Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Hun 19, 2018

Pelikulang Kristiano | Bakit Inimbento ng Chinese Communist Party ang Pangyayari sa Zhaoyuan noong 5/28?



Pelikulang Kristiano | Bakit Inimbento ng Chinese Communist Party ang Pangyayari sa Zhaoyuan noong 5/28?

   Ma Jinlong (Kapitan ng National Security Team): Sa totoo lang, Han Lu. Hindi ito dahil hindi namin naiintindihan ang mga naniniwala sa Diyos. May mga kaibigan ako'ng mananampalataya. Alam kong ang mga naniniwala sa Diyos ay mabubuting tao na hindi gumagawa ng masasamang bagay. Kaya lang bakit gusto kayong hulihin ng Partido Komunista? Iyon ay dahil mabilis na lumalago Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at mas lumalaganap ang epekto nito. Patuloy niyo pa ring ipinalalaganap ang salita ng Makapangyarihang Diyos, ikinabibigla 'yon ng religious community. Posible ba na hindi kayo sugpuin at paghigpitan ng Partido Komunista? Alam mo ba kung ano ang tungkol sa "Kaso ng Mayo 28 Shandong Zhaoyuan"? Hudyat ito ng Partido Komunista sa buong mundo na gustong ipagbawal at wasakin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isinisigaw nito ang slogan na "hindi aalis ang mga pulis hangga't hindi natatapos ang ban. Ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita nito na ang sentral na pamumuno ay nagpasya na ganap na ipagbawal at alisin lahat ng sekretong iglesia. lalo na ang inyong Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos ang pampublikong paglilitis ng kaso ng Shandong Zhaoyuan, kahit maraming tao pa rin ang nagtatanong sa kaso ng Shandong Zhaoyuan, sinasabi na ang kasong ito ay malamang na isang kasinungalingang sadyang ginawa ng Partido Komunista para mabitag at dungisan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayunman, dininig ang kasong ito sa publiko ng hukuman. Gumawa rin ng kasunod na ulat sa kaso ang media ng pagbabalita. Kahit na gaano pa ninyo pagdudahan at itanggi ang May 28 Shandong Zhaoyan case, wala itong silbi. Kung masasabi at magagawa iyon ng Partido Komunista, Auntiek na maraming tao ang maniniwala rito. Kahit na hindi positibong bagay ang kasinungalingan at karahasan, epektibo ang mga ito. Hindi ba't ito ang lahat?

  Han Lu (Isang Kristiyano): Captain Ma, maloloko lamang ng kaso ng Shandong Zhaoyuan ang mga tao sa maikling panahon. Hindi nagtatagal ang mga kasinungalingan. Mabubunyag at mabubunyag ang katotohanan. Kapag sinusugpo ng CCP ang mga paniniwala sa relihiyon, sinusugpo ang mga etnikong minorya, sinusugpo ang mga estudyante sa unibersidad, lagi muna itong bumubuo ng ilang hindi makatarungang kaso. Ito ang mga batayan ng pampublikong palagay na dinisenyo upang makamit ang mithiin nito. Sinong hindi nakakaalam na ganap na kontrolado ng Partido Komunistang Tsino ang mga hukuman at media ng China? Wala talagang sariling pagpapasya. Ang hukuman ng Chinese Communist Party amg pambansang makinarya ng Partido Komunista para mapanatili ang diktadura. Ang media ng pagbabalita ang tagapagsalita at instrumento ng Chinese Communit Party, ang mga tagapagbalita na gumagawa ng kasinungalingan para sa Partido Komunistang Tsino upang lituhin ang mga tao at linlangin ang mundo. Isa itong katotohanang kinilala ng publiko. Ang kaso ng Mayo 28 Shandong Zhaoyuan ay napuno ng mga pagdududa. Noong dinidinig ng hukuman ang kaso ng Shandong Zhaoyuan, sinabi ng mga may kasalanan sa hukuman, "Si Zhang Fan at ako lamang ang mga tagapagsalita para sa tunay na 'Makapangyarihang Diyos'. Ang pinipigilan ng estado ay ang 'Makapangyarihang Diyos' na pinaniniwalaan ni Zhao Weishan, hindi ang 'Makapangyarihang Diyos' na pinaniniwalaan namin." "Hindi ako kailanman nagkaroon ng ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Paulit-ulit nilang sinabi na hindi sila mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang nakakapagtataka ay nang hindi rin pansinin ng Chinese Communist Judge ang pahayag ng mga nasasakdal. at may buong pananaw na nagpasya na ang lahat ng nasasakdal ay miyembroga tao ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Pinasama ng Chinese Communist Court ang mga katotohanan, idiniin at dinungisan ang Iglesia, at binalewala ang mga katotohanan at ang batas sa pamamagitan ng pagbibintang sa kaso ng pagpatay na ito sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ginamit din ng Chinese Communist Government ang media upang iulat nang hayagan at laganap ang kaso. Makikita ng mga marunong kumilatis na ang kaso ay pakana lang ng CCP. Ano ang layunin ng CCP sa paggawa nito? Makikita ng matatalinong tao na ito pinagsasama-samang opinyon lang ng publiko para sugpuin at usigin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

   Chen Jun (Deputy Captain ng National Security Team): Kahit hindi totoo ang kaso ng Shandong Zhaoyan, ano naman? Para sugpuin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pinagana ng Partido Komunistang Tsino ang lahat ng makina ng propaganda, mangalap ng mga opinyon ng publiko at kumuha ng ilang resulta. Mayroong megaphone ang CCP. Lahat ng media, mga istasyon ng Radyo at diyaryo ay mga kasangakapan ng Partido Komunista. Kahit nasa tama kayo, wala kayong lugar para sabihin ito. Mayroong kasabihan ang Partido Komnista "Magiging katotohanan ang kasinungalingan kung inulit ito nang sampung libong beses." Sinasabi mo ba'ng hindi mo alam 'yon? Pinamumunuan ng Communist Party ang mga Chinese sa pamamagitan ng mga kasinungalingan at rebolusyong karahasan. Isa itong pampulitikang pangangailangan. Gaya ng sinabi ni Chairman Mao, "Hindi ito isang pagsasabwatan, isa itong bukas na sabwatan." Ano ang mga kasinungalingan at panlilinlang? "Walang masamang paraan kung maganda ang kalalabasan" ang prinsipyo at estilo ng Partido Komunista. Naiintindihan mo?

  Han Lu: Sa palagay ba ninyo ay kaya ninyong lituhin at linlangin sa kasinungalingan ang mga Chinese at ang mundo? Sa tingin ko hindi. Puwedeng lituhin at linlangin ng mga kasinungalingan ang tao pansamantala, pero hindi pangmatagalan.. Sa bandang huli, lalabas din ang katotohanan. Sa akin, ang kasabihang "magiging katotohanan ang kasinungalingan kung inulit ito nang sampung libong beses" ay hindi kapani-paniwala. Hindi ko mahanap ang katotohanan ng kasinungalingan na nagiging katotohanan matapos itong ulitin nang sampung libong beses. Mabubunyag ang mga kasinungalingan at mawawala. Hindi ito makatatayo ng matatag kailanman. Ang mga kilos at gawain ng Partido Komunista ay ganap na kinumpirma ang mga salita ng Biblia: "Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito" (Juan 8: 44) Ang demonyo ang ama ng mga sinungaling. Demonyo lang ang walang taros na magsisinungaling at manlilinlang …
mula sa script ng pelikulang Katamisan sa Kahirapan

Ang pinagmulan:Bakit Inimbento ng Chinese Communist Party ang Pangyayari sa Zhaoyuan noong 5/28?

Rekomendasyon:

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan