Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan - Mga Video. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan - Mga Video. Ipakita ang lahat ng mga post

Abr 7, 2018

Pelikulang Kristiano | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (Trailer)



   Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China … Ang dokumentaryong ito ay matapat at inilalarawan nang walang pinapanigan ang tunay na mga karanasan sa pang-uusig na dinanas ng mga Kristiyanong Chinese sa mga kamay ng pamahalaang CCP. Ang mga Kristiyanong inusig sa pelikula ay mga tao mula sa iba’t ibang sekta at denominasyon na naghanap sa katotohanan, at narinig ang tinig ng Diyos at sa gayo’y nagsibalik sa Makapangyarihang Diyos. Tumahak sila sa tamang landas ng buhay, subalit galit na galit na pinag-aaresto sila ng pamahalaang CCP. Ang ilan sa kanila ay ibinilanggo, ang ilan ay pinahirapan sa anumang paraan, ang ilan ay namuhay bilang pugante na nahiwalay sa kanilang asawa’t mga anak, at ang ilan ay nalumpo o napatay pa dahil sa pang-aabuso. Ang dokumentaryong ito na napakaganda ng pagkakuha ay nagtatangkang muling isadula ang tunay na nangyari noong panahong iyon, at naglalaan ng malalim na pagninilay-nilay tungkol sa garapal na panghihimasok sa mga pananalig sa relihiyon at karapatang-pantao ng mga Kristiyanong Chinese. Ipinapakita sa atin nito ang tunay na buhay ng mga Kristiyanong Chinese at mga Kristiyanong pamilya upang mas maunawaan natin, gayundin bilang pagninilay-nilay—na bihirang makita nitong nakaraang mga taon—tungkol sa mga karanasan at damdamin ng mga Kristiyanong Chinese na inusig dahil sa kanilang pananampalataya.

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Peb 16, 2018

Sino ang Aking Panginoon - Si Cristo ang Pinagmumulan ng Buhay Pati na rin ang Panginoon ng Biblia


Kidlat ng SilangananClip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Si Cristo ang Pinagmumulan ng Buhay Pati na rin ang Panginoon ng Biblia


Ang Biblia ay puno ng salita ng Diyos pati na rin ng karanasan at patotoo mula sa tao na makakapagtustos sa atin ng buhay at labis na kapaki-pakinabang para sa atin. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man.” (Juan 11:25-26). Ngunit bakit, pagkalipas ng 2,000 taon, wala sa yaong may pananalig sa Panginoon na nakabasa ng Biblia ang kailanman nakatamo ng buhay na walang hanggan? Maaari bang wala sa Biblia ang daan patungo sa buhay na walang hanggan? Maaari bang hindi ipinagkaloob ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ang daan patungo sa buhay na walang hanggan noong ginampanan Niya ang Kanyang gawaing pagtubos? Ano ang dapat nating gawin upang matamo ang daan ng buhay na walang hanggan?

Rekomendasyon:

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos 


Peb 15, 2018

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia?



Kidlat ng SilangananClip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia?


Sa dalawang libong taon, tayo ay naniwala sa Panginoon ayon sa Biblia, at napakarami sa atin ang naniniwalang "Ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Tama ba ang mga ideyang ito? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng paniniwala sa Diyos? Ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Biblia? Ano ang relasyon sa pagitan ng Biblia at Diyos? Nangangahulugan ba na ang bulag na pananampalataya at pagsamba sa Biblia ay ang paniniwala at pagsamba ninyo sa Diyos? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos






Peb 14, 2018

Sino ang Aking Panginoon - Debate Tungkol Lahat sa "Kung ang Biblia ay Kinasihan ng Diyos"

Kidlat ng SilangananClip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Debate Tungkol Lahat sa "Kung ang Biblia ay Kinasihan ng Diyos"


Sa dalawang libong taon, ang relihiyosong mundo ay umasa sa kung ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa Biblia na kinasihan ng Diyos at laging naniwala na "Ang Biblia ay mga salita ng Diyos," at "Ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon." Tama ba ang mga ideyang ito? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!

Rekomendasyon:

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos 






Peb 13, 2018

Sino ang Aking Panginoon - Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?



Kidlat ng Silanganan Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Nasa Biblia ba ang Lahat ng Gawain at Mga Salita ng Diyos?


Naniniwala ang kabuuan ng relihiyosong mundo na ang gawain at mga salita ng Diyos ay nasa Biblia lahat, at sa pagbubukod ng Biblia, walang mga salitang binanggit ang Diyos at Kanyang gawain. Samakatuwid, hangga't kayo ay tapat sa Biblia, sisiguruhin nito na kayo ay makakapasok sa kaharian ng langit. Sumasang-ayon ba ang mga ideyang ito sa katunayan ng gawain ng Diyos? Mayroon bang mga salita ng Diyos sa labas ng Biblia? Ano ba talaga iyon na maggagabay sa tao upang makapasok sa kaharian ng langit? Iyon ba ay ang panghawakan ang Biblia, o ang pagsunod sa mga yapak ng Kordero? Ibubunyag sa inyo ng clip na ito ang lahat ng sagot!

Rekomendasyon:

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos 

Peb 12, 2018

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Muling Pinasigla Ang Isang Napabayaang Iglesia


Kidlat ng Silanganan | Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Muling Pinasigla Ang Isang Napabayaang Iglesia


    Matapos itakwil ng mga kapatiran sa isang pulungan ng iglesia ni Elder Liu Zhizhong ang mga kadena ng Biblia, binasa nila online ang tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sila ay binusog ng nabubuhay na tubig ng buhay, at nagawa nilang ibalik ang kanilang orihinal na pananampalataya at pagmamahal at kumpirmahin sa kanilang mga puso na ang Makapangyarihang Diyos ay ang ikalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Nang makita itong nangyari ni Elder Liu Zhizhong, nagawa ba niyang ibaba ang Biblia at hinangad na siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Mangyaring panoorin ang maikling video na ito!


Rekomendasyon:

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos






Peb 11, 2018

Kristiyanong Video | “Umuwi ang isang Pagala-galang Puso” | Hanapin ang Tunay na Buhay


Kidlat ng SilangananKristiyanong Video “Nakauwi na ang Pagala-galang Puso” | Hanapin ang Tunay na Buhay


Magmula noong maliit siya, naniwala si Novo sa Panginoong Jesus, tulad ng kanyang ina. Kahit na madalas siyang nagbabasa ng Biblia, nagdarasal, at dumadalo sa mga sermon, madalas niyang hindi mapigilang sundan ang mga masasamang kalakaran ng mundo, hanapin ang mga kasayahan ng laman, at magsinungaling at mandaya … Maraming beses siyang nagpasyang iwaksi ang buhay na paulit-ulit sa pagkakasala at pangungumpisal, pangungumpisal at pagkakasala. Subalit, palagi siyang nabibigo. Paglaon, noong nagtatrabaho si Novo sa Taiwan, narinig niya ang ebanghelyo ng kaharian, at sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos naisip niya na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at na ang Kanyang gawain ng paghatol at pagpapadalisay sa mga huling araw ay ganap na makakayang lutasin ang problema ng makasalanang kalikasan ng sangkatauhan. Kaya tinanggap niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw nang may pusong puno ng galak. Pagkalipas ng dalawang taon, bumalik si Novo sa Pilipinas at sinimulang tuparin ang kanyang tungkulin sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natagpuan niya ang kanyang layunin at direksyon sa buhay, at magmula noon nakauwi na sa wakas ang kanyang pagala-galang puso.

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Peb 9, 2018

Kristianong video | Babagsak ang Lungsod | Bakit Aba ang Sinapit ng mga Hipokritong Fariseo?



Kidlat ng SilangananKristianong video | Babagsak ang Lungsod | Bakit Aba ang Sinapit ng mga Hipokritong Fariseo?


Nakatala sa Biblia na hinatulan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo ng pitong mga aba. Sa kasalukuyan, ang landas na nilakaran ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo ay ganoon sa mga Fariseo at parehas nilang pinagdurusahan ang pagkamuhi at pagtanggi ng Diyos. Kaya bakit hinatulan at isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo? Dahil una, sila’y mayroong hipokritong diwa na sumuway sa Diyos, dahil nakatuon lang sila sa pagsasagawa ng mga relihiyosong rituwal at pagsunod sa mga patakaran, ipinaliwanag lang nila ang mga patakaran at mga doktrina sa Biblia at hindi isinabuhay ang mga salita ng Diyos o sinunod ang mga utos ng Diyos o ano pa man, at binalewala pa nila ang mga utos ng Diyos. Ang lahat ng bagay na kanilang ginawa ay lubusang sumalungat sa kalooban at hinihingi ng Diyos. Ito ang hipokritong diwa ng mga Fariseo at ito ang pangunahing dahilan ng pagkapoot at pagsumpa ng Panginoong Jesus sa kanila.

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Peb 3, 2018

Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (1) | "Ang Hiwaga ng Pagdating ng Anak ng Tao"


Kidlat ng Silanganan | Ang Misteryo ng Kabanalan | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (1)


Sa pagsasalita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, sinabi ng Panginoong Jesus, "Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating" (Lucas 12:40). " Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25). Binabanggit ng mga propesiyang ito na "ang Anak ng tao ay darating" o "ang pagdating ng Anak ng tao," kung gayon ano ba talaga ang ibig sabihin ng "pagdating ng Anak ng tao"? Sa anong paraan gagawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang pagbabalik? Ipapaalam sa inyo ng maikling pelikulang ito ang katotohanan.

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos