Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panginoong. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Panginoong. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 17, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Paglansag sa Mahigpit na Pagkubkob ni Satanas (Ikalawang Bahagi)

❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ✿*¨*•.¸¸❀*¨*•.¸¸✿ .•*¨*•.¸¸ ✿
Zhao Gang
🌹.。.:*♡ᵕ̈*⑅୨୧🌹.。.:*♡ᵕ̈*⑅୨୧🌹.。.:*♡ᵕ̈*⑅୨୧🌹.。.:*♡ᵕ̈*⑅୨୧🌹.。.:*♡ᵕ̈*⑅୨୧🌹

   Sinabi ng aking asawa sa mga kapatid kung ano ang sinabi ni Kapatid na Guan sa amin nang siya ay nagpunta sa aming bahay, at tinanong ako ni Kapatid na Zhang kung ano ang aking naramdaman tungkol sa buong bagay na ito. Kaya sinabi ko sa mga kapatid ang tungkol sa kahinaan na aking naramdaman at tungkol sa karunungan na aking nalaman. Ngumiti si Kapatid na Zhang, habang sinasabing: Salamat sa Diyos! Ito ay isang napakadalisay na pang-unawa, ito ay ang gabay ng Diyos!" Nagtataka na nagtanong ang aking asawa, "Yamang hindi kami nakagawa ng anumang pagkakamali, bakit sinasabi ng Kapatid na Guan ang mga bagay na iyon? Siya ay isang pangunahing pinuno na naniwala sa Panginoon sa loob ng ilang tao!" Tumingin ako sa aking asawa at sinabing: "Gusto niya lang tayong bumalik sa ating dating simbahan!" Ngumiti si Kapatid na Zhang, habang sinasabing: "Ngayon ang tanging nakikita lang natin ay ang kanilang panlabas na anyo, ngunit hindi pa tayo tumingin sa diwa ng kanilang kalikasan! Isang beses na sinabi ng Panginoong Jesus: "Datapuwa't sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka't kayo'y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok" (Mateo 23:13). " Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal" (Mateo 23:27). Kung ikaw ay titingin sa isang tao sa kanilang panlabas na anyo, kung gayon ay napakatapat ng mga Fariseo sa kanilang paglilingkod sa Diyos. Sa isip ng mga tao, ang mga Fariseo ay mga taos-pusong tagapaglingkod sa Diyos, at sila ang mga pinaka-mapagkakatiwalaan sa mga relihiyosong pinuno. Ngunit nang dumating ang Panginoong Jesus upang isagawa ang Kanyang mga gawain, ang likas na hindi pagsunod ng Fariseo at nailantad. Ang mga Fariseong ito ang galit na galit na lumaban at humusga sa mga gawain ng Panginoong Jesus. Sila'y gumawa lahat ng uri ng bulung-bulungan at nagbintang upang linlangin ang mga karaniwang tao: Sinabi nila na nililinlang ng Panginoong Jesus and lahat ng nasa ilalim ng langit, na Siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng Beezlebub, ang prinsipe ng mga demonyo. At nang muling nabuhay ang Panginoong Jesus tatlong araw pagkatapos Niyang ipako sa krus, sinuhulan nila ang mga sundalo upang ikalat ang mga bulung-bulungan tungkol sa pagnanakaw ng mga disipulo sa katawan ng Panginoong Jesus. Gumawa ang mga Fariseo ng lahat ng uri ng mga kasinungalingan at ginamit ang lahat ng mga pandaraya na mayroon sila upang pigilan ang mga tao mula sa paghahanap at pagsisiyasat sa tunay na daan. Ang kanilang layunin ay ang sugpuin ang gawain ng Diyos upang mas maging makapangyarihan sa mga piniling tao ng Diyos habang buhay. Kahit na mukha silang tapat sa panlabas, ang totoo sila ay galit sa katotohanan at mga anticristo na tumayong mga kaaway ng Diyos. Katulad ito ng sinabi ng Panginoong Jesus nang inilantad at hinatulan niya ang mga ito: "Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?" (Mateo 23:33). Kaya ngayon isipin ang tungkol dito. Naiiba ba ang mga relihiyosong pinuno ng kasalukuyan mula sa mga Fariseo?" Habang iniisip ko ito, nahanap ng mga kapatid ang isang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos upang aking basahin: “Yaong mga nagbabasa ng Biblia@sa mga engrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwagayway nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng mga taong iyon ay demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at katitisuran sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may ‘matipunong laman’, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng kaluluwang lalamunin?” (“Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Binigyan ako ng mga kapatid ng detalyadong pagbabahagi batay sa mga salita ng Diyos na ito, sinusuri and lahat ng mga kilos ng mga relihiyosong pinuno kasama ang diwa ng kanilang kalikasan, hanggang sa wakas ay aking napagtanto na sa pamamagitan ng paulit-ulit na paggambala at paghadlang sa amin mula sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos at maging ang pagbabanta at pagsasapanganib sa amin, ang mga pinuno ay hindi upang protektahan kami, sa halip, ginawa nila ito upang itaas ang kanilang kapangyarihan sa ibabaw ng mga napiling tao ng Diyos, nang sa gayon ay tratuhin namin na parang Diyos, sinasamba at dinadambana sila. Kaya sa katunayan, katulad din sila ng mga Fariseo. Silang lahat ay mga anticristo na galit sa katotohanan at nilalabanan ang Diyos. Dumating ang Diyos upang tayo ay iligtas, ngunit iniisip nila ang bawat posibleng paraan upang pigilan tayo mula sa pagtanggap sa gawain ng Diyos at pigilan tayo mula sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Hindi ba't kapareho ito ng paghila nila sa atin pababa sa impyerno? Lubos na masasama ang kanilang hangarin! Kung hindi dahil sa mga salita ng Diyos na naglalantad ng diwa kung paano nilalabanan ng mga taong ito ang Diyos at nakikipag-away sa Diyos para sa tao, muntik na akong maniwala sa kanilang mga pandaraya, sinisira ang sarili kong pagkakataon na makatanggap ng kaligtasan. Sa oras na ito, namamanghang sinabi ng aking asawa: "Lumitaw nga na narito sila upang tayo ay mapinsala! Humph! Talagang hindi titigil ang mga taong ito hanggang sa mahila nila tayo pababa sa impyerno! Hindi na ako maniniwala pa sa kanilang mga sinasabi."

May 29, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikatlong bahagi)

<*><*><*><*><*>🍀🍀🍀🍀🍀<*><*><*><*><*><*>

   Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos. Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang hindi Niya kailanman ginawa noong una."

Rekomendasyon:                                  💞💞💞💞

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

May 25, 2018

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (6) - Pagbabalik


❀*¨*•.¸¸✿.•*¨*•.¸¸✿═══♡♡♡♡♡♡═══❀*¨*•.¸¸✿.•*¨*
Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang makaramdam ng kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang Tagabantay, ay tatanggap sa iyong pagdating anumang oras. Nagbabantay Siya sa iyong tabi, naghihintay para sa iyong pagbabalik. Siya ay naghihintay para sa araw ng pagbabalik ng iyong gunita …" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Katulad ni Xiaozhen na naiwang pasa-pasa at bugbog ng mundong ito at nawalan ng pag-asa, nadama niya ang pagmamahal ng Makapangyarihang Diyos at napukaw ang kanyang puso …

Rekomendasyon:                                 💖🍡💓

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ene 25, 2018

Pelikulang Kristiano | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (2) - Agawan sa Ginto



Kidlat ng Silanganan | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (2) - Agawan sa Ginto




Nang makakita si Xiaozhen ng isang malaking pirasong ginto, tinawag niya ang kanyang mga kaibigan para ipakita ito. Ang hindi niya alam ay kapag nakakita ng ginto ang mga tao, lumilitaw ang likas na kabutihan at kasamaan ng tao …

Ene 23, 2018

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (1) - Bato, Bato, Pick



Kidlat ng Silanganan | Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (1) - Bato, Bato, Pick


Isang grupo ng masisigla at kaibig-ibig na mga kabataan ang walang-malay na naglalaro nang itanong nila nang diretsahan, nang hindi nag-iisip, na: "Saan nanggaling ang sangkatauhan?" Alam mo ba ang sagot sa tanong na ito?

Ene 9, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)


Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong malilit na mga bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat."

Dis 23, 2017

Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?


Kidlat ng Silanganan | Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?


    Sa bawat panahon na nagkakatawang-tao ang Diyos at nagpapakita para gawin ang Kanyang gawain, malupit na sinusuway at binabatikos ng masasamang puwersa ni Satanas ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng digmaan sa loob ng espirituwal na mundo na humahati at naglalantad sa relihiyosong mundo. Sinabi ng Panginoong Jesus, "Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak" (Mateo 10:34). Noong nagpakita ang Panginoong Jesus at nagtrabaho sa Kapanahunan ng Biyaya, nahati sa maraming pangkat ang Judaismo. Sa pagpapakita ngayon at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ang relihiyosong mundo ay sumasailalim sa malaking paglalantad; ang trigo at ang mga damo, ang mga tupa at ang mga kambing, ang matatalinong birhen at ang mga hangal na birhen, at ang mga mabuting lingkod at ang mga masamang lingkod—ay lahat inilantad, ang bawat isa sa kanilang sariling uri. Tunay na hindi maarok ang karunungan at kamanghaan ng Diyos!

Dis 20, 2017

Kidlat ng Silanganan | Ebangheliyong pelikula | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?


Kidlat ng Silanganan Ebangheliyong pelikula | Ang Landas bang Binabatikos ng CCP at ng Relihiyosong Samahan ay Hindi ang Tunay na Daan?

    Maraming tao ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan nang hindi binabatay ang mga pagkilos na ito sa mga salita at gawain ng Diyos. Sa halip, sinusunod nila ang mga takbo ng relihiyosong mundo at naniniwala sila na ang binabatikos ng Komunistang gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo ay hindi ang tunay na daan—ito ba ang tamang daan para tahakin? Sinasabi ng Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). “Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11:29). Kung kaya, makikita na ang mga ateistang politikal na rehimen at ang relihiyosong mundo ay tiyak na itatakwil at babatikusin ang tunay na daan. Noong ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya, gigil na gigil Siyang sinalungat at hinatulan ng mga Judio at ng gobyerno ng Roma, at sa huli, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Hindi ba ito ang tunay na sitwasyon? Kapag dumating ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, magdudusa Siya sa mabagsik na pagsuway at pambabatikos ng gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba karapat-dapat na pagnilayan natin ito?

Dis 13, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ano ang Diwa ng Pagsalungat ng mga Fariseo sa Diyos



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ano ang Diwa ng Pagsalungat ng mga Fariseo sa Diyos


    Sa dalawang libong taon, kahit na alam ng mga mananampalataya ang katunayan na sumuway ang mga Fariseo sa Panginoong Jesus, walang sinuman sa buong relihiyosong mundo ang tiyak na nakakaalam kung ano ang tunay na dahilan at diwa ng pagsuway sa Diyos ng mga Fariseo. Tanging sa pagdating ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na maaaring mabunyag ang katotohanan sa katanungang ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang mga Fariseong ito sa pagkatao ay mga sutil, mayayabang, at ayaw sumunod sa katotohanan. Ang panuntunan ng paniniwala nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito?" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Set 5, 2017

Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Kidlat ng Silanganan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos,  Cristo, soberanya

Kidlat ng Silanganan | Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo


  Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakaranas ng pag-uusig, ito naman ay para sa “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan”; kay laking pagpapala nito! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay dinadala tayo sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang madalas. Maaari ay sa susunod na taon, maaaring bukas, o maaring sa lalong madali kung kailan hindi inaasahan ng tao, ang Panginoon ay biglaang darating, at tiyak na magpapakita sa gitna ng kalipunan ng mga taong masigasig na naghihintay sa Kanya. Lahat tayo ay nakikipagpaligsahan sa isa’t isa, walang nagnanais na maiwan, nang sa ganoon ay maging unang kalipunan na mamasdan ang pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang aagawin sa alapaap. Ibinigay natin ang lahat, hindi alintana ang kalalabasan, para sa pagdating ng araw na ito. Ang ilan ay isinuko ang kanilang mga trabaho, ang ilan ay iniwan ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay tinalikuran ang kanilang mga buhay may asawa, at ang ilan ay ipinamigay na ang kanilang mga inipon. Anong walang pag-iimbot na debosyon! Ang gayong sinseridad at katapatan ay nalampasan kahit ang mga banal sa nakalipas na panahon! Habang ang Panginoon ay nagkakaloob ng biyaya sa kung sinumang Kanyang naisin, at habag sa sinumang Kanyang naisin, ang ating debosyon at pagpapagal, tayo ay naniniwala, ay nakita na rin ng Kanyang mga mata. Gayundin, ang ating taos-pusong mga panalangin ay naabot na rin ang Kanyang mga tainga, at tayo ay nagtitiwala na tayo ay gagantimpalaan ng Panginoon dahil sa ating debosyon. Bukod doon, ang Diyos ay nagmagandang-loob sa atin bago pa man Niya nilikha ang mundo, at walang sinuman ang makapag-aalis ng mga pagpapala at pangako ng Diyos sa atin. Tayong lahat ay nagpaplano para sa hinaharap, at ating nakikini-kinita na ang ating debosyon at pagpapagal ay ating inilalaan para sa ating pagsalubong sa ating Panginoon sa hangin. Higit sa lahat, wala ni katiting na pag-aatubili, inilalagay natin ang ating sarili sa trono sa hinaharap, pinamumunuan ang lahat ng mga bansa at mga tao, o mga namamahala bilang mga hari. Ang lahat ng ito ay inaakala nating ibinigay na, o isang bagay na maaasahan.