Sa kabuuan ng mga karanasan ni Pedro, nakapagbata
siya ng daan-daang mga pagsubok. Bagamat may kamalayan na ang mga tao
ngayon sa terminong ‘pagsubok,’ hindi nila lahat nauunawaan ang tunay na
kahulugan nito o mga pangyayari. Tinitimpla ng Diyos ang determinasyon
ng tao, pinipino ang kanyang tiwala, at pineperpekto ang kanyang bawat
bahagi, natatamo ito sa karamihan sa pamamagitan ng mga pagsubok. Ang
mga pagsubok ay mga tagong gawain din ng Banal na Espiritu. Tila
pinabayaan ng Diyos ang tao, at kaya ang tao, kung hindi magiging
maingat, ay makikita ang mga ito bilang mga tukso ni Satanas. Sa
katunayan, maraming mga pagsubok ang maituturing na mga tukso, at ito
ang panuntunan at patakaran ng gawain ng Diyos. Kung ang tao ay tunay na
nabubuhay sa harap ng Diyos, makikita niya ang mga iyon bilang mga
pagsubok ng Diyos at hindi palalampasin ang mga iyon. Kung sasabihin ng
isang tao na dahil sa ang Diyos ay nasa kanya tiyak na hindi siya
lalapitan ni Satanas, hindi ito tama sa kabuuan. Paano maipaliliwanag na
si Jesus ay humarap sa mga tukso pagkatapos Niyang mag-ayuno sa ilang
sa loob ng apatnapung araw? Kaya kung tunay na itinama ng tao ang
kanyang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos, makikita niya ang maraming
mga bagay nang higit na mas malinaw at hindi magkakaroon ng pahilig at
nakapanlilinlang na pagkaunawa. Kung ang isang tao ay totoong desidido
na gawing perpekto ng Diyos, kinakailangan niyang lapitan ang mga bagay
na hinaharap niya mula sa maraming magkakaibang mga anggulo, hindi
nakahilig sa kanan o sa kaliwa. Kung wala kang taglay na kaalaman ukol
sa gawain ng Diyos, hindi mo malalaman kung paano makikipagtulungan sa
Diyos. Kung hindi mo nalalaman ang mga panuntunan ng gawain ng Diyos at
walang kamalayan sa kung paano gumagawa si Satanas sa tao, hindi ka
magkakaroon ng landas n pagsasagawa. Ang isang masigasig na paghahangad
lamang ay hindi magtutulot sa iyo na makamit ang mga resulta ng mga
hinihingi ng Diyos. Ang gayong paraan ng karanasan ay nakakatulad ng kay
Lawrence, hindi inaalam ang pagkakaiba at nagtutuon lamang sa
karanasan, lubos na walang kamalayan kung ano ang gawain ni Satanas,
kung ano ang gawain ng Banal na Espiritu, kung ano ang nakakatulad ng
tao na walang presensiya ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang gustong
gawing perpekto ng Diyos. Kung paano umasal tungo sa iba’t-ibang mga
tao, kung paano mauunawaan ang kalooban ng Diyos, kung paano malalaman
ang disposisyon ng Diyos, at kung aling mga tao, aling mga pangyayari,
at aling kapanahunan, ang habag ng Diyos, Kanyang kamahalan at
pagkamakatwiran ay nakadirekta—hindi niya nakikita ang pagkakaiba ng mga
ito. Kung ang tao ay walang maraming mga pananaw bilang kanyang
saligan, isang saligan para sa kanyang mga karanasan, kung gayon ang
buhay ay hindi na pinagtatalunan, lalong-lalo na ang karanasan; siya ay
nananatili lamang na napasasakop sa lahat ng bagay na may-kamangmangan,
pinagtitiisan ang lahat. Ang lahat ng gayong mga tao ay masyadong
mahirap na gawing perpekto. Maaaring sabihin na ang hindi pagtataglay ng
anumang mga pananaw na tinalakay sa itaas ay sapat na katibayan ng
iyong pagiging isang hangal, nakakatulad sa isang haliging asin,
palaging nakatayo sa Israel. Ang gayong mga tao ay walang kabuluhan,
sila ay mga walang kuwenta! Ang ilang mga tao ay kailanman mala-bulag na
nagpapasakop, palagi nilang nalalaman ang kanilang mga sarili at
palaging ginagamit ang kanilang mga pamamaraan nang paggawi sa kanilang
mga sarili kapag nakikitungo sa mga bagong bagay, o ginagamit ang
“karunungan” upang makitungo sa mga maliliit na bagay na hindi na
kailangang banggitin pa, yaon ay ang mga tao na walang pagkakilala, na
parang likas nilang isinusuko ang kanilang mga sarili sa kahirapan,
parehas lamang palagi, hindi nagbabago kailanman; ito ay isang hangal na
walang pagkakilala o anuman. Hindi sila kailanman umaakma sa mga
panukat sa mga pangyayari o sa iba’t-ibang mga tao. Ang gayong mga tao
ay walang taglay na karanasan. Nakikita Ko na nakikilala ng ilang mga
tao ang kanilang mga sarili sa isang partikular na punto na kapag
nahaharap sa kanila na taglay ang gawain ng masamang espiritu iniyuyuko
pa nila ang kanilang mga ulo at inaamin ang kasalanan, hindi nangangahas
na manindigan at hatulan sila. Kapag naharap sa malinaw na gawain ng
Banal na Espiritu, hindi rin sila nangangahas sumunod, alinman,
naniniwala na ang masasamang espiritu ay nasa mga kamay din ng Diyos, at
kahit kaunti ay hindi sila nangangahas upang tumindig sa paglaban. Ang
mga ito ay mga tao na hindi taglay ang dignidad ng Diyos, at tiyak na
hindi nila makakayanang tiisin ang mabibigat na pasanin para sa Diyos.
Ang gayong nalilitong mga tao ay hindi nakakakita ng pagkakaiba. Ang
paraan ng karanasang ito kung gayon ay dapat na iwanan sapagkat ito ay
hindi katanggap-tanggap sa mga mata ng Diyos.
Ang Diyos ay talagang gumagawa ng napakaraming gawain sa tao, kung
minsan sinusubok sila, kung minsan ay lumilikha ng mga kapaligiran upang
timplahan sila, at kung minsan ay nagsasabi ng mga salita upang gabayan
sila at baguhin ang kanilang mga pagkukulang. Paminsan-minsan inaakay
ng Banal na Espiritu ang mga tao sa mga kapaligiran na inihanda ng Diyos
para sa kanila upang di-namamalayang matuklasan ang maraming mga bagay
na kulang sila. Sa pamamagitan ng kung ano ang sinasabi at ginagawa ng
mga tao, ang paraan na tinatrato ng mga tao ang iba at nakikitungo sa
mga bagay, nang hindi nila nalalaman, liliwanagan sila ng Banal na
Espiritu upang maunawaan ang maraming mga bagay na hindi nauunawaan
noong una, tinutulutan silang maunawaan ang maraming mga bagay o mga tao
nang mas lubusan, tinutulutan silang makakita ng maraming mga bagay
kung saan sila ay dating walang kamalayan. Kung ikaw ay nakikisalamuha
sa mundo, unti-unti kang nagiging higit na nagtatangi tungkol sa mga
bagay ng mundo, at habang papalapit ka sa iyong kamatayan maaaring mong
pagtibayin: “Tunay na mahirap ang maging tao.” Kung nararanasan mo sa
ilang pagkakataon sa presensiya ng Diyos, at nakarating sa pagkaunawa sa
gawain ng Diyos at Kanyang disposisyon, magkakamit ka ng maraming mga
kabatiran nang di-sinasadya, at ang iyong tayog ay unti-unting lalago.
Mas mauunawaan mo ang maraming mga bagay na espirituwal, at mas magiging
malinaw sa iyo ang tungkol sa gawain ng Diyos sa partikular. Magagawa
mong tanggapin ang mga salita ng Diyos, gawain ng Diyos, ang bawat
pagkilos ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at kung ano at mayroon ang
Diyos bilang iyong sariling buhay. Kung ang tangi mong gagawin ay
maglibot sa mundo, ang iyong mga pakpak ay titigas nang titigas, at ang
aspeto sa iyo na lumalaban sa Diyos ay magiging mas malaki pa. Magiging
mahirap para sa Diyos na makahanap ng isang paggagamitan sa iyo.
Sapagkat napakarami na ng gayong “sa tingin ko” na aspeto sa iyo,
mahirap para sa Diyos na maghanap ng isang paggagamitan sa iyo. Mas nasa
presensiya ka ng Diyos, mas maraming mga karanasan ang magkakaroon ka.
Kung ikaw ay nasa mundo pa rin kagaya ng isang hayop, ang iyong bibig
na naghahayag ng paniniwala sa Diyos ngunit ang iyong puso ay nasa ibang
dako, at natututunan ang makamundong mga pilosopiya ng buhay, hindi ba
ito magiging pagkawasak ng lahat ng nakaraang gawain? Kung gayon, habang
ang mga tao ay lalong nasa presensiya ng Diyos lalong mas madali na
gawin silang perpekto ng Diyos. Ito ang landas kung saan ginagawa ng
Banal na Espiritu ang Kanyang gawain. Kung hindi mo nauunawaan ito,
magiging imposible para sa iyo na makapasok sa tamang landas at pagiging
pineperpekto ng Diyos ay magiging labas sa tanong. Hindi mo magagawang
magkaroon ng normal na buhay espirituwal, at ikaw ay magiging parang may
kapansanan, kasama lamang ng iyong sariling pagsisikap at wala sa
gawain ng Diyos. Hindi ba ito magiging isang bagay na mali sa iyong
karanasan? Hindi mo kinakailangang manalangin para maging nasa
presensiya ng Diyos. Kung minsan ito ay nasa iyong pagdidili-dili sa
Diyos o pagbubulay-bulay sa Kanyang gawain, kung minsan sa iyong
pakikitungo sa ilang bagay, at kung minsan sa pamamagitan ng iyong
pagkakabunyag sa isang pangyayari, na ikaw ay lumalapit sa presensiya ng
Diyos. Sinasabi ng maraming mga tao, wala ba ako sa presensiya ng
Diyos, yamang madalas akong manalangin? Maraming mga tao ang
nananalangin nang walang katapusan “sa presensiya ng Diyos.” Maaaring
ang mga panalangin ay palaging nasa kanilang mga labi, ngunit hindi
talaga sila nabubuhay sa presensiya ng Diyos. Maaari lamang mapanatili
ng ganitong uri ng tao ang kanilang kalagayan ng pagiging nasa
presensiya ng Diyos sa ganitong paraan. Hindi nila maaaring makausap
nang patuloy ang Diyos gamit ang kanilang mga puso, o gamitin ang
pamamaraan ng karanasan upang makalapit sa presensiya ng Diyos, maging
ito ay sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay, matahimik na pagmumuni-muni
sa kanilang mga puso, o pagkausap sa Diyos ng kanilang mga puso gamit
ang sarili nilang mga puso sa pamamagitan nang pagsasaalang-alang sa
pasanin ng Diyos. Naghahandog sila ng mga panalangin hanggang sa langit
sa pamamagitan ng kanilang mga bibig. Hindi taglay ng karamihan sa mga
tao ang Diyos sa kanilang mga puso, at taglay lamang nila ang Diyos
kapag sila ay naging malapit sa Diyos, ngunit kadalasan hindi nila
taglay ang Diyos. Hindi ba ito pagpapahayag ng hindi pagtataglay sa
Diyos sa puso ng isang tao? Kung talagang taglay nila ang Diyos,
malamang ba na gagawa sila ng mga bagay na ginagawa ng mga manloloob at
mga hayop? Kung talagang iginagalang ng isang tao ang Diyos, dadalhin
nila ang tunay nilang puso sa pakikipag-ugnayan sa Diyos, at ang
kanilang mga saloobin at mga ideya ay palaging sasakupin ng mga salita
ng Diyos. Malamang na hindi sila makagagawa ng mga pagkakamali sa
panlabas na mga bagay na mayroong kakayahang matamo ng mga tao, hindi
paggawa ng anumang bagay na walang alinlangang kumakalaban sa Diyos.
Tanging ito ang pamantayan ng pagiging isang mananampalataya.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: Tungkol sa Karanasan
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan