Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Landas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Landas. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 13, 2018

Latest Tagalog Christian Movie Trailer 2018 | "Ang Sandali ng Pagbabago"

** 🍀** 🍀**🍀** 🍀** 🍀*
  
   Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, "You must realize it, and should not oversimplify matters. The work of God is unlike any ordinary work. Its marvel cannot be conceived by the mind of man, and its wisdom cannot be attained by such. God is not creating all things, and He is not destroying them. Rather, He is changing all of His creation and purifying all things that have been defiled by Satan. Therefore, God shall commence work of great magnitude, and this is the total significance of the work of God. After reading these words, do you believe that the work of God is so simple?" (The Word Appears in the Flesh). Walang sinumang makakaarok sa gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaglalantad ng hiwaga ng kung paano madadala sa langit ang mga nananalig sa mga huling araw, kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao …. Ang maikling video na ito ay ipapakita sa iyo ang kaalaman tungkol sa tanging landas para maiangat sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon!

Hun 24, 2018

Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi)



🍀*゚゚🍒* 🍀*゚゚* 🍀*゚゚🍒* 🍀*゚゚🍒*🍀*゚゚* 🍀*゚゚🍒* 🍀

  Sa simula, nang hindi pa nasisimulan ni Jesus ang pagsasagawa ng Kanyang ministeryo, katulad ng mga disipulong sumunod sa kanya, minsan ay dumalo rin Siya sa mga pagtitipon, at umawit ng mga himno, nagbigay ng papuri, at binasa ang Lumang Tipan sa templo. Matapos Niyang mabautismuhan at umahon, ang Espiritu ay opisyal na bumaba sa Kanya at nagsimulang gumawa, ibinubunyag ang Kanyang pagkakakilanlan at ang ministeryo na isasagawa Niya. Bago ito, walang nakakaalam sa Kanyang pagkakakilanlan, at maliban kay Maria, maging si Juan ay hindi rin ito alam. Si Jesus ay 29 nang Siya ay sumailalim sa bautismo. Nang matapos ang Kanyang bautismo, nagbukas ang kalangitan, at isang tinig ang nagsabi: “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.” Nang nabautismuhan si Jesus, nagsimulang magpatotoo ang Banal na Espiritu sa Kanya sa ganitong paraan. Bago Siya sumailalim sa bautismo sa gulang na 29, namuhay Siya na parang isang karaniwang tao, kinakain kung ano ang dapat Niyang kainin, normal na natutulog at nagbibihis, at walang anuman sa Kanya ang iba mula sa ibang tao. Syempre, ito ay para lang sa mga makalamang paningin ng tao. Minsan Siya ay mahina rin, at minsan ay hindi rin Niya mabatid ang mga bagay, katulad ng nakasulat sa Biblia: “Ang Kanyang katalinuhan ay lumawig kasabay ng Kanyang edad.” Ang mga salitang ito ay nagpapakita lamang na nagkaroon Siya ng karaniwan at normal na pagkatao, at hindi bukod-tanging naiiba mula sa ibang karaniwang tao. Siya ay lumaki rin bilang isang karaniwang tao, at walang natatangi sa Kanya. Ngunit Siya ay nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Nang Siya ay mabautismuhan, nagsimula Siyang matukso, pagkatapos ay sinimulan Niyang gampanan ang Kanyang ministeryo at gumawa, at nagtaglay ng kapangyarihan, at karunungan, at awtoridad. Hindi ito nangangahulugang hindi kumilos sa Kanya ang Banal na Espiritu, o wala sa Kanya bago ang Kanyang bautismo. Bago ang Kanyang bautismo, ang Banal na Espiritu ay nanahan sa Kanya ngunit hindi opisyal na sinimulan ang gawain, dahil may mga limitasyon kung kailan ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at bukod dito, ang mga karaniwang tao ay may karaniwang paraan ng paglaki. Ang Banal na Espiritu ay palaging nananahan sa Kanya. Nang isinilang si Jesus, Siya ay kakaiba mula sa lahat, at lumabas ang isang tala sa umaga; bago Siya isilang, nagpakita ang isang anghel kay Jose sa isang panaginip at nagsabi na si Maria ay manganganak ng isang sanggol na lalaki, at ang sanggol na iyon ay ipinaglihi sa Banal na Espiritu. Kaya hindi iyon pagkatapos na pagkatapos ng pagbautismo kay Jesus, kung saan din opisyal na nagsimula ang Banal na Espiritu sa Kanyang gawain, na ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya. Ang kasabihan na ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya na parang isang kalapati ay tumutukoy sa opisyal na pagsisimula ng Kanyang ministeryo. Ang Espiritu ng Diyos ay nananahan na sa Kanya noon pa man, ngunit hindi Siya nagsimulang gumawa, dahil hindi pa dumarating ang tamang panahon, at ang Banal na Espiritu ay hindi nagsimula ng gawain nang padalos-dalos. Ang Banal na Espiritu ay nagpatotoo sa Kanya sa pamamagitan ng bautismo. Nang Siya ay umahon mula sa tubig, opisyal na nagsimulang kumilos ang Banal na Espiritu sa Kanya, na nagpahiwatig na ang katawan ng Diyos na naging-tao ay nagsimulang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at nasimulan ang gawain ng pagtubos, iyon ay, ang Kapanahunan ng Biyaya ay opisyal na nagsimula. Kaya, may oras para sa gawain ng Diyos, anuman ang isagawa Niyang gawain. Matapos ang Kanyang bautismo, walang natatanging pagbabago kay Jesus; Siya’y nasa Kanyang orihinal na katawang-tao pa rin. Ito ay dahil lang sa sinimulan Niya ang Kanyang gawain at ibinunyag ang Kanyang pagkakakilanlan, at Siya ay puno ng awtoridad at kapangyarihan. Sa bagay na ito, Siya ay iba na mula sa dati. Iba na ang Kanyang pagkakakilanlan, maaaring sabihin na mayroong makabuluhang pagbabago sa Kanyang kalagayan; ito ang patotoo ng Banal na Espiritu, at hindi ang gawaing isinagawa ng tao. Sa simula, hindi alam ng mga tao, at mayroon lang silang kaunting nalaman nang nagpatotoo ang Banal na Espiritu para kay Jesus sa ganoong paraan. Kung nagsagawa ng dakilang gawain si Jesus bago magpatotoo ang Banal na Espiritu sa Kanya, ngunit wala ang patotoo ng Diyos Mismo, kaya gaano man kadakila ang Kanyang gawain, hindi malalaman ng mga tao ang Kanyang pagkakakilanlan, dahil hindi magkakaroon ng kakayahan ang mga mata ng tao na makita ito. Kung wala ang hakbang ng pagpapatotoo ng Banal na Espiritu, walang makakikilala sa Kanya bilang Diyos na nagkatawang-tao. Kung, matapos magpatotoo ng Banal na Espiritu sa Kanya, at si Jesus ay nagpatuloy na gumawa sa parehong paraan, na walang pagkakaiba, sa gayon hindi ito magkakaroon ng ganoong epekto. At dito pangunahing ipinakita din ang gawain ng Banal na Espiritu. Matapos magpatotoo ng Banal na Espiritu, kinailangang magpakita ang Banal na Espiritu, nang sa gayon ay iyong mamalas na Siya ang Diyos, na nasa Kanya ang Espiritu ng Diyos; hindi mali ang patotoo ng Diyos, at ito ang magpapatunay na ang Kanyang patotoo ay tama. Kung ang gawain noon at ngayon ay iisa, kung gayon ang ministeryo Niya ng pagkakatawang-tao, at ang gawain ng Banal na Espiritu, ay hindi mabibigyang-diin, kaya hindi magkakaroon ng kakayahan ang mga tao na makilala ang gawain ng Banal na Espiritu, dahil walang malinaw na pagkakaiba. Matapos magpatotoo, nararapat panindigan ng Banal na Espiritu ang patotoong ito, kaya kinailangan Niyang ipahayag ang Kanyang karunungan at awtoridad sa pamamagitan ni Jesus, na naiiba mula sa mga nakaraan. Syempre, hindi ito ang epekto ng bautismo; ang bautismo ay isang pagdiriwang lang, ang bautismo ay isang paraan lang upang maipakita na oras na upang isagawa ang Kanyang ministeryo. Ang ganoong gawain ay upang maipakita nang malinaw ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, maipakita nang malinaw ang patotoo ng Banal na Espiritu, at pananagutan ng Banal na Espiritu ang patotoong ito hanggang sa pinaka-wakas. Bago isagawa ang Kanyang ministeryo, nakinig din si Jesus sa mga turo, nangaral at nagpalaganap ng ebanghelyo sa iba’t ibang lugar. Hindi Siya nagsagawa ng anumang dakilang gawain dahil hindi pa dumarating ang oras upang isagawa Niya ang Kanyang ministeryo, at gayon din dahil mapagpakumbabang nagtago ang Diyos Mismo sa Kanyang katawang-tao, at hindi nagsagawa ng anumang gawain hanggang dumating ang tamang panahon. Hindi Siya gumawa bago ang bautismo dahil sa dalawang dahilan: Una, dahil ang Banal na Espiritu ay hindi pa opisyal na bumababa sa Kanya upang gumawa (maaaring sabihin na, hindi pa ipinagkaloob ng Banal na Espiritu kay Jesus ang kapangyarihan at awtoridad upang isagawa ang ganoong gawain), at kahit na nalaman Niya ang Kanyang pagkakakilanlan, wala sanang kakayahan si Jesus na isagawa ang gawain na nilayon Niyang gawin paglaon, at kinailangang maghintay hanggang sa araw ng Kanyang bautismo. Ito ang panahon ng Diyos, at walang may kakayahang sumalungat dito, kahit na si Jesus Mismo; hindi kayang gambalain ni Jesus Mismo ang Kanyang sariling gawain. Syempre, ito ang pagpapakumbaba ng Diyos, at gayundin ang kautusan ng gawain ng Diyos; kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi gumawa, walang makagagawa sa Kanyang gawain. Pangalawa, bago Siya sumailalim sa bautismo, Siya ay isang napaka-karaniwan at ordinaryong tao lang, at walang pinagkaiba mula sa mga karaniwan at ordinaryong tao; ito ang isang aspeto kung paanong ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi nakahihigit sa karaniwan. Hindi sinalungat ng Diyos na nagkatawang-tao ang pagsasaayos ng Espiritu ng Diyos; Siya ay gumawa sa maayos na paraan at napaka-normal. Pagkatapos lang ng bautismo saka nagkaroon ng awtoridad at kapangyarihan ang Kanyang gawain. Maaaring sabihin, na kahit Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, hindi Siya nagsagawa ng mga hindi pangkaraniwang gawa, at lumaki na katulad ng mga normal na tao. Kung nalaman agad ni Jesus ang Kanyang pagkakakilanlan, at nagsagawa ng mga dakilang gawain sa buong lupain bago ang Kanyang bautismo, at naging kakaiba mula sa normal na tao, ipinapakita ang sarili Niya bilang katangi-tangi, sa gayon hindi lang magiging imposible para kay Juan na isagawa ang Kanyang gawain, ngunit hindi rin magkakaroon ng paraan upang masimulan ng Diyos ang susunod na yugto ng Kanyang gawain. At kaya ito sana ay magpapatunay na ang ginawa ng Diyos ay mali, at sa tao, magmimistulang ang Espiritu ng Diyos at ang naging-taong katawan ng Diyos ay hindi nagmula sa iisang pinanggalingan. Kaya, ang gawain ni Jesus na naitala sa Biblia ay ang gawain na isinagawa matapos Siyang bautismuhan, ang gawaing isinagawa sa loob ng tatlong taon. Hindi naitala sa Biblia ang Kanyang ginawa bago Siya sumailalim sa bautismo dahil hindi Niya isinagawa ang gawaing ito bago Siya bautismuhan. Isa lang Siyang karaniwang tao, at kumatawan sa isang karaniwang tao; bago sinimulan ni Jesus na isagawa ang Kanyang ministeryo, wala Siyang ipinagkaiba mula sa mga karaniwang tao, at ang iba ay walang makitang pagkakaiba sa Kanya. Nang si Jesus ay tumuntong sa gulang na 29, nalaman Niyang naisakatuparan na Niya ang isang yugto sa gawain ng Diyos; bago noon, Siya Mismo ay hindi alam, dahil ang gawaing isinagawa ng Diyos ay hindi higit sa karaniwan. Nang dumalo Siya sa isang pagtitipon sa sinagoga noong Siya ay labindalawang-taong gulang, hinahanap Siya ni Maria, at isang pangungusap lang ang Kanyang sinabi, sa parehong paraan ng kahit na sinumang bata: “Inay! Hindi mo ba alam na dapat Kong unahin ang kalooban ng Aking Ama kaysa sa lahat?” Syempre, dahil Siya ay ipinagbuntis mula sa Banal na Espiritu, hindi ba Siya maituturing na katangi-tangi sa ibang paraan? Ngunit ang Kanyang pagiging katangi-tangi ay hindi nangangahulugang Siya ay higit sa pangkaraniwan, maliban lamang na minahal Niya ang Diyos nang higit kaysa sa sinumang ibang bata. Kahit na Siya ay isang tao sa paningin, ang Kanyang diwa ay katangi-tangi pa rin at iba sa lahat. Ngunit pagkatapos lamang ng Kanyang bautismo, saka Niya naramdaman ang pagkilos ng Banal na Espiritu sa Kanya, naramdaman Niya na Siya ang Diyos Mismo. Nang narating lamang Niya ang gulang na 33, talagang naunawaan Niyang hinangad isagawa ng Banal na Espiritu sa Kanya ang gawain ng pagpapapako sa krus. Sa gulang na 32, nalaman Niya ang ilang mga katotohanang panloob, katulad ng mga nakasulat sa Ebanghelyo ni Mateo: “At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay. … Mula ng panahong yao’y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang siya’y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya’y patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw.” Hindi Niya alam antimano ang gawain na Kanyang isasagawa, ngunit sa isang tiyak na panahon. Hindi Niya ganap na nalaman nang Siya ay isinilang; unti-unting kumilos sa Kanya ang Banal na Espiritu, at mayroong paraan ng paggawa. Kung sa simula pa lang, nalaman Niyang Siya ay Diyos at Kristo, at ang nagkatawang-taong Anak ng tao, na kailangan Niyang isakatuparan ang gawain ng pagpapapako sa krus, sa gayon bakit hindi Siya gumawa dati pa? Bakit pagkatapos lamang Niyang sabihin sa Kanyang mga disipulo ang tungkol sa Kanyang ministeryo ay nakaramdam si Jesus ng kalungkutan, at taimtim na nanalangin para rito? Bakit nagbukas ng daan si Juan para sa Kanya at binautismuhan Siya bago Niya naunawaan ang maraming bagayna hindi Niya maunawaan? Pinatutunayan nito na ito ang gawain ng Diyos na naging-tao sa katawan, at upang Kanyang maunawaan, at makamit, mayroong proseso, dahil Siya ang Diyos na naging-tao sa katawan, na ang gawain ay iba mula sa mga direktang ginawa ng Banal na Espiritu.

Hun 1, 2018

Tagalog na Cristianong Papuring Kanta | Makabuluhan ang Buhay Natin

.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸
   Buhay nati'y makabuluhan. Buhay nati'y makabuluhan. Ngayo'y nakakatagpo natin ang Diyos, gawain Niya'y nararanasan. Nakilala Siya sa katawang-tao, praktikal at totoo. Nakita natin ang kahanga-hanga't nakakamanghang gawain Niya. Buhay nati'y laging makabuluhan. Pinagtitibay nating si Cristo ang katotohana't buhay! Niyayakap ang hiwaga ng buhay ng tao. Paa nati'y nasa pinakamaliwanag na landas tungo sa buhay. Di na naghahanap, maliwanag ang lahat. Mamahalin Ka namin nang walang pagsisisi, o Diyos. Katotohana'y nahanap, buhay na walang-hanggan ating makakamtan.Buhay nami'y makabuluhan, makabuluhan. Buhay nami'y makabuluhan, makabuluhan. 

May 22, 2018

Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos


.•*¨*•.¸¸♬ .•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*♡♡♡♡♡♡¨*•.¸¸♪.•*¨*•.¸¸ ♪.•*¨*•.¸¸♬.•*¨*•.¸¸♪
    I
    Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na.
    Hinanap ko'y estado at kasikatan.
    Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang.
    Sa dasal sambit dati'y magagandang salita,
    pero ang buhay ko ay hindi akma.
    Pananampalataya ko'y sa bukas ipinagbahala,
    katotohana't realidad sa akin ay wala.
    Pananampalataya'y kulong sa ritwal at patakaran;
    ako'y naiwang walang saysay.
    Bigong mabuhay at di karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos.
    Puso ay nagising ng Diyos ng pagsinta,
    nagsasabi sa'kin na mahalin ko rin Siya,
    Aking napagtanto nasaktan ko ang Kanyang puso,
    ngayo'y iisa lang ang nais ko Oh Diyos,
    ang mabuhay para sa'Yo.

May 19, 2018

Drama-musikal | Kuwento ni Xiaozhen (4) - Pagkabulok

.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸
  Naharap sa masamang mundo at malupit na katotohanan, sa kalungkutan, tinalikuran ni Xiaozhen ang kanyang integridad at nagpunyaging magbalatkayo. Mula sa sandaling iyon, naligaw na siya ng landas … 

Rekomendasyon:                                 ════ ♡♡♡ ♡♡♡ ════

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan


Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?




May 9, 2018

Kristiyanong Pelikula “Pananalig sa Diyos”


  Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay nagtipon. Doon, nangyari ang isang debate kila Zheng Xun at ng kanyang mga katrabaho kung ang isang mananampalataya sa Diyos ay dapat bang sundin o hindi yaong mga nasa kapangyarihan. Si Yu Congguang ay nagbahagi kaugnay sa isyung ito at iwinaksi ang kanilang pagkakalito. Lubos na nakatulong sa kanila ang pagbabahagi ni Yu Congguang, at nagsimula silang lahat na hanapin at pag-aralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Gayun pa man, nang malaman ni Elder Sun mula sa lokal na iglesia na si Yu Congguang ay isang saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ginawa niya ang lahat ng bagay na maaari niyang gawin para saraduhan ang iglesia at pigilan ang mga tagasunod mula sa paghahanap ng tunay na landas. Nagbahay-bahay si Sun na naghahanap kay Yu Congguang, at inutusan pa ang mga tagasunod na iulat si Yu sa mga pulis at arestuhin siya …

Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

May 5, 2018

Pelikula ng Ebanghelyo (Tagalog) | Ang Sandali ng Pagbabago



    Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gayunman, sa nagdaang mga taon, lubhang naging mapanglaw ang iglesia, naging negatibo at mahina ang lahat ng nananalig, nanlamig ang kanilang pananampalataya at pagmamahal. Ang ilang mga katrabaho ay sumusunod sa salita ng Panginoon: "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit." Pinagdududahan nila ang paniwala na "Pagdating ng Panginoon, agad Niyang babaguhin ang imahe ng tao at iaangat siya sa kaharian ng langit." Nadarama nila na dahil patuloy pa rin tayong nagkakasala, hindi pa rin natin natatamo ang kabanalan at sinusuway natin ang kalooban ng Diyos, tayo maiaangat sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon? Matapos makipag-usap at makipagtalo, nadarama ni Su Mingyue na, may ilang kontradiksyon sa pagitan ng salita ng Panginoon at ng ideya ni Pablo na agad babaguhin ang imahe ng tao pagdating ng Panginoon. Aling ideya ba naman ang tama? Problemado at nalilito ang puso ni Su Mingyue. Para makakita ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu upang lutasin ang kanyang praktikal na pagkalito, para hindi siya pabayaan ng Panginoon, nagpasiya si Su Mingyue na pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikipagtalo at pakikipag-usap sa mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa huli ay naunawaan ni Su Mingyue at ng iba ang tanging landas papasok sa kaharian ng langit … 

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos



Abr 24, 2018

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos




Mga Pagsasalaysay | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos


  Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang susi sa pagtalima sa Diyos ay ang pagpapahalaga sa bagong liwanag, at makayang tanggapin ito at maisagawa. Ito lamang ang tunay na pagtalima. … Ang hindi pagiging kuntento sa pamumuhay sa gitna ng mga biyaya ng Diyos, pagiging laging nauuhaw para sa katotohanan, at paghahanap para sa katotohanan, at paghahabol na maging pag-aari ng Diyos—ito ang ibig sabihin ng maingat na pagtalima sa Diyos: ito ang eksaktong uri ng pananampalatayang gusto ng Diyos."

Rekomendasyon:

Landas tungo sa pagmamahal sa Diyos

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Mar 18, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Tungkol sa Karanasan

buhay, Diyos, relihiyon, Landas, Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat


   Sa kabuuan ng mga karanasan ni Pedro, nakapagbata siya ng daan-daang mga pagsubok. Bagamat may kamalayan na ang mga tao ngayon sa terminong ‘pagsubok,’ hindi nila lahat nauunawaan ang tunay na kahulugan nito o mga pangyayari. Tinitimpla ng Diyos ang determinasyon ng tao, pinipino ang kanyang tiwala, at pineperpekto ang kanyang bawat bahagi, natatamo ito sa karamihan sa pamamagitan ng mga pagsubok. Ang mga pagsubok ay mga tagong gawain din ng Banal na Espiritu. Tila pinabayaan ng Diyos ang tao, at kaya ang tao, kung hindi magiging maingat, ay makikita ang mga ito bilang mga tukso ni Satanas. Sa katunayan, maraming mga pagsubok ang maituturing na mga tukso, at ito ang panuntunan at patakaran ng gawain ng Diyos. Kung ang tao ay tunay na nabubuhay sa harap ng Diyos, makikita niya ang mga iyon bilang mga pagsubok ng Diyos at hindi palalampasin ang mga iyon. Kung sasabihin ng isang tao na dahil sa ang Diyos ay nasa kanya tiyak na hindi siya lalapitan ni Satanas, hindi ito tama sa kabuuan. Paano maipaliliwanag na si Jesus ay humarap sa mga tukso pagkatapos Niyang mag-ayuno sa ilang sa loob ng apatnapung araw? Kaya kung tunay na itinama ng tao ang kanyang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos, makikita niya ang maraming mga bagay nang higit na mas malinaw at hindi magkakaroon ng pahilig at nakapanlilinlang na pagkaunawa. Kung ang isang tao ay totoong desidido na gawing perpekto ng Diyos, kinakailangan niyang lapitan ang mga bagay na hinaharap niya mula sa maraming magkakaibang mga anggulo, hindi nakahilig sa kanan o sa kaliwa. Kung wala kang taglay na kaalaman ukol sa gawain ng Diyos, hindi mo malalaman kung paano makikipagtulungan sa Diyos. Kung hindi mo nalalaman ang mga panuntunan ng gawain ng Diyos at walang kamalayan sa kung paano gumagawa si Satanas sa tao, hindi ka magkakaroon ng landas n pagsasagawa. Ang isang masigasig na paghahangad lamang ay hindi magtutulot sa iyo na makamit ang mga resulta ng mga hinihingi ng Diyos. Ang gayong paraan ng karanasan ay nakakatulad ng kay Lawrence, hindi inaalam ang pagkakaiba at nagtutuon lamang sa karanasan, lubos na walang kamalayan kung ano ang gawain ni Satanas, kung ano ang gawain ng Banal na Espiritu, kung ano ang nakakatulad ng tao na walang presensiya ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang gustong gawing perpekto ng Diyos. Kung paano umasal tungo sa iba’t-ibang mga tao, kung paano mauunawaan ang kalooban ng Diyos, kung paano malalaman ang disposisyon ng Diyos, at kung aling mga tao, aling mga pangyayari, at aling kapanahunan, ang habag ng Diyos, Kanyang kamahalan at pagkamakatwiran ay nakadirekta—hindi niya nakikita ang pagkakaiba ng mga ito. Kung ang tao ay walang maraming mga pananaw bilang kanyang saligan, isang saligan para sa kanyang mga karanasan, kung gayon ang buhay ay hindi na pinagtatalunan, lalong-lalo na ang karanasan; siya ay nananatili lamang na napasasakop sa lahat ng bagay na may-kamangmangan, pinagtitiisan ang lahat. Ang lahat ng gayong mga tao ay masyadong mahirap na gawing perpekto. Maaaring sabihin na ang hindi pagtataglay ng anumang mga pananaw na tinalakay sa itaas ay sapat na katibayan ng iyong pagiging isang hangal, nakakatulad sa isang haliging asin, palaging nakatayo sa Israel. Ang gayong mga tao ay walang kabuluhan, sila ay mga walang kuwenta! Ang ilang mga tao ay kailanman mala-bulag na nagpapasakop, palagi nilang nalalaman ang kanilang mga sarili at palaging ginagamit ang kanilang mga pamamaraan nang paggawi sa kanilang mga sarili kapag nakikitungo sa mga bagong bagay, o ginagamit ang “karunungan” upang makitungo sa mga maliliit na bagay na hindi na kailangang banggitin pa, yaon ay ang mga tao na walang pagkakilala, na parang likas nilang isinusuko ang kanilang mga sarili sa kahirapan, parehas lamang palagi, hindi nagbabago kailanman; ito ay isang hangal na walang pagkakilala o anuman. Hindi sila kailanman umaakma sa mga panukat sa mga pangyayari o sa iba’t-ibang mga tao. Ang gayong mga tao ay walang taglay na karanasan. Nakikita Ko na nakikilala ng ilang mga tao ang kanilang mga sarili sa isang partikular na punto na kapag nahaharap sa kanila na taglay ang gawain ng masamang espiritu iniyuyuko pa nila ang kanilang mga ulo at inaamin ang kasalanan, hindi nangangahas na manindigan at hatulan sila. Kapag naharap sa malinaw na gawain ng Banal na Espiritu, hindi rin sila nangangahas sumunod, alinman, naniniwala na ang masasamang espiritu ay nasa mga kamay din ng Diyos, at kahit kaunti ay hindi sila nangangahas upang tumindig sa paglaban. Ang mga ito ay mga tao na hindi taglay ang dignidad ng Diyos, at tiyak na hindi nila makakayanang tiisin ang mabibigat na pasanin para sa Diyos. Ang gayong nalilitong mga tao ay hindi nakakakita ng pagkakaiba. Ang paraan ng karanasang ito kung gayon ay dapat na iwanan sapagkat ito ay hindi katanggap-tanggap sa mga mata ng Diyos.

Mar 15, 2018

Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Espiritu, Langit, Landas, Diyos,Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat.


 Salita ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas


 
Hindi kailanman nahipo ng pag-uugali ng tao ang Aking puso, ni hindi Ko kailanman naisip bilang mahalaga. Sa mata ng tao, laging mahigpit ang pagtrato Ko sa kanya, at lagi Kong pinapatupad ang awtoridad sa kanya. Sa lahat ng mga gawain ng tao, babahagyang bagay lamang ang nagawa para sa Akin, halos walang anumang nakatayong matatag sa Aking harapan.

Mar 12, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t- dalawang Pagbigkas

Langit, panalangin, Landas, Diyos, Kidlat ng Silanganan - Mga Aklat.



Kidlat ng SilangananAng Kalooban ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t- dalawang Pagbigkas


    Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng mga tao, at dumarami, at lumilisan sa kadiliman. Tinitingnan ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay nalamon sa hamog, na ang tubig ay nagyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang madiskubre pa nila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng ambon. Dahil ang buong mundo ay nababalot ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, ninanais niya, tila, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano pangalagaan ang Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makagalaw kasama ng liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na hindi pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako tunay na minahal ng tao. Kapag pinupuri ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi ito nagdulot sa kanya na subukin Akong pasayahin. Payak na kanyang hinahawakan lamang ang istasyon na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagmamahal, sa halip patuloy niyang pinasasaya ang kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang istasyon. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari ba silang umiwas para sa kapakanan ng iyong istasyon? Kapag umagos ang tubig, maaari ba silang huminto sa harap ng iyong istasyon? Maaari bang ibaligtad ang langit at lupa ng iyong istasyon? Ako ay minsan nang naging maawain sa tao, nang paulit-ulit—ngunit walang taong nagmahal o nagpahalaga dito, nakinig lamang sila na para bang kuwento, o binasa ito na parang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kasangkapan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.