✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄✿
“Bata! Alam mo ba’ng ang Partido Komunista ay ateista at tutol sa
paniniwala sa Diyos? Sa China, Ano’ng Diyos ang naroon para sa iyo para
paniwalaan mo? Nasaan ba ang Diyos mo?” “Huwag mo’ng ipalagay na dahil
bata ka, magiging maluwag kami sa iyo! Kung patuloy ka’ng maniniwala sa
Diyos, mamatay ka agad! “ Hawak ang mga de-kuryenteng pamalo, sinugod ng
mga pulis ng Komunistang Tsino ang binatilyo na puno ng mga pasa.
Ang pangalan ng binatilyo ay Gao Liang at labimpitong taong gulang lang
siya nuong taong iyon. Pauwi siya ng bahay niya mula sa pagpapakalat ng
ebanghelyo kasama ang nakatatanda niyang kapatid nuong inaresto siya ng
mga pulis ng Komunistang Tsino. Hindi siya binigyan ng mga pulis ng
kahit na ano’ng makakain at hindi rin siya hinayaang matulog ng tatlong
araw at tatlong gabi. Tinanong siya, pinilit siyang pinaamin at
isinailalim siya sa malupit na tortyur. Ginamit nila ang mga
de-kuryenteng pamalo para sindakin siya, kinuryente nila ang baba, at
ang kanyang ari. Sinubukan nilang puwersahin siya para ipagkanulo ang
Diyos at ibigay sa kanila ang mga impormasyon tungkol sa mga pinuno ng
simbahan at sa pinagkukunan ng pondo ng iglesya sa pamamagitan ng
panggigipit sa kanya. Kasama na rito ang pagbabantang pag-aresto sa mga
magulang niya at ang utusan ang eskuwelahan niya na patalsikin siya.
Dahil sa pagkabigong maisakatuparan ang layunin nila, sinentensyahan
siya ng Pamahalaang Komunista ng Tsino ng isang taon ng pagbabalik-aral
sa pamamagitan ng mabigat na paggawa. Sa loob ng bilangguan, , hindi
lang hirap sa sobrang paggawa ang tiniis ni Gao Liang, ipinapahiya rin
siya at sinasaktan. Sa loob ng kulungan, naranasan niya ang tinatawag na
impiyerno sa lupa. Habang nagdurusa siya sa pagkakakulong niya,
nagdasal si Gao Liang at nanalig sa Diyos. Naliwanagan siya ng mga
salita ng Makapangyarihang Diyos upang maunawaan niya ang layunin ng
Diyos. Binigyan siya nito ng pananampalataya at lakas at ginabayan siya
nang sa ganoon ay malampasan niya ang isang taon sa loob ng bilangguan.
Ang pag-uusig at pag-aresto ng Pamalaang Komunista ng Tsino ay nakaukit
na sa puso ni Gao Liang. Malinaw niyang nakikita at labis niyang
naranasan ang masamang kakanyahan ng Pamahalaang Komunista ng Tsino at
ang pagsalungat nito sa Diyos. Sa mundong ito kung saan ang
kapangyarihan ni Satanas ang nangingibabaw, tanging Diyos lang ang
nagmamahal sa tao. Tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao. Ang
pananampalataya at kagustuhan niyang sundin ang Diyos ay lalong naging
matatag. Sinabi ni Gao Liang na ang mga pagsubok at paghihirap ay mga
mahahalagang kayamanan para sa paglago at pag-unlad ng buhay niya. Isa
iyong espesyal na regalo na ibinigay sa kanya ng Diyos para sa
ika-labimpitong kaarawan niya.
Rekomendasyon:🌷🌸🌼💓♥ 🌷🌸🌼
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos