Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland
China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng
Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng
pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa
Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na
matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring
nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga
kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat
siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gayunman, sa
nagdaang mga taon, lubhang naging mapanglaw ang iglesia, naging negatibo
at mahina ang lahat ng nananalig, nanlamig ang kanilang pananampalataya
at pagmamahal. Ang ilang mga katrabaho ay sumusunod sa salita ng
Panginoon: "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay
papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking
Ama na nasa langit." Pinagdududahan nila ang paniwala na "Pagdating ng
Panginoon, agad Niyang babaguhin ang imahe ng tao at iaangat siya sa
kaharian ng langit." Nadarama nila na dahil patuloy pa rin tayong
nagkakasala, hindi pa rin natin natatamo ang kabanalan at sinusuway
natin ang kalooban ng Diyos, tayo maiaangat sa kaharian ng langit
pagdating ng Panginoon? Matapos makipag-usap at makipagtalo, nadarama ni
Su Mingyue na, may ilang kontradiksyon sa pagitan ng salita ng
Panginoon at ng ideya ni Pablo na agad babaguhin ang imahe ng tao
pagdating ng Panginoon. Aling ideya ba naman ang tama? Problemado at
nalilito ang puso ni Su Mingyue. Para makakita ng isang iglesia na may
gawain ng Banal na Espiritu upang lutasin ang kanyang praktikal na
pagkalito, para hindi siya pabayaan ng Panginoon, nagpasiya si Su
Mingyue na pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikipagtalo at
pakikipag-usap sa mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,
sa huli ay naunawaan ni Su Mingyue at ng iba ang tanging landas papasok
sa kaharian ng langit …
Rekomendasyon:
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos