★*★*★*✿✿✿═☆ღ⭐🌟⭐✨💎]ღ☆═✿✿✿★*★*★
Zhang Hua, Cambodia
Ipinanganak
ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi
mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at
pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at
pinagpala ang buhay pampamilya namin. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa
sarili ko: Dapat makatagpo ako ng isang asawa na tatratuhin ako nang
maayos at dapat maitaguyod ko ang isang napakaligaya at mapalad na
pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ko hinahangad ang mga kayamanan,
kailangan ko lamang magkaroon ng isang mapagmahal na relasyon sa aking
asawa at isang mapayapang buhay pampamilya.
Nakilala ko ang asawa
ko sa pamamagitan ng kapuwa kakilala. Hindi ko siya nagustuhan dahil
medyo maliit siya, ngunit nagustuhan naman siya ng ama’t ina ko. Sinabi
nila sa akin: “Mayroon siyang mabuting puso at pakikitunguhan ka niya
nang maayos.” Nakita ko na taos-puso kung makitungo ang asawa ko sa mga
tao at tila siya ang tipo ng tao na tatratuhin nang maayos ang kanyang
pamilya. Naisip ko, “Ayos lang na medyo maliit siya. Basta’t tatratuhin
niya ako nang maayos, mainam na iyon.” Bilang resulta, pumayag ako sa
kasal at noong 1989, nagpakasal kami. Pagkatapos naming magpakasal,
napakagiliw ng naging pakikitungo sa akin ng asawa ko at inalagaan niya
ako nang mabuti. Naging napakaligaya at masagana ng aking buhay may
asawa. Pinakitunguhan ako nang maayos ng asawa ko, at inalala ko iyon sa
aking puso. Buong sikap ko rin siyang inalagaan at iniisip siya sa
lahat ng bagay. Matapos ipanganak ang aming dalawang anak na babae, at
para maging palagay sa trabaho ang aking asawa, nanatili ako sa bahay at
inalagaan ang pamilya. Nang panahong iyon, madalas na magkasakit ang
aking maliit na anak na babae. Minsan, isang gabi, bigla siyang
nilagnat. Panggabi ang trabaho ng asawa ko noon at wala siya sa bahay.
Sa takot, nagpasiya akong dalhin ang aking anak na babae sa ospital nang
mag-isa lang. Nang malaman ito ng aking asawa, gusto niyang umuwi ng
bahay. Hindi niya gustong mahirapan ako nang husto. Napakasaya ko na may
ganitong uri ng puso ang asawa ko. Pagkaraan, lumabas ng nayon ang
dalawang bata upang mag-aral. Umupa ako ng isang lugar para samahan sila
habang nag-aaral at para maalagaan sila. Hangga’t kaya kong gawin ang
isang bagay, hindi ko inaabala ang asawa ko tungkol dito. Kahit na
paminsan-minsan, mahirap ito at medyo pagod ako, ang relasyon namin
bilang mag-asawa ay puno ng pag-ibig at suporta sa isa’t isa. Naramdaman
kong labis na pinagpala ang buhay ko.
Noong panahong iyon, ang
kinikita ng asawa ko ay sapat lang para sagutin ang pang-araw-araw
naming gastusin. Kahit na medyo hirap ang buhay namin, hindi ako
kailanman nagreklamo sa kanya. Naniniwala akong dapat pagsaluhan ng
mag-asawa ang mga kagalakan at mga kalungkutan sa buhay. Di-naglaon,
lumala ang sitwasyong pang-ekonomiya sa lugar na pinagtatrabahuhan ng
asawa ko at halos hindi na siya makapag-uwi ni kalahati ng dati niyang
suweldo buwan-buwan. Di-nagtagal, hindi na rin namin magawang bayaran
ang matrikula ng aming mga anak. Sa pagsisikap na mabawasan ang
kagipitan ng asawa ko, madalas akong manghiram ng pera sa mga
kamag-anak. Naisip ko, “Pansamantala lang naman ang mga paghihirap na
ito. Kalauna’y magiging maayos din ang mga bagay.” Dahil matagal-tagal
din kaming nanghihiram ng pera, lumaki nang lumaki ang mga pagkakautang
namin. Nadama naming mag-asawa ang lubos na kagipitan. Noong 2013,
nagsimulang mag-isip ang asawa ko na mangibang-bansa para kumita ng
pera. Nang marinig ko ito, kahit na may pag-aatubili ako, naisip ko,
“Kung mangibang-bansa siya sa loob ng dalawa o tatlong taon para kumita
ng pera, maaari na naming mabayaran ang ilan sa aming mga pagkakautang
at mapabuti ang sitwasyon ng aming pamilya.” Higit pa rito, lumalaki na
ang aming mga anak at gusto namin silang bigyan nang maayos na
kapaligiran. Para sa kapakanan ng aming pamilya, sinang-ayunan ko ang
pagpunta niya sa ibang bansa para magtrabaho.
Pumunta sa Cambodia
ang asawa ko sa loob ng tatlong taon. Sa loob ng tatlong taong ito,
nanatili ako sa bahay at inalagaan ang mga bata at ang matatanda naming
mga magulang. Sa simula, madalas tumawag ang asawa ko sa bahay at
ipinapakita ang malasakit niya sa pamilya. Madalas din siyang magpadala
ng pera sa bahay. Di-nagtagal, paunti nang paunti ang mga tawag niya at
napakaliit na lang ng perang ipinadadala niya sa bahay. Nang dakong
huli, naging mas malubha pa ito nang hindi na siya nagpadala ng pera sa
bahay at matagal na panahon din bago siya tumawag sa bahay. Nabahala ako
na may nangyari na sa kanya. Bilang resulta, isinama ko ang mga anak
naming babae para makita siya. Nang makarating kami sa Cambodia at
nakita ko na ligtas at maayos naman ang asawa ko, nakahinga ako nang
maluwag. Dahil unang pagkakataon pa lang namin ito sa Cambodia,
nakahanda akong manatili doon kasama ng mga anak naming babae sa loob ng
kaunting panahon at samahan ang aking asawa bago kami umuwi. Gayon pa
man, natuklasan ko na sa tuwing sinasamahan ko ang aking asawa sa labas
ng bahay, kakaiba kung tingnan ako ng mga taong kakilala ng asawa ko.
Dahil hindi kami nagsasalita ng parehong wika, hindi ko alam kung ano
ang sinasabi nila. Pagkalipas ng isang linggo, bigla na lang dinala sa
akin ng asawa ko ang isang batang kilik niya hindi ko kilala. Sinabihan
niya ang bata, “Bumati ka nang mabilis sa iyong tiya.” Nang oras na
iyon, nakatitig lang ako nang walang nakikita dahil hindi ko alam kung
ano ang nangyayari. Nang tanungin ko ang aking asawa, nalaman ko na anak
niya ang batang ito sa isang babaeng nakilala niya sa Cambodia. Wala
akong masabi sa sobrang galit at wala ring ideya kung ano ang gagawin.
Nang sinisisi ko siya, payamot siyang sumagot, “Sobrang pangkaraniwan
lang ito. Maraming tao ang gumagawa nito rito!” Nang marinig kong
sabihin niya ito, nanginig ang buong katawan ko sa sobrang galit. Hindi
ko kailanman naisip na ako at ang asawa ko na nagmahalan sa isa’t isa sa
loob ng maraming taon, pero ngayon nagagawa niyang sabihin ang isang
bagay nang kay-lamig at walang kaawa-awa at gawin ang isang bagay nang
may kapangahasan. Sa galit, buong bangis ko siyang sinampal ng dalawang
beses. Naparalisa ako ng kataksilan ng aking asawa. Ang katotohanan ng
kanyang kataksilan ay tila isang kulog mula sa maaliwalas na kalangitan
para sa akin. Kailanma’y wala siyang ipinakitang anumang pahiwatig noon
na magagawa niyang kumilos ng kagaya nito. Hindi ko matanggap ito
tungkol sa kanya. Umupo ako sa sahig at umiyak nang buong kapaitan.
Tinanong ko nang ilang ulit ang sarili ko, “Bakit gagawin ng asawa ko
ito sa akin? Saan napunta ang asawa na dating kilala ko?” Maaari kaya na
ang pangako niyang walang-kamatayang pag-ibig, ang kanyang pagkamagiliw
at ang kanyang pag-aalaga ay kunwari lang lahat? Ibinigay ko ang lahat
sa pamilyang ito. Hindi ko kailanman hiniling sa asawa ko na bigyan ako
ng pera o materyal na kasiyahan. Gayunpaman, ngayon … Isang napakalaking
panghihiya sa akin ang pagtataksil ng asawa ko. Nadama ko na wala na
akong dangal upang magpatuloy na mabuhay.
Sa sumunod na mga araw,
araw-araw naligo sa mga luha ang aking mukha. Kinasuklaman ko ang
babaeng iyon at kinasuklaman ko rin ang batang iyon. Sinabi ko sa asawa
ko na gusto kong makipagdiborsiyo at nakahanda akong dalhin pauwi ang
mga anak naming babae at iwanan ang kung tawagi’y pamilyang ito. Hindi
ko naisip na hindi lamang hindi sasang-ayon ang asawa ko na diborsiyuhin
ako nguni’t hindi rin siya papayag na iwanan ang babaeng iyon.
Pagkatapos, nalaman kong batid na ng ilan sa mga kapamilya ko na
nakatagpo ng ibang babae ang asawa ko at nagkaroon siya ng anak sa
kanya. Sinadya nilang hindi na lang ito ipaalam sa akin. Lalo kong
naramdamang nabubuhay ako nang walang anumang dangal. Buong-tiyaga akong
nagsakripisyo para sa pamilyang ito. Hindi ko kailanman naisip na
kataksilan at panlilinlang ang isusukli sa akin. Nawasak ang puso ko…
Ang kataksilang ito ay talaga namang napakasakit. At lalong napakahirap
para sa aking tanggapin ang kakaibang tingin sa akin ng mga taong
nakakakilala sa asawa ko at sa babaeng iyon at nagawa pa nilang punain
ako. Sa simula’t simula pa lang, ang asawa ko ang nagtaksil sa akin at
ang babaeng iyon ang sumira sa pamilya ko. Gayunpaman, ngayon, sa mga
mata ng ibang tao, ako ang ikatlong partido. Hindi ko maipaliwanag ang
sakit na nadarama ko ng mga panahong iyon. Gumagapang lang ang oras
habang miserable ang isang tao. Ilang sandali lamang, nabawasan ako nang
higit sa 10kg na timbang.
Sa panahon na lubos akong nawalan ng
pag-asa, natagpuan ko ang kaligtasan ng Makapangyarihang Diyos ng mga
huling araw. Nang malaman ng kapitbahay kong si Lin Ting ang insidenteng
ito, dumalaw siya at ipinangaral ang ebanghelyo sa akin. Sinabi niya,
“Manampalataya ka sa Diyos. Matutulungan ka ng Diyos.” Gayunpaman, dahil
naimpluwensiyahan ng ateismo, paano ko magagawa nang ganoon kadali ang
manampalataya sa Diyos! Hindi ako nagbigay ng anumang kasagutan.
Pagkaraan, kinausap muli ako ni Lin Ting, “Basahin mo ang mga salita ng
Diyos. Magagawa kang iligtas ng Diyos at matutulungan kang makalaya sa
iyong sakit.” Buong-katapatan niyang sinabi ang mga bagay na ito kaya
naman nadala ako ng damdamin. Nahiya akong tanggihan siya at bilang
resulta, tinanggap ko ang isang kopya ng aklat. Binuksan ko ang aklat at
binasa ang sumusunod na sipi: “Hindi alam ng sangkatauhan, na
iniwan ang panustos ng buhay mula sa Makapangyarihan sa lahat, kung
bakit sila umiiral, gayunma'y natatakot sa kamatayan. Walang suporta,
walang tulong, ngunit ang sangkatauhan ay nag-aatubili pa ring magsara
ng kanilang mga mata, naglalakas-loob pa rin, nagpapatuloy sa walang
dangal na pag-iral sa mundong ito sa mga katawang walang kamalayan sa
mga kaluluwa. Namumuhay ka nang gayon, na walang pag-asa; at siya ay
umiiral nang ganyan, na walang layunin. Nariyan lamang ang Tanging Banal
sa mga alamat na darating upang iligtas ang mga taong nananaghoy sa
paghihirap at sabik na sabik na naghihintay para sa Kanyang pagdating. …
Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang
kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak.
Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong
pagdating anumang oras” (“Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Nang
mabasa ko ang taos-pusong mga salita ng Diyos, napuno ako ng luha at
naramdaman ko na tunay ngang nauunawaan ng Diyos na ito ang
sangkatauhan. Noong nahaharap ako sa kataksilan ng asawa ko, nais ko
nang mamatay nguni’t wala akong tapang na gawin ito at ni hindi handang
mamatay sa ganoong paraan. Nawalan ng direksyon at layunin ang buhay ko
at ginusto ko ring umayaw na. Nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos,
nagawa kong makita ang pag-asa ng buhay at natagpuan ng puso ko ang
kapayapaan. Kahit na pinagtaksilan ako ng asawa ko, maaari akong
magtiwala sa Diyos. Hindi ako nag-iisa. Sinabi ng Makapangyarihang
Diyos, “Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang
maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag
kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap
sa iyong pagdating anumang oras.” Nakahanda akong magtiwala sa
Diyos dahil isa akong taong nasaktan at walang sinumang nagmamalasakit
sa akin. Kinailangan ko ang yakap ng Diyos. Naramdaman kong naging
napakasakit at nakapapagod ang bawat araw. Hindi ko nais na magpatuloy
nang ganito. Yaman din lamang at nauunawaan ng Diyos ang sangkatauhan,
tiyak na kaya Niyang dalhin ako palayo sa sakit na ito. Bilang resulta,
sinimulan kong basahin ang mga salita ng Diyos kasama ni Lin Ting.
Ibinahagi namin ang mga layunin ng Diyos at natutong kumanta ng mga
himno ng pagsamba sa Diyos. Sinabi sa akin ni Lin Ting, “Kapag dumaranas
ka ng mahihirap na sitwasyon, manalangin sa Diyos at basahin ang mga
salita ng Diyos. Maaaliw ng Diyos ang nasaktan nating puso.” Ginawa ko
ang sinabi niya sa akin. Nang makita ko ang mga MV at mga video ng himno
na kinunan ng mga kapatid ng iglesia ng Makapangyarihang Diyos,
nagsimula kong maramdaman ang higit na kaligayahan sa aking puso. Nadama
ko na ang pamilya ng Diyos lamang ang may tunay na pagmamahal at ang
tunay na kagalakan ay matatagpuan lamang sa aking mga kapatid. Ganito
rin ang siyang nangyari nang makita ko ang video,
Napalukso ang
puso ko kasama ng aking umaawit at sumasayaw na mga kapatid. Ang
nagdurusa at nalulungkot kong puso ay agad nabuhayan ng loob at sa huli
nagsimulang sumilay ang isang ngiti sa aking mukha. Kaagad, nadama ko na
ito ang pamilya na tunay na ninanais ko. Bilang resulta, nasiyahan ako
sa buhay-iglesia kasama ng aking mga kapatid.
Pagkaraan, binasa ko pa ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Ang
usapin na sinasamantala ni Satanas ang panlipunang uso upang pasamain
ang tao ay nangangailangan din ng tiyak na paliwanag. Ang mga
panlipunang usong ito ay isinasama ang maraming mga bagay. Sinasabi ng
ilan na: ‘Sila ba ay tungkol sa mga damit na ating sinusuot? Sila ba ay
tungkol sa pinakabagong mga moda, mga pagpapaganda, pag-aayos ng buhok,
at pagkaing gourmet?’ Sila ba'y tungkol sa mga bagay na ito? Ang mga ito
ay isang bahagi ng mga uso, subalit hindi natin nais pag-usapan ang mga
ito dito. Nais lamang nating pag-usapan ang tungkol sa mga ideya na
dinadala ng panlipunang uso para sa mga tao, ang paraan na kanilang
dinudulot sa mga tao sa pangangasiwa ng kanilang mga sarili sa mundo,
ang mga layunin sa buhay at pagtingin na kanilang dinudulot sa mga tao.
Ang mga ito ay napakahalaga; maaari nilang kontrolin at impluwensyahan
ang pag-iisip ng tao. Isa-isa, ang lahat ng mga usong ito ay nagdadala
ng isang masamang impluwensya na lagi nang nagpapalubha sa tao, na
nagpapababa ng kanilang mga moral at ng kanilang kalidad ng karakter
nang mas higit pa, hanggang sa masabi natin na karamihan ng mga tao
ngayon ay walang katapatan, walang kabaitan, ni wala din silang anumang
konsensya, at higit na walang anumang katuwiran. … Ang karamihan ng mga
tao, gayunpaman, sa gitna ng kanilang kawalang-kamalayan, ay patuloy na
nahahawahan, magiging bahagi at maaakit ng ganitong uri ng uso, hanggang
sa silang lahat ay walang kaalam-alam at hindi-kinukusang tumanggap
nito, at lahat ay nakalubog at kontrolado nito. Para sa taong wala sa
matinong pangangatawan at pag-iisip, hindi kailanman alam kung ano ang
katotohanan, na hindi maaaring makapagsabi ng kaibahan sa pagitan ng
positibo at negatibong mga bagay, ang mga ganitong uri ng uso isa-isa ay
ginagawa silang lahat na tanggapin nang maluwag sa kalooban ang mga
usong ito, ang pananaw sa buhay, ang mga pilosopiya sa buhay at mga
kahalagahan na nanggaling kay Satanas. Tinatanggap nila kung ano ang
sinasabi sa kanila ni Satanas kung paano pakikitunguhan ang buhay at ang
paraang mabuhay na ‘iginawad’ sa kanila ni Satanas. Wala silang lakas,
ni wala silang kakayanan, lalo na ang kamalayang tumutol” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Nang
mabasa ko ang bahaging ito ng mga salita ng Diyos, naisip ko ang sinabi
sa akin ng aking asawa: “Pangkaraniwan lang ito. Maraming tao ang
gumagawa nito rito!” Hindi ba’t ang mga saloobin ng asawa ko ang
naglalarawan sa katotohanan na siyang ipinahayag ng mga salita ng Diyos
kung paano na ang masasamang uso ng lipunan na dala ni Satanas ay
nagpapasama at lumalagom sa mga tao? Bago umalis ng bansa ang aking
asawa, nagagawa niyang alagaan ang kanyang pamilya at alagaan ako at ang
aming mga anak. Subali’t, sa loob ng tatlong maikling taon mula nang
umalis siya para magtrabaho, tuluyan niyang sinunod ang masasamang uso
ng lipunan at magtalusira sa kanyang sariling pamilya. Pagkatapos ay
naisip ko: Sa kasalukuyang lipunan, ang pagiging isang kerida ay hindi
kahiya-hiyang bagay. Sa katunayan, madalas nang nangyayari ang bagay na
ito. Maraming kalalakihan na ang napahamak nang dahil sa nakalalasong
pag-iisip na gaya ng mga sumusunod: “Hindi nabubuwal ang pulang bandila
sa bahay, ang makukulay na bandila sa labas a wumawagayway sa hangin.”
Buong-kapangahasan silang nakikipag-relasyon kahit sila’y kasal na.
Dahil hindi sila pinanghihinaan ng loob sa kahihiyan, nauudyukan sila ng
kaluwalhatian. Ayaw ng asawa kong diborsiyuhin ako, nguni’t ayaw rin
niyang iwanan ang babaeng iyon. Hindi ba’t naging kontrolado na rin siya
nang ganitong uri ng pag-iisip at pananaw? Sa pamamagitan ng mga salita
ng Diyos, nagawa kong unawain ito: Sa katunayan, ang bawat isa ay
biktima. Nalinlang ang lahat ng masasamang saloobin ni Satanas. Ito ang
dahilan kung bakit tayo naging tiwali hanggang sa puntong wala na tayong
kabutihang-asal at kahihiyan. Ano nga ba ang nakakamit ng mga tao kung
natutupad nila ang kanilang makasariling mga pagnanasa? Nagkamit nga ba
talaga sila ang kaligayahan? Tungkol sa asawa ko at sa babaeng iyon,
hindi ko maisip na mas maligaya sila kaysa sa akin. Bukod dito, ang
aming mga anak ay mga inosenteng biktima. Hindi ba’t ang paghihirap na
dinanas ng aking pamilya ay resulta rin ng kasamaan at kapinsalaan ni
Satanas? Kapag iniisip ko ang aking sarili, kung hindi ko natagpuan ang
kaligtasan ng Diyos, malamang na sinira rin ako ng masasamang uso ng
lipunan. Naisip ko na dahil nakakita ang asawa ko ng ibang babae ay
magagawa ko ring maghanap ng ibang mga lalaki. Hindi naman ako hindi
kanais-nais na babae maging saanman tingnan. Nagpapasalamat ako na
nailigtas ako ng Diyos nang panahong malapit na akong lamunin ni
Satanas. Pinahintulutan Niya akong pumunta sa Kanyang harapan at
tanggapin ang Kanyang proteksyon. Kung hindi, baka nawasak na ako sa
pagsunod sa agos ng kasamaan ng lipunan.
Sa patuloy kong nagbabasa, sinabi ng mga salita ng Diyos, “Kapag
ginagawang masama ni Satanas ang tao o gumagamit nang walang-pigil na
pamiminsala, ang Diyos ay hindi magsasawalang-kibo, ni hindi rin Niya
ipinagwawalang-bahala o magbubulag-bulagan doon sa Kanyang mga napili. …
Nais na makita ng Diyos na ang puso ng tao ay maaaring muling buhayin.
Sa ibang salita, ang mga paraang ito na ginagamit Niya upang gumawa sa
tao ay ang patuloy na pukawin ang puso ng tao, pukawin ang espiritu ng
tao, hahayaan ang tao na malaman kung saan sila nanggaling, sino ang
gumagabay sa kanila, sumusuporta sa kanila, nagbibigay sa kanila, at
nagpapahintulot sa tao na mabuhay hanggang sa ngayon; ang mga ito ay
upang ipaalam sa tao kung sino ang Maylalang, na kanilang dapat
sambahin, anong uri ng daan na dapat nilang tahakin, at sa anong paraan
dapat makarating ang tao sa harapan ng Diyos; ginagamit ang mga ito
upang unti-unting panumbalikin ang puso ng tao, upang nakikilala ng tao
ang puso ng Diyos, nauunawaan ang puso ng Diyos, at naiintindihan ang
malaking pangangalaga at paglingap sa likod ng Kanyang gawain na iligtas
ang tao. Kapag pinanumbalik ang puso ng tao, hindi na nila nanaising
mamuhay ng buhay ng isang masamang tao, masama ang disposisyon, subalit
sa halip nanaising hanapin ang katotohanan sa kasiyahan ng Diyos. Kapag
ang puso ng tao ay napukaw, sa gayon maaari na silang lubusan at
tuluyang umalis kay Satanas, hindi na muling mapinsala pa ni Santanas,
hindi na muling kontrolado at malilinlang nito. Sa halip, ang tao ay
maaaring makipagtulungan sa gawain ng Diyos at sa Kanyang mga salita sa
isang positibong paraan upang bigyan-kasiyahan ang puso ng Diyos, sa
gayon nakakamit ang pagkatakot sa Diyos at sa pag-iwas sa kasamaan. Ito
ang orihinal na layunin ng gawain ng Diyos” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Mula
sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kahit na ginagamit ni Satanas
ang lahat ng uri ng mga usong panlipunan upang gawing tiwali ang tao, sa
lahat ng panahon, ginawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa
sangkatauhan. Hindi Niya kailanman sinukuan ang ating kaligtasan dahil
matindi na ang ating naging kasamaan. Sa huling mga araw, ang Diyos ay
muling nagkatawang-tao at ipinahayag ang Kanyang mga salita, upang
pukawin ang espiritu ng tao at pahintulutan ang tao na makita nang
lubusan ang kasamaan ni Satanas, at kanyang pagiging kakutya-kutya.
Ginising Niya rin tayo para hanapin natin ang katotohanan at makalaya sa
ating tiwali at mala-Satanas na disposisyon at lubusang talikuran si
Satanas at bumalik sa Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko
rin na ang Diyos lamang ang may dalisay at banal na kakanyahan, na
kinamumuhian ng Diyos ang kasalanan at kasamaan at inaasahan ng Diyos na
lahat tayo ay pupunta sa Kanyang harapan, tanggapin ang patnubay ng
Kanyang mga salita at kamtin ng tanglaw ng liwanag. Ang masasamang
saloobin ni Satanas ang nagpatiwali sa puso ng tao, naging sanhi upang
mawalan ng kapangyarihan ang tao na makalaya mula rito at upang gawing
tiwali at lamunin nang paunti-unti. Ang Diyos lamang ang may kakayahang
magligtas sa atin. Ang mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos lamang ang
magpapahintulot sa atin na makita nang lubusan ang masasamang pakana at
mga panlilinlang ni Satanas para gawing tiwali ang tao at para
magkaroon ng kapangyarihang makalaya mula sa kapinsalaan at magkamit ng
tunay na buhay ng tao. Salamat sa Makapangyarihang Diyos! Ang
Makapangyarihang Diyos ang nagligtas sa akin mula sa kailaliman ng
sakit! Nakahanda akong basahin ang mga salita ng Diyos, tugisin ang
katotohanan at sa huli, kamtin ang Kanyang kaligtasan.
Sa
kasalukuyan, habang patuloy kong binabasa ang mga salita ng Diyos,
nauunawaan ko ang kahit kaunting katotohanan at nakikita ko nang lubusan
ang maraming sitwasyon. Hindi na ako napopoot sa aking asawa o sa
babaeng iyon. Malaya silang pumili kung anong uri ng buhay ang nais
nilang isabuhay. Pagdating naman sa mga kamag-anak at mga kaibigan,
napapakitunguhan ko naman sila nang mahinahon. Hindi ko na sinisisi ang
mga kamag-anak ko dahil lahat naman tayo ay ginawang tiwali ni Satanas
at lahat tayo ay mga biktima nito. Ngayon, madalas akong dumalo sa mga
pagtitipon kasama ng aking mga kapatid. Binabasa namin ang mga salita ng
Diyos at nag-uusap-usap kami at ibinabahagi ang aming mga indibiduwal
na karanasan. Nakikinabang kami araw-araw mula sa mga salita ng Diyos.
Sa loob ng aming mga puso, mayroon kaming kapayapaan at kagalakan at
puno ng pag-asa ang aming mga buhay. Salamat Makapangyarihang Diyos
dahil sa ginagabayan mo ako sa tamang landas ng buhay at para sa
pagbibigay sa akin ng tunay na pamilya. Dito, natagpuan ko ang tunay na
kaligayahan! Nakahanda akong sundin ang Diyos magpakailanman!
Mula sa Ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit