Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na katapatan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na katapatan. Ipakita ang lahat ng mga post

Set 10, 2019

Pananampalataya at Buhay | Paano Makakasundo ng Walang Modo, at Mayabang na Kabataang Tulad Ko ang Lola Ko?

An Qi

Ako si An Qi. Bago ang gulang na anim, nakatira ako sa bahay ng aking lola. Noong panahong iyon, ang aking lola ang nadama kong tao na pinakamalapit ako. Bawat araw tuwing pumapasok ako sa kindergarten, pinagpapasyahan ng aking lola kung aling mga damit ang aking susuotin at kung paano ko susuklayin ang aking buhok. Dama ko na ginawa ito ng aking lola nang buong galing. Unti-unti, lumaki ako at nagsimula kong masamain ang mga bagay na ginagawa ng aking lola. Nagsimula rin akong masamain ng lola. Sa bawat pagkakataon na pumunta ako sa kanyang bahay, pinagagalitan niya ako. Kung hindi niya ako kinagagalitan sa isang bagay, kinagagalitan niya akong sa ibang bagay. Labis akong naging balisa.

Ene 23, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Marami ang mga Tinatawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahihirang

Marami Akong nahahanap sa lupa upang maging Aking mga tagasunod. Kabilang sa lahat nitong mga tagasunod, mayroon yaong mga nagsisilbing mga pari, yaong mga namumuno, yaong mga bumubuo sa mga lalaking-anak, yaong bumubuo sa mga tao, at yaong mga gumagawa ng serbisyo. Pinaghihiwa-hiwalay Ko sila tungo rito sa iba’t ibang kategorya batay sa katapatan na ipinakikita nila sa Akin.

Ago 23, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Pagpapatuloy ng Ikalimang Bahagi)

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Tungkol Kay Job
Sa Araw-araw na Pamumuhay ni Job Makikita Natin ang Kanyang Pagka-perpekto, Pagkamatuwid, Takot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan
Ang Paghahayag ng Pagkatao ni Job sa Kanyang mga Pagsubok (Ang Pag-unawa sa Pagka-perpekto, Pagkamatuwid, Takot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan ni Job sa Panahon ng Kanyang mga Pagsubok)

Hul 2, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makahahadlang sa Gawain Ng Diyos

🎻♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪🍁💓 🎻💓🍁♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪🎻

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Walang Makahahadlang sa Gawain Ng Diyos


   Ang gawain ng Diyos, ang gawain ng Diyos, walang maaaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos. Nang nangako ang Diyos kay Abraham na magkakaroon siya ng anak na lalaki, naisip niya na imposible, naisip niya na ito ay isang biro. Anuman ang ginagawa o iniisip ng tao, hindi ito mahalaga sa Diyos. Ang lahat magpapatuloy sa pamamagitan ng panahon at plano ng Diyos; iyon ang tuntunin ng Kanyang gawain. Ang pamamahala ng Diyos ay di-tinatablan ng mga bagay at tao. Lahat ay mangyayari sa tamang oras tulad ng dinisenyo. Walang maaaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos, sa gawain ng Diyos. Walang maaaring makahadlang kailanman sa gawain ng Diyos. 

Hun 25, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

★*★*★*✿✿✿═☆ღ⭐🌟💎]☆═✿✿✿★*★*★

Zhang Hua, Cambodia

    Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at pinagpala ang buhay pampamilya namin. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Dapat makatagpo ako ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos at dapat maitaguyod ko ang isang napakaligaya at mapalad na pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ko hinahangad ang mga kayamanan, kailangan ko lamang magkaroon ng isang mapagmahal na relasyon sa aking asawa at isang mapayapang buhay pampamilya.

Abr 8, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | 'Pag Binuksan Mo'ng Puso Mo sa Diyos



   'Pag ang Diyos ay 'di mo batid, at likas Niya'y di mo tanto, puso mo'y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos. 'Pag naintindihan mo na'ng iyong Diyos, ang nasa puso Niya'y mauunawaan mo, at ito'y daranasin mong lubusan ng may buong pananampalataya. 'Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti unti, sa bawat araw, 'pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos, pagbubuksan Siya ng iyong puso. 'Pag tunay na bukas ang 'yong puso, 'pag tunay na bukas ang 'yong puso, Iyong makikitang suklam at kahihiyang mapaglustay't makasariling hiling. 'Pag tunay na bukas ang 'yong puso, 'pag tunay na bukas ang 'yong puso. Makikita sa puso Niya'y mundong walang-hanggan, tungo sa kahariang walang katulad. Sa kaharia'y walang pandaraya, walang panlilinlang, walang kadiliman, at walang kasamaan. Tanging kataimtiman at katapatan; tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob. Siya'y pag-ibig, Siya ay mapag-aruga, walang hanggang kahabagan. Sa iyong buhay, saya'y nadarama, kung buksan ang puso mo sa Diyos. Sa dunong Niya't lakas napupuspos ang kaharian, maging ng awtoridad Niya't pag-ibig. Makikita mo kung anong mayron at sino Siya, kung ano ang nagdudulot sa Kanya ng saya, ng hapis, ng lungkot at galit, nariyang makita ng lahat. 'Pag binuksan ang puso mo sa Diyos at anyayahan Siyang tumuloy.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan



Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Peb 15, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

Biyaya, Karanasan, Kaharian, panginoon, Katapatan


Kidlat ng SilangananAng Kalooban ng Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

    Ang bawat isa ay nararamdaman na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao na ang pamamahala ng Diyos ay ganap na hindi nauugnay sa tao. Palagay nila na itong pamamahala ay ang gawa ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang pagliligtas ng sangkatauhan ay naging malabo at magulo, at ngayon ay walang iba kundi walang laman na retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano nagagawa ng Diyos ang Kanyang gawa. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at ang bahagi na dapat niyang gawin upang mailigtas. Gaano iyon Kalunus-lunos! Ang pagliligtas ng tao ay hindi mapaghiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayon man hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at gayon ay mas lalong lumalayo mula sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, sa gayon, kailangan nating magkaroon ng pag-talakay patungkol sa pamamahala ng Diyos, upang ang bawat tagasunod ay malinaw na malaman ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Maaari rin silang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.

Peb 9, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Landas… (3)

Jesus , katapatan, parusa, Adan at Eba, kabanalan


Kidlat ng SilangananAng  | tinig ng Diyos | Ang Landas… (3)

Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay nakatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon. Nais Kong ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay manalanging kasama Ko sa Diyos: “O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu sa langit ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa lupa upang ang Aking puso ay lubos na babaling sa Iyo, upang ang Aking Espiritu ay maantig Mo, at upang makita Ko ang Iyong kariktan sa Aking puso at Aking Espiritu, upang yaong mga nasa lupa ay mapagpala na makita ang Iyong kagandahan. Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu ay minsan pang antigin ang aming mga espiritu upang ang aming pag-ibig ay tumatagal at kailanma’y hindi nagbabago!” Ang ginagawa ng Diyos sa ating lahat ay sinusubok muna ang ating mga puso, at kapag ibinuhos natin ang ating mga puso tungo sa Kanya, sa sandaling iyon ay nagsisimula Siyang antigin ang ating mga espiritu. Sa espiritu lamang makikita ng isa ang kariktan ng Diyos, kataasan, at kadakilaan. Ito ang landas ng Banal na Espiritu sa mga tao. Mayroon ka ba ng ganitong uri ng buhay? Naranasan mo na ba ang buhay ng Banal na Espiritu? Ang iyo bang espiritu ay naantig na ng Diyos? Nakita mo na ba kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga tao? Naibigay mo na ba ang iyong puso sa Diyos nang buo? Kapag buo mong ibinibigay ang iyong puso sa Diyos, nakakaya mong tuwirang maranasan ang buhay ng Banal na Espiritu, at ang Kanyang gawain ay maaaring patuloy na mabunyag sa iyo. Sa panahong iyon, maaari kang maging isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Handa ka ba na maging ganoong uri ng tao? Sa Aking alaala, noong Ako ay naantig ng Banal na Espiritu at unang ibinigay ang Aking puso sa Diyos, bumagsak Ako sa harapan Niya at umiyak: “O Diyos! Ikaw ang nagbukas ng Aking mga mata upang Aking makilala ang Iyong pagliligtas. Handa Akong ibigay ang Aking puso sa Iyo nang buo, at ang tangi Kong hinihiling ay mangyari ang Iyong kalooban. Ang tangi Kong inaasam ay makamit ng puso Ko ang Iyong pagsang-ayon sa Iyong presensya, at maisakatuparan ang Iyong kalooban.” Ang panalanging iyon ay pinaka-hindi-malilimutan para sa Akin; Ako ay masyadong naantig, at Ako ay mapait na tumangis sa harapan ng Diyos. Iyon ang Aking unang matagumpay na pananalangin sa presensya ng Diyos bilang isang tao na naligtas, at iyon ang una Kong hinahangad. Ako ay malimit na naaantig ng Banal na Espiritu matapos iyon. Nagkaroon ka na ba ng ganitong uri ng karanasan? Paano nakágáwâ ang Banal na Espiritu sa iyo? Sa palagay Ko ang mga tao na naghahanap na ibigin ang Diyos ay magkakaroong lahat ng ganitong uri ng karanasan, sa humigit-kumulang na mga antas, subali’t nakakalimutan ng mga tao ang tungkol sa mga iyon. Kung sinasabi ng isang tao na hindi pa sila nagkaroon ng ganitong karanasan, pinatutunayan niyan na sila ay hindi pa naliligtas at nasa ilalim pa rin ng sakop ni Satanas. Ang gawain na isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa bawa’t isa ay ang landas ng Banal na Espiritu, at ito rin ang landas ng isang tao na naniniwala at naghahanap sa Diyos. Ang unang hakbang ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao ay yaong pag-antig sa kanilang mga espiritu. Matapos iyon, sila ay magsisimulang mahalin ang Diyos at habulin ang buhay; ang lahat niyaong mga nasa landas na ito ay nasa loob ng daloy ng Banal na Espiritu. Ang mga ito ay hindi lamang ang mga paggalaw ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, kundi sa buong sansinukob din. Ginagawa Niya ito sa buong sangkatauhan. Kung ang isang tao ay hindi pa naantig kahit minsan, ipinakikita nito na sila ay nasa labas ng daloy na ito ng pagbabawi. Aking idinadalangin sa Diyos nang walang-patid sa Aking puso na maaantig Niya ang lahat ng mga tao, na ang bawa’t isa sa ilalim ng araw ay maaantig Niya at lalakad sa landas na ito. Marahil ito ay isa Kong napakaliit na kahilingan sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na gagawin Niya ito. Ako ay umaasa na lahat ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mananalangin para dito, upang ang kalooban ng Diyos ay mangyari, at nang ang Kanyang gawain ay matapos sa lalong madaling panahon upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay makapahinga. Ito ang Aking sariling maliit na pag-asa.

Set 1, 2017

Kidlat ng Silanganan | Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos, Jesus, katapatan

Kidlat ng Silanganan | Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang


  Ako ay naghanap ng marami sa mundo upang maging Aking mga alagad. Kabilang sa kanila ay iyong mga nagsisilbing mga pari, iyong mga namumuno, iyong mga bumubuo sa mga tao, at iyong mga naglilingkod. Ipinapalagay Ko ang mga pagkakaibang ito alinsunod sa katapatan ng tao sa Akin. Kapag pinagbukud-bukod ang lahat ng tao ayon sa uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay naging malinaw, aking ibibilang kung gayon ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang nararapat na lugar sa gayon ay maaari kong matanto ang Aking layunin para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kaugnay nito, aking tinatawag ang mga grupo ng mga nais Ko na maligtas upang bumalik sa Aking tahanan, at pagkatapos ay tatanungin Ko ang lahat ng mga ito na tanggapin ang Aking gawain sa mga huling araw. Kasabay nito, Aking pinagbukud-bukod ang mga tao ayon sa uri, at pagkatapos ay gagantimpalaan o parurusahan ang bawat isa batay sa kanilang mga nagawa. Ganyan ang mga hakbang na bumubuo sa Aking gawain.