Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo.. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo.. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 25, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

★*★*★*✿✿✿═☆ღ⭐🌟💎]☆═✿✿✿★*★*★

Zhang Hua, Cambodia

    Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang isa’t isa at pinakitunguhan nila ako nang napakaayos. Naging lubos na masagana at pinagpala ang buhay pampamilya namin. Nang lumaki na ako, sinabi ko sa sarili ko: Dapat makatagpo ako ng isang asawa na tatratuhin ako nang maayos at dapat maitaguyod ko ang isang napakaligaya at mapalad na pamilya. Ito ang pinakamahalaga. Hindi ko hinahangad ang mga kayamanan, kailangan ko lamang magkaroon ng isang mapagmahal na relasyon sa aking asawa at isang mapayapang buhay pampamilya.

Hun 24, 2018

Isang Debate sa Pagitan ng Isang Kristiyano at Isang Opisyal ng CCP: Ano Ba Talaga ang Isang Kulto?


🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹
Mga Tauhan:

   Zheng Yi: Isang Kristiyanong Chinese. Nang magtrabaho siya sa Amerika, siniyasat niya ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet at tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang tatlong taon, nagbalik siya sa China, at itinuro ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa kapatid niyang si Zheng Rui.

Hun 17, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas (Ikalawang Bahagi)

❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ✿*¨*•.¸¸❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ✿
Zhao Gang
🌹.。.:*♡ᵕ̈*⑅୨୧🌹.。.:*♡ᵕ̈*⑅୨୧🌹.。.:*♡ᵕ̈*⑅୨୧🌹.。.:*♡ᵕ̈*⑅୨୧🌹.。.:*♡ᵕ̈*⑅୨୧🌹

   Sinabi ng aking asawa sa mga kapatid kung ano ang sinabi ni Kapatid na Guan sa amin nang siya ay nagpunta sa aming bahay, at tinanong ako ni Kapatid na Zhang kung ano ang aking naramdaman tungkol sa buong bagay na ito. Kaya sinabi ko sa mga kapatid ang tungkol sa kahinaan na aking naramdaman at tungkol sa karunungan na aking nalaman. Ngumiti si Kapatid na Zhang, habang sinasabing: Salamat sa Diyos! Ito ay isang napakadalisay na pang-unawa, ito ay ang gabay ng Diyos!" Nagtataka na nagtanong ang aking asawa, "Yamang hindi kami nakagawa ng anumang pagkakamali, bakit sinasabi ng Kapatid na Guan ang mga bagay na iyon? Siya ay isang pangunahing pinuno na naniwala sa Panginoon sa loob ng ilang tao!" Tumingin ako sa aking asawa at sinabing: "Gusto niya lang tayong bumalik sa ating dating simbahan!" Ngumiti si Kapatid na Zhang, habang sinasabing: "Ngayon ang tanging nakikita lang natin ay ang kanilang panlabas na anyo, ngunit hindi pa tayo tumingin sa diwa ng kanilang kalikasan! Isang beses na sinabi ng Panginoong Jesus: "Datapuwa't sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka't kayo'y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok" (Mateo 23:13). " Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal" (Mateo 23:27). Kung ikaw ay titingin sa isang tao sa kanilang panlabas na anyo, kung gayon ay napakatapat ng mga Fariseo sa kanilang paglilingkod sa Diyos. Sa isip ng mga tao, ang mga Fariseo ay mga taos-pusong tagapaglingkod sa Diyos, at sila ang mga pinaka-mapagkakatiwalaan sa mga relihiyosong pinuno. Ngunit nang dumating ang Panginoong Jesus upang isagawa ang Kanyang mga gawain, ang likas na hindi pagsunod ng Fariseo at nailantad. Ang mga Fariseong ito ang galit na galit na lumaban at humusga sa mga gawain ng Panginoong Jesus. Sila'y gumawa lahat ng uri ng bulung-bulungan at nagbintang upang linlangin ang mga karaniwang tao: Sinabi nila na nililinlang ng Panginoong Jesus and lahat ng nasa ilalim ng langit, na Siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng Beezlebub, ang prinsipe ng mga demonyo. At nang muling nabuhay ang Panginoong Jesus tatlong araw pagkatapos Niyang ipako sa krus, sinuhulan nila ang mga sundalo upang ikalat ang mga bulung-bulungan tungkol sa pagnanakaw ng mga disipulo sa katawan ng Panginoong Jesus. Gumawa ang mga Fariseo ng lahat ng uri ng mga kasinungalingan at ginamit ang lahat ng mga pandaraya na mayroon sila upang pigilan ang mga tao mula sa paghahanap at pagsisiyasat sa tunay na daan. Ang kanilang layunin ay ang sugpuin ang gawain ng Diyos upang mas maging makapangyarihan sa mga piniling tao ng Diyos habang buhay. Kahit na mukha silang tapat sa panlabas, ang totoo sila ay galit sa katotohanan at mga anticristo na tumayong mga kaaway ng Diyos. Katulad ito ng sinabi ng Panginoong Jesus nang inilantad at hinatulan niya ang mga ito: "Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?" (Mateo 23:33). Kaya ngayon isipin ang tungkol dito. Naiiba ba ang mga relihiyosong pinuno ng kasalukuyan mula sa mga Fariseo?" Habang iniisip ko ito, nahanap ng mga kapatid ang isang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos upang aking basahin: “Yaong mga nagbabasa ng Biblia@sa mga engrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwagayway nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng mga taong iyon ay demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at katitisuran sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may ‘matipunong laman’, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng kaluluwang lalamunin?” (“Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Binigyan ako ng mga kapatid ng detalyadong pagbabahagi batay sa mga salita ng Diyos na ito, sinusuri and lahat ng mga kilos ng mga relihiyosong pinuno kasama ang diwa ng kanilang kalikasan, hanggang sa wakas ay aking napagtanto na sa pamamagitan ng paulit-ulit na paggambala at paghadlang sa amin mula sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos at maging ang pagbabanta at pagsasapanganib sa amin, ang mga pinuno ay hindi upang protektahan kami, sa halip, ginawa nila ito upang itaas ang kanilang kapangyarihan sa ibabaw ng mga napiling tao ng Diyos, nang sa gayon ay tratuhin namin na parang Diyos, sinasamba at dinadambana sila. Kaya sa katunayan, katulad din sila ng mga Fariseo. Silang lahat ay mga anticristo na galit sa katotohanan at nilalabanan ang Diyos. Dumating ang Diyos upang tayo ay iligtas, ngunit iniisip nila ang bawat posibleng paraan upang pigilan tayo mula sa pagtanggap sa gawain ng Diyos at pigilan tayo mula sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Hindi ba't kapareho ito ng paghila nila sa atin pababa sa impyerno? Lubos na masasama ang kanilang hangarin! Kung hindi dahil sa mga salita ng Diyos na naglalantad ng diwa kung paano nilalabanan ng mga taong ito ang Diyos at nakikipag-away sa Diyos para sa tao, muntik na akong maniwala sa kanilang mga pandaraya, sinisira ang sarili kong pagkakataon na makatanggap ng kaligtasan. Sa oras na ito, namamanghang sinabi ng aking asawa: "Lumitaw nga na narito sila upang tayo ay mapinsala! Humph! Talagang hindi titigil ang mga taong ito hanggang sa mahila nila tayo pababa sa impyerno! Hindi na ako maniniwala pa sa kanilang mga sinasabi."

Hun 15, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Araw na Iyon Kung Saan ang Himpapawid ay Lalong Malinaw at Maaraw (Ikalawang Bahagi)


★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*゚:。:*★
Tian Ying
   Ang kapatid na babae ay patuloy na nagsalita: “Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay nabuksan na ang misteryo ng ‘pagiging ligtas’ at ‘pagtamo ng ganap na kaligtasan,’ kaya tingnan natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at tingnan kung ano ang masasabi Niya tungkol dito. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasabing: “Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

May 10, 2018

Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Nakita Ko Nang Malinaw ang Aking Tunay na Katayuan

Ding Xiang, Lungsod ng Tengzhou, Lalawigan ng Shandong

   Sa isang pulong ng mga lider ng iglesia na minsan kong dinaluhan, isang bagong halal na pinuno ng iglesia ang nagsabi: "Wala akong sapat na katayuan. Pakiramdam ko ay hindi ako angkop sa pagtupad sa tungkulin na ito. Nagigipit ako ng napakaraming mga bagay, hanggang sa hindi ako makatulog nang ilang araw at gabi na magkakasunod..." Sa panahong iyon, nagdadala ako ng mga pasanin sa aking paghanap sa Diyos, kaya nakipag-usap ako sa kanya: "Lahat ng gawain ay ginagawa ng Diyos; ang tao ay nakikipagtutulungan lamang ng kaunti. Kung ang pakiramdam natin ay nabibigatan tayo, ang paglapit sa Diyos nang mas madalas at pag-asa sa Diyos ay tiyak na magpapakita sa atin ng pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos. Ang pagkaramdam ng pasanin mula sa ating gawain ay isang magandang bagay. Ngunit kung ang pasanin ay nagiging kabalisahan, ito ay magiging isang balakid, at hahantong sa pagiging negatibo at maging ng maling pagkaunawa ukol sa Diyos." Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, nadama ko na ang aking mga pakikipag-usap ay talagang nakapagpapalinaw. Kinikilala din ng kapatid na babaeng iyon na siya ay nasa isang sitwasyon kung saan ang Diyos ay walang lugar sa kanyang puso, at ginagawa niya ito sa kanyang sarili sa halip na umasa sa Diyos, at sa gayon ay natagpuan niya ang landas sa pagpasok. Masayang-masaya ako noong panahong iyon dahil naisip ko na kaya kong lutasin ang suliranin ng kapatid na babae, na nagpapatunay na ako ay nagtataglay ng katunayan ng aspetong ito ng katotohanan.

May 8, 2018

Ano Talaga ang Totoong Pagtanggap sa Katotohanan?

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ano Talaga ang Totoong Pagtanggap sa Katotohanan?

                                    Xiaohe    Puyang City, Henan Province

   Sa nakaraan, sa tuwing babasahin ko ang mga salita na ibinunyag ng Diyos tungkol sa kung paano hindi tinatanggap ng mga tao ang katotohanan, hindi ako naniwala na ang mga salitang ito ay naaangkop sa akin. Nasiyahan ako sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng salita ng Diyos, at nagawa kong tanggapin at kilalanin ang lahat ng sinabi ng Diyos bilang katotohanan—hindi alintana kahit gaano man nito tinusok ang aking puso o hindi sumunod sa aking mga paniwala. Bukod dito, gaano man karami ang mga kakulangan na ipinapamata ng aking mga kapatid, ito ay kinilala at tinanggap ko. Hindi ko sinubukang bigyang-katwiran ang aking sarili, kung kaya’t inisip ko na ako ay isang tao na siguradong tumanggap sa katotohanan. Tanging ang mga tao na sadyang mayabang at makasarili at may mga paniniwala tungkol sa salita ng Diyos, mga hindi kinikilala na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan ay silang hindi tumatanggap sa katotohanan. Ganito ako kung mag-isip noon hanggang isang araw habang ako ay nakikinig sa “Fellowship and Preaching About Life Entry,” ganap kung naintindihan ang ibig sabihin ng pagtanggap sa katotohanan.

May 7, 2018

Pagseselos, ang Talamak na Karamdamang Espirituwal

iglesia, Espiritu, krus, Langit, Ang Patotoo ng isang Cristiano.

He Jiejing    Lungsod ng Hezhou, Lalawigan ng Guangxi

    Ang isang kapatid na babae at ako ay pinagpares upang magkasamang magrebisa ng mga artikulo. Habang kami ay nagpupulong, aking natanto na hindi mahalaga maging ito man ay sa pagkanta, pagsayaw, pagtanggap ng salita ng Diyos, o pagpapahatid ng katotohanan, siya ay mas magaling sa akin sa bawa’t aspeto. Ang mga kapatid sa nag-anyayang pamilya ay lahat gusto siya at kinakausap siya. Dahil dito, ang puso ko ay medyo hindi mapalagay at naramdaman ko na parang nakatanggap ako ng malamig na pagtanggap— hanggang sa punto na naiisip ko na hanggang siya ay naroroon, walang lugar para sa akin. Sa puso ko nagsimula akong makaramdam ng pagkasawa sa kanya at ayaw nang samahan siya sa pagtutupad ng aming mga tungkulin. Inasahan ko na siya ay aalis upang ang mga kapatid ay magustuhan ako at mag-isip ng mataas tungkol sa akin.

May 3, 2018

Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay


Wenzhong, Beijing

Agosto 11, 2012

   Noong gabi ng Hulyo 21, 2012, nagkaroon ng malaking baha sa amin na hindi karaniwang nangyayari. Nais kong ipahayag sa lahat ng nauuhaw sa Diyos ang aking talagang naranasan at nakita nang araw na iyon.