bukod pa rito, siya ay may damdamin. Dahil dito, talagang ipinagbabawal sa dalawang kasaping magkaibang kasarian na magkasama sa trabaho habang naglilingkod sa Diyos. Sinumang matuklasan na gumagawa nito ay ititiwalag, nang walang pagtatangi—at walang sinumang makakalibre dito’ (“Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng mga Taong Hinirang ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang Diyos ay banal at matuwid, at walang ibang kinamumuhian kundi ang mahalay na pag-uugali. Kaya, nagpalabas ng mahigpit na mga atas administratibo ang Diyos para sa mga taong Kanyang hinirang, at sinumang lumalabag sa mga ito ay patatalsikin sa iglesia. Ang mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay mahigpit na sumusunod sa mga atas administratibo ng Diyos, at walang nangangahas na labagin ang mga ito. Personal ko itong nakita at naranasan. Ang tsismis na ikinalat ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder na hindi malinaw ang mga hangganan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay walang iba kundi mga kasinungalingan at paninirang-puri!” Ngunit anuman ang sinabi ko, talagang ayaw makinig ng asawa ko, at iginiit niya na huwag na akong dumalo pa sa mga pagtitipon na kasama ang mga kapatid. Nakikita kung gaano siya kahigpit, nagsimula akong makadama ng kaunting pagkanegatibo, dahil ang tanging taong malapit sa akin sa ibang bansang ito ay ang asawa ko at ayaw ko siyang kalabanin. Bukod pa riyan, natakot ako na baka magsumbong siya sa pamilya ko sa China at sa pastor, na maghahatid lang sa akin ng dagdag na problema. Kaya, nang igiit niya na huwag akong dumalo sa mga pagtitipon, pumayag ako, ngunit sabi ko, gusto kong patuloy na basahin ang mga salita nag Diyos sa bahay; pumayag siya. Kaya nga, sandaling humupa ang bagyo.
Mula nang basahin kong mag-isa sa bahay ang mga salita ng Diyos, maraming bagay akong hindi naunawaan. Kaya, ginamit ko ang mobile phone ko para kontakin ang isang sister habang nasa trabaho ang asawa ko, na nagtulot sa akin na patuloy na makitipon sa mga sister. Nang ikuwento ko sa aking mga sister na pinatigil na ako ng asawa ko sa pagpunta sa mga pagtitipon, binasa ng isa sa kanila ang isang sipi ng mga salita ng Diyos sa akin, “Sa bawat hakbang ng paggawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at nangangailangan sa tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyo ay pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag ang Diyos at si Satanas ay naglalaban sa espirituwal na dako, paano mo dapat pasayahin ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo” (“Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ibinahagi ng aking sister, “Kapag nasagupa natin ang ganitong klaseng bagay matapos tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, sa tingin ay mukhang nakaharang sa ating landas ang ating pamilya at hinahadlangan tayo sa pagpunta sa mga pagtitipon, ngunit kung titingnan natin ito sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ang panggugulo ni Satanas ang nasa likod nito: Ito ay isang espirituwal na pakikibaka. Nais tayong iligtas ng Diyos, ngunit ayaw sumuko kaagad ni Satanas, kaya sumusunod ito sa likod ng Diyos upang guluhin tayo, at ginagamit ang mga tao sa ating paligid para pigilan tayong humarap sa Diyos. Ang mithiin ni Satanas ay sirain ang ating wastong pakikipag-ugnayan sa Diyos, para maging negatibo ang ating pakiramdam at manghina tayo para ilayo natin ang ating sarili sa Diyos at pagtaksilan natin Siya, at sa huli ay bumalik sa sakop nito at mawalan tayo ng pagkakataong maligtas ng Diyos. Kaya nga kailangan tayong matutong makahiwatig, tumingin sa mga bagay-bagay ayon sa mga salita ng Diyos, makita ang mga panloloko ni Satanas, mas manalangin at umasa sa Diyos, at magkaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos. Sa gayon ay makikita natin ang mga kilos ng Diyos sa pamamagitan ng ating pananampalataya.” Matapos marinig ang salita ng Diyos at pagbabahagi ng sister, natanto ko na, “Pinipigilan ako ng asawa ko na manalig at sumunod sa Diyos dahil ginagamit siya ni Satanas para guluhin ako at pagtaksilan ko ang Diyos—katulad ito ng pagsubok na pinagdaanan ni Job. Sinubukang gawin ni Satanas ang lahat ng paraang alam nito para tuksuhin si Job. Dahil dito ay nawala ang kanyang malaking kayamanan at ang kanyang mga kawan ng baka at tupa, tinakpan siya ng nakaririmarim na mga pigsa, at ginamit pa ang mga kaibigan niya para guluhin at salakayin siya. Ginamit pa nito ang kanyang asawa para tuksuhin si Job na talikuran ang Diyos. Buong kayabangang tinangkang wasakin ni Satanas ang pananampalataya ni Job sa Diyos at patanggihan at ipatakwil sa kanya ang Diyos. Talagang masama at kasuklam-suklam si Satanas!” Pinuspos ng mga kaisipang ito ng pagkamuhi kay Satanas ang puso ko, ngunit pagkatapos ay naisip ko, “Bagama’t baliw si Satanas sa pagpapahirap nito kay Job, hindi ito kailanman nangahas na patayin si Job nang walang pahintulot ng Diyos, kaya hindi ba nangangahulugan iyan na ang pinagdaraanan ko ay nasa mga kamay rin ng Diyos? Basta’t tunay akong gumagalang at umaasa sa Diyos, tiyak na gagabayan Niya ako para madaig ko ang mga panunukso ni Satanas.” Ang kaisipang iyan ay nagbigay sa akin ng higit na pananampalataya sa Diyos, at ipinasiya kong patuloy na makipag-ugnayan sa mga sister at dumalo sa mga pagtitipon at makibahagi sa pamamagitan ng mobile phone ko.
Isang gabi ipinatong ko ang mobile phone ko sa mesa, na hindi inaasahan na dadamputin iyon at titingnan ng asawa ko—nakita niya ang pakikipag-chat ko sa sister. Galit na galit na sinabi niya sa akin, “Kinokontak mo pa rin sila, at nakikipag-chat ka sa kanila nang dalawang oras sa bawat pagkakataon.” Pagkatapos ay binayo niya ako ng mas marami pang negatibong propaganda na nasa online, at sinimulan akong subaybayan sa iba’t ibang paraan. Hindi ko na makontak ang sister sa cell phone ko. Kaya nga nawalang muli ang buhay-iglesia ko sa ganitong paraan at hindi ako makahingi ng tulong sa sister. Pagkatapos niyon, nagsimulang magpadala ng mga tsismis ang asawa ko na natagpuan niya online araw-araw, at niligalig din ako at pinigilang kumontak sa mga kapatid. Nahaharap sa pang-aapi at pagpigil ng asawa ko, labis akong naging miserable, at hindi ko napigilang manghinang muli. Naisip ko, “Bakit ba ayaw na ayaw ng asawa ko na manalig ako sa Makapangyarihang Diyos? Gusto ko lang namang manalig sa Diyos, bakit napakahirap niyon? Kailan ko maisasagawa ang aking pananampalataya nang hindi nililigalig nang ganito? Ito na ba ang magiging buhay ko mula ngayon?” Sa kaisipang iyan talagang hindi ko napigilang umiyak—lalo akong nakadama ng lungkot at panghihina. Hindi ko alam kung saan tutungo mula roon. Ni hindi ko mabilang kung ilang beses ko iniyakan iyon. Sa aking kalungkutan, ang tanging nagawa ko ay manalangin sa Diyos, “Diyos ko! Hindi ko alam ang gagawin sa harap ng mga paghihigpit ng asawa ko o kung paano ko malalagpasan ito, ngunit naniniwala ako na anuman ang sitwasyon, naroon ang Iyong mabuting kalooban. Hinihiling ko na gabayan Mo ako at bigyan ng pananampalatayang malagpasan ito.”
Katatapos ko pa lang manalangin nang mahimalang nakatanggap ako ng dalawang sipi ng salita ng Diyos mula sa sister, “Si Satanas ay nakikipagdigma sa Diyos, sumusunud-sunod sa likuran Niya. Ang layunin nito ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, sakupin at kontrolin ang mga nais ng Diyos, ganap na puksain ang mga nais ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa sila kung gayon ay maaangkin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Kailangan mong taglayin ang Aking katapangan sa loob mo at kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo kapag humaharap sa mga kaanak na hindi naniniwala. Ngunit para sa Aking kapakanan, hindi ka rin dapat na sumuko sa kahit alin sa mga pwersa ng kadiliman. Manalig ka sa Aking karunungan upang lumakad sa perpektong daan; huwag mong hayaan ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas na makapangyari. Ilagay mo ang lahat ng iyong mga pagsisikap sa paglalagay ng iyong puso sa Aking harapan at pagiginhawahin kita at bibigyan ka ng kapayapaan at kaligayahan sa iyong puso” (“Kabanata 10” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, nagtamo ako ng kaunting paghiwatig tungkol sa masasamang intensyon ni Satanas. Gumagawa ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan samantalang pinipiga ni Satanas ang utak niya para wasakin ang gawain ng Diyos at makipag-agawan sa Kanya para sa mga tao, kaya nagkakalat ito ng lahat ng uri ng tsismis sa Internet para iligaw at linlangin ang mga tao. Ginagamit din nito ang ating pamilya upang hadlangan at takutin tayo para hindi tayo makaharap sa Diyos upang tumanggap ng kaligtasan. Nabulag at nalinlang ang asawa ko sa mga tsismis na ikinakalat ni Satanas dahil hindi niya alam ang katotohanan, na siyang tanging dahilan kaya ayaw niyang tumigil sa pagharang sa daan ng aking pananampalataya. Nasamantala rin ni Satanas ang sarili kong kahinaan para igapos at saktan ako. Alam ni Satanas na ang nakamamatay na kahinaan ko ay ang aking damdamin, kaya inaatake ako nito sa pamamagitan ng damdamin ko para sa asawa ko, pinipilit akong isuko ang pagsunod sa Diyos dahi sa pag-aalala ko para sa mga makamundo kong kaugnayan at hangaring ingatan ang pagkakasundo sa pamilya, at sa gayon ay talikuran ko ang tunay na daan at mawala ang pagkakataon kong mailigtas ng Diyos. Talagang kasuklam-suklam si Satanas! Kasabay nito, nadama ko ang nakapapanatag na pag-aliw sa akin ng Diyos sa Kanyang mga salita, hinihikayat akong huwag sumuko sa mga puwersa ng kadiliman ni Satanas. Binibigyan din ako ng Diyos ng isang paraan ng pagsasagawa. Sabi ng Diyos, “Manalig ka sa Aking karunungan upang lumakad sa perpektong daan.” Sa gayong sitwasyon, paano ako makikipagtulungan sa Diyos at gagamit ng karunungan para makapunta sa mga pagtitipon? Naalala ko na nitong huli ay ginamit na ng asawa ko ang cell phone ko para matunton ako, kaya hindi na ako nakapunta sa bahay ng sister para sa mga pagtitipon, bukod pa sa hindi ko magamit ang cell phone ko para makausap siya, ngunit puwede akong makipagkita sa kanya sa isa sa mga upuan sa mall. Kung muling magtanong ang asawa ko, maaari kong sabihin na namimili ako. Kaya, sa patnubay ng Diyos, nagawa kong makausap siyang muli. Nang maunawaan niya ang aking mga paghihirap, ibinahagi niya sa akin ang mga salita ng Diyos at inaliw ako at pinalakas ang loob ko. Matapos maunawaan ang katotohanan, biglang napawi ang pagkanegatibo ko.
Isang araw, nakauwi ako mula sa trabaho at gusto kong magbasa ng mga salita ng Diyos; hinalungkat ko ang bawat drawer at kabinet kung saan ko karaniwang itinatago ang aking aklat, ngunit nawalan iyon ng saysay. Balisang-balisa ako at naisip ko, “Heto na. Malamang ay itinapon na ng asawa ko ang aking aklat. Talagang napakaingat niyang tao, kaya siguradong hindi niya naitapon iyon sa barusahan kung saan maaari kong makita iyon. Kung itinapon niya iyon sa kanyang opisina, hinding-hindi ko na iyon makikita.” Naging miserable ako sa ideyang iyon, at hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Sumama ako sa asawa ko sa pagsusulit para sa kanyang lisensya sa pagmamaneho pagkaraan ng ilang araw at nakita ko ang isa sa mga sister doon. Patago kong ipinaalam sa kanya na nawala ang aking aklat ng mga salita ng Diyos. Sinabi niya sa akin na magdasal pa, umasa sa Diyos, at muling maghalungkat nang husto. Kontrolado at pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, sabi niya sa akin, kaya naitapon man iyon ng asawa ko ay nasa mga kamay na ng Diyos, at hindi ako dapat mag-isip ng masama at huwag akong mabilis na humatol. Pinadalhan ko ng mensahe ang isa pang sister tungkol doon pag-uwi ko, na ganoon din ang sinabi sa akin. Dahil iisa ang natanggap kong pagbabahagi ng dalawang magkaibang sister, naniwala ako na malamang ay nasa likod nito ang mabubuting layon ng Diyos. Ginamit ba ng Diyos ang mga sister para paalalahanan ako? Pagkatapos ay naisip ko ang isang sipi mula sa mga salita ng Diyos, “Ang Makapangyarihang Diyos ay sumasakop sa lahat ng bagay at pangyayari! Hanggang ang ating mga puso ay tumitingin sa Kanya sa lahat ng sandali at tayo ay pumapasok tungo sa espiritu at nakikisama sa Kanya, kung gayon ay ipakikita Niya sa atin ang lahat ng bagay na ating hinahanap at ang Kanyang kalooban ay tiyak na mabubunyag sa atin; ang ating mga puso kung gayon ay magkakaroon ng kagalakan at kapayapaan, matatag at may perpektong kalinawan” (“Kabanata 7” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na laging naroon ang Diyos para masandigan ng mga tao at makahingi ng tulong sa Kanya. Kapag nahaharap tayo sa problema at hindi tayo makaalpas, basta’t tapat tayong nananawagan sa Diyos, liliwanagan at gagabayan Niya tayo, at tutulungan tayong malagpasan ang ating mga paghihirap. Salamat sa kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos, muli na namang lumakas ang aking pananampalataya sa Diyos, at muli akong nagkaroon ng paraan ng pagsasagawa. Naunawaan ko rin na patungkol sa pagkawala ng aking aklat ng mga salita ng Diyos, hinding-hindi ko ito matatagpuan kung aasa lamang ako sa sarili kong mga pagsisikap. Ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat, at basta’t umasa ako at nagpitagan sa Diyos, at pagkatapos ay nakipagtulungan ako sa Kanya sa praktikal na paraan para hanapin iyon, nagtiwala ako na gagabayan at tutulungan ako ng Diyos. Kaya, humarap ako sa Diyos at taimtim na nagdasal, “Diyos ko! Hindi ko makita ang aking aklat ng Iyong mga salita. Noong una, umasa ako sa sarili kong mga pagkaintindi at imahinasyon para hulaan kung ano ang maaaring nangyari, at gumanti lang ako ng tugon ayon sa simbuyo ng sarili kong damdamin. Hindi Kita inuna sa lahat, at hindi ko napagtanto na lahat ay nasa ilalim ng Iyong kontrol. Ngayon ay nais kong magpitagan sa Iyo at ipagkatiwala ang bagay na ito sa Iyo, at pagkatapos ay makipagtulungan sa Iyo sa susunod kong paghahanap. Makita ko man ang aklat o hindi, mangyayari ito kung ipahihintulot Mo. Patnubayan Mo ako.”
Matapos magdasal bigla akong nakadama ng pagnanais na magpunta sa bodega para kumuha ng isang pares ng sapatos. Sa gulat ko, habang nakaluhod ako para damputin ang mga iyon, nakita ko ang isang puting bag, at biglang pumasok sa isipan ko ang isang napakalinaw na ideya: Nasa bag na ito ang aklat ng mga salita ng Diyos. Dinampot ko iyon at binuksan, at totoo nga! Kapwa nagulat at natuwa, hindi ko napigilang mapasigaw ng, “Salamat sa Diyos! Salamat sa Diyos!” Noon ko lamang napagtanto na ginagabayan ako ng Diyos para makita ko ang aklat. Talagang nakita ko na lahat ay nasa ilalim ng pamamahala ng Diyos, na ipinaplano pa ng Diyos ang mga kaisipan at ideya ng mga tao, at na walang imposible kapag sumandig tayo sa Diyos at nagpitagan tayo sa Kanya. Agad kong ibinalik ang aklat sa kuwarto ko at maingat na inilagay ang mga ito sa drawer ko. Noong gabing iyon pagbalik ng asawa ko, natuklasan niya na nakita ko ang aklat ng mga salita ng Diyos na nakatago sa bodega at inutusan akong ibalik iyon sa kanya. Sa pagkakataong ito, talagang umasa ako sa Diyos at hiniling ko sa kanya na bigyan ako ng kumpiyansa at lakas. Hindi ako pumayag na makipagkasundo pa sa kanya. Nakikitang determinado ako, hindi na siya namilit.
Kalaunan ay binigyan ako ng sister ng isang mobile phone para lamang makinig sa mga sermon na mayroon ding maraming salita ng Diyos na naka-download doon; iyon ay para maging mas madali akong makadalo sa mga pagtitipon at gawin ang aking mga debosyonal. Minsan nang magpalit ako ng bag, naiwan ko ang mobile phone sa bahay dahil sa kapabayaan, at nalaman ng asawa ko na dumadalo na naman ako sa mga pagtitipon. Pinadalhan niya ako ng mensahe na inaalam, “Bakit nakikipag-ugnayan ka pa sa kanila? Bakit lihim kang nagpupunta sa mga pagtitipon?” Nagalit at nag-alala ako nang makita niya ang mga mensaheng ito, subalit naalala ko ang aking mga karanasan sa nagdaang mga panahon, kung paanong kapag hinadlangan ako o pinagmalupitan ng asawa ko, palagi akong nakipagkasundo, umatras, o naging negatibo at mahina, at ang pinakakulang sa akin ay ang kakayahang umasa sa Diyos at magpatotoo para sa Kanya. Alam ko na sa pagkakataong ito ay hindi ako maaaring bumigay kay Satanas. Aasa ako sa Diyos, magpipitagan sa Diyos, mananaig laban kay Satanas sa pamamagitan ng pananampalataya, at tatayong saksi para sa Diyos. Naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Saanman o kailanman, o gaano man kasalungat ang kapaligiran, malinaw Kong ipakikita sa iyo at mabubunyag sa iyo ang Aking puso kung tumitingin sa Akin gamit ang iyong puso; sa ganitong paraan tatakbo ka sa daang nasa harapan at hindi kailanman maliligaw” (“Kabanata 13” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kaya, nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko! Nahirang Mo na ako ngayon at tinulutan akong sundan ang Iyong mga yapak. Kung hindi ako magpapatuloy nang buo kong lakas, kung yuyuko ako sa mga puwersa ni Satanas, mawawalan ako ng pagkakataong maligtas. Diyos ko, nais kong ipagkatiwala ang kasalukuyan kong mga paghihirap sa Iyo. Kahit nagsusumbong ang asawa ko sa pamilya ko o sa pastor tungkol sa pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos, o kung anumang iba pa ang maaari niyang gawin sa akin, magpapasakop ako sa Iyo. Sa pagkakataong ito, aasa ako sa Iyo na tumayong saksi para sa Iyo at hiyain si Satanas.”
Matapos magdasal unti-unti akong mas napanatag. Dinampot ko ang aking mobile phone at sinagot ko siya. “Oo, dumadalo na naman ako sa mga pagtitipon. Maupo tayo at pag-usapan natin ito nang masinsinan bukas ng gabi.” Nang maipadala ko ang mensahe, nadama ko pa rin na pinipino ako: Bakit tuwing gusto kong seryosong pagsikapang matamo ang katotohanan, naguguluhan ako? Pagkatapos ay naisip ko ang karanasan ni Job, na naibahagi sa akin nang maraming beses ng mga sister. At naisip ko rin ang sinabi ng Diyos, “At ano ang ginawa ng Diyos noong sumasailalim si Job sa pagpapahirap na ito? Ang Diyos ay nagmasid, at nanood, at naghintay ng kalalabasan. Habang nagmamasid at nanonood ang Diyos, ano ang nadama Niya? Siyempre nakadama Siya ng pighati” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pinag-aralan ko ang mga salita ng Diyos, at pinag-isipan ko ang karanasan ni Job. Ginugol niya ang buong buhay niya na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, ngunit hindi nakuntento si Satanas na hayaang makuha ng Diyos si Job, kaya nga tinukso niya ang huli nang maraming beses. Ngunit habang tinutukso ni Satanas si Job, nakamasid at nakabantay ang Diyos sa lahat, at binigyan ng Diyos si Satanas ng mahigpit na limitasyon: Hindi maaaring patayin ni Satanas si Job, sa gayon ay tiyak ang kaligtasan ni Job. Nakikita ko na mahal ng Diyos ang mga tao, ayaw Niyang magdusa tayo, at ayaw Niyang makita tayong mahulog sa impluwensya at maipahamak ni Satanas. Bukod pa rito, ang mabuting kalooban ng Diyos ay nasa Kanyang kalooban na nagtutulot kay Satanas na tuksuin si Job. Inasam ng Diyos na patotohanan siya ni Job at gawing perpekto ang pananampalataya at pagsunod ni Job sa Diyos. Hindi ba iyan mismo ang sitwasyong kinasadlakan ko? Bagama’t paulit-ulit akong tinukso ni Satanas, hinding-hindi ako iniwan ng Diyos, at nagabayan Niya ako hanggang sa oras na iyon. Ipinlano ng Diyos ang mga sitwasyong iyon sa pag-asang lalago ako sa buhay, tatayong saksi para sa Kanya, at hihiyain ko si Satanas, kaya alam ko ang panahong iyon na nangailangan akong maghirap para tumayong saksi para sa Diyos at hiyain ko si Satanas. Muli akong nakadama ng higit na pananampalataya sa Diyos at naging determinado akong magpasakop sa naiplano ng Diyos, na tumayo sa panig ng Diyos, at hindi na makipagkasundo kay Satanas kailanman.
Kinabukasan ng gabi pagkauwi ko mula sa trabaho, naroon na ang asawa ko at hinihintay ako. Nang maupo ako, sinabi niya, “Kaya mo bang talikuran ang iyong pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos?” pagkatapos ay nagsimula siyang magsalita tungkol sa lahat ng klase ng negatibong propaganda tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nakita niya online. Ang naging sagot ko ay, “Hindi ko kaya. Ano ba talaga ang alam mo tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Lahat ng nakita mo online ay mga tsismis na gawa-gawa lamang ng gobyernong CCP para paratangan, siraan ng puri, at tuligsain ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Wala ni isa riyan ang totoo. Ang CCP ay isang ateistang partidong pulitikal na partikular na namumuhi sa katotohanan at sa Diyos, kaya ginagawa nito ang lahat para maggawa-gawa at magkalat ng lahat ng klase ng tsismis para iligaw ang mga tao. Walang-saysay itong umaasam na linlangin ang mga tao na labanan ang Diyos at sa huli ay mapuksang kasama nito. Iyan ang masamang layon ng gobyernong CCP. Ngunit wala akong nagawang masama sa pananalig sa Diyos, ni wala akong nagawang anuman para biguin ka. Ang aking landas ng pananampalataya ang tamang landas ng buhay, at nagpasiya na akong magpatuloy rito. Napag-isipan ko na ito nang sapat, at naipasiya ko na sumige ka at tawagan mo ang pastor at mga mangangaral, at hayaan mong husgahan nila ako sa kanilang mga sermon at pagkatapos ay patalsikin ako sa iglesia. Maaari mo ring tawagan ang mga magulang ko at sabihin mong pintasan at pagmalupitan nila ako. Ngunit anuman ang gawin mo, hindi ako magbabago ng isipan. Natanggap ko na ngayon ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagdaan sa mga sitwasyong iplinano ng Diyos, mas natiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Paninindigan ko ang pasiya ko anuman ang mangyari.” Sabi ng asawa ko, “Natatanto mo naman na pinagtataksilan mo ang Panginoon, hindi ba? Binigyan ka na ng Panginoon ng napakaraming biyaya. Paano mo naatim na pagtaksilan Siya?” sabi ko, “Ang pananalig sa Makapangyarihang Diyos ay hindi pagtataksil sa Panginoon; ito ay pagsunod sa mga yapak ng Cordero, dahil ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay iisang Diyos. Ito mismo ang dahilan kaya ako nagtamasa ng napakaraming biyaya ng Panginoong Jesus kaya nang mabalitaan ko na nakabalik na ngayon ang Panginoong Jesus, alam ko na dapat kong siyasatin iyon, at pagkatapos ay tinanggap ko iyon. Nakabalik na ngayon ang Panginoong Jesus sa katawang-tao upang bumigkas ng mga bagong salita, at ipaliwanag ang lahat tungkol sa gawain at kalooban ng Diyos. Narinig ko na ang tinig ng Diyos, kaya dapat akong higit na magsikap na matamo ang aking hinahanap, magpunta sa mas maraming pagtitipon, at suklian ang pagmamahal ng Diyos sa akin.” Kalaunan ay sinabi ng asawa ko, “Sige, kalimutan mo na ito! Gawin mo ang gusto mo! Magsusumbong sana ako sa pastor at hihikayatin ko siyang kumbinsihin ka na bumalik sa iglesia, at tatawagan ko rin sana ang mga magulang mo, pero natakot ako na baka magalit sila nang husto at magkasakit. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan mula ngayon—hindi ako makikialam.”
Nagalak akong marinig ang asawa ko na sabihin na hindi na niya ako hahadlangan sa pagsampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos. Alam ko na ito ang patnubay ng Diyos at na nasa mga kamay rin ng Diyos ang puso’t isipan ng asawa ko. Ang namutawing mga salita mula sa kanyang bibig ay lubos na dahil sa pamamahala ng Diyos; ang Diyos ang nagbukas ng daan para sa akin. Nakita ko sa pamamagitan ng karanasang ito na gusto ng Diyos ang puso ko, at kapag tunay akong umasa sa Kanya, nagpitagan sa Kanya, at isinapalaran ko ang lahat para palugurin Siya, nakikita ko ang mga gawa ng Diyos, at na tahimik na Niya akong ginagabayan at tinutulungan noon pa man. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Tuwing ginagawang tiwali ni Satanas ang tao o nakikibahagi sa di-mapigilang pamiminsala, ang Diyos ay hindi nagsasawalang-kibo, ni hindi rin Siya nagwawalang-bahala o nagbubulag-bulagan doon sa Kanyang mga hinirang. Ang lahat ng ginagawa ni Satanas ay ganap na malinaw at naiintindihan ng Diyos. Anuman ang gawin ni Satanas, anumang kalakaran ang pinalilitaw nito, nalalaman ng Diyos ang lahat ng sinusubukang gawin ni Satanas, at hindi isinusuko ng Diyos ang Kanyang mga hinirang. Sa halip, ginagawa ng Diyos nang hindi man lang nakatatawag-pansin, palihim, tahimik, ang lahat ng kinakailangan” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nang pagnilayan ko ang mga salitang ito, talagang naantig ako. Naalala ko ang naranasan ko noong panahong iyon—nang gamitin ni Satanas ang asawa ko upang guluhin at pagmalupitan ako para hindi ako makapunta sa mga pagtitipon, tinulutan ng Diyos na makita ko ang mga panloloko ni Satanas at makaalpas ako mula sa aking pagkanegatibo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kapatid tungkol sa mga salita ng Diyos; nang itago ng asawa ko ang aking aklat ng mga salita ng Diyos at subukang pigilan ako sa pananalig sa Diyos, tunay akong umasa at nagpitagan sa Diyos, at pagkatapos ay nasaksihan ko ang mahimalang mga gawa ng Diyos; nang magpasiya akong pumanig sa Diyos at naging handa akong isapalaran ang lahat upang sundan ang Diyos, napahiya si Satanas at umatras. Sa pamamagitan ng aking mga karanasan nakita ko na talagang nasa panig ko ang Diyos, at na itinatakda Niya ang mga bagay para sa akin alinsunod sa aking tayog. Hindi ako binigyan ng Diyos ng pasanin na hindi ko kinaya. Naisip ko kung paanong noong araw, bago ko tunay na ibinigay ang puso ko sa Diyos, lagi akong abala sa mga pagnanasa ng laman, umasa ako sa mga paraan ng tao upang makayanan ang mga problema, at hindi ako nangahas na talikuran si Satanas. Dahil dito, sinamantala ni Satanas ang pinakamahina sa akin, na paulit-ulit akong sinasamantala at inaatake, pinahihirapan nang walang katapusan. Ngunit nang tunay akong umasa sa Diyos at naging handa akong ayusin ang lahat, nagbukas ng daan ang Diyos para sa akin, at napahiya si Satanas sa pagkatalo, na wala nang nagawa. Matapos pagdaanan ang lahat ng ito nagtamo ako ng tunay na pag-unawa sa pagka-makapangyarihan sa lahat at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, gayundin ang sarili kong suwail na disposisyon. Lumago ang aking pananampalataya at pagsunod sa Diyos, nahiwatigan ko ang mga plano ni Satanas, at nakita ko ang likas na kasamaan at pagiging kasuklam-suklam ni Satanas. Nagkaroon ako ng tunay na pagkapoot kay Satanas. Salamat sa patnubay at kaliwanagang kaloob ng Diyos kaya nagawa kong maunawaan ang lahat ng ito. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos!
Umani ako nang malaki mula sa naranasan ko sa loob ng panahong iyon. Habang nangyayari iyon nagdanas ako ng panghihina at pagkanegatibo, ngunit ang patnubay ng mga salita ng Diyos at ang suporta at tulong ng aking mga kapatid ay nagbigay sa akin ng pananampalataya na madaig ang mga tukso at pag-atake ni Satanas, at magpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Nakita ko na ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng aking mga praktikal na karanasan, at na inaakay ako ng Diyos noon pa man at hindi Siya kailanman lumayo sa aking tabi sa lahat ng ito. Kapag tunay nating ibinibigay ang ating puso sa Diyos, nagpitagan sa Diyos, at umasa sa Diyos, makikita natin ang Kanyang mahimalang mga gawa at makakaraos tayo sa ating mga pagdurusa. Mula sa araw na ito, nais ko lamang maranasan pa ang gawain ng Diyos at maghangad ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos!