Ni Baoda, Australia
Pansin ng Patnugot: Ngayon ang mga sakuna ay nagaganap ng madalas. Maraming mga tao ang nakatatanto na ang araw ng Panginoon ay dumating na. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang hindi nakatatamo ng pagtutubig at pagtustos ng buhay na mga tubig at nakadarama sa presensiya ng Panginoon; sa halip, namumuhay sila sa isang negatibo at nanghihinang estado at pati na napupuno ng takot dahil sa paglaganap ng mga sakuna. Kaya’t, ang ilan ay nagsimulang maghanap ng iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu–nagngangalang, ang iglesia ng Philadelphia na kung saan ay mara-rapture bago ang malaking kapighatian. Ito’y dahil sa ito ay nauugnay kung maaari nating matanggap ang Panginoon bago ang malaking kapighatian at mai-rapture sa makalangit na kaharian. Kaya paano natin makikilala ang sa pagitan ng tunay at huwad na mga iglesia? Paano natin mahahanap ang tunay na iglesia na mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Ang artikulong ito ay gagabay sa iyo upang mahanap ang mga paraan.
Ang Panginoong Jesus ay minsang nagpropesiya ng mga tanda ng Kanyang pagbabalik, “Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan” (Mateo 24:7–8). Ngayon ang mga kalamidad ay palaki ng palaki. Ang mga taggutom at mga lindol ay nangyayari, at mga salot, mga sunog at mga pagbaha ay nagaganap isa matapos ang isa. Halimbawa, ang bagong coronavirus na lumitaw sa Wuhan, China noong Disyembre 2019, ay mabilis na kumakalat sa iba pang mga bahagi ng mundo sa loob lamang ng dalawang buwan. Ang mga bushfires ng Australia ay sumiklab nang mga 6 na buwan, na pumatay ng daan-daang milyong mga hayop, at pagkatapos ay 700,000 mga paniki ang pumuno sa maraming mga pangunahing lungsod sa Australia. Ang Silangang Africa ay dumanas ng pinakamatinding salot na balang sa loob ng 25 taon at milyon-milyong tao ang nahaharap sa krisis sa pagkain. Noong Enero 7, 2020, ang Puerto Rico ay tinamaan ng pinakamalakas na lindol sa loob ng 102 taon at 2/3 ng bansa ang nawalan ng elektrisidad. Noong Enero 28, 2020, isang 7.7-lakas na lindol ang tumama sa Caribbean … Tinutupad ng mga sakuna ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Maraming mga Kristiyano ang nakadama na ang Panginoon ay nakabalik na.
Tulad ng alam nating lahat, ipinropesiya ng Bibliya na kapag bumalik ang Panginoon, ang iglesia ng Philadelphia lamang ang iglesia na mara-rapture bago ang matinding kapighatian, at ang iglesia sa Laodicea ay ang iglesia na tatalikuran ng Panginoon. Ibig sabihin, kung gusto nating ma-rapture bago ang kapighatian, kailangan nating makahanap ng iglesia na ayon sa kalooban ng Diyos. Sa pagtingin sa mga pastor na hindi nakapag-bibigay ng liwanag sa mga sermon at ang mga mananampalataya ay naging malamig sa kanilang pananampalataya, pinag-uusapan ang tungkol sa pagkain, pag-inom, at paggawa ng kasiyahan, at sumusunod sa mga uso ng mundo, maraming mga tao ang nag-aalala na ang kanilang mga iglesia ay mga huwad na iglesia at tatalikuran ng Panginoon kapag bumalik Siya. Gayunpaman, iniisip ng ilang tao na marami pa rin ang mga mananampalataya sa kanilang mga simbahan, at na kapag ang kanilang mga simbahan ay nag-oorganisa ng paligsahan tungkol sa kaalaman sa bibliya at ang Banal na Komunyon, ang kapaligiran ay buhay na buhay, kaya ang kanilang mga iglesia ay hindi maaaring ang huwad na iglesia. Kaya paano natin makikilala ang mga tunay at huwad na mga iglesia? Paano natin mahahanap ang totoong iglesia? Pagtuunan natin ang mga paksang ito.
Ang Pangunahing Prinsipyo Upang Makita ang Kaibahan sa Pagitan ng Totoo at Huwad na mga Iglesia: Kung ang Isang Iglesia ay May Gawain ng Banal na Espiritu at Kung Pinupursige ba ng mga Mananampalataya ang Katotohanan
Sabi ng Bibliya, “Ang Iglesia na siyang katawan Niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat” (Efeso 1:23). Sinabi ng Diyos na Jehova kay Solomon, “Sapagka’t ngayon ay Aking pinili at itinalaga ang bahay na ito, upang ang Aking pangalan ay dumoon magpakailan man; at ang Aking mga mata at ang Aking puso ay doroong palagi” (2 Paralipomeno 7:16). Sinabi ng Panginoong Jesus, “Muling sinasabi Ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng Aking Ama na nasa langit. Sapagka’t kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa Aking pangalan, ay naroroon Ako sa gitna nila” (Mateo 18:19–20). Mula sa mga taludtod na ito makikita natin na ang totoong iglesia ay ang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu. Ito ay itinatag ng mga yaong tunay na naniniwala sa Diyos at ipinupursige ang katotohanan, at higit sa lahat, marami sa kanila ang yaong nauuhaw sa katotohanan. Nagtutuon sila ng pansin sa paghahanap ng kalooban ng Diyos, nagsasanay at dinaranas ang mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay, at sinisikap nilang matupad ang ninanais ng Diyos, kaya madalas nilang nakakamit ang gabay at gawain ng Banal na Espiritu, mayroong pagliliwanag at tanglaw ng Banal na Espiritu kapag nagfefellowship sila sa mga pagpupulong, at ang kanilang espirituwal na buhay ay patuloy na lumalago. Bukod dito, kapag nakagawa sila ng kasalanan, kakastiguhin at didisiplinahin sila ng Diyos, kaya mayroon silang pusong may paggalang sa Diyos. Katulad ng mga templo sa Kapanahunan ng Kautusan, dahil ito ay puno ng kaluwalhatian ng Diyos na Jehova at masunuring sinasamba nila Siya sa mga templo at walang sinuman ang nagtangkang labagin ang batas, sa ganitong iglesia, ang pananalig ng mga tao ay nadadagdagan at ang kanilang mga buhay ay patuloy na lumalago. Ang huwad na iglesia ay siguradong walang gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga pastor ay laging nangangaral tungkol sa parehong lumang bagay at walang bagong kaliwanagan. Ang mga mananampalataya ay hindi makakuha ng tunay na panustos, at sila ay mahina at negatibo at ang kanilang pananalig ay nagsisimulang manghina. Kahit na sila ay nagtitipon nang sama-sama, hindi sila nagfefellowship tungkol sa pagsasanay ng mga salita ng Diyos nguni’t nag-uusap lamang sa mga bagay na walang kaugnayan sa katotohanan. Sila ay mananampalataya sa pangalan lamang. Ang gayong simbahan ay hindi makakakuha ng pagkilala ng Diyos.
Sa maraming mga simbahan ngayon, ang ipinangangaral ng mga pastor at elders ay mga biblikal na kaalaman at mga teoryang espirituwal, na hindi nakalulutas ng mga aktwal na paghihirap ng mga mananampalataya. Samantala, pakaunti ng pakaunti ang mga mananampalatayang nagpupunta sa simbahan at inaabala nila ang kanilang mga sarili sa paggawa ng pera at pinag-iimbutan ang kasiyahan sa laman. Gayunman, kapag nakaharap sila ng panganib, sila ay pupunta sa simbahan. Sa katunayan, hindi sila tapat na naghahanap ng katotohanan kundi gusto lamang nilang makakuha ng biyaya at maghanap ng personal na kaligtasan. Ang ilan sa mga mananampalataya ay hindi interesado sa pag-fellowship ng katotohanan, sila ay aktibo lamang kapag ang kanilang mga simbahan ay nag-organisa ng lahat ng uri ng dinner party o aktibidad, nagpupunta sila sa simbahan para sa kasiyahan lamang, upang magtatag ng interpersonal na relasyon o isulong ang mga nais nilang ibentang mga produkto. Ang mga mananampalataya ay nagtitipon upang makipag-kumpitensya sa kung ano ang suot nila at kinakain, at hindi sila nagfefellowship sa mga espirituwal na bagay, at wala silang paggalang sa Diyos. Ang mga gayong simbahan ay gaya ng mga tubig na hindi umaagos at hindi makakakuha ng mga biyaya at patnubay ng Diyos kahit na maraming mga mananampalataya sa simbahan o ang simbahan ay mukhang masigla. Ang mga iglesia na ito ay mga huwad na iglesia, gaya ng templo sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan na hindi na ang lugar kung saan pinupuri ng tao ang Diyos, at naging pamilihan ng pagpapalitan ng kalakal at lungga ng mga magnanakaw na tinanggihan ng Diyos. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi baga nasusulat, Ang Aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng mga bansa? datapuwa’t ginawa ninyong yungib ng mga tulisan” (Marcos 11:17). Kaya, upang makilatis ang pagkakaiba ng tunay at huwad na iglesia, pangunahing dapat nating tingnan kung ang iglesia ay may gawain ng Banal na Espiritu, at kung ito ay itinatag ng yaong mga nagmamahal at nagpupursige ng katotohanan at kung ang mananampalataya ay naghahangad na mapapurihan ang Diyos at pasiyahan ang Kanyang kalooban. Tanging ang iglesia na binubuo ng yaong mga tunay na naniniwala sa Diyos at nagsasanay ng mga salita ng Diyos, ay ang tunay na iglesia at kikilalanin ng Diyos. Kung ang iglesia ay binubuo ng yaong mga hindi interesado sa katotohanan, kung gayon kahit na mayroon itong maraming mananampalataya at mukhang marubdob sa panlabas, ito ay huwad na iglesia at aabandonahin ng Diyos sa malao’t madali. Katulad ng isinulat ni Juan sa iglesia sa Laodicea sa ilalim ng pahayag ng Diyos, “Nalalaman Ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig o mainit man: ibig Ko sanang ikaw ay malamig o mainit. Kaya sapagka’t ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka Kita sa Aking bibig” (Pahayag 3:15–16).
Ang Ikalawang Prinsipyo Upang Makita ang Kaibahan sa Pagitan ng Totoo at Huwad na mga Iglesia: Kung Tunay o Huwad na Pastol ang Namumuno sa Loob ng Iglesia
May isa pang mahalagang prinsipyo upang makita ang kaibhan sa pagitan ng tunay at huwad na mga iglesia—dapat nating tingnan kung tunay o huwad na mga pastol ang namumuno sa loob ng simbahan. Ang iglesia ay naitatag dahil sa gawain ng Diyos, kaya’t ang Diyos at ang katotohanan ang tunay na namumuno sa loob ng simbahan. Sa isang simbahan, kung ang mga pinuno ay mga tao na nagpupursige ng katotohanan, kung gayon maaari nilang tiyak na isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, itataas ang Diyos at magpapatotoo sa Diyos sa lahat ng mga bagay, at maaaring maakay ang mga mananampalataya upang magsanay at maranasan ang salita ng Diyos, dinadala ang mga tao sa Diyos. Samantala, ang mga mananampalataya ay naidadambana ang Diyos sa kanilang mga puso, hinahanap ang kalooban ng Diyos at kumikilos alinsunod sa mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay, at hindi nila bulag na sinasamba ang kanilang mga pinuno. Ang gayong simbahan ay pinamumunuan ng mga salita ng Diyos at ang katotohanan. Sa kabaligtaran, sa mga huwad na simbahan na kinokontrol ng mga huwad na pastol, ang mga pinuno ay hindi nagsisilbi nang taimtim sa Diyos, gumagawa sila para sa kanilang sariling katayuan at kita, nakikipag-tunggalian sa bawat isa para sa katanyagan at pakinabang, at nasasangkot sa mga mapanibughong pagtatalo. Itinataas nila ang kanilang sarili upang mapanatili ang kanilang sariling katanyagan at upang sambahin sila ng mga tao. Nagpapasikat sila, dinadakila at mabuti lamang sa sinumang nag-aambag ng maraming pera, at pinipigilan at tinatanggihan nila ang mga yaong ang fellowship ay may kaliwanagan at yaong mga matapat at matuwid na gumagawa ng mga mungkahi, na ginagawa ang mga taong ito na hindi matupad ng maayos ang kanilang tungkulin sa simbahan. Bukod dito, ang karamihan sa mga mananampalataya ay kulang sa pag-unawa at bulag na sumasamba at tinitingala ang mga pinuno. Kahit na lumilitaw na naniniwala sila at sumusunod sa Diyos, sa katotohanan ay naniniwala sila sa mga pastor at elders. Kaya, ang simbahan na ito ay kontrolado ng mga huwad na pastol at isang huwad na iglesia. Tulad ng sinasabi ng talatang ito, “Yaong mga nagsasagawa ng katotohanan sa loob ng iglesia ay tinatalikuran at hindi nakakayang tantuin ang kanilang natatagong-kakayahan, habang yaong mga nanggugulo sa iglesia at nagkakalat ng kamatayan ay nagwawala sa loob ng iglesia. Bukod diyan, ang karamihan sa mga tao ay sumusunod sa kanila. Ang ganitong uri ng iglesia ay talagang nasa ilalim ng pagpigil ni Satanas at ang diyablo ang kanilang hari. Kung ang mga tao ng iglesia ay hindi tumatayo at pinalalayas yaong mga punong demonyo, kung gayon sila ay darating din sa pagkawasak sa malao’t madali. Mula ngayon kailangang gumawa ng mga hakbang laban sa ganitong uri ng iglesia. Kung yaong mga nakapagsasagawa ng munting katotohanan ay hindi nakikibahagi sa paghahanap, kung gayon ang iglesiang iyon ay ipagbabawal” (“Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan”).
Ngayon, maraming mga pastor at elders ang hindi pinangungunahan ang mga tao upang sanayin at danasin ang mga salita ng Diyos at hindi nareresolba ang mga paghihirap ng mga mananampalataya sa kanilang pagpasok sa buhay, ni hindi hinahayaan ang mga may gawain ng Banal na Espiritu na pamunuan ang simbahan. Para mapangalagaan ang kanilang posisyon, ang mga pastor at elders ay nangangaral lamang ng biblikal na kaalaman at espirituwal na teorya upang magpasikat at upang sambahin sila ng mga tao. At higit pa, tinatalakay nila ang ilang mga pangunahing kaganapan sa mundo at kaalaman sa pangangalaga sa kalusugan upang maakit ang mga mananampalataya, at nakatuon lamang sila sa pagpapaliwanag ng mga salita ng tao sa Bibliya at tinuturuan ang mga mananampalataya na sundin ang ilang mga ritwal sa relihiyon. Ang ilang mga pastor at elders ay lumilitaw na napaka-deboto, ngunit lihim na nagnanakaw sila ng mga handog at mga mahahalay. Upang maka-akit ng mga mananampalataya at mapalawak ang kanilang impluwensya, ang ilang mga pastor at mga elders ay nagsasaayos ng mga aktibidad sa pagkain, nagsusulong ng mga produkto at nagbubukas ng mga pabrika, dinadala ang mga mananampalataya sa isang sekular na landas at nagdadala ng isang napakaruming kapaligiran sa simbahan. Ang nasabing simbahan ay hindi naiiba sa mundo, at natutulad sa dakilang lungsod ng Babilonya sa Bibliya. Nasaktan nito ang disposisyon ng Diyos at inabandona ng Banal na Espiritu, at isusumpa ng Diyos sa huli. Tulad ng sinasabi ng Bibliya, “At siya’y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa’t espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa’t karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon. Sapagka’t dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan” (Pahayag 18:2–3). Makikita na kung ang pinuno ng simbahan ay isang tamang tao ay napakahalaga. Kung ang isang simbahan ay kontrolado ng mga huwad na pastol, ang Banal na Espiritu ay hindi gagawa sa loob nito. Ito ang bulag na nangunguna sa bulag at sa huli lahat ay mahuhulog sa isang hukay.
Paano Mahahanap ang Tunay na Iglesia
Sa puntong ito, maraming mga tao ang nakakatanto na mayroong maraming mga iglesia na walang gawain ng Banal na Espiritu. Sa gayon saan natin mahahanap ang iglesia na mayroong presensya ng Diyos at ng gawain ng Banal na Espiritu? Sa pagharap sa aktwal na problemang ito, balikan tanaw muna natin ang panahon na kung saan nagpakita ang Panginoon upang gumawa. Ang templo ay naging mapanglaw din. Ito ay dahil, sa isang banda, ang punong pari ng Hudyo, mga eskriba at mga Pariseo ay hindi ginabayan ang mga mananampalataya na lumakad sa tamang landas, at ang templo ay iniwan ng Banal na Espiritu, at sa kabilang banda, sapagkat ang Panginoong Jesus ay gumawa ng bagong gawain, at binawi ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain sa templo at gumawa sa mga yaong nakasusunod sa mga yapak ng Kordero. Ang mga yaong sumunod sa Panginoong Jesus ay nakatanggap ng panustos ng buhay na tubig ng buhay, habang ang mga yaong nanatili sa templo ay nahulog sa kadiliman. Tulad ng sabi sa Bibliya, “At Akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at Aking pinaulan sa isang bayan, at hindi Ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa Akin, sabi ni Jehova” (Amos 4:7–8). Makikita na kapag ang Diyos ay bumalik upang gumawa ng bagong gawain, ang mga iglesia ng lumang kapanahunan ay magiging mapanglaw. Gayunpaman, ang kalooban ng Diyos ay nasa likod ng pagpanglaw ng mga iglesia, iyon ay, pinipilit tayo ng Diyos na hanapin ang Kanyang mga yapak. Ngayon ang mga sakuna ay mas palala ng palala, at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay nangatutupad na. Bukod pa, ang mga relihiyosong mundo ay nagiging mapanglaw at nawawalan ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya, malamang na ang Panginoon ay nakabalik na upang gumawa sa isang partikular na iglesia. Kung mahahanap natin ang mga yapak ng Diyos, paniguradong mahahanap rin natin ang tunay na iglesia.
Kung gayon, paano natin mahahanap ang mga yapak ng Diyos? Mayroong isang sipi ng mga salita na nagpapahayag ng malinaw tungkol dito. “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (“Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan”). Mula dito, makikita natin na kung nais nating hanapin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang mga pagbigkas ng Diyos at bigyang-pansin ang pakikinig sa tinig ng Diyos. Sabi ng Bibliya, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). Ipinakikita nito na ipahahayag ng Panginoon ang mga bagong salita sa mga iglesia kapag siya ay bumalik. Kung ang anumang iglesia ay nangangaral na ang Panginoon ay bumalik upang ipahayag ang mga bagong salita, dapat nating mabilis na hanapin at tingnan kung ang mga salitang ito ay ang tinig ng Diyos. Kung makikilala natin ang tinig ng Diyos, dapat nating tanggapin ang Kanyang gawain sa lalong madaling panahon. Sa gayon lamang natin maaaring masundan ang mga yapak ng Kordero at mahanap ang tunay na iglesia.
____________________________
Ano ang rapture? Paano tayo mara-rapture bago ang mga kalamidad? Mangyaring basahin ang mga artikulo sa Tagalog tungkol sa rapture at makikita mo ang paraan ng pag-rapture at makatagpo ang Panginoon.