Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 19, 2019

Tanong 32: Madalas ipaliwanag ng mga Fariseo ang Biblia sa mga tao sa sinagoga, ipakita na sila ay madasalin at mahabagin, at mukhang hindi sila gumagawa ng anumang malinaw na labag sa batas. Kaya bakit isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo? Paano nakita ang kanilang pagpapaimbabaw? Bakit sinasabi na tumatahak ang mga pastor at elder ng iba’t ibang relihiyon sa landas na tinahak ng mapagpaimbabaw na mga Fariseo?

Sagot:

Alam ng mga taong naniniwala sa Panginoon na talagang kinapopootan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo at isinumpa sila at nagsambit ng pitong aba sa kanila. Napakamakabuluhan nito na hayaan ang mga mananampalataya sa Panginoon na mawari ang mga hipokritong Fariseo, makawala sa kanilang pagkaalipin at kontrol at makamit ang kaligtasan ng Diyos. Gayun pa man, nakakahiya ito. Maraming mananampalataya ang hindi nakakawari ng diwa ng pagkahipokrito ng mga Fariseo. Hindi nga nila maintindihan kung bakit kinapootan at isinumpa ng todo ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo.

Hun 5, 2019

Tagalog Christian Movies|(Clip1) - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan



Tagalog Christian Movies|"Nakamamatay na Kamangmangan" (Clip1) - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan


Maraming tunay na sumasampalataya sa Panginoon ang nananabik para sa pagpapakita ng Diyos ang nakabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang kumilalang lahat na ang mga iyon ang katotohanan, na ang mga iyon ang tinig ng Diyos, at nakahanda sila na hanapin at sinisiyasat ang tunay na daan. Gayunman, may ilan sa kanila na nagdududa tungkol sa gawain ng Diyos at nagnanais na isuko ang kanilang pagsusuri sa tunay na daan dahil sa kaso sa Zhaoyuan Shandong noong Mayo 28, at dahil naniwala sila sa mga kasinungalingan na ipinakalat ng ateistang pamahalaan ng Partido Komunista ng Tsina at ng mga pastor at matatanda sa iglesia ng mundo ng relihiyon.

Hun 1, 2019

Naniniwala ang karamihan sa mga tao sa iba’t ibang relihiyon na napili at naitalaga na ng Panginoon ang mga pastor at elder, at na lahat sila ay naglilingkod sa Panginoon sa mga iglesia ng iba’t ibang relihiyon; kung susundin natin ang mga pastor at elder, talagang sinusunod at sinusundan natin ang Panginoon. Tungkol sa kung ano talaga ang kahulugan ng sundin ang tao at sundan ang tao, at ano talaga ang kahulugan ng sundin ang Diyos at sundan ang Diyos, hindi maunawaan ng karamihan sa mga tao ang aspetong ito ng katotohanan, kaya pakipaliwanag ito para sa amin.

Sagot:

Sa relihiyon, iniisip ng ilang tao na ang mga relihiyosong pastor at elder ay napili at itinatag ng Panginoon. Samakatuwid, dapat silang sundin ng mga tao. May batayan ba sa Biblia ang ganitong pananaw? Napatunayan ba ito ng salita ng Panginoon? Mayroon ba itong patotoo ng Banal na Espiritu at kumpirmasyon ng gawain ng Banal na Espiritu? Kung ang lahat ng sagot ay hindi, hindi ba't kung gayon ang paniniwala ng karamihan na ang mga pastor at elder ay lahat pinili at itinatag ng Panginoon ay galing sa paniniwala at imahinasyon ng mga tao?

Mar 9, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

Gaano karaming relihiyosong kaugalian ang sinusunod mo? Ilang beses ka na bang nagrebelde laban sa salita ng Diyos at pinili ang iyong sariling landas? Ilang beses mo na bang isinasagawa ang salita ng Diyos dahil tunay mong isinasaalang-alang ang Kanyang mga pasanin at hinahangad mong tuparin ang Kanyang nais? Unawain ang salita ng Diyos at isabuhay ito. Maging ma-prinsipiyo sa iyong mga kilos at gawa; hindi ito pagsunod sa mga patakaran o ginagawa nang labag sa kalooban para sa pagkukunwari. Bagkus, ito ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pamumuhay sa salita ng Diyos. Tanging ang pagsasagawa na tulad nito ang nakalulugod sa Diyos. Ang anumang kaugaliang nakalulugod sa Diyos ay hindi isang patakaran kundi isang pagsasagawa ng katotohanan.

Nob 25, 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos|Tungkol sa Biblia (1)

Paano dapat pag-aralan ang Biblia tungkol sa paniniwala sa Diyos? Ito ay isang tanong ng prinsipyo. Bakit natin pinag-uusapan ang tanong na ito? Dahil sa hinaharap ay ipalalaganap mo ang ebanghelyo at palalawakin ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi sapat na pag-usapan lamang ang gawain ng Diyos ngayon.

Okt 11, 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Ano ang Mabuting Relihiyon, at Ano ang Masamang Kulto?

Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Ano ang Mabuting Relihiyon, at Ano ang Masamang Kulto?"

Ang Partido Komunista ng Tsina ay Marxist-Leninist, isang ateistang partido pulitikal na kumokontra sa lahat ng teismo. Kinokondena ng Partido Komunista ng Tsina ang lahat ng grupo ng relihiyon bilang “masasamang kulto.”

Okt 10, 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 2/6)

Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 2/6) Naging Isa Bang Biyaya o Sumpa ang Siyensiya sa Sangkatauhan?

Sa paggamit ng mga argumentong gaya ng materyalismo at ng teorya ng ebolusyon, hindi nag-aksaya ng lakas ang Patido Komunista ng Tsina sa pagkontra sa pag-iral ng Diyos at sa pamumuno Niya.

Okt 9, 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 1/6)

Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 1/6) Ang Intensiyon ng CCP sa Paggamit ng Pyudal na Pamahiin sa Paghatol sa mga Relihiyosong Paniniwala

Iniisip ng Partido Komunista ng Tsina na ang paniniwala sa relihiyon ay sumibol mula sa takot at pagsamba sa pwersa ng kababalaghan ng tao na napag-iwanan na ng kaalaman sa syensya, at sinasabi nilang isang pamahiin lamang ang relihiyon.

Okt 2, 2018

Paano Makikilala ang Pagkakaiba ng Pagkakaligtas at Totoong Kaligtasan


Tagalog Christian Movie Clips | Mapalad ang Mapagpakumbaba "Paano Makikilala ang Pagkakaiba ng Pagkakaligtas at Totoong Kaligtasan"

Naniniwala ang maraming nasa mundo ng relihiyon tayong mga nananalig sa Panginoon ay napatawad na ang mga kasalanan at nailigtas na sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya, at isinasabuhay natin ang kababaang-loob at pagtitiis, pinapasan ang ating mga krus at nagkakaroon ng maraming magandang pag-uugali, kaya hindi pa ba ito nangangahulugan na sumailalim kami sa pagbabago?

Set 30, 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Kinakatawan Ba ng Pagiging Ligtas ang Ganap na Kaligtasan?"

Tagalog Christian Movie Clips | Pagkamulat | "Kinakatawan Ba ng Pagiging Ligtas ang Ganap na Kaligtasan?"

Madalas na ipinangangaral ng mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon sa mga mananampalataya na mawawala ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoong Jesus at ginawa silang karapat-dapat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, at kapag may isang naligtas, ligtas na rin sila habangbuhay.

Set 28, 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Pagsaliksik sa Dahilan ng Mapapanglaw na Iglesia"


Tagalog Christian Movie Clips | Mapalad ang Mapagpakumbaba | "Pagsaliksik sa Dahilan ng Mapapanglaw na Iglesia"

Sa nakalipas na mga taon, ang mundo ng relihiyon ay mas lalong pumapanglaw at mas lalong dumarami ang kasamaan, ang mga pastor at elder ay wala nang maipangaral at nawala na ang gawain ng Banal na Espiritu. Gusto niyo ba'ng malaman ang sanhi ng pagkasira ng mundo ng relihiyon?

Hun 27, 2018

Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" (Tagalog dubbed)

🍀* 🍀* 🍀*🍀 🍃🍎🍎 🍃 🍀* 🍀**🍀

   Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw … 

Hun 24, 2018

Isang Debate sa Pagitan ng Isang Kristiyano at Isang Opisyal ng CCP: Ano Ba Talaga ang Isang Kulto?


🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹
Mga Tauhan:

   Zheng Yi: Isang Kristiyanong Chinese. Nang magtrabaho siya sa Amerika, siniyasat niya ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet at tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang tatlong taon, nagbalik siya sa China, at itinuro ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa kapatid niyang si Zheng Rui.

Hun 19, 2018

Pelikulang Kristiano | Bakit Inimbento ng Chinese Communist Party ang Pangyayari sa Zhaoyuan noong 5/28?



Pelikulang Kristiano | Bakit Inimbento ng Chinese Communist Party ang Pangyayari sa Zhaoyuan noong 5/28?

   Ma Jinlong (Kapitan ng National Security Team): Sa totoo lang, Han Lu. Hindi ito dahil hindi namin naiintindihan ang mga naniniwala sa Diyos. May mga kaibigan ako'ng mananampalataya. Alam kong ang mga naniniwala sa Diyos ay mabubuting tao na hindi gumagawa ng masasamang bagay. Kaya lang bakit gusto kayong hulihin ng Partido Komunista? Iyon ay dahil mabilis na lumalago Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at mas lumalaganap ang epekto nito. Patuloy niyo pa ring ipinalalaganap ang salita ng Makapangyarihang Diyos, ikinabibigla 'yon ng religious community. Posible ba na hindi kayo sugpuin at paghigpitan ng Partido Komunista? Alam mo ba kung ano ang tungkol sa "Kaso ng Mayo 28 Shandong Zhaoyuan"? Hudyat ito ng Partido Komunista sa buong mundo na gustong ipagbawal at wasakin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isinisigaw nito ang slogan na "hindi aalis ang mga pulis hangga't hindi natatapos ang ban. Ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita nito na ang sentral na pamumuno ay nagpasya na ganap na ipagbawal at alisin lahat ng sekretong iglesia. lalo na ang inyong Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos ang pampublikong paglilitis ng kaso ng Shandong Zhaoyuan, kahit maraming tao pa rin ang nagtatanong sa kaso ng Shandong Zhaoyuan, sinasabi na ang kasong ito ay malamang na isang kasinungalingang sadyang ginawa ng Partido Komunista para mabitag at dungisan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayunman, dininig ang kasong ito sa publiko ng hukuman. Gumawa rin ng kasunod na ulat sa kaso ang media ng pagbabalita. Kahit na gaano pa ninyo pagdudahan at itanggi ang May 28 Shandong Zhaoyan case, wala itong silbi. Kung masasabi at magagawa iyon ng Partido Komunista, Auntiek na maraming tao ang maniniwala rito. Kahit na hindi positibong bagay ang kasinungalingan at karahasan, epektibo ang mga ito. Hindi ba't ito ang lahat?

Hun 13, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Mapanganib ang Landas Papunta sa Kaharian ng Langit (Trailer)

** 🍀*🌱* 🍀*🌱* 🍀*🌱*🍀*🌱* 🍀*🌱* 🍀**

   Tagalog Christian Movie 2018 | Mapanganib ang Landas Papunta sa Kaharian ng Langit (Trailer) Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

Rekomendasyon:






Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Sangkatauhang Namumuhay sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos

🎻♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪🎻♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪🎻♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪🎻

I Sangkatauhan, na namumuhay sa lahat ng bagay, ay tiniwali at nalinlang ni Satanas, ngunit di pa rin n'ya makakayang wala ang tubig na ginawa ng Diyos, at ang hangin at lahat ng mga bagay na likha ng Diyos. Ang sangkatauhan ay nabubuhay pa at nagpapalaganap sa puwang na ito na nilikha ng Diyos.

May 17, 2018

Best Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” Trailer (Tagalog Dubbed)

╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮

   Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba't ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba't ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba't ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba't ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba't ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, "Wala n'yo kaming pakialaman!" Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.

May 2, 2018

Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos

Diyos, krus, langit, MP3, relihiyon,


I
Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagligtas
sa Kapanahunan ng Biyaya,
pagkatapos ng wakas ng Kapanahunan ng Kautusan.
Tinubos ang tao mula sa kasalanan
sa unang pagkakatawang-tao ni Jesucristo.
Tao'y niligtas Niya mula sa krus,
ngunit mga disposisyong masama'y di nakibo.
Sa mga huling araw,
humahatol ang Diyos upang sangkatauha'y madalisay.
Wawakasan lang Niya,
gawain ng pagliligtas

at papasok sa kapahingahan, pagkaraan nito.

Mar 18, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Tungkol sa Karanasan

buhay, Diyos, relihiyon, Landas, Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat


   Sa kabuuan ng mga karanasan ni Pedro, nakapagbata siya ng daan-daang mga pagsubok. Bagamat may kamalayan na ang mga tao ngayon sa terminong ‘pagsubok,’ hindi nila lahat nauunawaan ang tunay na kahulugan nito o mga pangyayari. Tinitimpla ng Diyos ang determinasyon ng tao, pinipino ang kanyang tiwala, at pineperpekto ang kanyang bawat bahagi, natatamo ito sa karamihan sa pamamagitan ng mga pagsubok. Ang mga pagsubok ay mga tagong gawain din ng Banal na Espiritu. Tila pinabayaan ng Diyos ang tao, at kaya ang tao, kung hindi magiging maingat, ay makikita ang mga ito bilang mga tukso ni Satanas. Sa katunayan, maraming mga pagsubok ang maituturing na mga tukso, at ito ang panuntunan at patakaran ng gawain ng Diyos. Kung ang tao ay tunay na nabubuhay sa harap ng Diyos, makikita niya ang mga iyon bilang mga pagsubok ng Diyos at hindi palalampasin ang mga iyon. Kung sasabihin ng isang tao na dahil sa ang Diyos ay nasa kanya tiyak na hindi siya lalapitan ni Satanas, hindi ito tama sa kabuuan. Paano maipaliliwanag na si Jesus ay humarap sa mga tukso pagkatapos Niyang mag-ayuno sa ilang sa loob ng apatnapung araw? Kaya kung tunay na itinama ng tao ang kanyang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos, makikita niya ang maraming mga bagay nang higit na mas malinaw at hindi magkakaroon ng pahilig at nakapanlilinlang na pagkaunawa. Kung ang isang tao ay totoong desidido na gawing perpekto ng Diyos, kinakailangan niyang lapitan ang mga bagay na hinaharap niya mula sa maraming magkakaibang mga anggulo, hindi nakahilig sa kanan o sa kaliwa. Kung wala kang taglay na kaalaman ukol sa gawain ng Diyos, hindi mo malalaman kung paano makikipagtulungan sa Diyos. Kung hindi mo nalalaman ang mga panuntunan ng gawain ng Diyos at walang kamalayan sa kung paano gumagawa si Satanas sa tao, hindi ka magkakaroon ng landas n pagsasagawa. Ang isang masigasig na paghahangad lamang ay hindi magtutulot sa iyo na makamit ang mga resulta ng mga hinihingi ng Diyos. Ang gayong paraan ng karanasan ay nakakatulad ng kay Lawrence, hindi inaalam ang pagkakaiba at nagtutuon lamang sa karanasan, lubos na walang kamalayan kung ano ang gawain ni Satanas, kung ano ang gawain ng Banal na Espiritu, kung ano ang nakakatulad ng tao na walang presensiya ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang gustong gawing perpekto ng Diyos. Kung paano umasal tungo sa iba’t-ibang mga tao, kung paano mauunawaan ang kalooban ng Diyos, kung paano malalaman ang disposisyon ng Diyos, at kung aling mga tao, aling mga pangyayari, at aling kapanahunan, ang habag ng Diyos, Kanyang kamahalan at pagkamakatwiran ay nakadirekta—hindi niya nakikita ang pagkakaiba ng mga ito. Kung ang tao ay walang maraming mga pananaw bilang kanyang saligan, isang saligan para sa kanyang mga karanasan, kung gayon ang buhay ay hindi na pinagtatalunan, lalong-lalo na ang karanasan; siya ay nananatili lamang na napasasakop sa lahat ng bagay na may-kamangmangan, pinagtitiisan ang lahat. Ang lahat ng gayong mga tao ay masyadong mahirap na gawing perpekto. Maaaring sabihin na ang hindi pagtataglay ng anumang mga pananaw na tinalakay sa itaas ay sapat na katibayan ng iyong pagiging isang hangal, nakakatulad sa isang haliging asin, palaging nakatayo sa Israel. Ang gayong mga tao ay walang kabuluhan, sila ay mga walang kuwenta! Ang ilang mga tao ay kailanman mala-bulag na nagpapasakop, palagi nilang nalalaman ang kanilang mga sarili at palaging ginagamit ang kanilang mga pamamaraan nang paggawi sa kanilang mga sarili kapag nakikitungo sa mga bagong bagay, o ginagamit ang “karunungan” upang makitungo sa mga maliliit na bagay na hindi na kailangang banggitin pa, yaon ay ang mga tao na walang pagkakilala, na parang likas nilang isinusuko ang kanilang mga sarili sa kahirapan, parehas lamang palagi, hindi nagbabago kailanman; ito ay isang hangal na walang pagkakilala o anuman. Hindi sila kailanman umaakma sa mga panukat sa mga pangyayari o sa iba’t-ibang mga tao. Ang gayong mga tao ay walang taglay na karanasan. Nakikita Ko na nakikilala ng ilang mga tao ang kanilang mga sarili sa isang partikular na punto na kapag nahaharap sa kanila na taglay ang gawain ng masamang espiritu iniyuyuko pa nila ang kanilang mga ulo at inaamin ang kasalanan, hindi nangangahas na manindigan at hatulan sila. Kapag naharap sa malinaw na gawain ng Banal na Espiritu, hindi rin sila nangangahas sumunod, alinman, naniniwala na ang masasamang espiritu ay nasa mga kamay din ng Diyos, at kahit kaunti ay hindi sila nangangahas upang tumindig sa paglaban. Ang mga ito ay mga tao na hindi taglay ang dignidad ng Diyos, at tiyak na hindi nila makakayanang tiisin ang mabibigat na pasanin para sa Diyos. Ang gayong nalilitong mga tao ay hindi nakakakita ng pagkakaiba. Ang paraan ng karanasang ito kung gayon ay dapat na iwanan sapagkat ito ay hindi katanggap-tanggap sa mga mata ng Diyos.

Nob 26, 2017

Are the Pastors and Elders of the Religious World Truly Appointed by the Lord?


Are the Pastors and Elders of the Religious World Truly Appointed by the Lord?

God personally gives testimony to everyone He appoints and makes use of. At the very least, they all receive the confirmation of the work of the Holy Spirit, exhibit the fruits of the Holy Spirit’s work, and can help God’s chosen people receive the provision of life and true shepherding. Because God is righteous and holy, everyone He appoints and uses must accord with God’s will. Pastors and elders from the religious world all lack the word of God as testimony, and also lack the confirmation of the work of the Holy Spirit. So how could pastors and elders within the religious world be personally appointed and used by God?