Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 4/6) Ang Tunay na Layunin sa Likod ng Pagtanggi at Paghatol ng CCP kay Kristo
Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagpakita ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao bilang karaniwan, at normal na tao sa panlabas, ngunit dinala Niya ang landas ng pagsisisi, “Magsisi: sapagkat malapit na ang kaharian ng langit,” at ginawa ang gawain ng pagtubos sa tao sa pamamagitan ng pagpapako sa krus. Sapat na ito upang patunayan na ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao.
Tagalog Christian Movie | Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay - "Mga Palatandaan ng Pangalawang Pagbabalik ng Panginoong Jesus"
Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, ipinangaral Niya ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian sa lahat ng dako sa isang malawakang antas, at ito ay umalingawngaw sa buong relihiyosong mundo at sa bansang Judio.
Tagalog Christian Movie | Clip ng Pelikulang Awit ng Tagumpay - "Paano Makikilala ang mga Modernong Fariseo"
Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, siniraang-puri at hinatulan Siya ng pinuno ng relihiyosong mundo, at sa huli ay sumanib sila sa pamahalaang Romano upang ipako Siyasa krus.
Tagalog Christian Movie | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Talaga bang Hindi Nagbabago ang Pangalan ng Diyos?"
Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga mananampalataya na ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi maaaring magbago kailanman at na tanging sa pag-asa sa pangalan ng Panginoong Jesus tayo maaaring maligtas.
Isang mangangaral si Dong Jingxin sa isang bahay sambahan sa Tsina. Tatlumpung taon na siyang nananampalataya sa Panginoon, at minamahal ang katotohanan; madalas niyang binabasa ang mga salita ng Panginoon at hinihimok ng mga ito. Ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili para sa Panginoon nang may sigasig. Dahil sa kanyang gawain ng pangangaral, inaresto siya ng pulisya ng gobyerno ng Komunistang Tsino at ipinadala sa bilangguan kung saan naranasan niya ang kalupitan at pagpapahirap.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o nakamtan noong una. ... Hindi alintana kung paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang-hangganang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ay nagdulot sa kanya ng labis na kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ay nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ay tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at pagiging-mahigpit ay nagsanhing mahalin niyang tunay si Jesus, nagkaroon ng totoong paggalang at pananabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon."
Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng
kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa
pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa
masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na
ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila
at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba
Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang,
humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong
salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao
ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba.
Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang
nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa
Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan
pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng
isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang
nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita
na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na
iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay
nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng
dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay
hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay
ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa
isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang
ganoong pamamahala, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na
nagkatawang-tao ay nawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong
nilalang. Ang gawain ng Diyossa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo
ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang
tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang
matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi
maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na
esensya ng Diyos, iyon ay, Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang
pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao na nasa panlabas na anyo
ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng
Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang
isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at maaari lamang magawa ng tao ang
kanyang makakaya sa loob ng Kanyang sakop ng pamamahala at sa ilalim ng
Kanyang pangunguna."
Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyosay kapwa nagpapatotoo na si
"Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay." Bakit sinasabi na si
Cristo ay ang katotohanan, ang daan at ang buhay? At ang mga apostol na
iyon at mga dakilang espirituwal na mga tao na sumunod sa PanginoongJesusay nagsabi rin ng maraming bagay, mga bagay na kapaki-pakinabang
sa tao, kaya bakit ang mga ito ay hindi ang katotohanan, ang daan at ang
buhay? Paano natin dapat maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng
dalawang aspetong ito?
Sinabi
ng aking asawa sa mga kapatid kung ano ang sinabi ni Kapatid na Guan sa
amin nang siya ay nagpunta sa aming bahay, at tinanong ako ni Kapatid
na Zhang kung ano ang aking naramdaman tungkol sa buong bagay na ito.
Kaya sinabi ko sa mga kapatid ang tungkol sa kahinaan na aking
naramdaman at tungkol sa karunungan na aking nalaman. Ngumiti si Kapatid
na Zhang, habang sinasabing: Salamat sa Diyos! Ito ay isang
napakadalisay na pang-unawa, ito ay ang gabay ng Diyos!" Nagtataka na
nagtanong ang aking asawa, "Yamang hindi kami nakagawa ng anumang
pagkakamali, bakit sinasabi ng Kapatid na Guan ang mga bagay na iyon?
Siya ay isang pangunahing pinuno na naniwala sa Panginoon sa loob ng
ilang tao!" Tumingin ako sa aking asawa at sinabing: "Gusto niya lang
tayong bumalik sa ating dating simbahan!" Ngumiti si Kapatid na Zhang,
habang sinasabing: "Ngayon ang tanging nakikita lang natin ay ang
kanilang panlabas na anyo, ngunit hindi pa tayo tumingin sa diwa ng
kanilang kalikasan! Isang beses na sinabi ng Panginoong Jesus: "Datapuwa't
sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't
sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka't
kayo'y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong
bayaang mangakapasok" (Mateo 23:13). " Sa aba ninyo,
mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't tulad kayo sa
mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa
loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na
karumaldumal" (Mateo 23:27). Kung ikaw ay titingin sa isang tao
sa kanilang panlabas na anyo, kung gayon ay napakatapat ng mga Fariseo
sa kanilang paglilingkod sa Diyos. Sa isip ng mga tao, ang mga Fariseo
ay mga taos-pusong tagapaglingkod sa Diyos, at sila ang mga
pinaka-mapagkakatiwalaan sa mga relihiyosong pinuno. Ngunit nang
dumating ang Panginoong Jesus upang isagawa ang Kanyang mga gawain, ang
likas na hindi pagsunod ng Fariseo at nailantad. Ang mga Fariseong ito
ang galit na galit na lumaban at humusga sa mga gawain ng Panginoong
Jesus. Sila'y gumawa lahat ng uri ng bulung-bulungan at nagbintang upang
linlangin ang mga karaniwang tao: Sinabi nila na nililinlang ng
Panginoong Jesus and lahat ng nasa ilalim ng langit, na Siya ay
nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng Beezlebub, ang prinsipe ng
mga demonyo. At nang muling nabuhay ang Panginoong Jesus tatlong araw
pagkatapos Niyang ipako sa krus, sinuhulan nila ang mga sundalo upang
ikalat ang mga bulung-bulungan tungkol sa pagnanakaw ng mga disipulo sa
katawan ng Panginoong Jesus. Gumawa ang mga Fariseo ng lahat ng uri ng
mga kasinungalingan at ginamit ang lahat ng mga pandaraya na mayroon
sila upang pigilan ang mga tao mula sa paghahanap at pagsisiyasat sa
tunay na daan. Ang kanilang layunin ay ang sugpuin ang gawain ng Diyos
upang mas maging makapangyarihan sa mga piniling tao ng Diyos habang
buhay. Kahit na mukha silang tapat sa panlabas, ang totoo sila ay galit
sa katotohanan at mga anticristo na tumayong mga kaaway ng Diyos.
Katulad ito ng sinabi ng Panginoong Jesus nang inilantad at hinatulan
niya ang mga ito: "Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong,
paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?" (Mateo 23:33).
Kaya ngayon isipin ang tungkol dito. Naiiba ba ang mga relihiyosong
pinuno ng kasalukuyan mula sa mga Fariseo?" Habang iniisip ko ito,
nahanap ng mga kapatid ang isang sipi ng salita ng Makapangyarihang
Diyos upang aking basahin: “Yaong mga nagbabasa ng Biblia@sa mga
engrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay
hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang
kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaayon sa puso
ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang
tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwagayway nila
ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit
tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila
yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng mga
taong iyon ay demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga diyablong
sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at
katitisuran sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may
‘matipunong laman’, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay
anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila
malalaman na sila ay demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng
kaluluwang lalamunin?” (“Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay
Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao). Binigyan ako ng mga kapatid ng detalyadong pagbabahagi
batay sa mga salita ng Diyos na ito, sinusuri and lahat ng mga kilos ng
mga relihiyosong pinuno kasama ang diwa ng kanilang kalikasan, hanggang
sa wakas ay aking napagtanto na sa pamamagitan ng paulit-ulit na
paggambala at paghadlang sa amin mula sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos at maging ang pagbabanta at pagsasapanganib sa amin, ang mga
pinuno ay hindi upang protektahan kami, sa halip, ginawa nila ito upang
itaas ang kanilang kapangyarihan sa ibabaw ng mga napiling tao ng Diyos,
nang sa gayon ay tratuhin namin na parang Diyos, sinasamba at
dinadambana sila. Kaya sa katunayan, katulad din sila ng mga Fariseo.
Silang lahat ay mga anticristo na galit sa katotohanan at nilalabanan
ang Diyos. Dumating ang Diyos upang tayo ay iligtas, ngunit iniisip nila
ang bawat posibleng paraan upang pigilan tayo mula sa pagtanggap sa
gawain ng Diyos at pigilan tayo mula sa pagbabasa ng mga salita ng
Diyos. Hindi ba't kapareho ito ng paghila nila sa atin pababa sa
impyerno? Lubos na masasama ang kanilang hangarin! Kung hindi dahil sa
mga salita ng Diyos na naglalantad ng diwa kung paano nilalabanan ng mga
taong ito ang Diyos at nakikipag-away sa Diyos para sa tao, muntik na
akong maniwala sa kanilang mga pandaraya, sinisira ang sarili kong
pagkakataon na makatanggap ng kaligtasan. Sa oras na ito, namamanghang
sinabi ng aking asawa: "Lumitaw nga na narito sila upang tayo ay
mapinsala! Humph! Talagang hindi titigil ang mga taong ito hanggang sa
mahila nila tayo pababa sa impyerno! Hindi na ako maniniwala pa sa
kanilang mga sinasabi."
Ang
kapatid na babae ay patuloy na nagsalita: “Ang salita ng
Makapangyarihang Diyos ay nabuksan na ang misteryo ng ‘pagiging ligtas’
at ‘pagtamo ng ganap na kaligtasan,’ kaya tingnan natin ang salita ng
Makapangyarihang Diyos at tingnan kung ano ang masasabi Niya tungkol
dito. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagsasabing: “Sa panahong
iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga
kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw
ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay
naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan
sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at
mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala,
mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at
mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi
nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang
tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga
kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan
pa” (“Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Hou Xiangke
(Hepe ng Public Security Bureau): Talagang imposible para sa inyo na
maniwala sa Diyos at ipangaral ang ebanghelyo sa isang bansang
pinamumunuan ng Partido Komunistang Tsino.Tinatapos ang sinumang
nagpipilit na maniwala sa Diyos at magpalaganap ng ebanghelyo.Alam mo ba
kung ilang Kristiyano ang nagdusa sa kalunus-lunos na kamatayan sa
bilangguan?Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang pinatay at sinira ang
kanilang mga pamilya?Walang makakalaban sa kapangyarihan ng Partido
Komunista!Kung ipipilit mo ang paniniwala sa Diyos at pagpapalaganap ng
ebanghelyo,ang kapalaran mo ay pagkabilanggo at kamatayan!Nakikita mo ba
nang malinaw ang kahinatnang ito?
Sa paglipas ng mga siglo simula nang mabuhay na muli ang Panginoong
Jesus at umakyat sa langit, tayong mga mananampalataya ay sabik na
umaasam sa pagbabalik ni Jesus na Tagapagligtas. Karamihan sa mga tao ay
naniniwala na ang espirituwal na katawan ng nabuhay na muling Jesus ang
magpapakita sa atin kapag nagbalik ang Panginoon. Ngunit bakit
nagpakita ang Diyos sa tao na nagkakatawang-tao bilang Anak ng tao sa
mga huling araw? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kung ang Diyos ay
hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi
nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng
laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang
mundo at magkaiba sa kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa
taong laman, at walang mga relasyong maaaring maitatag sa pag-itan
nila...." "Tanging sa pamamagitan ng pagiging laman magagawa Niyang
personal na ihatid ang Kanyang mga salita sa mga pandinig ng lahat upang
ang lahat ng may mga pandinig ay maaaring makarinig ng Kanyang mga
salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng
salita. Gayon lamang ang resulta na nakamit sa pamamagitan ng Kanyang
salita ..." (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).
IDiyos muling dumating ngayon sa mundo
upang gawain N’ya’y gawin.
Unang hinto ng gawain N’ya’y
engrandeng pagtitipon ng mga diktador:
Tsina—ang matatag na balwarte,
ang balwarte ng ateismo.
Sa karunungan N’ya’t kapangyarihan,
Diyos nakamit na isang pangkat ng mga tao.
Sa kasalukuyan,
tinutugis Siya ng namumunong partido ng Tsina
sa bawat paraan.
Nagdurusa S’ya nang matindi,
walang mapahingahan o masilungan.
Gayunman,
Diyos patuloy pa rin sa gawaing dapat N’yang gawin,
sa gawaing dapat N’yang gawin: binibigkas tinig N’ya,
ebanghelyo’y pinalalaganap.
Trailer ng Dokumentaryong "Ang Mayhawak ng Kataas-taasang Kapangyarihan sa Lahat" | Paglalabas ng Kautusan
Ang mga utos at kautusang inilabas ng Diyos na si Jehova sa mga Israelita ay hindi lang nagkaroon ng malaking epekto sa batas ng tao, kundi gumanap din ng mahalagang papel sa pagtatatag at pagbubuo ng moral na sibilisasyon at mga demokratikong institusyon sa mga lipunan ng tao. Malapit nang ihayag ng Kristiyanong dokumentaryong musikal—Ang Isang Naghahari sa Lahat—ang makasaysayang katotohanan!
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nakikita ng Diyos ang halimbawang ito
sa pamamahala ng sangkatauhan, sa pagliligtas sa mga tao, bilang higit
na mahalaga kaysa anupaman. Ginagawa Niya ang mga bagay na ito hindi
lamang sa Kanyang isip, o hindi lamang sa Kanyang mga salita, at sadyang
hindi Niya isinasagawa ito nang basta-basta—ginagawa Niya ang lahat ng
mga bagay na ito ayon sa isang plano, ayon sa isang layunin, ayon sa mga
panuntunan, at ayon sa Kanyang kalooban. Maliwanag na ang gawaing ito
na mailigtas ang mga tao ay nagtataglay ng malaking kahalagahan kapwa sa
Diyos at sa tao. Kahit na gaano kahirap ang gawain, gaano man kalaki
ang mga hadlang, gaano man kahihina ang mga tao, o gaano man kalalim ang
suwail ng tao, wala sa mga ito ang mahirap para sa Diyos.
Pinananatiling abala ng Diyos ang Sarili Niya, ginugugol ang Kanyang
maingat na pagsisikap at pinamamahalaan ang gawain na Siya Mismo ay
gustong ipatupad. Isinasaayos din Niya ang lahat, at pinamamahalaan ang
lahat ng mga tao at ang gawain na nais Niyang makumpleto—wala sa mga ito
ang ginawa noong una. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang
mga pamamaraang ito at nagbayad ng isang malaking halaga para sa
proyektong ito sa pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Habang
ipinatutupad ng Diyos ang gawaing ito, unti-unti Niyang ipinahahayag sa
mga tao nang walang pag-aatubili ang Kanyang mahirap na gawain, kung ano
ang mayroon at kung ano Siya, ang Kanyang karunungan at pagiging
makapangyarihan, at ang bawat aspeto ng Kanyang disposisyon. Walang
pasubali Niyang ibinubunyag ang lahat ng ito sa sangkatauhan nang
paunti-unti, ibinubunyag at ipinapahayag ang mga bagay na ito sa paraang
hindi Niya kailanman ginawa noong una."