Clip ng Pelikulang Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (1) "Natuklasan: May Iba pa bang mga Salita o Gawain ng Diyos Maliban sa mga Nasa Biblia?"
Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon kadalasan ay itinuturo sa mga tao na walang mga salita at gawain ng Diyos sa labas ng Biblia, kaya maling maniwala sa anumang wala sa Biblia. Tama kaya ang ideyang ito kung sisiyasatin? Naaayon ba ito sa realidad ng gawain ng Diyos?
Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" (Clips 1/2) Naaayon Ba sa Biblia ang Gawain ng Diyos?
Noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, nangangagaral na malapit na ang kaharian ng langit at dadalhin sa mga tao ang daan tungo sa pagsisisi, tinuligsa Siya ng mga Fariseong Judio, na sinasabi na ang Kanyang mga salita at gawain ay laban sa mga kautusan sa Lumang Tipan, na hindi iyon nakasaad sa Lumang Tipan, at na maling paniniwala ang mga iyon.
Paano dapat pag-aralan ang Biblia tungkol sa paniniwala sa Diyos? Ito ay isang tanong ng prinsipyo. Bakit natin pinag-uusapan ang tanong na ito? Dahil sa hinaharap ay ipalalaganap mo ang ebanghelyo at palalawakin ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi sapat na pag-usapan lamang ang gawain ng Diyos ngayon.
Clip ng Pelikulang Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (2) "May Batayan ba sa Biblia ang Pagbalik ng Panginoon sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao?"
Maraming tao sa pagtanggap sa ikalawang pagparito ng Panginoon ang nagpapahalaga lang sa propesiya sa Kasulatan na bababa ang Panginoon mula sa mga ulap para pumaritong muli habang kinaliligtaan ang propesiya na paparitong muli ang Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao.
Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng
kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa
pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa
masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na
ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila
at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba
Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang,
humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong
salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao
ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba.
Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang
nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa
Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan
pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng
isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang
nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita
na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na
iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?
Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …
Sinabi
ng aking asawa sa mga kapatid kung ano ang sinabi ni Kapatid na Guan sa
amin nang siya ay nagpunta sa aming bahay, at tinanong ako ni Kapatid
na Zhang kung ano ang aking naramdaman tungkol sa buong bagay na ito.
Kaya sinabi ko sa mga kapatid ang tungkol sa kahinaan na aking
naramdaman at tungkol sa karunungan na aking nalaman. Ngumiti si Kapatid
na Zhang, habang sinasabing: Salamat sa Diyos! Ito ay isang
napakadalisay na pang-unawa, ito ay ang gabay ng Diyos!" Nagtataka na
nagtanong ang aking asawa, "Yamang hindi kami nakagawa ng anumang
pagkakamali, bakit sinasabi ng Kapatid na Guan ang mga bagay na iyon?
Siya ay isang pangunahing pinuno na naniwala sa Panginoon sa loob ng
ilang tao!" Tumingin ako sa aking asawa at sinabing: "Gusto niya lang
tayong bumalik sa ating dating simbahan!" Ngumiti si Kapatid na Zhang,
habang sinasabing: "Ngayon ang tanging nakikita lang natin ay ang
kanilang panlabas na anyo, ngunit hindi pa tayo tumingin sa diwa ng
kanilang kalikasan! Isang beses na sinabi ng Panginoong Jesus: "Datapuwa't
sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't
sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka't
kayo'y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong
bayaang mangakapasok" (Mateo 23:13). " Sa aba ninyo,
mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't tulad kayo sa
mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa
loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na
karumaldumal" (Mateo 23:27). Kung ikaw ay titingin sa isang tao
sa kanilang panlabas na anyo, kung gayon ay napakatapat ng mga Fariseo
sa kanilang paglilingkod sa Diyos. Sa isip ng mga tao, ang mga Fariseo
ay mga taos-pusong tagapaglingkod sa Diyos, at sila ang mga
pinaka-mapagkakatiwalaan sa mga relihiyosong pinuno. Ngunit nang
dumating ang Panginoong Jesus upang isagawa ang Kanyang mga gawain, ang
likas na hindi pagsunod ng Fariseo at nailantad. Ang mga Fariseong ito
ang galit na galit na lumaban at humusga sa mga gawain ng Panginoong
Jesus. Sila'y gumawa lahat ng uri ng bulung-bulungan at nagbintang upang
linlangin ang mga karaniwang tao: Sinabi nila na nililinlang ng
Panginoong Jesus and lahat ng nasa ilalim ng langit, na Siya ay
nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng Beezlebub, ang prinsipe ng
mga demonyo. At nang muling nabuhay ang Panginoong Jesus tatlong araw
pagkatapos Niyang ipako sa krus, sinuhulan nila ang mga sundalo upang
ikalat ang mga bulung-bulungan tungkol sa pagnanakaw ng mga disipulo sa
katawan ng Panginoong Jesus. Gumawa ang mga Fariseo ng lahat ng uri ng
mga kasinungalingan at ginamit ang lahat ng mga pandaraya na mayroon
sila upang pigilan ang mga tao mula sa paghahanap at pagsisiyasat sa
tunay na daan. Ang kanilang layunin ay ang sugpuin ang gawain ng Diyos
upang mas maging makapangyarihan sa mga piniling tao ng Diyos habang
buhay. Kahit na mukha silang tapat sa panlabas, ang totoo sila ay galit
sa katotohanan at mga anticristo na tumayong mga kaaway ng Diyos.
Katulad ito ng sinabi ng Panginoong Jesus nang inilantad at hinatulan
niya ang mga ito: "Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong,
paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?" (Mateo 23:33).
Kaya ngayon isipin ang tungkol dito. Naiiba ba ang mga relihiyosong
pinuno ng kasalukuyan mula sa mga Fariseo?" Habang iniisip ko ito,
nahanap ng mga kapatid ang isang sipi ng salita ng Makapangyarihang
Diyos upang aking basahin: “Yaong mga nagbabasa ng Biblia@sa mga
engrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay
hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang
kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaayon sa puso
ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang
tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwagayway nila
ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit
tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila
yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng mga
taong iyon ay demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga diyablong
sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at
katitisuran sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may
‘matipunong laman’, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay
anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila
malalaman na sila ay demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng
kaluluwang lalamunin?” (“Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay
Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao). Binigyan ako ng mga kapatid ng detalyadong pagbabahagi
batay sa mga salita ng Diyos na ito, sinusuri and lahat ng mga kilos ng
mga relihiyosong pinuno kasama ang diwa ng kanilang kalikasan, hanggang
sa wakas ay aking napagtanto na sa pamamagitan ng paulit-ulit na
paggambala at paghadlang sa amin mula sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos at maging ang pagbabanta at pagsasapanganib sa amin, ang mga
pinuno ay hindi upang protektahan kami, sa halip, ginawa nila ito upang
itaas ang kanilang kapangyarihan sa ibabaw ng mga napiling tao ng Diyos,
nang sa gayon ay tratuhin namin na parang Diyos, sinasamba at
dinadambana sila. Kaya sa katunayan, katulad din sila ng mga Fariseo.
Silang lahat ay mga anticristo na galit sa katotohanan at nilalabanan
ang Diyos. Dumating ang Diyos upang tayo ay iligtas, ngunit iniisip nila
ang bawat posibleng paraan upang pigilan tayo mula sa pagtanggap sa
gawain ng Diyos at pigilan tayo mula sa pagbabasa ng mga salita ng
Diyos. Hindi ba't kapareho ito ng paghila nila sa atin pababa sa
impyerno? Lubos na masasama ang kanilang hangarin! Kung hindi dahil sa
mga salita ng Diyos na naglalantad ng diwa kung paano nilalabanan ng mga
taong ito ang Diyos at nakikipag-away sa Diyos para sa tao, muntik na
akong maniwala sa kanilang mga pandaraya, sinisira ang sarili kong
pagkakataon na makatanggap ng kaligtasan. Sa oras na ito, namamanghang
sinabi ng aking asawa: "Lumitaw nga na narito sila upang tayo ay
mapinsala! Humph! Talagang hindi titigil ang mga taong ito hanggang sa
mahila nila tayo pababa sa impyerno! Hindi na ako maniniwala pa sa
kanilang mga sinasabi."
Ang Kristiyanong si Han Lu ay sinubaybayan at nasabat ng mga opisyal ng CCP police, kaya nahuli siya. Malupit siyang pinahirapan ng mga pulis, at gumamit din sila ng mga tsismis para subukang i-brainwash siya, ginamit ang kanyang pamilya para subukan siyang puwersahin, at iba pang mga pamamaraan para subukan siyang takutin sa pagtatangkang pilitin siyang itanggi at ipagkanulo ang Diyos.
Trailer ng Dokumentaryong "Ang Mayhawak ng Kataas-taasang Kapangyarihan
sa Lahat" | Mga Pagninilay tungkol sa Kalamidad
Maraming tao ang nag-iisip na ang kanilang kapalaran ay nasa kanilang
sariling mga kamay. Pero pagdating ng kalamidad, ang nadarama lang natin
ay kawalan ng magagawa, takot, at sindak, at nadarama natin ang kawalan
ng halaga ng mga tao at ang pagkaselan ng buhay …. Sino ang tanging
makapagliligtas sa atin? Malapit nang ihayag ng Kristiyanong
dokumentaryong musikal—Siya na Naghahari sa Lahat—ang sagot!
Kagagawan ba ng tao ang pag-angat at pagbagsak ng isang bansa? Batas ba
ito ng kalikasan? Anong hiwaga ang nakapaloob dito? Sino ba talaga ang
namamahala sa pag-angat at pagbagsak ng isang bansa? Malapit nang ihayag
ang hiwaga sa Kristiyanong dokumentaryong musikal na Isa na Naghahari
sa Lahat!
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga panahong nakaraan, maraming
nagpatuloy sa ambisyon at mga paniwala ng tao at alang-alang sa mga
pag-asa ng tao. Ang mga bagay na ito ay hindi tatalakayin ngayon. Ang
susi ay upang maghanap ng isang paraan ng pagsasagawa na magbibigay-daan
sa bawat isa sa inyo upang mapanatili ang isang karaniwang kalagayan sa
harap ng Diyos at upang unti-unting makawala sa mga kadena ng
impluwensya ni Satanas, upang kayo ay maaaring makamit ng Diyos, at
isabuhay sa mundo kung ano ang hinihiling sa inyo ng Diyos. Tanging ito
ang maaaring makatupad sa hangad ng Diyos."
Kung 'di ako iniligtas ng D'yos, palaboy pa hanggang ngayon, naghihirap, nagkakasala; bawa't araw walang pag-asa. Kung 'di ako 'niligtas ng D'yos, niyuyurakan pa rin ng d'yablo, gapos ng sala't ng layaw, mangmang sa daratnan ng buhay ko. Kung 'di iniligtas ng D'yos, wala akong pagpapala ngayon, lalong 'di batid, ba't dapat mabuhay o kabuluhan ng ating buhay. Kung 'di iniligtas ng D'yos, litó pa rin sa kaligtasan, nakátánglâ sa kawalan, hindi alam sinong aasahan. Sa wakas aking naunawaan, kamay ng D'yos ako'y tangan. Di na ko aalis, 'di maliligaw, lalagi sa ningning na daan. Sa wakas aking naunawaan, hangad ng D'yos sa tao. Maling akala'y wala na, sa D'yos iaalay aking laman at kalul'wa.
Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949,
hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa
relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at
pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong
nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng
Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay
na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga
taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga
patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han"
ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming
gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga
bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong
pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …
Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949,
hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa
relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at
pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong
nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng
Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay
na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga
taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga
patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han"
ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming
gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga
bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong
pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …